Chapter 4
"Kung iyong papayagan po, aming dyosa, hahawakan po kita para masama ka po kapag ako po ay nagteleport," magalang na sabi ni Lorcan na agad ko namang sinagayunan.
"Walang problema."
Mabilis na hinawakan ako sa braso ni Lorcan, "Saan po tayo pupunta?"
Napatingala ako at napahawak sa baba ko, "Sa totoo lang, Lorcan, hindi ko alam," kunot noo niya akobg tininganan, "ang sabi lang kasi nila mommy sa akin ay pumunta ako sa gitnang bayan, at makikita ko roon ang bahay na tutuluyan ko habang nasa mundo ako ng mga mortal."
Saglit siyang natahimik at maya-maya pa ay napatango ng dahan-dahan, "Kung ganon, dadalhin nalang kita sa gitnang bayan, at sasamahan kita na mag hanap ng bahay na iyong tinutukoy."
Mhm, mukhang mas maganda nga iyon. Agad naman akong tumango kaya agad na humawak ako sa braso niya, at ang sunod ko nalang nalaman ay ang mabilis na pwersa na humihila sa amin. Automatiko kong naipikit ang mga mata ko, at nang saglit na idilat ko iyon, ay wala na kami sa puno bagkus ay nasa gilid ng daan na kami.
Bumitaw na si Lorcan sa akin at agad na dumistansya, "Nasa gitnang bayan na po tayo, dyosa."
Nilingon ko si Lorcan sa gilid ko, "PLease drop the 'po', halos magkaedad lang tayo," bahagya pa akong tumawa.
Umiling-iling naman siya, "Ngunit---"
"Hep, kaibigan na kita kaya ayos lang sa akin. Don't worry," pabiro ko pa siyang kinindatan bago ako nag simulang mag lakad, "saan ba tayo magsisimulang maghanap?"
Tumingin sa magkabilang gilid si Lorcan hanggang sa napako ang tingin niya sa kanan, "Malakas ang kutob ko na nandito ang bahay na tinutukoy niya," sabi niya habang nakatingin sa kanang bahagi pa rin.
Pati ako ay napatingin at nag kibit balikat, "Then, let's go."
"Alam mo ba ang itsura non, uhm, ano ba ang itatawag ko sayo?" Nahihiyang napakamot sa ulo si Lorcan.
"Gaia, kahit Gaia nalang," nakangiting turan ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
Napahawak siya sa braso ko, "Is this for real?! First name basis tayong dalawa?!" Kulang nalang ay magtatatalon siya sa tuwa dahil sa sinabi ko.
Nakangiwi akong tumango, "Unless ayaw mo?"
"Hindi! G-gusto ko!"
Nakangiti akong napailing. Sa hindi malaman na pagkakataon, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit na kakakilala lang namin dalawa kanina. Habilin nga ni mommy sa akin, ay huwag ako masyadong maging malapit sa ibang mga lahi, pero ewan ko ba, sadyang pasaway ako. Biruin niyo, may kaibigan akong lobo at bampira.
Natigil ako sa paglalakad sa harapan ng isang simpleng bahay na may isang palapag lamang, pero sumisigaw ng karangyaan ang bahay. Naka angat ang bahay sa daan, at may balcony sa taas. Puro glass rin ang dingding kaya kitang kita mula sa labas ang malaking ilaw. Chandalier ata kung tawagin. Pinaghalong puti at grey ang kulay ng bahay na may kaunting bato pa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate ng bahay at binasa ang nakapaskil sa gate.
Floresca
Nilingon ko si Lorcan sa likod ko na pinagmamasdan ang bahay, "Ito ata iyon," turan ko kaya nag lakad palapit siya sa akin.
Binasa rin niya ang pangalan na nasa gate bago ako nilingon ng may ngiti, "Kung gayon, mukhang tama nga ang hula ko na nandito ang bahay na tinutukoy mo," may ngisi niyang sabi na aprang nag mamalaki pa, kaya nahampas ko siya sa braso.
"Masyado kang mapagmalaki, Lorcan ah," binuksan ko na ang gate namin, "gusto mo bang pumasok?"
Umiling siya agad, "Kailangan ko ng bumalik sa bayan, baka mag taka na ang nanay ko kung bakit ang tagal ko nawala."
