Chapter 6

"Maiba ako, tatlong araw nalang bago ang pag-iisang dibdib na magaganap. Ako ay sabik na matunghayan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong may mabuting kalooban!"

"Hindi na rin ako makapaghintay. Masaya ako sa nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong galak ng aking puso na magpakasal sa taong totoong iniibig ko!"

"Ngayon pa lang ay binabati na kita, nawa'y mas maging masaya pa ang inyong pagsasama!" nagpasalamat ang prinsesa sa sinabi ni Amesh.

Sa kahariang Ramas,

Pinagmamasdan mula sa malayo ng reyna Entrea ang prinsipe. "Ang ngiting iyan ay ngayon ko lang muli nakita. Ibig sabihin lang ay sobrang masaya siya. Hindi ko ito gustong gawin ngunit ayaw mong makinig sa akin munting prinsipe. Hindi nararapat sa iyo si prinsesa Amerenda. Dapat ang pamangkin ko ang pinili mong pakasalan. Hindi ako papayag na bumaba ang posisyon ko rito at unti-unti mawala ang kapangyarihan ng aking mga ninuno sa kahariang ito. Gagawin ko ang lahat para manatili sa kapangyarihang tinatamasa ko ngayon at wala akong pakialam kung buhay pa ang kapalit nito." Lumapit si heneral Almarun sa kanya at tinanong niya kung handa na ba ang lahat.

"Opo, mahal na reyna, handang handa na po ang lahat!"

"Magaling, kailangan hindi matuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawa!"

Kinabukasan, pumunta ang prinsipe Waru sa kaibigan nilang kaharian ng harangan sila ng sampung kawal. Gumamit sila ng palaso kaya at pinatama sa paa ng prinsipe kaya nahulog ito mula sa kabayo.

Lumapit ang mga kawal niya at pinalibutan ang prinsipe bilang proteksiyon. Umalis ang mga kalaban na kawal. Nawalan ng malay ang prinsipe kaya agad bumalik sa kaharian.

Ang nais palabasin ng reyna Entrea ay palabasing pinagtangkaan ang buhay ng prinsipe. Pinasoot niya, ang binayarang kawal ng damit ng mga kawal sa kahariang Nahuna pati na ang palasong ginamit.

Iyan ang gusto niya upang hindi matuloy ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa. Para maputol din ang ugnayan ng kahariang Ramas sa kahariang Nahuna.

Sa nangyari ay naghayag ng digmaan ang reyna sa kahariang nahuna. Ito ay lubos na kinagulat ng kahariang Nahuna.

Kinulong niya ang prinsipe at nais patayin pagkatapos ng digmaan.

Ngayon ay nasa labas ng kahariang Nahuna ang reyna kasama ang daang hukbo.

Lumabas si haring Landon kasama si Amesh pati ang hukbo. Nag-aalalang nakatingin sa bintana ang prinsesa at ang reyna.

"Hindi ko hahayaan na patuloy ninyo kaming linlangin. Hanggang ngayon ay dinaramdam ng mahal kong prinsipe ang sakit at pighating dinulot ng pagtataksil ninyo! Pagbabayaran ninyo ang pagtatangkang patayin si prinsipe Waru!" Sigaw ng reyna Entrea.

Nagulat sila sa mga sinasabi ng reyna Entrea. "Ano ba ang pinagsasabi mo Reyna? Hindi namin magagawa ang mga binibentang mo!"

"Huwag na kayong magkaila. Saksi ang mga kawal na kasama ng prinsipe sa paglalakbay ng harangan sila ng mga kawal ninyo at ginamitan ng palaso. Ang isang palasong nakuha ay gaya sa inyo. Kaya , huwag na kayong magsinungaling pa!"

"Hindi namin tinangkaan patayin ang prinsipe. Hindi ako nagsisinungaling baka may gusto lang sumira sa samahan ng ating kaharian. Hindi ko sisirain ang magandang samahan ng dalawang kaharian.

Matalik kong kaibigan ang ama ng prinsipe at gusto kong ang nag-iisang anak niya ang magpapakasal sa aking prinsesa dahil parehong mabuti ang kalooban nila kaya siguradong maging mapayapa ang parehong lupain.

Kaya hindi kapani-paniwala ang pagbebentang mobsa amin!"

