Chapter 7 His Exclusive Maid
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa paaralan. Wala pa halos mga estudyante na makikita sa paligid. Sa halip na dumiretso sa library ay natagpuan ko ang sarili sa rooftop ng building. Tanaw mula rito ang malawak na Unibersidad. Mula sa mga buildings, gym, garden at pati na rin ang malawak na field kung ginaganap ang mga football games.
Napapikit ako at hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Napasinghap ako ng sariwang hangin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nahagip ng aking paningin si Bryson na mag-isang naglalakad sa field.
Kahit nasa malayo ay agaw-pansin ang kaniyang suot na all black outfit. Mula sa kaniyang damit hanggang sa sapatos ay kulay itim lahat. Diretso lamang ang tingin nito sa harap at parang modelo kung maglakad. Unti-unting dumami ang mga estudyante. Halos lahat ay napapalingon sa kaniya at may nakita pa akong dalawang estudyante na kumuha ng stolen picture niya.
Napailing ako bago umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa railings ng rooftop. Nakita ko na pumasok si Bryson sa library kaya napagdesisyunan kong bumaba at sundan ito para kausapin. Limang minuto lang ay nakababa na ako. Three storey lang ang building kung kaya hindi ako masyadong napagod at nahirapan sa pagbaba.
Pumasok ako sa library at agad na inilibot ang paningin sa paligid. Agad kong nakita si Bryson na mag-isang nakaupo sa isang sulok habang nakasubsob ang mukha sa kulay itim na bag na nakapatong sa lamesa.
Dahan-dahan akong umupo sa upuan, sa harap nito. Nag-iingat akong kumilos upang hindi makagawa ng anumang malakas na ingay na maaaring maging dahilan para magising siya. Walang masiyadong tao rito sa loob ng lobrary, may iilan lang na sa tingin ko ay mga honor students at seryoso sa pag-aaral.
Inilabas ko ang libro mula sa bag bago nagsimulang magbasa. It's about philosophy. Gustong-gusto ko talaga ang pilosopiya. Like, it's killing me to know the truth about people's existence and also, the world. Nacu-curious talaga ako sa mga bagay-bagay and it excites or thrill me to know more about lives.
Halos isang oras na akong nagbabasa nang gumalaw si Bryson at hindi nagtagal ay unti-unti rin siyang nagising at nagmulat ng mata. Agad na tumama sa akin ang kaniyang mapupungay na mata pagkamulat niya. Unti-unting kumunot ang noo niya at naniningkit na para bang kinikilala ako.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya bago ibinaba ang librong hawak.
"Good Morning," bati ko sa kaniya.
Umayos siya ng upo at walang ganang sumandal sa kinauupuan. Inilagay niya ang isang kamay sa ibabaw ng lamesa habang ang isa naman ay nasa hita niya. Tamad na tiningnan niya ako bago tumango. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Ni hindi man lang siya nag-abalang kumurap na animo'y kapag pumikit siya ay mawawala ako sa paningin niya.
Tumikhim ako bago nagsalita ulit.
"About sa offer na sinasabi mo. Tinatanggap ko na. Payag na akong maging maid mo pero may gusto sana akong hilingin bago ako magsimula," pagbukas ko ng usapan.
"Okay… What is it?" he huskily asked. Magulo ang buhok niya galing sa pagtulog ngunit hindi nakakabawas sa kaguwapuhan niya iyon bagkus ay mas lalo pa iyong bumagay sa kaniya.
"Gusto ko sanang humiling ng advance payment. Gusto kong maoperahan agad si Kuya sa lalong madaling panahon. Maybe 1-2 weeks? Kailangan na kailangan ko talaga ng pera ngayon. Huwag kang mag-alala kahit huwag mo na akong swelduhan pagkatapos no'n. Kung kailangan magtrabaho ako sa 'yo sa loob ng isa o dalawang taon, gagawin ko," pahayag ko.
Tumango lang siya. "Okay."
Kinuha niya ang bag niyang nakapatong sa lamesa at binuksang iyon. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang yellow pad na papel. Nagtataka ko naman iyon kinuha at tiningnan.
Binasa ko ang nakalagay. Mga duties, rules and responsibility ang nakasulat. Meron din nakalagay na parusa kapag hindi ko sinunod ang utos niya kagaya ng pagbabawas niya ng sweldo at kapag may nilabag naman ako sa rules niya ay…
Nagtatakang inangat ko ang tingin para tanungin siya. Blangko kasi ang nakasulat sa papel.
