CHAPTER 23
Hindi ako makatulog kakahintay kung uuwi pa ba si Sky, madaling araw na kasi pero wala pa rin siya. Pabalik-balik rin ako sa social media nila Sky at Kyle para makita ko kung nasaan sila pero kahit sa tag photos wala.
Napatayo ako nang biglang may dumating na sasakyan, si Sky na ba yun? maya-maya rin ay bumukas na ang pinto at nakita ko si Sky na parang pagod na pagod na pumasok.
"Bakit gising ka p-" hindi nya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya.
"I love you... please ako na lang." sumubsob ako sa dibdib niya at tuluyan ng umiyak.
Hinawakan niya ang braso ko para ilayo ako ng kaunti sa kanya bago niya hawakan ang mukha ko at simulang halikan ang aking labi. Madiin ang mga halik niya habang unti-unti kaming naglalakad papunta sa kwarto niya. Pagkabukas niya ng pinto ay isa-isa na niyang tinatanggal ang suot niya. Isinandal niya ako sa dingding bago hinalikan ang aking leeg pababa sa pagitan ng aking dibdib at bumalik ulit sa aking labi. Huminto siya saglit sa paghalik sa akin para hubarin ang suot kong t-shirt, at pagkatapos ay hinalikan na naman niya ako at marahang hinawakan ang aking dibdib pababa sa aking bewang para alalayan ako dahil nangangapa kami sa paglalakad papunta sa kama niya. Nang makarating ay dahan-dahan niya akong inihiga, at habang nasa ibabaw ko siya ay napahinto siya sa paghalik at tinitigan ako sa mga mata ko. Napabuntong hininga siya bago tumabi sa akin at niyakap ako ng mahigpit, naramdaman ko ring hinalikan niya ako sa ulo kaya napaangat ako ng tingin sa kanya habang siya ay nakayakap pa rin.
"Bakit ka huminto? kasi hindi ako si Kyle?" mahina kong tanong sa kanya.
"Kilala mo na siya?" tanong niya pabalik sa akin.
Tumango lang ako bago kumawala sa yakap at bumangon, pinigilan niya ako pero tinanggal ko rin ang kamay niya. Malinaw na sa akin ang lahat, sinabi ko ng mahal ko siya pero wala siyang sinagot, at kaya lang siguro nangyari yung ngayon ay dahil lang sa guilt. Kinuha ko ang damit ko sa sahig bago ako lumabas ng kwarto niya.
Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko bago umupo at umiyak. Pagod na ako, akala ko kakayanin ko pero hindi pala.
*
Nagising na lang ako na umaga na pala at dito pala ako nakatulog sa may pintuan. Inunat ko ang binti ko pati na rin ang braso ko dahil nangalay sa pwesto ko buong gabi.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na wala na si Sky, siguro ay pumasok na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at magtimpla ng tsaa. Nang makita ko na halos wala na kaming grocery ay naisipan kong lumabas para mag-grocery ng kaunti, maaga pa naman kaya may oras pa ako bago ako magtrabaho. Dito lang sa pinaka malapit na grocery store ako pumunta dahil hindi pa ako naliligo.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Jacob.
Lumapit siya sa akin at hinapit niya ako sa bewang, "Hi" bulong niya.
TInutulak ko siya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewan ko kaya pinindot ko ng pasikreto ang number one sa phone ko para matawagan ko si Sky pero nasilip ko na hindi niya sinasagot.
"Ano bang gusto mo?" pinipilit kong hindi magtunog na natatakot.
"I want you." bulong niya ulit sa tenga ko.
Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at hinipan ang nakaharang na buhok sa mukha ko. Hindi na ako makagalaw dahil sa takot at hinihintay ko na lang na may makakita sa amin at tulungan ako.
"You look scared babe." mahina niyang sabi habang ginagala niya ang isang kamay niya sa katawan ko.
Napabitaw siya sa akin bigla nang dumami ang tao sa gawi namin. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi rin ako makapagsalita. Lumayo na siya pero nanigas na naman ako nang lumingon siya at ngumisi.
