CHAPTER 25
His P. O. V.
"Class, mayroon tayong transferee." sabi ng bagong class adviser ko.
She instructed me to enter the classroom para makapagpakilala sa mga bago kong classmates.
"Hello, my name is Sky Toledo. I hope we can all become friends." I smiled.
Sa totoo lang kinakabahan ako because everything is new to me, new place, new people, and new environment. Pero nawala rin agad ang kaba na yun dahil ang daming lumalapit sa akin para makipagkaibigan and most of them are girls, which is fine with me because they are all nice.
I felt at ease hanging out with them not until isa-isa na silang nagcoconfess ng feelings nila sa akin, so I have to make it clear to them that I am gay. Kaya simula noon lagi ko ng naririnig sa mga teacher at mga iba pang estudyante ang salitang 'sayang'.
"Sayang gwapo sana."
"Sayang bakla pala."
"Sayang ang lahi."
"Sayang ka."
Hindi na ako nagulat because I know that we still live in a world where people judge others based on their gender, status, virginity, color, and mistakes rather than how good they are as people. I don't want to appease those type of people by giving them the power over me, kaya kahit marami akong naririnig na panghuhusga ay nanatili pa rin akong nakangiti at kalmado sa harap nila. Siguro nasanay na rin ako dahil sa bahay pa lang namin ay araw-araw na sa aking pinaparamdam ng tatay ko na sayang ako at parang kasalan ang maging gay, kaya kahit anong ipagawa niya ginagawa ko na lang para wala na siyang masabi.
Kaya madalas kapag nasa bahay ako ay ginugugol ko na lang ang oras ko sa pag-aaral in advance, para na rin kapag nasa klase ay alam ko na ang lesson at pwede na lang ako matulog o mag-observe sa mga dumadaan sa hallway. Katulad na lang ngayong tanghali, alam ko na ang tinuturo ng teacher namin kaya nakapangalumbaba na lang akong tumingin sa labas. Bigla akong napaayos ng upo dahil nakita ko ang lagi kong inaabangan na dumaan, ang cute niya kasi at mukha siyang manika na walang emosyon ang mukha kaya natutuwa ako kapag nakikita ko siya.
Kahit sa labas ng classroom ay lagi ko siyang nakikita kaya kapag nakakasalubong ko siya ay nginingitian ko siya. Nalaman ko rin na ka-batch ko lang pala siya pero ibang section, akala ko nga lower batch siya kasi baby face siya at ang cute niya kahit pa lagi lang siyang naka poker face lang. Ewan ko nga rin kung bakit lagi ko siyang gustong nakikita, parang kulang yung araw ko kapag hindi ko siya makita siya.
Isang beses ay narinig ko siyang kumakanta sa music room namin, ayokong ipaalam sa kanya na nakikinig ako kasi baka mahiya siya at huminto kaya umupo na lang ako sa likod ng pinto and just silently admire her and her voice.
"Here, gamitin mo muna." alok ko sa kanya ng bag ko, nandito kasi kami ngayon sa canteen at natagusan siya.
"S-salamat."
Simula noon parang mas sumaya tuloy kasi ngumingiti na rin siya sa akin kapag nakakasalubong ko siya.
I always look for her at kapag nakita ko na siya ay nagpapanggap akong hindi ko siya nakita agad para magmukhang accident lang na nagkasalubong kami. Minsan gumagawa rin ako ng paraan para magkaroon kami ng kahit small conversations gaya ng minsan nilalapitan ko siya para manghiram ng ballpen kahit marami naman akong dala, kapag nasa may bulletin board siya at nagbabasa ay tinatanong ko siya, at minsan pa kapag muntikan na akong ma-late ay tumatabi ako sa kanya sa pila para lang ikwento kung bakit ako muntik ma-late.
I'm not sure if she noticed, but I get really excited and happy whenever I see her and talk to her.
Hanggang sa dumating na ang last prom namin, excited akong umattend ngayon dahil noong third year ako ay hindi ako nakaattend dahil sa nagkabulutong ako, so this is my last chance to attend a prom.
