CHAPTER 24

TW: SA

Reader discretion is advised.

*

Nagluto ako ng maaga para may makain si Aster bago umalis, madalas kasi siyang hindi nakakakain ng almusal dahil sa pagmamadali papasok ng trabaho niya. Napahinto ako sa pagluluto nang mapansin ko na gising na si Sky at pumunta rin siya dito sa kusina.

Tahimik akong bumalik sa pagluluto at siya naman ay tahimik lang din na nagtimpla ng kape at nagpalaman ng tinapay. Nataranta ako ng masagi ko ang mangkok na nasa tabi ko pero buti na lang ay nasalo agad ni Sky at tahimik na inabot sa akin.

"Goodmorning..." humihikab na bati ni Aster.

"Ba't gising ka na? maaga pa." sabi ko sa kanya.

"Naalimpungatan kasi ako tapos narealize ko na wala pala ako sa condo kaya ayun 'di na ako nakatulog." paliwanag niya sabay punta sa banyo. Natahimik ulit ang paligid nang pumasok si Aster sa banyo, at tanging ingay lang ng pagluluto ko at ang pagtotoast ni Sky ang nangingibabaw.

Paglabas ni Aster ay dumiretso siya kitchen counter at umupo sa upuan at pinanood niya kami ni Sky sa mga ginagawa namin habang nakapangalumbaba. Inilapag ko ang ulam na pinrito ko sa harap niya bago bumalik sa pagsasangag ng kanin.

"Coffee?" alok naman sa kanya ni Sky.

Mukhang tumango si Aster dahil gumawa ulit si Sky ng kape.

"Hindi pa kayo bati?" tanong ni Aster kay Sky pakalapag ni Sky ng kape niya.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Sky.

"Kasi nung isang araw, yung pumunta kami sa hospital para malaman gender ng baby ni Stella, nag-inom kaming dalawa noon tapos pinuntahan ka namin sa--"

"Oh kanin, kumain ka na." putol ko sa kanya, minsan may tinatago rin 'tong kadaldalan.

"Thank you!" sabi niya.

Si Sky naman ay tumalikod na lang at bumalik sa pagpapalaman ng tinapay niya na parang may iniisip kaya kinurot ko si Aster sa braso.

"Aray.." tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Kumain ka na lang." bulong ko sa kanya.

Habang kumakain si Aster ay may chineck muna ako sa laptop kasi baka hindi ko nasend yung ginagawa ko kahapon. Napalingon naman ako sa gilid ko nang maglapag si Sky ng tsaa at tinapay, naramdaman ko naman na sinisipa ako ni Aster kaya napatingin ako sa kanya, may sinasabi siya na walang tunog at "thank you" ang pagkakabasa ko sa bibig niya kaya sinunod ko na lang siya.

"Thank you." mahinang sabi ko.

"You're welcome... love." sagot niya at parang may kuryente naman na dumaloy sa akin nang marinig kong sabihin niya ang 'love' pero nagpanggap na lang ako na hindi naapektuhan.

Nang matapos kumain si Aster ay umalis na rin siya kasi wala daw siyang dalang damit kaya sa condo na lang daw siya maliligo. Pero bago siya umalis ay may sinabi pa siya sa akin, " 'Wag ka masyadong magpabebe, kaunti lang dapat." Tinulak ko lang siya bilang sagot sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Sky na hinuhugasan ang mga kinainan ni Aster at mga iba pang ginamit ko.

"Ako na." tumabi ako sa kanya at inaagaw ang platong hawak niya pero ayaw niyang bitawan ito.

"I can't.." halos pabulong niyang sabi.

"Ako naman gumamit niyan kaya ako na maghuhuga--" Napahinto ako dahil nagsalita siya.

"I can't stop being nice to you because... I'm in love with you." Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"So please... stop pushing me away." seryoso niyang sabi.

"Pero si Kyl--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit.

"Don't think about Kyle... and Jacob." halos ibulong niya lang ang pangalan ni Jacob.

Umaalis ako sa yakap para magpaliwanag pero mas idiniin niya pa ako sa kanya.

"Let's stay like this for a while." sabi niya habang nakasubsob sa may balikat ko.

"I really love hugging you..." lumayo siya ng kaunti para patakan ng halik ang labi ko.

