Chapter 45 Kenneth & Bernadette

Hinatid ni Ken ang magakapatid na Bernadette at Belindasa bahay nila sa marikina, mabilis nilang narating ang bahay dahil wala ng trapik. Pagod na pagod sila habang si Belinda ay ang taas pa ng energy. Sinalubong sila ng Papa nila.

“Magandang gabi po!” bati ni Ken sa papa ni Bernadette.

“Kaawaan ka ng Diyos.” sambit ng ama.

“Tuloy ka!”

Pumasok sila at nagtimpla ng kape si Belinda. Walang tigil si Belinda ng kakaistorya sa Papa at Mama nya sa nanagyari kanina. Pinakita nya ang mga pictures sa camera ng cellphone nya. May mga pina autograph pa sya. Di magkamayaw si Belinda sa mga pinapakita nya sa magulang, may dala pa siyang mga cupcakes, cakes at ibang pagkain na binalot ni Carl.

“Papa, Mama sana sumama ka hehehe.! Nakita mo sana Mama si Vice Ganda. Maganda din pala siya. Di naman siya mukhang kabayo. Iba talaga syensya Mama.”

“Matulog ka na nga Bel.” sabi ng ina. Hinanda ng ina ang ibang cupcakes para sa dalawa para may isabay sa kape.

“Musta ka na Kenneth, musta ang Pamilya mo dun.” tanong ng ina ni Bernadette.

“Mabuti naman po, sina Papa at Mama po ok naman po malakas pa din po.”

“E ang pamilya mo, kumusta na, bakit di mo sinama.”

“Binata pa po ako, wala pong magkagustong Canadians.” pabirong sabi ni Ken.

“Bakit naman?”

“Wala po akong magustuhan dun sa Canada.”

“Ano ba ang work mo sa ngayon?” sabat ng ama ni Bernadette.

“Civil Engineer po ako sa Canada.”

“ah, ok sige, gabi na ang inaantok na Mama mo Bernadette, maiwan namin kayong dalawa.”

“Opo Mama.”

“Salamat po, di rin po ako magtatagal, tapusin ko lang po ang kape, pagod na rin po si Bernadette.” sabi naman ni Ken habang papasok na ng kuwarto ang mag asawa.

Maya maya may lumabas na dalaga sa isang kwarto.

“Happy Valentine’s Day Mama! May bisita po pala kayo. Good evening po.! Sabi ng dalaga sabay halik sa ina at bless sa bisita.

Nagulat si Ken. Kinabahan at panay kabog ng dibdib ng magmano ang dalaga sa kanya, bakit ganunang naramdaman nya, hawak ang dibdib. Ngumiti sa dalaga.

“Mama, pasok na ako inaantok na ako see you tomorrow, Happy Valentine’s day Uli! I love you so much! Nagpaalam na ang dalaga at pumasok sa kwarto.

“Mama? may anak ka!”

“Oo, si Kendra!” sagot ni Bernadette. Lalong kinabahan si Ken.

Nag usap sila ng masinisinanng gabing iyon, maraming katanungan si Ken kay Bernadette at lahat ay nasagot.

Umuwi si Ken na napakasaya, nag uumapaw ang kaligayahan sa puso nya at sa nararamdaman.