CHAPTER 6. Bully in the Library
"Alam na this. May gusto nga talaga sayo si Alvin," kinikilig na sabi nito.
Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.
"Shhh... baka may baka may makarinig sayo," Agad na saway ko. Baka sabihin ng ibang studyante assumera agad ako dahil sa nangyari.
"Eh totoo naman e, hindi naman siguro gagawin ni Alvin yun kung hindi diba?"
Napa isip naman ako, totoo nga bang may gusto siya sa akin? Pero baka nag aasume lang ako at ayokong umasa.
"Wag na muna nating pag usapan Ali. Ayokong masaktan at umasa, baka katulad din siya ng ibang studyante dito sa school," Natapos na akong kumain at hinihintay nalang si Ali matapos.
Tumango ito bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.
"Okay, I will zip my mouth na."
Nag pa tuloy itong kumain. Napa tingin ako sa paligid at kalaunan ay yumuko nalang. Parang sinasaksak ako ng mga tingin ng mga babae dito sa cafeteria. Dahil ba sa nangyari kanina? Kung iniisip nila na nilalandi ko si Alvin, pwes nag kakamali sila.
Mukang madadagdagan pa yata ang mambububully sakin dahil sa nangyari. Bumuntong hininga nalang ako. Parang lagi nalang ako bumunbuntong hininga, ganun naba ako ka problemado?
Natapos na din sa wakas si Ali kumain. Dumiretso nanaman kami sa library, halata nga na palagi siyang nagbabasa, sa kapal ba naman ng glasses niya.
Kinuha ko kaagad ang binabasa ko kahapon, hindi ko pa natatapos yun dahil andaming pages kaya matatagalan ako bago matapos basahin lahat. Umalis nanaman si Ali para mag hanap ng babasahing libro, naiwan nanaman ako.
Naka focus lang ako sa binabasa at hindi pinansin ang nasa paligid ko. Feeling ko kasi parang may nagmamasid saakin. Umiling nalang ako at nag patuloy sa pag-babasa.
"Look who's here."
Napa angat ako ng tingin. Nagtaka ako dahil hindi ko kilala ang dalawang babae na nasa harap ko.
"Andito pala ang malanding to!" turo saakin ng isang kasama niya.
Sa pananalita nila bakas ang kaartehan. Pati muka parang na sobrahan sa make-up.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo." Agad na sagot ko. Tatayo na sana ako pero hinawakan ako ng babae at kinaladkad, dinala nila ako sa pinaka likod ng library, walang makakarinig at makakakita saamin. Kagaya ng ginawa nila Gina saakin sa abandonadong Cr.
"Ano ba!! Bitawan niyoko!!" Nagpumiglas ako, binitawan na nila ako at napa upo ako sa sahig, ansakit ng pwet ko.
"Wag kang maingay haliparot!! Baka gusto mong tahiin ko yang bunganga mo!" Sigaw ng isang babae. Napa kagat ako ng labi.
"Please.... wala akong ginawang masama." Pag mamaka-awa ko.
Hinawakan ako sa kwelyo ng isang pang babae at sinampal ng paglakas-lakas. Parang namanhid ang kaliwang muka ko dahil sa ginawa niya,
"Yan ang bagay sa mga katulad mong malandi!" Sigaw niya sa muka ko at binitawan ako.
Sumunod naman ang isang babae, hinawakan din nito ang kwelyo ng damit ko.
*Splashhh*
Halos mabali ang leeg ko dahil sa lakas ng sampal nito, kumikirot narin ang kaliwang muka ko. Diniinan ko ng kagat ang labi ko para hindi ako tuluyang umiyak.
"Know your place bitch!" Sigaw nito sa muka ko.
"Hoi!!! Ano yang ginagawa niyo sa kaibigan ko!" Biglang dumating si Ali at niyakap ako. Tiningnan nito ng masama ang dalawang babae pero tinawanan lang siya nito.
"Bagay nga naman kayo. Hahahaha freaks!" sabi ng isang babae at umalis na silang dalawa.