Tumango naman ako saka maliit na nginitian siya, "Maraming salamat!" Kinawayan ko siya bago ako tuluyan pumasok sa loob.
Pag pasok ko sa loob ng bahay ay halos malula ako. Ang laki kasi ng space, dahil kakaunti lang ang mga gamit dito. Halatang hindi ito tinitirahan ng pang matagalan kasi tanging isang sofa, dining table lamang ang makikita. Sa kwarto naman ay isang queen size bed ang naroon at dalawang kahoy na cabinet.
Nag lakad ako papunta sa sala para doon maupo. Naabutan ko doon ang isang mapa na kung saan makikita ang iba't ibang mundo. May kalumaan na nga siya dahil ilang dekada na ang nakalilipas at pinagsalin-salinan ng mapang ito. May punit na nga ito sa gilid, kulay kape na at magaspang na ang papel. Makikita dito ang mundo ng mga mortal, lobo, sirena, anghel, witches at syempre ang mga dyos at dyosa. Sila ang mga lahing pinamumunuan ng angkan namin. Sa kabilang dako ng mapa, sa may bandang baba, ay doon makikita ang isa pang mundo. Mundo ng mga bampira at demonyo.
Matunog akong napabuntong hininga habang tinitignan ang mapa. May malaking kulay pulang bilog ang mundo ng mga mortal. Siguro iniwan nila mommy ito na may ganitong palatandaan, para mapagtuonan ko ng pansin ang mundo ng mga mortal. Sa lahat kasi ng mga lahing pinamumunuan ko, sila ang pinakakinakailangan ng kalinga mula sa akin dahil wala silang laban kapag sumugod ang kabilang panig. Bukod doon, mas malaki ang mundo nila, kaya kailangan mas tutukan sila ng atensyon.
"Saan ba ako mag sisimula," problemado kong naihilamos ang palad ko sa mukha ko, "mukhang sa mga oras na ito, tahimik ang kabilang panig dahil wala pa naman akong nararamdaman na kakaibang nangayayari sa paligid," mahinang bulong ko pa.
Matagal akong naaktitig sa mapa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako gagawa ng kilos at plano. Aaminin ko, maski ako ay nabigla sa biglaang pagpunta ko rito ngunit wala akong magagawa dahil kailangan nila ng kanilang pinuno ngayon. Muli akong napabuntong hininga bago ako tumayo at kumuha ng tubig sa kusina.
Habang ako ay umiinom, nakaramdam akong panlalamig sa paligid. Malamig naman ang tubig na iniinom ko, pero hindi naman iyon ganon kalamig para kumalat sa buong bahay. Napalunok ako habang sinusuri ang paligid.
May hindi inaasahang bisita sa bahay.
Naalala ko ang sinabi nila mommy sa akin tungkol sa bahay na ito.
"Sa oras na lumamig ang paligid ng bahay, isa lamang ang ibig sabihin niyan. May nangangahas na pumasok sa bahay ng mga dyosa mula sa kabilang mundo."
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto at binuksan iyon. Walang taong bumungad sa akin, pero naroon pa rin ang malamig na pakiramdam na bumabalot sa kabuoan ng bahay. I was about to close the door, when someone hold the door, restraining me from closing it.
Agad akong na alerto at bahagyang umatras para makabwelo. Handa ko ng pabugahan ng gintong apoy ang hindi inaasahang bisita, nang makita ko kung sino ang nangangahas na pumasok sa bahay namin.
"Cassius..."
Pumasok siya sa loob ng bahay namin at seryoso akong tinignan habang nag lalakad palapit sa akin. I gulped while looking at his serious and cold eyes that are in different colors. Habang humahabkbang siya palapit sa akin, ay umaatras namna ako.
"Stop."
Automatiko akong napatigil sa pag atras para titigan siya. Cassius continued walking towards me, and I was about to run when he used his vampire speed to pin me on the wall.
"C-cassius, a-ano ang ginagawa mo dito?" Sinusubukan kong maging matatag sa harapan niya.
Wala siyang sinabi bagkus ay sinandal niya ang kanyang noo sa noo ko. I felt his cold skin against mine, and instead of being afraid that a vampire is right in front of me, I felt at ease. Naipikit ko ang mga mata ko habang dinadama ko ang pag hinga namin. Naririnig ko ang pag tibok ng puso dahil magkalapit kami.
