FORTY-NINE

Hindi nakatulong ang desisyon kong bumalik sa dating bahay namin ni Cornell. Nasa pinto pa lang ay talagang mas sumisikip pa ang dibdib ko. I wasn’t ready for this. . . sa totoo, hindi ako naging handa sa lahat ng nangyari.

Nakakapagtaka ang pagiging maayos ng bahay. Sa tingin ko ay hindi rito namalagi si Cornell at ang anak niya. Halos lahat ng gamit ay may maninipis na mga agiw na parang hindi ginalaw sa matagal na panahon.

Bawat sulok ng bahay na ito. . . kahit saan ako tumingin ay hinding-hindi ko na maaalis ang lahat ng alaala ko kasama ang binata.

The first day we brought this house, ang paglilipat ng mga gamit. Ang unang mga bagay na ginawa sa lugar, ang unang agahan, tanghalian at hapunan. Ang unang mga ngiti at tawanan. . . kitang-kita at randam na ramdam ko ang lahat hanggang ngayon.

Ginawa ko ang lahat noon para sa lalaki. Talagang masasabi ko na inubos ang ko ang sarili ko bago tuluyang sumuko. Kasi, gan’on naman dapat ang mga asawa—sabi nila. Dapat ay ibibigay mo muna ang lahat, ibubuhos, uubusin bago bumitaw para walang pagsisihan.

We could be happier. Napakaraming bagay na pupwedeng maiwasan. He should've told me everything. Nagtulungan sana kaming masolusyunan ang lahat. Nang sa gano’n, baka pupwede pang maayos. Baka pwede pang matapos.

‘Felicity, listen to me. We will get through this. Kasama mo ako. . . kasama mo lang ako.’

Nang bisitahin ko ang dati niyang opisina sa bahay, may maliliit na tinig na paulit-ulit binibigkas ang mga salitang iyan sa tapat mismo ng tainga ko.

He said we will get through this pero ginawa niyang sarilihin ang lahat. He said that he’ll be by my side pero mas pinili niyang ihiwalay ang sarili niya sa akin when that big problem showed up.

‘That will never change the fact that I love you. Kesahodang walang anak, Fely, mahal kita. Noong pinakasalan kita ipinagpasalamat ko sa Panginoon na mayroon akong ikaw. Meaning, I am more than contented with this woman in front of me.’

Marahan akong natawa sa sunod komg narinig sa isip. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Hindi ko alam kung sino marahil ang sisisihin.

Napakaraming tao ang involve at wala pa akong kasagutan sa lahat ng iyon.

Sinadya ang aksidente at kagagawan iyon ni Zaccarias Rockwell. Nakaayon sa plano nila ng anak niyang palabasin na hindi na ako magkakaanak at bigyan kami ng pangmalaking problema ng asawa dahilan para mas madali sakanyang akitin ang lalaki.

When Zaccarias met Cornell, doon na naganap ang pananakot. Kailangang mawala sa akin ang lahat ng mayroon ako ngayon para makaganti. . . para palabasin ang inang hindi ko naman alam kung nasaan at kung sino.

Bullshit! All we have is her first name and these random addresses. Para kaming mga estudyanteng walang alam na formula sa math equation kaya ginawang magtrial and error na lang.

“Where the hell are you, Sitti? What the fuck are you doing? Anong ginagawa mo habang hirap na hirap ang sarili mong anak? Are you deserving enough to be called mom?!” I screamed at the top of my lungs. Pagkatapos, para akong iyong lantang gulay na basta na lang bumagsak sa sahig.

Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Parang hindi lang lakas ang nawala sa akin kundi pati na ang isip. What should I do now? Ngayong wala na sa akin ang lahat, ano na lang ang pupwede kong gawin?

Ano pa ang kailangan kong gawin to make all these stop?

“Cornell. . . what should I do now?”

‘You are the most amazing woman in the world. I can't just stop loving this beautiful lady.’

I miss my family. I miss my Marides and Darius. I wish they are all okay.

‘Alright, sweetie, we'll go home. I'll be with your side when you sleep, promise.’

“Please. . . help me.”

Napabalikwas ako mula sa sahig na kinahihigaan nang mapagtanto kong nakatulog nga ako. Hindi ko alam kung anong oras na pero napakataas na ng sikat ng araw sa labas.

Sa pagtulog ay bigla kong naalala ang maliit na papel na ibinigay sa akin ni Cornell noong huli kaming nagkita. It’s on my wallet.

Sa naisip ay mabilis kong hinagilap ang bag kong dala, ito lang ang dala ko simula pa noong pag-alis ko sa bahay para magpunta sa ospital.

May isang address na nakasulat doon at batay sa sinabi nito sa akin ay malamang, naroon ang anak nitong si Zion.

Hindi ko alam kung tama, o ito ba ang dapat gawin pero gagawin ko ang huli niyang pakiusap. I’ll give his child a great life. Pupunan ko ang lahat ng pangangailangan ng bata at sisikapin kong makalimutan niya ang mga nangyari.

Halos kaedad lang ni Marides si Zion, matanda lang ang lalaki ng ilang buwan pero alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon.

Hindi ko halos maisip kung gaano siya natatakot. I can’t let my Marides to experience all that. Hinding-hindi ko hahayaang masaktan at matakot ang anak ko.