"kissing you..." hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"and just being with you." nakatitig lang siya sa mga mata ko.

Ramdam ko naman na sobrang init na ng mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at narinig ko naman na napatawa siya ng kaunti.

"Tinatawanan mo ako?" napasimangot ako at aktong aalis na pero hinila niya ako at niyakap na naman.

"Ang cute mo." sabi niya habang nakayakap.

"Maliligo ka na, may pasok ka pa." tulak ko sa kanya pero hindi siya natinag at nakayakap pa rin siya.

"Sama ka?" nakangiti niyang tanong sabay alis sa yakap.

"Parang sira 'to." natatawa kong sagot.

"Bakit? Mag-asawa naman tayo ah." nag-pout siya.

Tinulak ko na siya papunta sa banyo at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Pero nang nasa pinto na ng banyo ay pinipigil niya ang tulak ko gamit ang pagkapit sa dalawang dulo ng dingding, ngumuso na naman siya kaya pinatakan ko siya ng halik na nagpatanggal sa pagkapit niya kaya natatawa akong itinulak siya sa loob at isinara ang pinto.

"Unfair!" sigaw niya sa loob.

Natatawa naman akong bumalik sa kusina para banlawan ang mga sinabon niya, naglagay na rin ako ng mga tubig sa mga pitsil, at nagwalis na rin ako. Nang matapos ako ay umupo muna ako sa sofa at nag-scroll sa social media nang biglang may tumawag na unknown number, sinagot ko iyon para malaman ko kung sino ang tumatawag na iyon.

"Miss me?"

Natapon ko ang phone ko at napatayo ako dahil sa takot. Kahit hindi siya magsalita ay alam ko kung kaninong boses iyon.

"What happened? Are you okay?" Agad na lumapit sa akin si Sky na kalalabas lang ng banyo.

Nanginginig ang kamay ko at hindi makapagsalita, hinawakan niya ang kamay ko at binukas sara niya ito.

"Breathe in, breathe out." sabi niya at sinabayan niya akong gawin iyon.

Nang kumalma na ako ay tinanong niya ulit ako, "What happened?"

Inisip ko na papasok pa siya at baka magkagulo lang kung sasabihin ko sa kanya ngayon.

"Pwede mamaya na lang natin pag-usapan?" pakiusap ko sa kanya.

Tumango naman siya at inalalayan akong umupo, pumunta rin siyang kusina para kuhanan ako ng tubig.

Ayaw pa rin sana akong iwan ni Sky pero sinabihan ko siya na ayos lang ako, mukhang kanina pa rin kasi may natawag sa kanya kaya baka kailangang-kailagan na talaga siya sa hospital. Nang makaalis si Sky ay nanatili akong nasa sofa at nakatulala lang, hindi ko rin akalain na ganoon kalala ang naging epekto sa akin ni Jacob, na kahit boses niya lang ay natatakot na ako, kaya mamaya sasabihin ko na talaga kay Sky.

Pero ngayon, kailangan ko munang bumalik sa katinuan dahil may trabaho akong napapabayaan ko na, kaya pagkatapos maligo ay maaga akong nag-online para may mga pumasok na agad na clients sa akin. Buong maghapon ay ginawa ko lang busy ang sarili ko para maiwasan ko rin ang pag-iisip kay Jacob, at huminto lang ako nung kumain ako ng tanghalian at nang matapos ay bumalik ulit ako sa pagtatrabaho. Kaya hindi ko na rin namalayan na naubos ko na pala lahat ng pumasok sa akin na gig at pagtingin ko sa orasan ay gabi na pala.

"Wala pa palang hapunan." bulong ko sa sarili ko.

Umunat muna ako bago ko itext si Sky kung dito ba siya kakain. Hindi kasi siya umuwi kaninang alas dos kaya siguro ay nag-straight duty na naman siya. Hinihintay ko ang reply niya kasi baka may gusto siyang kainin pero hindi siya nag-reply sa akin kaya naisip ko na lang na bumili sa labas kasi pagod na yung kamay ko. Naglakad lang akong pumunta sa pinaka malapit na fast food chain sa amin, gusto ko rin kasi magpahangin kaya imbis na umorder online ay lumabas na lang ako.

