Chapter 6 Decision
"Genesis, okay ka lang?"
Napakurap ako nang magsalita si Daryl, isa sa mga kagrupo ko. Sa lalim ng iniisip ko tungkol kagabi ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala.
"A-ah Oo. Okay lang ako," sabi ko.
Napatingin ako sa research paper na hawak ko.
Nandito kami ngayon sa loob ng library, sa loob ng campus. Mahigit lima kami sa grupo. Pagkatapos nang klase ay agad kaming dumiretso rito para tapusin ang research paper na ipapasa namin next week. Huwebes ngayon at sa lunes namin kailangan ipasa kaya nagmamadali kami para matapos 'to. Naghati lang kami ng part na kailangan gawin.
"Tapos ka na ba? Bakit natutulala ka na diyan? Kung wala kang balak gawin ang parte mo. Sabihin mo kaagat, huwag mo kaming idamay sa katamaran mo!" asik ni Wena.
Agad naman akong napatungo bago humingi ng pasensya. Ang totoo ay tapos na ako pero hindi ko naman silang puwedeng iwan agad kahit ang totoo kanina ko pa gustong umalis.
Tumingin ako sa katabi ko. Napansin ko na kanina pa siya nahihirapan sa ginagawa. Tinapik ko siya sa balikat dahilan upang mapaangat siya ng tingin.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko.
Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago tumango. Napangiti naman ako at agad ibinaling ang tingin sa papel na hawak niya. Tinulungan ko siya. Mabuti at tahimik at mukhang determinado talaga siyang matuto. Taimtim siyang nakikinig habang ako naman ay abala sa pagtuturo sa kaniya ng puwedeng isulat at idagdag sa research paper.
Saktong pagkatapos namin ay natapos din ang iba. Nagpaalam na sila sa isa't isa, since wala naman akong kakilala at ka close ni isa sa kanila, at sinabing magkikita na lang bukas dito para iedit ang mga nagawa.
As usual ay dumiretso ako sa restaurant kung saan ako nag papart time job. Habang nagtatrabaho ay hindi ko maiwasan na maisip ang nangyari kagabi. Pagkatapos niya akong inalok na maging maid niya ay hindi ako pumayag. Pero hindi rin ako tumanggi. Sinabi ko na pag-iisipan ko at pagkatapos no'n ay basta ko na lang siya iniwan mag-isa.
Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip kung tatanggapin ko ba ang offer niya pero ayaw ko namang i risk ang sitwasyon ko lalo na at ayaw ko na madamay sa magulong buhay niya. Kilala siya hindi lang ng mga kababaihan kun'di pati na rin ng mga kalalakihan dahil sa pagiging arogante at pakikipagbasag ulo niya. Mas lalong dadami ang aaway at magagakit sa akin dahil sa pagiging malapit kay Bryson at maging dahilan 'yon ng pagbaba ng grado ko at hindi paggraduate. Dalawang taon na lang at gagraduate na ako kaya sana naman ay maging matiwasay ang magiging takbo ng buhay ko sa loob ng Unibersidad.
Pero inaalala ko rin si Kuya lalo na at siya ang tumataguyod sa asawa't mga anak niya. Pati na rin si Mama na may sakit sa puso, baka atakihin 'yon kakatrabaho at sa araw-araw na pag-aalala. Ang daming problema na dumating sa akin. Ang malas naman ng taon ko.
Malalim na napabuntong-hininga ako.
Sa isang linggo na lumipas ay naging tahimik naman ang buhay ko. Walang Bryson sa paligid ko na bigla-bigla na lang sumusulpot. Hindi na rin niya akong tinangkang kausapin at lapitan kahit na nagkakasalubong kami ng daan. Mabuti na rin at ganoon.
Sa isang linggo rin na iyon ay naging abala ako sa pag-oonline selling, online works at iba pa. Basta't kumikita ay ayos lang. Halos wala na nga akong tulog para lang makapag-ipon pandagdag sa pagpapaopera kay Kuya. Ayaw din kasi naming mangutang lalo na at may tubo o interes na kasama. Baka hindi namin mabayaran kaagad at makasuhan pa kami o makuha pa sa amin ang ari-arian na pamana pa nila lolo't lola kay Mama.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, sa apartment. Abala ako sa pagta-type sa keyboard ng laptop na second hand na binili ko lang sa murang halaga nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong inabot bago sagutin ang tawag.
"Anak? Ang kuya mo!" garalgal ang boses na sigaw ni Mama dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at nanginginig ang kamay ko na may hawak sa cellphone.
"Bakit po? Ano pong nangyari kay Kuya?" hindi mapakaling tanong ko.
"Hindi na siya kumakain at palagi na lang nagkukulong sa kwarto. Kahit anong pilit namin na kumbinsi na lumabas siya ay palagi na lang siyang tumatanggi. Palagi niya ring sinisigawan ang asawa niya tuwing inaalalayan siya nito. Ni manlang siya naliligo. Hindi na niya inaalagaan ang sarili nang maayos. Pati ang mga bata ay nadadamay. Palagay ko ay labis na dinamdam niya ang nangyari sa kaniya. Palagay niya siguro ay wala na siyang silbe dahil sa nangyaring aksidente dahilan kaya hindi niya mailakad ang mga paa niya," mahabang pahayag ni Mama.
Napahinga naman ako nang malalim.
"Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin, Ma? Titigil na lang kaya ako sa pag-aara-"
"'Yan ang huwag na huwag mong gagawin, Genesis! Sinasabi ko sa 'yo, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at gawin mo ang lahat para makapagtapos ka. Pagsubok lamang ito kaya kailangan maging matatag tayo. Okay lang na mapagod, anak, pero huwag na huwag kang hihinto."
Nangingiligid ang luha ko at may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Kahit nahihirapan ay pinilit kong lumunok. "Opo, Ma. Pero paano si Kuya Jerome?"
"Kami nang bahala sa kuya mo. Gagawin namin ang lahat para maoperahan siya sa lalong madaling panahon.."
"Ma, huwag mong sabihin magtatrabaho ka ulit? Ma, may sakit ka sa puso," nag-aalalang usal ko.
"Kakayanin ko para sa kuya mo. At ako pa! Malakas 'ata ito. Tiwala lang anak, malalampasan din natin itong pagsubok na ito."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin kami bago pinutol amg linya.
Nanghihinang napaupo ako sa matigas na kama at namomoblemang napahilamos sa mukha gamit ang mga kamay. Nilingon ko ang alkansya na nakapatong sa itaas ng aparador. Kahit 'ata pagsama-samahin ko lahat ng ipon ko at magiging sweldo ko ay hindi pa rin kasya ang lahat nang iyon.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Kahit medyo nag-aalangan ay ito lang ang tanging solusyon na puwedeng makatulong sa akin para matapos lahat ng problema na kinakaharap ko.
Bahala na. Para sa pamilya at kinabukasan ko, gagawin ko ang lahat para sa kanila. Kahit na buhay, kapayapaan at kalayaan ko pa ang nakasalalay. Handa akong itaya ang lahat ng iyon para lang sa pamilya ko. Gano'n ko sila kamahal. Sobra…