FORTY-EIGHT

Napakatahimik ng pasilyong iyon sa pang-ibabang palapag ng ospital kaya nangingibabaw ang bawat pagsigaw ko at pagtangis. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

How did we end up here?

Simula noong ikinasal kami, wala kaming ibang pangarap kundi ang simpleng buhay kaya bakit kami ang napiling bigyan ng problemang katulad nito.

‘I. . . I wanted you safe. I promised to keep you safe at hinding-hindi ko, kahit kailan, kalilimutan ang pinangako kong iyon.’

Malinaw pa sa akin ang mga katagang binitawan niya sa pag-uusap naming iyon. He can’t just die! Hindi pupwedeng matabunan ang katotohanan at makintal na sa isipan ng mga taong pinatay niya ang asawa.

Cornell is innocent as a child!

‘Gusto kong protektahan ka kahit pa buhay ko ang maging kapalit no’n, Felicity. I’ve made a big mistake as well, pero masaya akong nasa mabuti kang kalagayan. Masayang-masaya ako para sa’yo.’

Hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa lakas ng paghagulgol. Gusto kong mas magwala pa. Gusto kong iganti ang lalaki. Gusto kong ipangalandakang wala itong kasalanan sa lahat pero sino pa ang maniniwala? Ano pa nga ba ang magagawa noon gayong walang buhay na si Cornell na ang nasa harapan ko?

Nang igiya ng lalaking pumasok ang mga kamay kong iangat ang tela, noong unang beses kong makita si Cornell na walang buhay ay parang mawala-wala rin ako sa sarili.

Nakakatawang parang ako iyong asawang literal na mawawalan ng buhay dahil sa pag-iiyak.

But then, this Cornell right in front of me. . . He’s my bestfriend. . . siya iyong unang taong naging kaibigan ko. Iyong unang taong nasandalan at nalapitan ko mula sa pinakaunang problema ko noong hayskul.

Unang taong nariyan noong unang beses akong magkaroon ng dalaw, unang lalaking nandyan para ipagtanggol ako sa mga kaaway. Unang taong nanatili noong halos talikuran ako ng buong mundo kaya hindi ako makapaniwalang nakatingin ako ngayon sa bangkay niya.

Yes, malaki ang kasalanan nito sa akin. Ilang beses ko ring hiniling na sana mawala na siya sa buhay ko but seeing him this close. . . lifeless. Para ngang mababaliw talaga ako.

“Lumabas na tayo. We can talk outside–”

“Kapag ba nakipag-usap ako sa’yo, mabubuhay pa siya?” wala sa sarili kong anas sa lalaki. Kahit ako, hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon at bigla na lang lumabas sa bibig ko.

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?

“Can I tell you something funny?” Tahimik lang akong tiningnan ng lalaki kaya ipinagpalagay kong ‘oo’ ang sagot niya. “I am his ex-wife yet I feel like this.”

“Kilala mo siya, ‘di ba? Wala siyang kasalanan! Pinatay siya ng mga ‘yun para sa walang basehang bagay! Nagpakamatay si Zeina dahil hindi niya kinaya ang nangyari. That’s the fucking truth! Bakit walang naniniwala sakanya?” Bahagya akong natawa dahil sa sinabi. “Even me. . . maski ako, hindi siya nagawang paniwalaan! Pero, pero alam kong hindi niya magagawa ‘yun. For pete’s sake, they have a child! Hinding-hindi niya gugustuhing lumaking walang ina ang anak niya–” Naitigil ko ang pagsasalita dahil sa pagsuko ng sariling boses.

Pinaghahahampas ko ang dibdib ko na parang sa paraang iyon ay magkakaroon ako nang maayos na paghinga. “Bakit ako nasasaktan? Please! Tell me, bakit ako nasasaktan? Bakit gusto ko siyang mabuhay ulit? Bakit gusto kong tumayo r‘yan si Cornell?”

Dahil hindi nagawang makapagsalita ng lalaki ay nagtuloy-tuloy ako sa pagsasalita, “Please. . . I am really begging you. Let him live again!”

Sa pagkakataong iyon, hindi ko na alam kung kanino ko marahil sinasabi ang mga salitang iyon.

“You love him. . . You love the guy,” mahinang sabi ng lalaking hindi ko nga maaninag nang maayos ang mukha.

Pilit akong umiling-iling, “Hinding-hindi ‘yan pwede–”

“You love that guy, Felicity.”