Mabilis akong pumara ng taxi, hindi ko na nga ata naayos ang sarili at basta-basta na lang ako lumabas. Malinaw lang sa akin na kailangan ko nang mahanap ang bata. He must be burdened and in pain right now. Hindi na nagawang makauwi ng ama kaya hindi na ako mapalagay at alalang-alala na para sa bata.

Isang oras ang naging byahe ko papunta sa lugar. Pasalamat na rin ako at walang traffic at talagang eksaktong-eksakto ang address na nakalagay sa maliit na papel.

“Ma’am, hindi na po ako makakapasok sa maliit na eskinita pero dyan po iyan papunta.”

Nang makapagbayad at makapagpasalamat ay dali-dali na akong bumaba. Nasa tapat ko ang maliit na parke, kung bibilangin ang mayroon sigurong dalawampu ang batang naglalaro.

The place is new to me. Napakaraming mata ang nakatingin sa akin simula noong bumaba ako sa taxi pero hindi ko na ininda iyon. I really need to find Zion.

Matagal kong tinitigan ang eskinita ar hindi nakatulong ang pagiging matatakutin ko sa madidilim na lugar dahil ngayon pa lang ay kinikilabutan na ako. Tirik ang araw ngunit madilim ang daan papasok sa lugar na iyon.

I just can’t make it.

Bumaling ako sa kumpol ng mga batang naglalaro malapit sa kalsada kaya roon na lang ako lumapit. ‘I can’t waste time. I need to find Zion as quick as possible.’, iyan na lang ang mga salitang pinanghawakan kong talaga.

“Uh. . . hllo,” maiksi kong sabi nang makadikit sa mga bata.

“Uy! Hello, ate Ganda!”

Mabigat man ang loob ay napangiti ako sa sinabi ng isang batang lalaking siguro ay nasa walong taong gulang.

“Magtatanong lang sana ako.” Nagpakurap-kurap sila sa harap ko kaya ipinagpatuloy ko na ang sinasabi. “Kilala niyo ba si Zion?”

Mabilis na nagliwanag ang mga mukha ng pitong batang kaharap ko. “Zion!”

Sa pagtawag ng mga bata sa isang maliit na batang lalaki ay mabilis na nanlambot ang puso ko.

Mabilis na nagtatatakbo ang batang tinawag nila bilang Zion sa lugar namin na mayroong malawak na ngiti.

How can I forget that face? Kamukhang-kamukha iyon ni Cornell.

“Zion, hanap ka ni Ate Ganda!”

Nang bumaling sa akin si Zion ay pansamantala itong nagulat, kapagkuwan ay ngumiti rin.

“Kumain na ba kayo?” magiliw na tanong ko. Sinikap kong takpan ang malungkot na mukha.

Mabilis naman nagsi-iling ang mga bata kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko. “Hindi pa po, Ate.”

“Ano bang gusto ninyong kainin?”

Sabay-sabay itong nagsituro sa tumpok na mga street food sa kabilang kalsada. Napahagikhik na lang ako sa mga ito. Para sila iyong mga batang inilabas mo para kumain sa sikat na fast food chain. They are wonderful!

Madali naming tinungo ang lugar at isa-isa ko na sila inilibre, kasama na roon si Zion na mukhang excited na excited din.

“Please, eat moderately. Baka mapagalitan tayo nyan,” sabi ko na lang saka kumagat sa hawak na kwek-kwek.

Nang matapos sa pagkain, hindi na sila matigil sa kakapasalamat. Mabilis silang bumalik sa paglalaro at iniwan akong nakatayo malapit sa lugar ng mga ito.

Hindi ako matigil sa kakangiti. It was so easy for them to make my heart flutter. Parang nakakawala ng iniisip.

“Gusto ko na po umuwi.” Napasinghap ako sa biglaang pagsasalita ni Zion na nasa gilid ko lang pala.

He seems very wise at mukhang naiintindihan niya ang mga nangyayari kahit pa sa murang edad.

“Really? Ihahatid na kita.”

Imbes na magsalita, tiningnan lang ako ng bata bago nagsimulang maglakad. Doon ay nararamdaman ko na naman ang pagiging kapos sa hininga. Ang mga kilos ng bata ay katulad na katulad sa ama nito.

Kung hindi ko iisiping mabuti ay makikintal sa isipang kong bumalik ako sa nakaraan at ang batang Cornell ang kasama ko ngayon.

Napalaki niya nang maayos ang anak. That will be his greatest legacy.

“Do you know my mommy?”

Natigil ang pagsunod ko sakanya dahil sa tanong na iyon. Bumalik na ngayon sa sistema ko ang awang nararamdaman sa bata. Ulila na ito. Sinong makakaalam kung ano ang magiging buhay niyang wala ang mga magulang?

“Zion, I. . .”

“La Sitti!” biglaang sigaw ng batang nasa harapan ko. Mabilis siyang tumigil sa paglalakad at pumasok sa katapat na bahay.

Akmang pipiglan ko ang lalaki nang may lumabas na babae sa lugar. Nakapusod ang buhok nitong mayroon nang senyales ng katandaan. Ang napakaputi nitong balat ay halos maikumpara ko sa akin at ang ngiti ng babae. . . I was very familiar with it. That kind of smile. . . It is the same as mine.

“Felicity. . . .”