Chapter 8 First Kiss

Dumaan muna kami saglit sa book store para bumili ng school supplies. Marami-rami din kasi ang kailangan gamitin para sa lesson plan. Kailangan din kasing maging malinis at creative ang lesson plans para dagdag points.

Pagkatapos mabili ang mga kailangan ay bumiyahe na kami patungo sa bahay niya. Nagulat ako nang malaman na sa Housewell Subdivision pala siya nakatira. Halos lahat ng bahay ay magaganda at malalaki. May sarili din silang swimming pool at playground. Sobrang lawak ng Subdivision na 'to at halos mayayaman at sikat na mga tao lang ang nakatira rito.

Paghinto ng kotse ay agad akong lumabas. Nalaglag ang panga ko nang makita ang malaki at kulay puting bahay. Napatingin ako kay Bryson nang malakas niyang isinara ang kotse bago naglakad palapit sa akin.

"Let's go."

Sumunod ako sa kaniya. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang sala. Mas lalo akong namangha nang makita ang mga mamahaling gamit, makintab na sahig at naggagandahang paintings. Maaliwalas at malawak din ang sala at may naglalakihang sofa.

"Get in," malamig na sabi ni Bryson.

Agad ko namang hinubad ang sapatos ko bago dali-daling pumasok. Pagtapak ko sa loob ay yumakap sa akin ang malamig na paligid dahil sa aircon. Ramdam ko rin ang malamig na sahig sa paa ko. Nagtatakang tiningnan ko si Bryson nang makita ang pambahay na tsinelas na kulay pink sa harap ko na inilapag niya.

"Tsk. Just wear it, okay?" naiinis na aniya bago tumalikod. Agad ko namang sinuot ang pambahay na tsinelas at pumunta sa kusina kung nasaan siya. Bumungad sa akin ang malawak na lamesa at kumpletong mga gamit. Malinis din at kahit isang kalat ay wala akong makita.

Inilagay ko ang bitbit na mga school supplies sa upuan na bakante bago umupo sa isa pang upuan. Nasa tapat ng refrigerator si Bryson at abala sa paghahalungkat ng mga inumin. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napansin na kami lang ang tao rito.

Nilingon ko siya para tanungin.

"Ikaw lang mag-isa ang nakatira rito?" tanong ko.

"No. I am still living with my parents," tugon niya habang nakatalikod pa rin.

"Nasaan sila?"

"Work," tipid na tugon niya.

"Wala ba kayong maid dito?" tanong ko. Wala kasi akong nakitang maid nang pumasok ako rito. Imposible namang sa lawak at laki ng bahay na 'to, walang maid na naglilinis. Unless, siya ang naglilinis na imposibleng mangyari. Hindi ko maimagine na naglilinis siya ng bahay.

"Day off."

"Lahat sila?" gulat na tanong ko.

"Yeah," walang gana siyang nagkibit-balikat.

Napakunot ang noo ko. Day off? Sa weekdays? Ang suwerte naman ng mga maids nila. Siguro nga mabait lang talaga ang may-ari ng bahay na 'to at pinapayagan silang mag day-off kahit weekdays.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang humarap siya, hawak ang dalawang can ng juice at box ng cake. Inilapag niya ang mga iyon sa lamesa bago tumalikod at pumunta sa cabinet. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang dalawang plato at tinidor.

Nagsimula na kaming kumain at nang matapos ay agad niyang binasag ang katahimikan.

"Where do you want to study?"

"Ikaw bahala. Saan ba puwedeng gumawa ng lesson plans?"

Nagkibit-balikat siya.

"May library ba kayo? Puwedeng makahiram ng libro?" tanong ko.

Tumango siya bago tumayo na.

"Teka lang," pigil ko bago niligpit ang pinagkainan namin. Kunot-noo naman niya akong nilingon. Pumunta ako sa sink bago sinimulang hugasan ang mga plato.

"Just leave it there. Common," wika niya.

Umiling ako. "Madali lang 'to, ano ka ba? Wait ka lang d'yan.." sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumandal sa refrigerator malapit sa akin bago humalukipkip. Ramdam ko ang tingin niya na direktang nakatutok sa akin. Kahit naiilang ay pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Nagpunas ako ng noo gamit ang likod ng aking palad upang alisin ang pawis. Nakakailang kasi ang tingin niya, buti at nakayanan ko. Nagpunas na rin ako ng kamay bago nakangiting humarap sa kaniya na seryoso pa rin ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Tara na?" nakangiting tanong ko.

Walang gandang umalis siya sa pagkakasandal at tumalikod. Agad ko namang kinuha ang gamit ko. Sumunod ako sa kaniya na paakyat sa hagdan. Bawat dinadaanan ko ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng paligid. Nakakalito nga lang dahil sa dami ng pasikot-sikot sa loob at halos hindi mabilang na mga pinto na nilalampasan lang namin. Hindi nagtagal ay huminto kami sa isang malaking at kulay itim na pinto na may nakasulat na library.

Binuksan niya ito bago nauna nang pumasok. Nalaglag ang panga ko sa nakita. Puno ng mga libro ang paligid at naka organize rin ang bawat libro sa lalagyan. Hindi ko man nakikita ang sarili ay alam kong nagniningning ang mga mata ko sa tanawin sa harapan. Kulang nalang ay mag hugis puso ang mata ko.

"Choose any books you wants to read," wika ni Bryson na dali-dali ko namang sinunod. Nilapag ko ang gamit sa malapit na lamesa bago maghanap ng mga libro na kakailanganin ko.

Hindi tagal ay nakapili na rin ako. Tatlong libro lang ang kinuha ko.

Naabutan ko si Bryson na naka dekwatro ang paa at nakasandal na nakaupo sa upuan habang may hawak na libro sa isang kamay na nakapatong sa binti niya. Napaangat siya ng tingin nang ilapag ko ang mga libro sa lamesa.

Hindi na lang siya umimik at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nagsimula na rin ako sa paggawa ng mga lesson plans. Nag-isip muna ako ng iba't ibang topic na puwedeng gamitin at nang makaisip ay sinimulan ko ng gumawa.

Sa sobrang tutok ko ay hindi ko namalayan na gabi na pala. Sarado kasi ang mga bintana dahil sa aircon at tanging ilaw sa pader ang nagsisilbing liwanag sa paligid kaya hindi ko namalayang madilim na pala sa labas. Tumingin ako kay Bryson na nakadukdok sa lamesa at mahinang naghihilik. Nakatulog 'ata sa sobrang inip kakahintay sa akin na matapos.

Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang magligpit ng mga gamit. Mamaya ko na lang siguro 'to tatapusin sa bahay. Hindi na siguro ako matutulog.

"Bryson. Psst, gising." Mahinang sinundot-sundot ko ang braso niya.

Hindi pa rin siya nagigising kung kaya lumapit na ako sa gilid niya. Yumuko ako at pinagmasdan ang guwapong mukha niya. Ang guwapo talaga ng isang 'to, masungit nga lang. Akmang gigisingin ko na ulit siya nang mag-angat siya ng ulo at saktong lumapat ang labi niya sa labi ko dahilan para manlalaki ang mata ko.

Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko dahil sa mainit na labi niya na nakadikit sa akin. Mukhang pati siya ay hindi makapaniwala dahil sa gulat na bumalatay sa mata niya.

Ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon. Akmang aatras na ako nang hawakan niya at batok ko at sinimulang galawin ang labi niya.

Pumikit siya at mas pinalalim ang halik na ibinibigay habang ako naman ay mas lalong natulos sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa nangyari.

'What the hell?' Hindi makapaniwalang ani ko sa isip.