CHAPTER 3

Nang makarating na siya sa harapan ng pintuan ng silid ng binata, ilang segundo muna siyang nakahinto doon at humihinga ng malalim, paulit-ulit siyang humugot ng malalim na paghinga, alam niyang iyon na ang simula ng kanilang pag-uusap, at alam din niyang mauuwi iyon sa pagtatalo.

“S-Simon….” mahina niyang tawag kasabay ng mahihinang katok sa pintuan nito. Alam niyang sapat ang pagkatok niya sa pintuan para marinig ng binata. Ngunit may kalahating oras na siyang nagkakakatok doon ay hindi siya nito pinagbubuksan. Nag-alala na siyang baka kung ano na ang ginawa ng binata, upang masuway lang ang nais ng mga magulang.

Nanginginig niyang isinusuksok ang hawak na susi sa butas ng door knob ng pintuan ng silid ni Simon. Nang mabuksan niya iyon, kinakabahang pumasok siya, ngunit nagulat siya nang makita ang lalaking bigla na lang lumabas ng sariling banyo nito, “Ah!” malakas niyang sigaw. Napahawak siya sa kanyang bibig dahil ayaw niyang marinig siya ng mga tao sa ibaba.

“What! Magpapanggap kang natatakot at nagugulat?”

“H-hindi naman sa ganon, a-akala ko kasi Simon, ano--” nauutal pa niyang sambit sa lalaki.

“ Ano? Nai-invite kita rito sa silid ko? Diba ang sabi ko sa ‘yo kalimutan mo na iyang pagpapantasya mo sa akin!”

“Ano ba! Ang Mama mo naman ang humingi ng tulong sa ‘kin!” inis niyang nasabi. Ngunit pinilit naman niyang magmukhang hindi galit ang tinig niya.

Bigla na lang siyang hinawakan ng binata sa balikat niya, marahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya, na animo’y hahalikan siya nito. Mariin siyang napapikit, kaya’t bumunghalit ng tawa si Simon, iyong tawa na maya maya ay galit na mga tingin na naman ang ipinupukol sa kanya. “Iyan ba ang kunwaring hindi mo gusto? Na pinilit ka ni Mama? How dare you to say something lie to me!” galit na naitulak siya nito kaya’t napaupo siya sa kama.

“Hindi ko naman sinabing pinilit ako ni Tita, ang sabi ko siya ang nagpunta sa bahay namin, mahal kita kaya pumayag ako, ayaw kong magh--” hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng ibalibag ni Simon ang babasaging baso na nakalapag sa nigth stand table nito na malapit rin sa kama. “Simon ano ba!” napasigaw niyang salita para malaman ng binata na natatakot na siya.

“Anong ano ba, galit ako. Iyon pa rin iyon, bakit ka pumayag? Alam mo naman na si Mica ang mahal ko, paano na ang relasyon namin ni Mica?”

“Nasaan ba siya? Di magpakasal ka na, magpakasal na kayo, para wala na, tapos na ang lahat, wala na silang magagawa pa,” sambit naman niya sa lalaki.

“Ano! Ako pa ngayon ang may pagkukulang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” nalilitong tanong ni Simon.

“Pakasalan mo siya, para tapos na.” Ngunit hindi nakasagot si Simon sa mga sinabi niya. Alam din kasi nito na imposible ang bagay na iyon dahil nasa ibang bansa si Mica, at nag-aaral doon ng pagdo-doctor. “Ano hindi p’wede diba? Pero may time frame lang kayo, at dapat nang magdesisyon, pero ang babaeng gusto mong mapakasalan ay nasa malayo at tinutupad ang pangarap niyang maging doctor! Sa tingin mo, gaano katagal ka pa p’wedeng maghintay? At ang pamilya mo, matitiis mo bang maghirap? Alam mong may sakit ang Papa mo, makakaya ba ng kunsensiya mo na mapahamak sila, para lang masunod mo ang sarili mo?” sunod-sunod niyang salita, alam niya na ang mga salitang iyon ay maaring makaantig sa pride nito, maging ang puso nito dahil alam niyang mahal na mahal ng binata ang buong pamilya nito.

Taas ang kamay ni Simon, umupo ito sa kabilang side ng kama, tahimik na nakaupo lang doon. Naririnig niya ang bawat paghigop nito ng hangin, at mabilis ring ibubuga. Bawat pakawala nito ng hangin mula sa kalooban ay puno ng bigat. Na para bang pasan na nito ang buong daigdig.

“Sige, magpapakasal ako, pero walang sisihan sa kung anong magiging resulta nito, huwag mo akong sisisihin kung mamumuhay ka sa loob ng impyerno! It’s your choice!” tumayo ito at tuluyang lumisan sa loob ng silid.

MAKALIPAS ang isang buwang paghahanda para sa kanilang kasal, naganap rin iyon ngunit simpleng kasalan lang, alam naman niya na ang kasal na iyon ay para masabi lang na ikinasal sila, at mapirmahan ng abogado ang lahat ng papeles na nagsasabing sa kanilang pamilya na mapupunta ang karapatan sa pamamahala ng buong kumpanya, at lahat ng mga propersties na naiwan pa ng lola ni Simon.

Ngunit labis rin nilang ikinagulat ang isang rebelasyon na binasang muli sa kanila ng abogadong si Atty. Lucas Geronimo.

“Anong ibigsabhin niyan Atty. Lucas?” galit na tanong ni Simon ng marinig nito na may manang matatanggap ang asawa niyang si Jemima Mendoza.

“Upang matiyak ng iyong Lola, na hindi kayo magpapakasal para lamang sa pera at mamanahin, upang matiyak na hindi kayo maghihiwalay matapos ang pagbabahagi ng kanyang mga yaman, ipinamamana niya sa iyong asawa na ngayon na si Jemima Mendoza ang Share’s of stock niya sa buong kumpanya. Na ang ibig sabihin ay kalahati ng buong share’s of stock ng kumpanyang pamamahalaan mo. Bukod pa riyan, sa kanya na rin nakapangalan ang maliit na farm sa batanggas, iyong taniman ng pinya. Na may may mansiyon, iyong ang kasiguruhan sa kanilang mag-ina,” dugtong pa ng abogado.

Tutol man sina Jemima at ang kanyang ina, wala na silang nagawa, ayaw sana nilang tanggapin ang pamanang iyon na iniwan sa kanya ng matanda, ngunit lahat naman ng Saavedra ay pumayag na sa ganoong konsepto. Talo sila ika nga nila, kaya lang ay wala naman ni isa sa mga anak nilang lalaki ang gustong magpakasal kay Jemima, mababa ang tingin ng mga iyon sa dalaga.