Chapter 5
Sobrang malungkot ang mamamayan ng kahariang Nahuna sa sinapit ng munti nilang prinsesa pati ang mga kaibigang mga kaharian ay nalulingkot din.
Tinakot ni Marla ang mga tagsilbi para hindi ito magsalita sa mga nangyari at sinigurado ni Marla na makukuha niyang tuluyan ang loob ng reyna at hari lalo na sa pagluluksa ngayon.
Nasa gilid palagi siya para alalayan ang dalawa at bawasan ang kalungkutang nararamdaman.
"Maraming salamat dahil nandito ka lagi sa tabi namin!" wika ng reyna.
"Hindi namin hahayaan na pati ikaw ay mawawala rin," sinabi sa kaniya ng hari at agad niyang niyakap ang dalawa.
Sobrang saya ni Marla dahil umaayon sa kaniya ang kapalaran, sunod sunod na suwerte ang nangyayari sa kaniya at wala na talagang makakapigil sa kaniyang mga plano.
Sa kabilang banda, kahit lumipas na ang dalawang buwan sobrang lungkot pa rin ng prinsipe sa pagkawala ng pinakamamahal niya. Nakaupo siya sa damuhag lagi nilang pinagpapasyalan.
"Bakit ganun, lahat ng mga mahal ko sa buhay kinukuha, namamatay, iniiwan ako.
Bakit ayaw ng kapalaran na maging masaya ako. Kung kelan nahanap ko ang babaeng kung saan ako masaya, tsaka pa siya nawala.
Prinsesa Amerenda mahal kita, mahal na mahal kita. Pangako ko sayo, hindi ako mag-aasawa. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko!" Nagpaabot siya ng gabi sa damuhan. Gusto niyang balikan ang mga masasayang araw kasama ang prinsesa at hiniling na sana'y bangungot nalang ang nangyari.
Lumipas ang apat na buwan ay tuluyan ng natanggap ng amang hari at inang reyna, wala na ang kanilang nag-iisang anak lalo na laging andyan sa tabi nila si Marla, kung ano-ano ang pagpapaikot ang ginawa niya. Siya ang naghahanda ng pagkain, sumasama sa pamamasyal, tinatabihan sa pagtulog at ilan pang bagay na magpapalapit ng loob sa dalawa.
Narinig ni Marla ang paglalakad ng hari at reyna sa silid niya kaya umupo siya ng maayos.
"Amang hari, ninang reyna. bBakit po kayo napadalaw dito?"
"Nais lamang naming Makita ka," sagot ng reyna.
"Kahit wala na ang prinsesa namin ay nagpapasalamat pa rin kami dahil buhay ka at nandiyan ka lagi sa tabi namin. Hindi lamang kami ang inalalayan mo sa panahon ng aming pagluluksa higit na inalalayan mo ng kahariang ito. Maraming salamat dahil pinilit mong maging matatag para sa lahat!" wika ng hari.
"Oo nga," sang-ayon ng reyna.
"Dahil ganun din ang ginawa niyo sa akin, inalalayan niyo ako at pinatatag at tinuring na pamilya. Nais kong suklian ang kabutihang binigay niyo sa akin. Nagpapasalamat din ako sa prinsesa dahil sa konting panahon ay pinaramdam sa akin ng prinsesa ang pagmamahal ng tunay na kapatid. Kaya lahat ng mahal niya at mahalaga sa kaniya ay mahal ko rin at pinahahalagahan ko rin.
Bukas na ang kaarawan ni Marla. Araw na pinakahihintay niya. Bukas, ipapaalam sa lahat ang ipapabatid sa buong kaharian ang pagdeklara nila kay Marla na maging bahagi ng pamilya at pagiging tunay na prinsesa.
"Handa ka na ba bukas?" tanong ng reyna.
"Opo, sobra. Masayang masaya ako sa pagdeklara niyong pagiging bahagi ng pamilya ninyo. Maraming salamat!" sabay yakap sa hari at reyna.
"Kami dapat magpapasalamat dahil dumating ka sa buhay namin," wika ng reyna.
