Chapter 43 the grand event.... the homecoming

Nagsisimula na ang gabi, ang grand homecoming ng Class 1996. Napaka garbo ng stage na ginawa nila, ang sound system napakalakas. Isa isang nagsipasukan ang mga tao, may single lang at meron iba kasama ang pamilya. Nag gagandahan at nagkikinangan ang mga suot nila, pinaghandaan nila ang reunion, double event na din kasi ang araw na eto, natapat sa Valentine’s Day. Lahat ng dumalo ay naka formal na kasuotan, napaka regal ng mga babae at ang mga lalaki parang mga prinsipe sa kasuotan nila.

May mga usher din na naka assigned para sa seating arrangement, habang nagserve ang waiter ng mga inumin at may mga nuts sa bawat table bilang starter.

Maaga pa lang ay nasa entrance na sina Carl sa magarang suot na Navy blue coat and tie, si Menchie , silver gray na strapless gown, Andrei naka white suit and pants at si evelyn silky red na gown. Sila ang mga sumasalubong sa mga ka batch mates, lahat nakangiti at lahat masaya. Kamayan ng kamayan at palitan ng mga yakap at halik, parang lahat magkakapatid.

Sabay na dumating si Charlotte at Verna, napatingin ang lahat, napakaganda kasi ni Charlotte ng gabing iyun sa kasuotan nyan Gold na gown na may mahabang slit sa hita, para syang artista, nag pa blonde hair sya at ang make up nya ay tamang tama lang, nagmukha syang 25 years old sabi ng iba. Si Verna ay naka red gown na simple lang at naka pusod ang buhok na may gold na payneta. Maya maya dumating ang kambal, nakapink na gown si Christine at pink na suit si Chris, pitis at tila kinulang sa tela ang pants katulad ng suot ni John Lloyd Cruz. Kasunod nila kambal ay ang pagpasok naman ng mag asawang Dr. Andrea at Dr. Gerry, napakaganda ni Bulinggit sa Skin tone na gown at si Dr. Gerry sa dark blue na suit. Magkaka table silang lahat, hindi kasama sa table si Carl dahil sya ang organizer. Sampung tao sa bawat table ang arrangement. Bakante pa ang 3 upuan nila .

“Good evening everyone! Musta na po ang Class 1996 ng Rizal High School! Silver homecoming. Happy Valentine’s day na din po sa ating lahat” bati ni Allan K sa mga dumalo. Nagsimula na ang event marami pang dumadating. Panay serve naman ng inumin at pagkain ang mga waiter.

“Good evening, Allan K! Happy Valentine’s Day din” sigaw ng marami at umaatikabong palakpakan.

“Ang guguwapo at guguwapa naman ng mga tao dito. Mga artistathin pwede na pang bida at kontrabida hehehe. Joke lang po! Enjoy the evening at marami pong tayong bisita ngayong gabi. Andyan po si Morisette at si Christian po, at may surprise guests po tayo abangan lang po. Enjoy the food.!” hudyat ni Allan k.

Biglang may umusok sa isang room na binuksan at lumabas ang mga dancing waiters at chefs, amoy na amoy po ang sarap ng mga pagkaing inihanda.

Nagsimula ng magpakain, buffet style, ang daming courses ng food, may mga table para sa international cuisine, may chinese, seafood, ibat ibang tinapay at cheese, sweets at ice cream, mga maliit na cakes at cupcakes, may 3 klase ng soup, cream of mushroom, soup, vegetable soup at chinese seafood soup, may japanese food , may barbeque at sari saring pasta, may pizza, napakaraming pagpipilian, siyang siya ang mga bisita. Inuulit ulit ng mga waiters at chef na pwede silang bumalik.

Marami pa ding dumadating na mga guests, nagdatingan na rin ang mga invited na teachers at nagsitayuan ang lahat. Kumaway ang mga teachers at umupa na sa kanilang table. Lumapit si Carl.

“Good evening po.”

“Carl, thank you, napaka engrande naman ng gabing eto!”sabi ni Maam Ramos na after 25 years ay halos puti na ang buhok pero bakas pa rin ang kabataan sa mukha.

“Thank you din po sa pagdalo, isang karangalan po ng batch 1996.! Tayo na po, kain napo tayo.”

Tumayo ang mga teachers at binigyan ng pinggan ng mga waiter .

