CHAPTER 26
Matagal kong pinag-isipan kung bakit ko iyon nasabi at bakit parang masaya ako, kaya nasaktan rin ako nang makita ko na umiiyak siya dahil pakiramdam niya ay pinaglalaruan ko lang siya. Kaya nang sabihin niya sa akin habang nagiinuman kami na pumapayag na siyang magpakasal kami ay halos parang sumabog ang puso ko at nakalimutan ko bigla yung tungkol kay Kyle na may bago na ulit siya.
I'm amazed she was able to sleep right after telling me she accepted my proposal. Kaya pagkatapos ko siyang picture-ran ay pinanood ko lang siyang taimtim na matulog. May nakita naman akong dumi sa mukha niya kaya lumapit ako sa kanya para tanggalin iyon pero na-out of balance ako at nabigla ako nang aksidenteng mahalikan ko siya sa labi. Agad akong napalayo sa kanya at dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay umalis na lang ako ng walang paalam.
"Anong problema bakit nag-aya ka mag-inom bigla?" tanong ng college friend ko na si Marky.
"Nothing." maikling sagot ko.
"Seriously, what is it?" tanong naman ni Sean sabay inom.
Umayos ako ng upo.
"What is the meaning kapag may tao kang laging gustong makita, tapos kapag nakita mo na siya at nakausap halos nagwawala yung puso mo?" tanong ko.
"It means you're in love." maikling sagot ni Sean.
"Impossible." pagtutol ko sa kanya.
"Why? It's a woman no?" nakataas na kilay ni Marky.
Hindi ako nakasagot.
"It's fine, wala namang rule na hindi ka na pwedeng magkagusto sa babae." natatawang sabi ni Marky.
"I agree, maybe you're pansexual."
I haven't thoroughly thought about my sexual orientation and gender identity, kasi dati if you are attracted to guys ang tawag sa'yo ay bakla, at kapag babae ka naman na nagkakagusto rin sa kapwa babae mo ay tomboy ka, period. Pero ngayon, mas naging open na ang mundo at ngayon hindi na lang nasasara sa babae, lalaki, bakla, at tomboy ang gender identity ng isang tao at mas malaya ng magmahal ng kahit sino mang gusto nila, which is great kasi mas nailalabas na ng bawat isa kung sino talaga sila. Pero kahit marami na ang bukas ang pag-iisip ay hindi pa rin talaga mawawala ang mga taong makikitid ang utak.
"I'm getting married."
Napahinto sila mommy at daddy sa pagkain nang sabihin ko iyon.
"Tama ba yung rinig ko anak?" tanong ni mommy.
"If it's going to be with a guy, stop this nonsense." walang emosyong sabi ni daddy.
"It's not a guy, her name is Cordelia."
Napatakip ng bibig si mommy.
"Oh.. Really I'm so happy for you anak." masayang sabi ni mommy bago niya ako yakapin.
"Why so suddenly?"
"Ano po ba talagang gusto niyo? kapag sa lalaki ayaw niyo, kapag sa babae naman nagdududa rin kay--" Bigla niya akong sinampal ng malakas.
Ayoko na makipagtalo pa, alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay hindi ako mananalo sa taong sarado ang pag-iisip at sarili lang ang pinaniniwalaan.
"Intindihin mo na lang ang daddy mo, ang mahalaga ako tanggap kita, anak kita eh." sabi ni mommy habang naglalakad kami sa mall.
Minsan iniisip ko kung kaya lang ba ako tanggap ni mommy ay dahil sa anak niya ako o dahil totoong tanggap niya talaga ako. Magkaiba kasi yung wala lang choice, sa totoong nararamdaman talaga. Kapag tinatanong niya ako tungkol sa pagkakaroon ng anak at noong nakita ko na masaya siya na magpapakasal ako sa babae, pakiramdam ko ay wala lang siyang choice dahil anak niya ako, kaya nasabi niyang tanggap niya ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
"... At sir, hindi bakla lang ang anak niyo, he's gay but it doesn't mean that he's less of a person. Because he's smart, kind, friendly, and even much better person than most of the people including you, sir."
Habang halos lahat ng tao ay hinuhusgahan at nagpapanggap na tanggap ako, may isang babae na handa akong ipagtanggol at pakasalan, at tanggap ako ng buong buo.
"Are you okay?" tanong ko kay Cordelia na nasa loob pa rin ng fitting room.
Sumagot siya na ayos lang daw siya kaya hinintay ko na lang siya na lumabas. Nang marinig ko na bumukas na ang kurtina ng fitting room ay napatingin ako at nakita ko siya. She's so beautiful wearing that gown, pero hindi ko rin naman ikakaila na lagi naman siyang maganda sa paningin ko.
"Basang basa ka na." sabay punas niya sa akin ng panyo na dala niya.
Inabot kasi kami ng ulan pagkatapos namin kumain sa isang food park.
"Ikaw rin." Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya para punasan ang mukha niya.
Napatitig ako sa kanya at bumilis ang tibok ng puso ko nang ilugay niya ang buhok niya, at lumapit sa akin para punasan ang mukha ko. Habang tinititigan ko siya, ang tanging pumapasok sa isip ko ay gusto ko siyang halikan.
Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya, mabilis pa rin ang tibok ng puso, and at that very moment... I knew Sean was right.
Natakot ako at naduwag, hindi ko alam kung totoo ba yung nararamdaman ko o sadyang nalilito lang ako.
Nakaduty ako sa hospital nang makatanggap ako ng text mula sa kanya.
"Aster, pakidaanan mo naman akong gamot pagkalunch break mo, nilalagnat kasi ako. Salamat."
Agad akong tumakbo papunta sa nurse station at sinabi na maghahalf day ako dahil may emergency lang. Bago umalis ay dumaan ako sa pharmacy ng hospital at humingi ng gamot, dumaan din ako sa grocery para bumili ng maluluto.
"Aster, water..." Siguro mas okay na 'to na si Aster yung iniisip niyang nag-aalaga sa kanya.
Bago ako umalis ay inihiga ko siya at kinumutan, hinahaplos ko ang buhok niya habang nakatitig sa kanya, "I think i'm in love with you." bulong ko.
Gusto ko munang maging sigurado kung mahal ko ba talaga siya, hindi ko pa rin naman kasi alam kung parehas ba kami ng nararamdaman, kaya naisip ko na mag-lagay ng linya sa aming dalawa.
Pero ngayong nakikita ko siyang naglalakad papalapit sa akin suot-suot ang kanyang wedding gown, I just realize that I'm really in love with her...
"Eto nga pala yung kontrata natin, na-sign ko na yan ikaw na lang kulang, pero siguro kahit bukas mo na lang ng morning ibigay sa akin yung copy ko."
... and now I regret not realizing it sooner.