Si Marla mismo naghanda sa susuutin niyang damit, kulay violet ito. Sobrang saya niya dahil sa wakas, magbabago bukas ang takbo ng kapalaran niya.
"Wala ng makakapigil sa akin, pagdeklara bilang prinsesa at ikaw sisiguraduhin kong mawala ka sa kasaysayan ng kaharian pati na sa mga taong mahalaga sa iyo. Hahaha! kawawa ka. Kawawa ang sinapit mo!" Lumakad siya papunta sa bukas na bintana. Tumingin siya sa mga nasasakupan. Matagal din ang paghihirap ko sa labas.
Maraming pasakit ang nangyari sa buhay ko. Naranasan ko lahat ng uri ng pang-aapi, pangungutya at pananakit ng mga nakatataas. Kapag ako na mismo ang namuno sa kahariang ito wala ng makakapigil pa sa mga plano ko. Sasakupin ko ang dapat sakupin. Hahaha!"
Ito na ang araw na inaabangan ni Marla. Araw ng kaarawan niya at araw ng pagdeklarang maging tunay na prinsesa. Puno ang kaharian ng mga mahahalagang panauhin pati na mga pangkaraniwang mga tao ay naroon para saksihan ang koronasyon na magaganap.
Naroon ang mga kaibigan nilang galling sa malalayong kaharian. Naroon din si Reyna Entrea pati ang prinsipe Waru.
Pumunta sa harap ang inang reyna at amanh hari, nagbigay pugay ang lahat.
Nakangiti naman tumingin sa mga tao si Marla. Binulong niya sa sarili.
"Wala ng makakpigil pa. Hindi na ito panaginip. Hahaha!"
Nagsalita ang reyna,"Unang una, maraming salamat sa pagdating ninyo sa kahariang Nahuna para sa pagdiriwang ng kaarawan ng aming pangalawang anak.", Masayang nakangiti si Marla sa sinabi ng reynang, "anak".
"Kamakailan lang, dumilim ang kahariang ito dahil sa pagkawala ng aming munting prinsesa Amerenda, ilang araw umiyak at nagluluksa pero sa tulong ng aming pangalawang anak, binigyan niya kami ng bagong pag-asa at bagong lakas. Kahit anong sakit ang nararamdam dapat magpakatatag at ituloy ang buhay. At alam ko, iyon din ang gusto ng prinsesa Amerenda na huwag kaming sumuko sa buhay. Kaya ngayon, hindi lang simpleng salo-salo ang mangyayari ngayon, ito ay espesyal dahil doble ang ating ipadiriwang.
Una, ang kaarawan ni prinsesa Marla at ang pagdeklang pagiging prinsesa niya. Pangalawa, ang pagsibol ng bagong pag-asa sa buong kaharian!" pumalakpak ang mga naroroon.
"Ito ang pinakahihintay na bahagi ng pagdiriwang na ito. Hindi ko na papatagalin. Ihahayag namin ang pagtanggap kay Marla bilang bahagi ng pamilya at dinideklarang pagiging tunay na prinsesa ni Marla," sigaw ng hari.
"Ang ilan sa inyo ay hindi siya kilala kaya nalilito kayo at may mga tanong kayo sa isipan. Nais ko lang na sana kung paano niyo igalang ang prinsesa Amerenda, sana ganun din ang paggalang niyo kay prinsesa Marla. Isa siyang mabuting tao kaya alam kong pagsisilbihan kayo ng maayos kaya sana tanggapin niyo siya ng buong puso," wika ng Reyna.
"Kaya salubungin natin siya ng masigabong palakpakan!" aniya ng hari.
Hndi mabilang ang sayang nararamdaman ni Marla habang lumakad sa harap papunta sa amang hari at inang reyna. Pinalakpakan siya ng maraming tao. Soot niya ang kulay lila na damit at mamahalin pa ito. Niyakap siya ng hari at reyna.
"Mabuhay ang prinsesa Marla!" sigaw ng tagapagsalita ng hari.
"Mabuhay!"