"Tama na sa panlilinlang ninyo! Hindi ako maniniwala sa mga matatamis mong mga salita, haring Landon!" naghudyat ang reyna para sumugod ang mga kawal niya.

Ayaw man ng hari ngunit wala siyang magagawa. Nagsimula na ang digmaan ng dalawang kaharian.

Maraming kawal sa dalawang panig ang namatay patuloy pa rin sila sa kanilang sa gupaan.

Buti nalang ay dumating ang prinsipe.

Gumamit sila ng palaso at pinatama sa gitna kaya huminto sila at tumingin kay prinsipe Waru. Masaya ang prinsesa dahil maayos ang kalagayan ng iniibig niya.

Nag-iba ang hitsura ng mukha ng reyna. "Hindi maaari ito! Hindi!!"

Nakalabas ang prinsipe dahil sa iilang mga tapat na tagasilbi.

"Walang kasalanan ang kahariang Nahuna. Ang tangkang pagpatay sa akin ay kagagawan ng reyna Entrea!" Hindi makapaniwala sila sa sinabi ng prinsipe.

Bumaba ang reyna mula sa kabayo at tumakbo papunta sa prinsipe.

"Mali ang iniisip mo. Hindi kita gustong patayin. Nais ko lamang iligtas kita sa kahariang Nahuna. Hindi sila nararapat na maging ka-isa ng ating kaharian. Mga gahaman sila!"

"Hindi gusto, ang sinabi mo Entrea laban sa aming kaharian!" singit ng hari.

"Huwag po kayo mag-alala, papatawarin siya ng nararapat na kaparusahan."

"Pamilya mo ako prinsipe kaya dapat ako ang paniwalaan mo. Ako lang ang kakampi mo rito!"

"Tama na ang panlilinlang mo reyna Entrea. Nagtapat na ang kawal mo, sinabi niya ang totoo. Inutusan mo ang mga kawal na iyon. Nalaman ko rin na sangkot ka rin sa pagdukot at pagtangkang pagpatay kay prinsesa Amerenda!" Galit na sinabi ng prinsipe.

Hindi napigilan ng hari ang sarili matapos marinig ang sinabi ng prinsipe tungkol sa pagtangka ng reyna na patayin ang prinsesa.

Hinarangan siya ni Amesh dahil binunot na ito ang sandata papunta kay reyna Entrea.

"Ang nais ko lamang ay mapangalagaan ang ating kaharian prinsipe."

"Hindi para sa amin ang ginawa mo, kundi para sayo. Gusto mong pangalagaan ang kapangyarihan mo sa loob ng palasyo."

Sinabi ng prinsipe kay haring Landon siya na ang magpaparusa sa kataksilan ng reyna. Ang kahariang Ramas ang magbibigay sa kaniya ng kaparusahan.

Tumingin sa bintana ang prinsipe kung saan naroon ang prinsesa."Sa kabila ng kasamaang ginawa ni Marla, pinakitaan pa rin siya ng patas na paghuhusga. Pinakitaan pa rin siya ng awa, ganun din ang gagawin ko. Gusto ko rin ipakita sa iyo ang kabutihang totoo. Hindi ko pa rin kinakalimutan ang utang na loob ko sa iyo, sa pag-aalaga mo sa akin pati na sa kahariang ito kaya papatawarin kita sa ginawa mo. Pero lilisanin mo ang kaharian at doon tumira habambuhay sa pamangkin mo na si prinsesa Nana."

"Hindi ako makapaniwala, matapos ang ginawa kong pag-aalaga sa kaharian, ito lang pala ang mapapala ko!"

"Ginawa mo yun para sa sarili mo, hindi para sa akin o sa kaharian. Reyna Entrea huwag ng matigas ang ulo. Hindi mabigat ang kaparusahang ito kaya tanggapin mo nalang. Bumaba ka sa katungkulan at umuwi ka na sa dating tirahan mo."

Sa mukha ng reyna, makikita na parang hindi pa tapos ang lahat.

Sa dami ng nangyari. Sa wakas, natuloy ang kasal ng prinsesa at prinsipe. Sila na ang bagong hari at reyna sa kahariang Ramas.

Sa sangkot na pagtataksil ni heneral Almarun, ikinulong siya at pinalit sa katungkulan niya si Amesh, heneral Amesh.