Chapter 44 King and Queen of the night.

Tumayo si Kenneth at kinuha ang kamay ni Bernadette para magsayaw. Si Carl kinuha ang asawa, ganun din si Andrea at ang asawa.

“May i dance with you” sabi ni Bernard kay Charlotte. Sa pagkakataong eto ay pinaunlakan ni Charlotte ang imbitasyon ni Bernard, tutal may mga edad na sila at tapos na ang ligawan blues at busted nung panahon ng high school.

Nagsayaw din si Christine at ang partner nito naa dating varsity player ng basketball. Ganun din si Verna, inalok sumayaw ng isang kaklase dati. Panay kuha ng pictures ni Belinda sa grupo ng ate nya, lahat ng anggulo na pede nyang gawin ginawa nya. Si Chris naman ay may kausap sa telepono, naulinigan ni Belinda na paparating na din ang ibang guest at tuwang tuwa siya, sa isip nya sino kaya ang surprise guest na darating. Nilabas nya ang ballpen nya at magpapa autograph sya.

Nagsaliw ng modern music at nagyayang umupo na si Bernadette, sumunod si Charlotte, ayaw nya ng modern dance, ayaw nya ng magaslaw na sayaw. Naiwan si Verna, andrea at Christine, maging ang mag asawang Carl ay umupo na din.

“Ate, tingnan mo si Ate Andrea at si Dr, ang galing sumayaw.” sabi ni Belinda. Ngumiti lang ang ate nya. Tahimik lang sya napansin ni Kenneth.

“Sayaw tayo!” may isang binata na di kabatch ‘96 ang nag alok kay Belinda para sumayaw at pinaunlakan naman nya eto ng tumango ang ate nya.

“Musta ka na gurl, tagal mong di nagpakita sa amin. Miss ka na namin sobra.” sabi ni Charlotte.

“Ok lang naman ako, pagkatapos ko ng kolehiyo kasi napasok ako ng kumbento, katulong ako ng mga madre magserve sa community.”

“Balita nga namin, bago magpasko nung umalis ang pamilya nila Kenneth pinuntahan namin ang dating tinitirhan nyo para yayain ka sa christmas party, binenta nyo na daw ang bahay sabi ng kapitbahay, biglaan daw.”

“Oo kasi nalipat si Papa ng work.” yun lang ang binanggit ni Bernadette.

“persistent talaga si Ken na mahagilap ka!” Sabi ni Carl, na nakihalubilo sa table nya, ang asawa naman nya ay nasa table din ng mgaka batch mate nya.

“Oo nga, ilang araw ka na nyang tinatanong sa amin simula ng dumating yan ng Pinas.”

Patuloy sa pagsayaw ang mga guest , patuloy din sa pag judge ang mga guro. Tinawag ni Menchie si Carl at sinabing nakapili na daw ang mga teacher ng king and queen.

“Good evening ladies and Gentlemen! First and foremost, we would like to thank you all for this wonderful event.” palakpakan ang tao. “Sana sa Golden anniversary homecoming ng Batch 1996 ay mga buhay pa ang inyong butihing mga guro.” sabi ni Maam Ramos.

Umaatikabong palapakan at sigawan ang pumuno ng venue. Inannouce na ni Maam Rowena ang winner.

“Ang napili namin na King and Queen of the night ay si...... Mr. Marlon Echevarria at Ms. Sunshine dela Torre.” Palakpakan ang lahat. Nilagyan nila ng sash ang mga winner at inabutan ng sobre. Tuwang tuwa naman ang lahat dahil deserving ng mga nanalo ang title na king and queen. Tumugtog ang musika at nagsayaw ang winner.

“Palakpakan po natin ang winner, Thank you!”

Tumayo si Chris sa gitna at tinawag ang next ng guests. Ng pumasok sa entrance ang special guest sabay saliw ng musika ay palkapakan ang mga girls.

“The Manouvers” sigaw ni Chris.

Nag reminisce ang iba sa mga sayaw ng ‘the manouvers’ tulad ng dati ang gagaling pa din sumayaw kahit halos kasing edad na nila ang mga eto. May ilang mga kalalakihan na kinuha ng grupo para makisali sa dance move nila, may ilang kababaihan din na di nagpatalo kahit pa naksuot sila ng gown at tinanggal ang mag heels, tuwang tuwa ang mga guro nila.

Natapos ang performance ng grupo ng may inannounce uli si Chris.

“Hindi pa po tayo tapos , maaga pa po ang gabi, relax lang po at enjoy. Music DJ.!

Umalingawngaw na naman ang nakakaindak na musika. Tayuan na naman ang mga bisita.

May hinanda pang pa raffle ang Organizer kada intermission ay pinamimigay nila. Mag aalas onse na ng dumating ang special guest ni Chris. Pumunta sya sa mini stage at kinuha ang microphone.

“Dumating na po ang special guest natin.” Tayuan ang lahat, excited kung sino ang kinumbida na special guests.

“Guest please welcome Vice Ganda!”

Sigawan at palakpakan na muli ang lahat, kilala naman nila lahat si Vice.

“Grabe talaga!” sabi ng nasa table 6. “Buti di pa kami umuwi.”

“Happy Valentines Day po sa inyong lahat!” sabi ni Vice Ganda. Si Vice ang nag abot ng mga Plaque of Appreciation sa mga teachers, at bawat labi ngmga teachers ay ngiti. Sa television lang nila nakikita si Vice kaya ng personal silang inabutan niyakap nila si Vice sa tuwa. Napakabait ni Vice Ganda sa mga matatanda. Kuhanan ng kuhanan ng pictures at paunlak naman si Vice. Kada tabale ay binisita nya at nag pa picture, akala mo sa kasal lang nangyayari ang ganun. Humingi ng paumanhin si Vice Ganda na di siya makaperform kasi galing sya sa 2 nyang event na nauna dito.

Eksakto alas dose ng gabi natapos ang grand homecoming, masaya ang lahat na umuwi, lahat may bulaklak at bitbit na mga souvenirs. Nagpaalaman na ang magnificent 8. Enjoy na enjoy ang lahat.