"C-cassius," mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"Hm?"
Naidilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang kulay pula niyang mga mata. His fangs are already showing, pero hindi ako nakaramdam ng takot. Unti-unting luminaw ang paligid, and I'm pretty sure that my eyes are turning into purple already while lookin at his red eyes.
Umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya, at nakita ko ang pag pikit ng mga mata niya para damhin ang haplos ko. After some time, he opened his eyes again showing his red eyes again.
"C-cassius," tawag ko muli sa pangalan niya.
Nakita kong ngumiti siya, "I love how you say my name, Gaian," hinaplos niya ang pang ibabang labi ko gamit ang hinalalaki niya.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Umayos siya ng tayo at dumistansya sa akin, pero hinawakan niya ang bewang ko para hapitin ako palapit sa kanya, "I told you, I will be with you while you are here," hinaplos niya ang buhok ko, "hindi kita iiwan. Hindi ako makakapayag na mag isa kang haharapin ito. Paano kung may nangyari sayo sa kamay ng mga kalahi ko? You being persecuted in the hands of my people, is my death."
Nag salubong ang kilay ko, "Bakit ba handang-handa kang kalabanin ang lahi mo para lang sa akin?"
Saglit na nawala ang pamumula ng mga mata niya at umiwas ng tingin, "It's none of you business, Gaia," he said in a very cold voice.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at nag baba ng tingin. I'm pretty sure that I am not his mate, and he is just being nice towards me. Oo, tama, tama.
Dumistansya ako sa kanya, at nakita ko ang lumikot ang mga mata niya na para bang mawawala ako sa paningin niya.
"Relax, pupunta lang ako sa sala," paalam ko at nag lakad na paalis, hindi na inintay ang sasabihin niya.
Nang maupo ako sa sofa, ay naramdaman kong lumamig sa bandang likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino iyon, dahil alam kong si Cassius iyon. Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa leeg ko, niyayakap ako mula sa likuran ko.
"A-ano ang ginagawa mo, Cassius?" Nagtataka kong tanong habang pilit na kumakawala sa yakap niya.
"Are you mad?" Bulong niya mismo sa tainga ko.
Kumunot ang noo ko, "Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Kinuha ko ang mapa na nasa mesa at tinitigan muli iyon.
"What's that?"
Nilingon ko siya sa gilid ko, at halos lumundag ang puso ko ng halos magdikit ang labi ko at ang pisngi niya. bahagya pala siyang nakadukwang palapit sa akin kaya kitang kita ko ang side profile niya. Ang tangos ng ilong niya, ang haba ng lilikt mata at ang tulis ng jawline!
"Stop staring at me, my dear Earth Goddess."
Napakurap kurap ako at umiwas ng tingin. Ramdam kong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Help! Nahuli niya akong pinagmamsdan siya!
Tumikhim ako, "M-mapa iyan ng mga mundong pinamumunuan ko," sagot ko doon sa naunang tanong niya.
Naramdaman kong tumango siya, "And I guess this is our world," turo niya doon sa bandang baba.
Tumango naman ako, "Yup."
Mag sasalita na sana ako ng maramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Cassius sa akin, "Kahit sa magkaibang lahi tayo nag mula, at kahit magkalaban ang lahi natin, maaasahan mo ako Gaia."
Kahit nag tataka ay tumango ako, "S-sabi mo iyan ah."
Narinig ko ang pag tawa niya kaya halos mag wala ang mga paru-paro sa tyan ko. Parang blessing na narinig ko ang boses niya na tumatawa, "Of course, we're friends, right?"
Friends.
Ewan ko ba, parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinab niya. Alam ko namna na kaibigan ang turing ko sa kanya, pero iba pala kapag sa kanya mismo nanggaling. Parang pumiga yung sa puso ko, at hindi ko dapat ito nararamdaman.
"Sa oras na nakaramdam ka ng pag kurot sa puso mo, lalo na kung mula iyon sa isang lalaki, malakas ang posibilidad na siya ang lalaking itinakda sayo."
Parang may bumulong sa tainga ko, at nag paalala sa bilin ni daddy sa akin. Agad na kumabog ang puso ko dahil doon.
Hindi. Imposible naman na ganon at hindi maaari. Kailanman ay hindi pwede ang nararamdaman ko.
Ikapapahamak ko ito.