Chapter 5

"Paano ka pala nakalabas sa mundo mo?" Nilingon ko si Cassius na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at nakikitingin din ng mapa.

Bahagyang sinilip ni Cassius ang mukha ko bago muling itinuon ang pansin sa mapa, "I can go out of the palace anytime, Gaia."

Kumunot ang noo ko, "Palace? Are you some kind of a royalty?" Tinitigan ko siya.

He shrugged before nodding his head slowly, "Mhm, yeah, you can say that," nilingon niya ako, "I'm the son of the vampire king, kaya pwede mong sabihin na prinsipe ako," sagot niya na parang hindi naman big deal iyon.

I slowly nodded my head. Well, hindi naman na big deal iyon sa akin. I mean, ako rin naman ay napapabilang sa royal family sa lahi nga lang namin. Saka, alam ko rin naman na sa bawat lahi, may mga royal family, kaya hindi na bago sa akin na malaman na itong si Cassius ay isang prinsipe.

Based on his physical characteristics, he could pass for a model in the human world!

"So pwede kang umalis anytime? Kahit kailan mo gusto?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Yup!"

Wow, gusto ko rin ng ganon. Hindi kasi ako pinapayagan na lumabas basta-basta lang sa kaharian. Kung lalabas ako, kailangan may kasama ako, pero hindi iyong pwede akong lumabas ng ako lang mag isa.

"I can hear your thoughts."

Napalingon naman ako kay Cassius ng bigla niyang sabihin iyon. Naabutan ko siyang nakangising nakatitig sa akin.

Umirap ako at narinig ko ang pag tawa niya sa gilid ko, "Yeah right. Edi ikaw na ang may kapangyarihan na basahin ang utak."

Nagulat ako ng bigla niyang ipalibot sa akin ang braso niya at hinapit niya ako palapit sa kanya. Sa gulat ay halos sumubsob ako sa hita niya. Nanlaki ang mga mata ko ng lingunin ko siya. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin ng nakangisi. 

"A-ano ang ginagawa mo?" Halo mag buhol-buhol ang dila ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Parang may nag wawala sa loob ko dahil sa simpleng kilos niya lang sa akin. 

Nakahandusay ang kamay ko sa hita niya habang nakatitig sa kanya, "Anong balak mo? Anong tumatakbo sa utak mo ha?" May pag babanta kong sabi pero inilingan niya lang ako haban natatawa mo.

"Ang cute mo."

Napangat ako at pinaghahampas siya, "Ano sa tingin mo sa akin, aso?" Dinuro ko siya ng paulit ulit, "sa gandang ko ito, mukha akong aso, huh?"

Natatawang hinuli ni Cassius ang kamay ko na humahampas sa kanya, "Silly. I'm not saying that you're a dog," tumatawang aniya.

"Aba dapat lang," pabiro akong nag flip ng buhok, "dyosa ata itong kaharap mo tapos sasabihin mo akong aso, huh?" 

Umiling iling si Cassius bago niya ako muling idinantay sa kanya. My hand is resting on his lap while his hands are wrapped around on my shoulders, again. Hindi ko alam, pero ang kumportable ko sa ganitong sitwasyon.

Pakiramdam ko wala akong pinoproblema. Pakiramdam ko, hindi magkaaway ang lahi namin dalawa. Pakiramdam ko, nawala sa utak ko ang dahilan kung bakit ako narito sa mundo ng mga tao.

"Sabi mo nangangahas na ang lahi ko dito?" Panimula ni Cassius at naramdaman kong hinahagod ng hinalalaki ni Cassius ang kamay ko. 

Tiningala ko siya, "Iyon ang sabi ni mommy sa akin," nagkibit balikat ako, "kaya nga ako pinadala dito, kasi kailangan na ng mga mortal ang pinuno nila," sagot ko.

Narinig ko ang pagtikhim niya, "Ano ang balita? Ano ang nangyari daw?"

NAtiiglan ako. Oo nga noh, hindi ko iyon naitanong kay mommy. Basta nalang sinabi nila sa akin na kailangan ko raw na pumunta dito agad-agad. Pero wala naman silang sinabing rason sa akin.

"Sa totoo lang, wala siyang sinabi tungkol doon," matunog akong bumuntong hininga, "hindi ko kasi naitanong kay mommy noong umalis ako sa kaharian," mahinang turan ko.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Cassius, "Well, we will figure that out, together," naramdaman kong sinandal niya ang ulo niya sa akinng ulo.

Kinuha ko muli ang mapa na nasa mesa, "Pero kailangan kong mag simulang mah libor sa mundong ito ngayin din," agad akong tumayo kaya naaptingala si Cassius sa akin.

Nag simula akong mag lakad papunta sa pintuan, ng muli kong lingunin si Cassius na prenteng nakaupo sa sofa, "Ikaw ba ay sasama sa akin?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya.

Nakita kong tumayo siya mula sa pagkakaupo niya, "Let's go then," he used his vampire speed at bigla nalang nasa harapan ko na siya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago ako hinatak palabas na ng bahay. Nauuna siyang nag lalakad kumpara sa akin. Pansin ko nga na nakasuot siya ng itim  na leather jacket at shades, siguro para hindi siya masilaw sa init ng araw. Mahahalata kasi agad na iba siya sa mga tao. Titingkad ang balat niya sa araw, at kikinang ang kanyang mga mata kaya kailangan niyang ibalot ang sarili niya para hindi makita ang kakaibang pag kinang ng balat at mata niya.