Marami pang dumadating na tao kasama ang pamilya marahil galing pa sila sa simbahan saka dumirecho sa event. Lahat ng dumadating ay namamangha sa grandeng event na hinanda ng mga organizer, maayos at organisado, pagpasok mo pa lang may sasalubong na magbibigay ng bulaklak at opening drinks, sa magkabilang sulok may table ng mga souvenirs.

Habang kumakain pa ang iba ay nagsimula na muli si Allan K sa pagpapatawa at pagtawag sa mga ilang bisita na ikinatutuwa ng lahat.

Nagulat ang grupo ng dumating si Kenneth kasama si Bernadette at kapatid nitong si Belinda, kitang kita sa mukha ni Belinda ang kagalakan. Sinalubong sila ni Carl at dinala sa may table ng grupo. Napakaganda din ni Bernadette, ng gabing yung, nakaviolet sya na gown na may manipis na gold belt, nagningning ang kanyang kagandahan sa gabing yun, si Kenneth naman ay naka dark blue na suit, eleganteng elegante palibhasa maganda ang built ng katawan.

“Sister, long time no see, san ka nagtago!”biro ni Charlotte.

“May pamilya ka na ba, mukhang dalagang dalaga ka pa.” saad ni Christine.

“San ka nagwowork ngayon, san kayo nakatira.”

Maraming tanong at puro ngiti lang ang sinagot ni Bernadette.

“Ladies and Gentlemen, lets welcome Morisette.” Sabi ni Allan K.

“Good evening po! Happy Valentine’s Day po. Thank you very much po sa pag invite sa grande event na eto, sana pag nag reunion din ang klase namin ganito din o mas pa. Grabe ang ganda at ang galing ng nag organisa.” masayang sabi ni Morisette bilang pagbigay pugay.

Palakpakan ang mga tao. Nagsimula ng kumanta si Morisette ng isang lovesong, sinundan ng makabagong kanta at isang love song pa uli. Palakpakan ang lahat. Tuwang tuwa at kitang kita mo sa mukha ng lahat ang kagalakan.

“Parang nasa mini concert tayo.” sabi ng ilang umattend.

“May mga surprise guests pa , magkano kaya ang bayad sa mga yan, grabe sina Carl.” sabi naman ng isang nasa table 15.

“Mabuti na lang at dito kami nagpunta sa reunion, libre na food, mini concert at may mga roses pa na bigay para ke misis.” sabi naman ng lalaking nasa table 18.

“Oo nga enjoy pati mga anak ko, busog pa.”sabi naman ng katabi. May dalang plastic ang bata at sinusupot ang ilang cupcakes at mini cakes na kinuha.

“Maraming salamat Morisette! Hindi pa po tayo tapos nagsisimula palang po tayo! Sigaw ni Allan K habang patuloy sa pagpapatawa. Tawanan ang mga lahat kay Allan k. Halos sumakit ang tiyan ng iba sa kakatawa.

“Mga mam at sir, dahan dahan lang po sa pagtawa baka may masamang hangin tayong malanghap.!”

Hagalpakan angmga tao at palakpakan, tuwang tuwa sila kay Allan K.

“Dumating na po pala si Christian Bautista, palakpakan po natin.”

“Good Evening po! Happy Valentine’s Day po“ pambungad ni Christian. Nagsimula na siyang kumanta , una nyang kinanta ang ‘So It’s you! Habang kumakanta ay hinarana nya si Charlotte at kinuha ang kamay at nagpunta sa gitna. Sinundan eto ng isang tagalog love song na “kailan pa may Ikaw” at ang huli ay “This I promise you” saka inihatid pabalik si Charlotte sa upuan. Nagniningning si Charlotte habangkinakantahan ni Christian.

Palakpakan uli ang mga tao. Umalis na si Christian dahil may performance pa sya kabilang wing ng Shangrila Plaza.

“Maraming Salamat po! Enjoy the evening po, enjoy the fun and excitement.!” sabi ni Allan k at nagpaalam na.

Nagpatugtog naman ng music ang inarkilang mobile system at nagtayuan ang mga tao, nagsayawan sila ng chacha, modern at sweet. Halos mapuno ang dance floor. Maya maya nag aanounce si Andrei.

“Mga Batchmates pipili po tayo ng King and Queen of the night at ang mga judges po natin ay ang ating mga butihing teachers.” announce ni Andrei.

Nagsimula na uling sumaliw ang musika , napuno ng music ang hall.