Padarag at awtomatiko akong napalayo sa lalaki. Hindi ko man magawang makita nang malinaw ang mukha dahil sa tuloy-tuloy na panlalabo ng mata dahil sa pag-iyak ay hinding-hindi ako magkakamali sa boses nito.

Nanginginig man ang mga tuhod ay pinilit ko ang sariling makatayo. Mas lalo lang bumigat ang aking pakiramdam kahit pa magawa ko nang iiyak ang lahat dahil ang taong kanina ko pa pala kasama ay si Darius.

Ang naging saksi noong pag-iyak ko dahil sa sobrang sakit ay si Darius. The one who concluded that I still love Cornell was him. . . my husband.

Madali kong pinunas ang luha at nagdire-diretso sa paglabas ng kwartong iyon pero mabilis na nakasunod ang lalaki. Mabilis nitong hinapit ang mga braso ko papalapit sakanya.

“You still love him. . .” Dali-dali ko nang pinunas ang mga luha ko sa pagtayo kaya malinaw ko nang nakikita ang lalaki. Malaki ang ngisi nito ngunit hindi tumugma roon ang mata niya. “After all this year, you still love him. You still long for him. You. . .” Dumapo ang palad ni Darius sa bibig kaya natigil ito sa pagsasalita. “He stayed in your heart.”

Parang may yumuyurak pa sa kanina ko pa yurak na puso. Gusto kong yakapin si Darius. Gusto kong sabihin sakanya, kumpirmahing hindi totoo ang lahat ng sinasabi. Gusto kong ipaalalang siya lang ang mahal ko katulad noong araw-araw kong ginagawa pero hindi ko magawa. Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan.

“Sa maraming taon na kasama mo ako pero nasa puso mo pa rin siya, Felicity, nasaan ako?” ani Darius sa gitna ng mga paghagulgol. “Nasaan ang posisyon ko?”

Mas lumakas ang mga hagulgol na iyon ni Darius kaya pinilit ko nang hawakan ang mga kamay niyang walang buhay na nakalaylay lang sa gilid nito pero mabilis niya iyong iniwas.

Gulong-gulo na rin ako sa nararamdaman. God knows how much I love Darius! Mapapatunayan ko iyon sa napakaraming paraan pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon– ang puso ko kung bakit, bakit gusto ko ulit isugal ang buhay maibalik lang si Cornell.

Mahal ko si Darius pero may bagay na pilit na pumapasok sa isip kong dapat mas minahal ko si Cornell, na dapat mas iniintindi ko siya. . . dapat hindi ko siya iniwan at sinamahan ko siyang lumaban.

Gusto kong samahan si Cornell sa lahat ng paghihirap na mararanasan niya pero hindi niya kayang gawin iyon sa akin kaya ginawa ng iba.

Darius. . . he’s been there with me. Nasaksihan niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Naroon siya sa mga panahong libo-libong balde ng luha ang lumalabas sa mga mata ko.

Higit pa sa lahat ng iyon, minahal niya ako. Nagawa niya akong antayin na maging handang mahalin siya pabalik, ginawa niyang punasan ang lahat ng mga luhang ibinuhos ko sa dating asawa.

Minahal niya ako lalong-lalo na sa mga araw na hindi ko magawang mahalin ang sarili ko.

“Felicity, did you really love me–”

“Darius, alam mo kung gaano kita kamahal.”

“–o minahal mo lang ako kasi nanatili ako sa tabi mo?”

Nahigit ng tanong na iyon ang hininga ko. Ilang segundong hindi ko naramdaman ang sariling huminga. . . nagmistula akong estatwa.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko ngunit walang boses na lumalabas doon. Gusto kong kontrahin ang sinasabi niya at ipaliwanag sa lalaki ang lahat. I want to assure him about my love and loyalty katulad nang palagi kong ginagawa pero bumagsak na ang sistema ko.

“Leave.”

“Darius, what are you–”

“Leave. Aasikasuhin ko ang lahat simula ngayon just. . . please, let yourself be free even for a while. Mag-aantay ako at iisipin kong babalik ka. Bumalik ka. But, Felicity, I am truly begging you. . . ‘wag na ‘wag kang babalik kung mayroon pang kahit katiting na espasyo si Cornell dyan sa puso mo.”

Ang malapad na likod ng asawa ang huli kong nakita, hindi ko na nagawang makasunod dahil natuluyan nang bumagsak ang mga tuhod ko at ang malamig na sahig na ang sunod kong naramdaman.

Gusto ko mang habulin ang lalaki, humingi ng tawad, ayusin ang lahat kasama siya pero tama siya. Tama siya.