Pagkadating ko pa lang ay hinahanap na agad ng mata ko si Cordelia, kung saan-saang table pa nga ako napadpad at nakipag-usap para lang mahanap siya, pero kahit mga kaibigan niya ay hindi ko pa nakikita. Magsisimula na ang prom nang makita ko siyang kasama ang mga kaibigan niya na nagmamadaling pumasok at pumunta sa isang table, napangiti naman ako dahil dahil alam kong nandito na siya.
Nang ma-announce na kung sino ang prom king at queen ay nagsimula nang magsayawan, at para hindi naman obvious ay sinayaw ko muna ang ilan sa mga classmates ko bago ko siya lapitan at alukin na isayaw.
Hindi siya nagsasalita kaya ako na lang ang unang nagsalita sa amin, tinanong ko siya kung saan siya magcocollege at anong course ang kukunin niya, sinabi niya ang university at business management daw ang kukunin niyang course.
Hindi ko rin alam pero may naisip akong itanong sa kanya.
"Sinong crush mo?" napaiwas siya ng tingin sa akin at halatang namula, so meron siyang crush...
"Wala." maikling sagot niya.
HIndi ko alam pero parang nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya.
"Ganun? Osige hayaan mo kapag wala pa tayong b-boyfriend parehas kapag thirty na tayo, tayo na lang." seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin ng diretso kaya napakapit ako sa damit niya. Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam, pero parang may kung anong kuryente na dumaloy sa akin dahil sa pagtitig niya. Napabitaw lang siya noong tumugtog ang up beat na music kaya tumawa na lang ako para hindi siya mailang.
Nagsimula ng magsayawan ang mga tao sa paligid namin at ang ilaw ay sumasayaw din kasabay ng tugtog, habang kami ay nakatayo lang at nakatingin lang sa isa't isa.
Napatingin at napahawak ako sa chest ko dahil pakiramdam ko ay masyadong mabilis ata ang tibok ng puso ko. Pagbalik ko ng tingin kay Cordelia ay wala na siya at naiwan akong nakatayo sa gitna ng mga taong masayang sumasayaw sa tugtog.
I rarely see her after prom, possibly because she is preoccupied with final exams, projects, and entrance exams. That's why, on graduation day, I tried to approach her pero parang nahihiya na akong lumapit sa kanya, kaya hanggang matapos ang ceremony ay hindi na ako nakalapit sa kanya.
Pinagsisihan ko iyon kasi after highschool, hindi ko alam kung paano siya macocontact dahil wala akong number niya. I must admit that I long for her presence kaya kahit alam ko na hindi kami same university ay napapatingin pa rin ako sa bintana because I wish... i wish I could see her.
Until I met Kyle, lagi siyang nakabuntot sa akin noong college at after graduation at board exam ay nagconfess na siya sa akin at niligawan niya na ako. He's nice, which is why I decided to give it a shot since I've never been in a relationship before. The relationship went well, and I can say that I'm happy and content. Pero noong tumagal na kami ay nagbago at naging cold na siya sa akin, inisip ko na lang din na dahil siguro sa busy kami parehas at wala ng time para sa isa't isa. Kaya naisip ko siyang bisitahin sa nurse room dahil hindi naman toxic at baka nagpapahinga siya pero pagkapasok ko ay agad akong napaatras nang makita ang isang babae na nakapatong sa kanya.
I was still not in the right state when I received the text message about our batch reunion, pakiramdamdam ko kasi ay wala akong energy para pumunta doon . Pero nang malaman ko na siguradong pupunta lahat ng nasa section two ay nabuhayan ako at agad na nagrequest ng pang-umagang duty sa araw na iyon.
Late akong dumating sa reunion dahil sa late pumasok ang isa sa ka-endorse ko sa hospital. Pagpasok ko sa loob ay parang natandaan bigla ng sistema ko ang nakasanayan kong gawin noon at yun ay ang hanapin si Cordelia.