Habang nag lalakad kami ay nakikita kong tinitignan ng mga tao si Cassius. Bukod nga kasi sa balot na balot siya, at hindi iyon pangakaraniwan dito sa mundong ito, ay ang gwapo niya kasi! 

Tumikhim ako kaya napatingin sa akin si Cassius ng kunot ang noo, "Why?"

Tumigil kami sa paglalakad kaya nabigyan ako ng tyansa na lumapit sa kanya, "Tinitignan ka nila," mahinang sambit ko sa kanya.

Narinig ko ang pag halakhak niya bago niya ako harapin ng buo, "Masyado ka namang selosa, dyosa ng mundo," inilagay niya ang buhok ko sa likuran ng tainga ko.

Umirap ako. Ewan ko ba, ayoko ng may ibang tao na tumitingin kay Cassius. Parang ang pait sa kalooban ko na may ibang lumilingon o nagwgapuhan sa kanya.

Dapat kasi sa mga mata ko lang siya gwapop. Kung pwede ko lang hulingin iyon eh.

Ano?! Ano ba itong sinasabi ng kalooban ko? Tsk, masyado akong nadadala ah, eh magkaibigan lang naman kami. Dapat chill lang ako eh.

"Oh, bakit ka nakasimangot dyan?"

Nakanguso ko siyang tiningnan. Medyo sumingkit pa pala ang mga mata ko dahil sa araw na tumatama sa balat ko. Ramdam ko tuloy na unti unting lumilinaw ang paligid ko, kaya alam kong unti unti ng nagiging lila ang mata ko. Tuloy ay humarang si Cassius sa harapan ko para hindi gaano nakaksilaw sa mata ang tirik ng araw at para hindi maging tuluyan maging lila ang mata ko.

"Nagiging lila na ang mga mata mo," bulong niya sa akin kaya napayuko.

"S-sorry?" Hindi ko kasi alam kung angkop ba ang naging tugon ko sa sinabi niya.

Narinig kosiyang tumawa bago umangat ang kamay niya para punasan ang pawis ko sa noo. Ang daya nga kasi hindi siya pinagpapawisan kahit na halos kulob na ang suot niya.

"Halika na nga," hinatak na niya ako para mag lakad na ulit kami.

Nakarating kami sa bayan ulit, pero hindi na ito yung lugar kung nasaan ako kanina. Ibang bayan na ata ito, kabilang bayan ata ito. Habang nag lalakad kami ay nakaramdam ulit akong nakakaiba sa paligid. Hinatak ko ng bahagya ang kamay ni Cassius na hawak ang kamay ko, tuloy napatigil din siya sa paglalakad niya para lingunin ako. 

Kunot noo niya akong nilingon, "Bakit?"

Lumingon lingon ako sa paligid, nag babakasakaling tama ang hinala ko, "K-kalahi mo," mahinang sambit ko pero sakto na para marinig niya.

Lumapit siya sa akin at hinapit ako palapit sa kanya na para bang mahihiwalay ako sa kanya pag malayo ako sa kanya kahit na ilang distansya lang ako sa kanya.

"Are you sure?" Tanong niya sa akin at sunod sunod akong tumango.

"Hindi ako pwedeng magkamali," lumingon lingon ulit sa paligid, pero wala naman akong nakitang kahinahinala, dahil parang normal lang naman ang lahat.

Isa ito sa mga kakayahan ko bilang dyosa. Malakas ang kutob ko at palagi iyon tama. Siguro isa itong advantage sa akin, kaya madalas ay natatalo ko ang mga kalaban dahil sa kakayahan ko. Malayo palang ang atake, ay alam ko ng may aatake sa pwesto ko. Nalaman ko lang na may ganito akong kakayahan noong 16 years old ako, noong may balak na pumasok sa mansyon namin noon.

Maski si Cassius ay lumingon din sa paligid ko, marahil ay hinahanap niya ang sinasabi kong nakakahinala. Noong una ay kunot ang noo niya, pero maya maya ay nakita ko kung paano naging pula ang mga mata niya at lumabas ang pangil niya. Agad akong pumunta sa harapan niya para tumingkayad at para haplusin ang pisngi niya para pakalamahin siya.

"Cassius," mahinang tawag ko sa pangalan niya habang paulit ulit na hinahaplos ang pinsgi niya, "huminahon ka. Your fangs are showing," puna ko.

Mabilis naman siyang napayuko para tignan ako. Wala na ang pamumula ng kanyang mga mata at maging ang kanyang mga pangil ay hindi na nagpapakita. Malamnan niya akong tinignan bago matunog na bumuntong hininga.

"I'm sorry.."

Umiling iling naman ako, "It's fine, pero, ano ba nangyari at bakit naging pula ang mga mata mo at lumabas ang mga pangil mo?"

Bumalik ang madilim niyang itsura at nakita ko rin kung paano naging pula ulit ang kanyang asul at berdeng mga mata. Balak ko sana iyon punahin, pero agad siyang pumikit at pag dilat niya ay bumalik na sa normal na kulay.

It seems like he is restraining himself.

"I can sense them," mahinang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Them? "Marami sila?"

Dahan dahan na tumango si Cassius saka tinignan ang kabuoanan ng paligid ulit, "I know they are here. Nagtatago lang sila, dahil alam nilang nandito ako at kasama kita," nilingon niya ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung ganon, aware na sila na narito sa mundong ito ang kanilang prinsipe kasama ang pinuno mula sa kabilang mundo. Ewan ko ba, pero ang lakas ng tibok ng puso ko dahil doon.