"Anong parusa ang matatanggap ko kapag may nilabag ako na isa sa mga rules mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "It's for you to find out.." Tumayo na siya. "Let's go. We're getting late."
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa gilid namin. Nanlalaki ang mata ko nang makitang sampung minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin.
Dali-dali kong isinilid ang mga libro sa bag bago lakad-takbong lumabas sa library. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa nang tawagin niya ang pangalan ko. Narinig ko pang sinaway siya ng nagbabantay sa library.
Pagkarating ko sa room ay saktong kakapasok lang din ng professor namin sa unang subject. Agad na nagsimula ang klase.
Sunod-sunod ang klase ko kung kaya hindi ko namalayan na patapos na pala ang klase.
"So that's all for today. See you tomorrow. Don't forget to bring your lesson plan tomorrow, understand?" wika ni Sir.
"Yes, Sir!" sagot nila. Nauna nang lumabas si Sir habang nagsilapitan naman ang iilan sa mga kaklase ko sa pwesto ko.
"Genesis, paggawa naman oh."
"Ako rin, Genesis."
"Paggawa rin ako."
Halos dumugin na nila ako. Wala naman akong magawa kun'di tanggapin ang lahat ng pinapagawa nila. Dagdag kita na rin kasi 'to. Although, hindi patas dahil wala silang natututunan. Hindi ko nga alam kung bakit BEED ang course na kinuha nila. Siguro dahil ito ang pinakamadaling course sa college, ika nila, na hindi naman totoo dahil kung hindi tambak sa school paper works, lesson plan, reports at kung ano-ano pa ay mapapaiyak ka naman sa dami ng essay at quizzes dagdag pa ang oral. Nakakapagod pero kakayanin para sa pamilya.
Isa-isang umalis ang mga kaklase ko nang matapos kong ilista ang pangalan nila hanggang sa ako na lamang ang natira sa classroom. Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit bago napagpasiyahang umuwi na para tapusin ang lahat ng lesson plans na gagawin ko.
Naglalakad ako patungo sa gate nang mahagip ng mata ko si Bryson na nakasandal sa isang puno malapit sa gate. Nakayuko ito habang nasa bulsa ang mga kamay at nakatukod ang isang paa sa puno. Lahat ng napapadaan na estudyante ay napapalingon sa kaniya.
Naglakad ako papunta sa gawi niya. Napaangat siya ng tingin nang tumigil ako sa harap niya. Unti-unting nagkasalubong ang kilay niya at tinaasan ako ng kilay.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko. Kanina pa kasi ang uwian ng Business Ad. students kaya nakakapagtakang nandito pa siya.
"Hinihintay ka. Let's go. You have so many things to do for me," aniya bago hinawakan ang pulso ko at hinatak papunta sa parking lot.
Nang makarating na kami sa parking lot ay agad kong hinatak ang kamay ko mula sa kaniya. Napahinto naman siya bago kunot-noong hinarap ako.
"What?" Bakas ang inis sa boses niya.
"Marami pa akong gagawin. Puwede bang bukas na lang ako magsimula?" wika ko.
"Just do it all inside my house." Hinawakan niya ulit ako sa braso bago ako hinatak papunta sa tapat ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya bago ako pinapasok. Agad din niyang isinara nang makapasok ako.
Pinaandar niya ang kotse. Habang nasa biyahe ay may bigla akong napagtanto. Hinarap ko siya bago nagsalita.
"May trabaho pa pala ako sa Restaurant. Hindi ako nakapagpaalam sa Boss ko, baka masisante ako. Puwede bang dumaan muna tayo, kahit saglit lang, sa Restaurant na pinagtatrabahuhan ko?" pahayag ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Don't worry. I already talked to your boss. And also, I already got you, resign from that work. I told you I want you to work for me alone," tugon niya.
Napaawang ang bibig ko bago napakurap-kurap, hindi makapaniwala sa narinig.
"Ano?"
"You'll no longer work in that restaurant. You'll be exclusively my maid. I already wrote that on the paper you read this morning. I hope you read it properly.."
Oo nga pala. Nakasulat sa papel na binasa ko kanina na sa kaniya lamang ako puwedeng magtrabaho. Kasama iyon sa rules na isinulat niya.
Tumango na lamang ako at hindi na muling nagsalita pa. Sumandal ako sa kinauupuan at mariing napapikit.
Malalim akong napabuntong-hininga.
Sana maging maayos na ang lahat.. Para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat at hinding-hindi ako susuko.