Nang makauwi na ako ay napaupo ako sa sahig at napatulala na lang dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kamay ko. SInubukan ko ulit tawagan si Sky pero nakapatay ang phone niya, kaya napasapo na lang ako a mukha ko at umiyak.
Halos huminto ang puso ko nang biglang may nag-doorbell, tumayo ako at nanginginig na pumunta sa gate para tingnan kung sino ang nasa labas.
Pagbukas ko ay dirediretsong pumasok si Aster na may dalang alak.
" Parang gulat na gulat ka? Nag-text kaya ako sayo." sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod ako sa kanya, "Hindi ko nabasa, galing kasi akong grocery. Bakit ka ba nandito?"
Inaangat niya lang ang dala niya bilang sagot sa akin.
"Wala ka bang trabaho?" tanong ko habang nakatingin lang ako sa kanya na inilalabas ang mga dala niya.
"Meron." ngumunguya niyang sabi sabay turo sa laptop niya at mga papers na nilapag niya sa lamesa sa sala kanina.
"Ligo lang ako." sabi ko. Hindi naman siya sumagot kaya naligo na ako.
Nawala na ang nginig sa kamay ko pero nararamdaman ko pa rin ang kamay ni Jacob sa katawan ko kaya paulit-ulit kong sinabon ang katawan ko at tinapat ko ang mukha ko sa shower. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Aster pero alam ko kasi na may pinagdadaanan siya kaya ayoko naman na isipin niya pa 'to.
Nang matapos ako maligo ay sinamahan ko na siyang uminom habang nagtatrabaho kaming parehas. Binabagalan ko lang uminom para hindi ako makarami pero si Aster ay nakarami na. Nakita ko na tumigil siya sa pagtatrabaho at biglang umiyak.
"Ang sakit na." napahawak siya sa mukha niya at umiyak lang ng umiyak.
Hindi ako nagsalita at inabot ko na lang ang hard na inumin na dala niya at binuksan iyon bago uminom. Habang umiinom ay kusa na lang din tumulo ang mga luha ko, inagaw sa akin ni Aster ang bote at tinungga niya rin.
"Bakit ka umiiyak?" umiiyak niyang tanong.
Pinunasan ko ang luha ko, "Hindi ko rin alam."
Hindi ko na rin kasi talaga alam, masyadong maraming nangyari, hindi ko na alam kung anong dahilan ng mga luha ko.
Pagkatapos naming maubos ang iniinom namin ay nauna ulit tumumba si Aster kaya pinasan ko siya papunta sa kwarto ko. Kahit nahihilo na rin ako at nasusuka ay inasikaso ko muna i Aster, pinahiram ko na rin siya ng komportableng damit. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto para magligpit pero napahawak ako sa dingding dahil grabe parang gumagalaw yung paligid ko.
"Are you okay?" napatingin ako sa taong nagsalita, kahit siya ay umiikot.
Tinulak ko siya gamit ang lakas na natitira sa akin.
"Kaya ko." sabi ko at sinubukan ko ulit maglakad pero natumba ako at napahawak sa ulo ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko masusuka na ako.
Bigla niya akong binuhat at dinala sa banyo, hindi na ako nakapagreklamo dahil baka lumabas ang suka ko sa mukha niya. Pagkababa niya sa akin ay napaluhod ako at sumuka sa inidoro, inipon naman niya ang buhok ko para hindi ko masukahan at hinaplos-haplos niya pa ang likod ko. Pakiramdam ko ay nasuka ko pati bituka ko sa dami ng isinuka ko. Hindi ko namalayan na itinali pala ni Sky ang buhok ko at nagbasa siya ng towel bago umupo sa tabi ko at pinunasan ang mukha ko.
"Magpahinga ka na, ako na magliligp-"
"Sky can you please stop..." seryosong sabi ko.
Huminto siya sa pagpupunas sa akin.
"... stop being nice to me."