Nakita ko naman siya at kasama niya pa rin ang dalawa niyang kaibigan, ang cute pa rin niya kahit naka all black siya. Dumaan ako sa alam kong madadaaan ang pwesto niya at pinagbababati ang mga nasa ibang table na kakilala ko lahat, pero noong nasa tapat na ako ng table nila ay bigla akong walang nasabi kaya ngumiti na lang ako, hindi siya ngumiti pabalik kaya parang nalungkot ako.
Ang dami kong kinakausap pero ang mata ko ay nakatingin lang sa kanya, kaya nang lumabas siya ay nag-excuse ako sa mga kausap ko at sinundan ko siya. Dahan-dahan siyang nilapitan dahil parang ang lalim ng kanyang iniisip..
"Hi anong ginagawa mo rito? malamok tsaka mahamog." tinanggal ko ang suot ko na coat na suot ko.
"Uh... wala lang nagpapahangin lang." sagot niya na parang naiilang sa akin dahil hindi siya makatingin, kaya isinuot ko na lang ang coat ko sa kanya at naisip ko na umalis na lang dahil baka nakakaistorbo ako sa kanya.
"Birthday ko! Birthday ko ngayon."
Nakangiti akong lumingon at naglakad pabalik sa kanya.
"Oh? Happy birthday sorry 'di ko alam."
Pero ang totoo niyan ay alam ko naman, hindi ko rin alam kung bakit ako nagsinungaling na hindi ko alam, may dala pa nga akong box ng cupcake para sa kanya na oo nga pala, nakalimutan kong dalhin.
"Wait, dito ka lang may kukunin lang ako. Dito ka lang ah?" sabi ko sabay takbo sa loob para kunin ang box ng cupcake. Pero nang makabalik ako sa table namin at nakita ko ang laman ng dala kong box ay isa na lang, napalingon ako sa mga kasama ko sa table na lahat sila ay may hawak-hawak na cupcake.
I want to scream pero pinigil ko na lang dahil ang mahalaga ay may natira pang isa. Bumalik ako kay Cordelia na dala ang isang cupcake na nakalagay sa platito at posporo na hiniram ko sa staff ng catering. Nawala rin naman yung inis ko kanina dahil nakita ko naman na naappreciate niya at napasaya ko siya.
"Alam mo ba yung pangalan ko na Cordelia moon siya sa ng Uranus." Nakangiti niyang kwento.
Naikwento niya ang tungkol sa mga magulang niya, kaya siguro siya laging parang walang emosyon noon dahil sa nangyaring yun, hindi ko tuloy maisip kung gaano kahirap yung pinagdaanan niya noon.
Nagulat naman ako ng tanungin niya ako kung kumusta ako, bihira ko na lang kasi marinig yun dahil wala naman nagtatanong sa akin noon madalas, kaya naikwento ko sa kanya yung about kay Kyle at nasabi ko rin sa kanya kung gaano ako ka-pressured sa mga magulang ko sa topic ng pag-aanak.
"Ikaw ba, may boyfriend ka na?" HIndi ko rin alam bakit bigla kong gustong malaman.
"Wala."
Hindi ko maintindihan kung bakit wala, hindi ba nila nakikita kung ano yung nakikita ko?
"Bakit naman wala? bulag ba sila? kung hindi nga lang ako bakla baka niligawan na kita." Teka bakit ko sinabi yun? bakit biglang may sariling buhay yung bibig ko at hindi ko mapigilan yung mga salitang lumalabas dito.
"Hindi ko rin alam..." mahina niyang sagot.
"Alam mo natandaan ko, nung prom natin sabi ko sa'yo kapag wala pa tayong karelasyon kapag thirty na tayo, tayo na lang dalawa, diba natatandaan mo?" Tumawa ako ng mahina.
Hindi siya sumagot.
Kaya nasabi ko ang mga salitang hindi ko akalain na sasabihin ko.
"Totohanin kaya natin?"