CHAPTER 27
"Sky, pwede pahila ng tali? hindi ko kasi matanggal." sabi niya sabay talikod sa akin.
Hindi naman gaano kainit yung panahon pero bakit biglang uminit yung pakiramdam ko? Humarap siya sa akin pagkahila ko ng tali at nakita ko na kamay na lang niya ang nakapigil sa top niya para hindi mahulog.
"Okay ka lang ba? gusto mo ikaw muna?" tanong niya.
Gusto kong isagot sa kanya na pumasok na lang siya sa banyo at baka hindi ako makapagpigil pero dahil mukhang hindi niya nahahalata ay sinagot ko na lang na ayos lang ako. Pagkapasok niya sa banyo ay iniisip ko na kung makakasurvive ba ako sa buong stay namin dito dahil masyado niya akong sinusubukan.
"Ayoko nakakahiya ang daming tao." tanggi niya.
Nag-open mic kasi dito sa kakainan namin kaya sinabihan ko siya na kumanta.
"... You have a great voice, sige na please."
When she started singing, bumalik lahat sa isip ko noong highschool kami, yung panahong hinihintay ko siyang dumaan lagi, yung gumagawa ako ng paraan para makausap siya, yung unang beses na marinig ko siyang kumanta, at yung unang beses kong nahawakan ang kamay niya sa simbahan dahil sa mass. Lahat yun akala ko dahil lang sa natutuwa ako sa kanya, pero dahil na pala yun sa may nararamdaman na ako para sa kanya.
"So you're now married, hindi mo man lang kami ininvite." pagmamaktol ni Marky.
This is the only day para makasama ko si Cordelia pero ang nangyari I'm spending it with them and later with my other batchmates in college.
"She's beautiful." maikling sabi naman ni Sean habang may tinitingnan sa phone niya. Sumilip ako sa tinitignan niya sa phone niya, nakita ko na nasa instagram siya ni Cordelia kaya kinuha ko ang phone niya.
"Hey back off, she's my wife." sabi ko sabay exit ng instagram niya dahil nakita ko na ni-like niya yung mirror selfie ni Cordelia sa Siargao.
Sean is a straight guy, wala siyang friends noong college kami dahil sobrang tahimik niya kaya inadopt na lang namin siya ni Marky para hindi siya mag-isa.
"Relax, I'm not going to steal her, she's all yours." sabi niya sabay inom sa iced tea niya.
"So... how was it? Are you happy?" pag-iiba ni Marky ng usapan.
"Well, I always feel excited to go home. Wala man laging interactions dahil na rin sa time ng uwi at pasok ko, pero alam mo yun, yung pakiramdam na alam ko lang na nandyan siya, sobrang kalmado na ng puso ko."
"Because she's your home... I'm happy for you bro." sabi ni Sean sabay akbay sa akin.
But one thing I've learned about marriage is that it's not easy.
"Sorry kasi nakialam ako... hindi na mauulit." mahinang sabi niya.
I know she's hurt and I'm so stupid for saying that stupid sentence, at dapat hindi na lang din ako nangealam at sinabi muna sa kanya ang tungkol sa mga kapatid niya. Masyado kasi akong pinangunahan ng kagustuhan kong makabawi sa kanya, to the point na hindi ko inisip yung mararamdaman niya.
"Akala ko ba walang pakealamanan? Nirespeto ko iyon kaya sana ikaw din."
Ramdam ko ang pagod at panghihina sa boses niya kaya nang bigla na lang siyang mawalan ng malay ay agad akong pumunta sa kanya para dalhin siya sa E. R.. Nakahawak lang ako sa isa niyang kamay habang hinihintay na magkamalay siya.
"Sir Sky, gamit mo po." Abot sa akin ng bagong nurse na kasama kong nakaduty kanina.
"Thanks, ikaw na bahala mag-endorse." paalala ko sa kanya.
"Opo." maikling sagot niya pero hindi pa rin siya umaalis kaya nilingon ko ulit siya.
"Sir, kumain na po kaya muna kayo, sobrang toxic po natin kanina hindi na po kayo nakakain. Ako na muna po magbabantay sa kanya." sabi niya.
"No I'm okay, ayoko siyang iwan." sagot ko.