Binilhan ko na lang din si Sky para kung magutom man siya pag-uwi niya ay iinitin na lang niya yung binili ko. Nang matapos akong umorder sa counter ay umupo muna ako kasi pineprepare pa daw yung order ko. Napatingin ako sa labas at may nakita akong pamilyar na sasakyan, kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na hindi siya iyon at sa ibang tao ang sasakyan na iyon.

Muntik na akong mapatalon nang biglang isigaw ng crew ang number ko kaya lumapit na ako at kinuha na ang take out ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng fast food chain. Nilagpasan ko lang ang pamilyar na sasakyan at naglakad lang ng dire-diretso. Pero parang isang pamilyar na pangyayari ang nangyayari ngayon dahil habang naglalakad ako ay sumusunod ang sasakyan na iyon, sinubukan kong kumalma at tinawagan ko ng ilang ulit si Sky pero hindi siya sumasagot.

Tumakbo na lang ako nang wala na akong maisip na solusyon pero kahit na ganoon ay nahabol pa rin niya ako at nang makarating sa wala masyadong tao at madilim na daan ay huminto ang sasakyan at tsaka ako hinabol at hinablot ni Jacob. Binuhat niya ako papunta sa sasakyan niyang nakahinto at tsaka ipinasok sa backseat at bago niya ilock ang pinto ay pumasok rin siya sa backseat at itinulak ako pahiga.

"Parang-awa mo na, 'wag mong gawin 'to." pagmamakaawa ko sa kanya.

Umibabaw siya sa akin at lumapit sa may tenga ko, "Bakit? hindi ka naman mahal ni Sky."

"Wala kang alam sa amin." may diin kong sagot sa kanya at pinaghahampas ko ulit siya.

Lumayo siya sa akin at tumawa bago niya hawakan ang dalawang palapulsuhan ko at ipinwesto sa taas ng ulo ko at pagkatapos ay lumapit ulit siya sa akin malapit sa may leeg ko.

"Really? Because I know about the contract." nagulat ako sa sinabi niya, paano niya nalaman yung tungkol doon?

Lumapit siya malapit sa may labi ko.

"Plus, did you know Sky had been absent from work for like days now, and actually even now hindi pa rin siya pumasok because guess what, kasama niya si Kyle."

"Hindi ako naniniwala sa'yo kaya pakawalan mo 'ko!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Woah chill, papakawalan din naman kita, but you have to give me what I want first..." nakangisi niyang sabi bago niya sinira ng bahagya ang damit ko at sinimulang halikan sa leeg.

Dahil hawak niya ang kamay ko, paa ko na lang ang pinangtulak ko sa kanya at kasabay noon ay nagsisisigaw rin ako, tumigil siya at sinampal ako ng sobrang lakas.

"Shut your mouth!" sigaw niya naman sa akin.

Nabitawan niya ang isa kong kamay nang sampalin niya ako kaya nagamit ko iyon para masuntok ko siyang malakas sa mukha at makalabas ako sa sasakyan niya. Pinulot ko ang mga gamit ko at yung pagkaing binili ko na nasa kalsada bago tumakbo papalayo.

Sa sobrang bilis ng takbo ko ay napapagewang-gewang na ang paa ko sa panghihina, hindi naman ako pwedeng huminto dahil baka nandyan pa siya. Pauliit-ulit ko ring tinatawagan si Sky pero nakapatay na ang phone niya. Kaya tumakbo na lang ako ng tumakbo bitbit ang pagkaing binili ko at mga gamit ko, habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa may sirang parte ng damit ko.

Nang malapit na ako sa bahay namin ay napahinga ako ng maluwag nang makita ko si Sky na kabababa lang sa isang sasakyan na hindi kanya, papalapit na sana ako nang makita ko si Kyle na bumaba sa sasakyan na iyon at niyakap si Sky.

Nabitawan ko bigla ang pagkaing dala ko.

Tama nga si Jacob...

Napatingin sila sa akin at agad na lumayo si Sky kay Kyle para lumapit sa akin.

"Shit Cordelia what happened?! dadalhin kita sa hospital..." Hahawakan na sana niya ako pero tumalikod ako at tumakbo paalis.

Sinungaling ka Sky... sinungaling ka.