Gusto ko na kapag nagising siya ay nandito ako para kung may masakit man sa kanya ay malaman ko agad, at isa pa wala rin naman akong ganang kumain hangga't hindi ko alam kung okay na ba ang pakiramdam niya.
"Dito lang ako love." hinalikan ko ang kamay niya bago makatulog dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan pagkagaling sa duty ko ay nagmamadali akong umuwi para may kasama si Cordelia sa bahay pero nang makauwi ako ay wala naman siya kaya tinawagan ko siya.
"Kasama ko sila ate at kuya, dinalaw namin ulit sila mama at papa, pero pauwi na rin kami." sabi niya sa tawag.
Bakit magkakasama silang magkakapatid? Okay na sila?
"Sunduin ko na kayo, para 'di na kayo mahirapan mag-book."
Miss ko na rin kasi siya at gusto ko na siyang makita after ng nakakapagod na duty sa hospital. Pero bago ako pumunta ay nagbihis muna ako ng presentable dahil makikilala ko na ang parents ni Cordelia.
"Ma pa, si Sky po... asawa ko..." Napangiti ako nang marinig kong sinabi niya ang 'asawa ko'.
"Hello po, nice to meet you po. Sorry po ngayon lang, para po sa inyo..."
Masaya ako para kay Cordelia lalo na't alam ko na gumaan na ang pakiramdam niya dahil nagkaayos na silang magkakapatid.
"Bayaw, 'wag mong papabayaan ang bunso namin ah, 'wag mo siyang iiwan at sasaktan katulad nung ginawa namin noon." sabi niya sa akin ng palihim habang nagpapaalam si Cordelia sa ate niya.
"We all have reasons why we do things, just as we all have pains that we must heal first. What matters now is that you've all learned to forgive one another, and especially yourselves.."
Sabi nga sa kanta, malalaman mo lang na mahal mo talaga ang isang tao kapag nakaya mo siyang patawarin. Hindi lang dapat sa ibang tao, dapat sa sarili rin natin, dahil minsan kaya tayo nasasaktan at hindi nakakausad, ay dahil din sa hindi natin magawang patawarin at mahalin ang sarili natin sa lahat ng mga nagawa natin at sa lahat ng mga pagkukulang natin.
"Ayoko nga magdoctor dad, why can't you just respect that?"
Well, I also do have my own pain. Not being able to do what I really want to do, not being able to make my parents proud, and just simply not being enough. I also feel like I don't have the right to make my own decisions and everytime I tried to make one, lagi kong pinagdududahan ang sarili ko. Gusto ko na ring lumaya, gusto ko na ring patawarin ang sarili ko, at higit sa lahat gusto ko na ring mahalin ang sarili ko.
"Let's... sleep together."
Nakita ko na namula ang mukha ni Cordelia kaya napangiti ako. Aaminin ko na kahit na ang daming gulong nangyayari sa utak ko, siya ang tanging pahinga ko at ang yakap niya ang safe place ko.
"Kailangan ko ba talagag pumunta?" tanong ko kay Xian na katrabaho ko.
Nag-aaya kasi silang mga taga E. R. sa iba pang mga nurse na naka-off duty para pumarty dahil mayroon daw ikakasal na nurse rin. Ayoko sana pumunta kasi tinatamad ako pero dahil aalis si Cordelia ay napapunta na lang din ako dahil pinipilit nila ako.
"Sky..." Tandang-tanda ko pa rin ang boses na iyon.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
"Kyle..."
Bakit ganoon? Si Kyle ang nasa harap ko ngayon, pero si Cordelia ang naiisip ko...
"Kumusta? Kasal ka na daw?" Tanong niya.
Napangiti ako. "Oh God, I already miss her.." Bulong ko.
"What?" Tanong niya.
"Wala, ikaw kumusta ka? ikakasal ka na daw ah."
"Yes. " nakangiti niyang sagot.
"Well, congrats and I'm happy for you."
Aalis na sana ako pero nagsalita ulit siya.
"I'm sorry..."
Minsan masarap din sa pakiramdam na may nakukuha kang 'sorry' mula sa mga taong nanakit sa'yo, dahil napapalaya ka nila sa lahat ng mga bigat na naramdaman mo.
"Thank you... thank you for saying sorry."