"Ayos kalang ba? Anong ginawa nila sayo? Sinaktan kaba nila?" Napa igik ako ng hawakan niya ang pisngi ko.
"Oh my god! Pulang pula ang muka mo, may mga bakas ng kamay. Sila ba ang gumawa nito? Mga walang hiya sila!" Hahabulin na sana sila ni Ali pero pinigilan ko ito.
Hindi ko na napigilang umiyak. Ansakit, parang durog na durog na ako. Hindi ko na kaya.
"Shhh.... tahan na. Sorry hindi ako dumating kaagad. Wag kana umiyak," Pati siya naiiyak na rin. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"P-pagod nako A-ali," Sabi ko sa kabila ng hagulgol ko.
"Wag mong sabihin yan Aurora, isusumbong natin sila sa principal."
Hinahaplos nito ang likod ko para tumahan pero hindi ko kayang tumahan.
Ansakit ng naramdaman ko, ansakit ng muka ko pati ang ulo ko masakit. Bakit kailangan nilang saktan ako? Bakit andali para sa kanilang saktan ako?
Dinala ako ni Ali sa clinic. Nilagyan ng school nurse ng yelo ang mag ka bilang pisngi ko.
"Mukang napapadalas na yan iha," Rinig ko pang sabi ng nurse saakin.
"Kaya nga po Ma'am e, sobra na ang ginagawa nila sa kaibigan ko." Reklamo ni Ali.
"Isumbong niyo na sa guidance yan iha," payo ng nurse bago umalis.
Naiwan kami ni Ali, narinig ko pa ang buntong hininga nito.
"Sorry....... kung maaga lang akong dumating baka naipag tanggol pa kita." Naka yuko lang ito. Sinisisi niya ba ang sarili niya sa nangyari saakin?
"Okay lang Ali, ayos lang ako." Sabi ko at pilit na ngitian siya kahit kumikirot ang pisngi ko.
"Hindi ka ayos Aurora, tingnan mo nga yung muka mo ohh, pulang-pula tapos bakas pa ang kamay ng pag kakasampal. Nako kapag nakita ko ang dalawang yun hindi lang sampal ang aabutin nila saakin." Galit na tono nito.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito.
"Ayos lang ako, promise."
Mukang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Huminga ito ng malalim at tumingin saakin.
"Alam ko hindi ka ayos, bibili muna ako ng pain reliever, dito kalang muna babalik din ako kaagad."
Tumango ako. Lumabas na ito ng pinto at naiwan ako dito sa loob. Ang nurse pinatawag ng principal, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
"Aurora......"
Napapitlag ako sa kinauupoan ko ng marinig ang boses na yun.
Napatingin ako sa Cr na naka bukas. Galing sa Cr ang boses yun.
Tumayo ako at dahan dahang pumasok sa Cr. Maliit ito at medyo madumi,
"Aurora......."
Napalingon ako sa gilid ng Cr, may salamin doon. Ganitong ganito ang nangyari nung naka raang araw, diko alam kung panaghinip lang o totoo iyong nangyari.
Lumapit ako sa salamin, maliit lang ito kumpara sa salamin doon sa abandonadong Cr.
Nakikita ko ang reflection ko, wala namang kakaiba. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ko, pati ang namumugto kong mga mata.
"Aurora.... halika,"
Napalaki ang mata ko ng magsalita ang reflection ko sa salamin. Kinurot ko ang kamay ko, baka nananaginip nanaman ako. Pero hindi, totoong-totoo ang nakikita ko.
So totoo ang nangyari sa abandonadong cr? Hindi yun panaghinip? Totoong kinulong ako doon at nakita ko siya sa salamin? Pero pag katapos nun wala na akong matandaan.
"Halika Aurora...." Ayan nanaman ang malambing niyang tinig, inaakit niya nanaman ako. Naka tingin lang ako sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit at puot sa mga mata nito. Ngumiti siya saakin,
Nakaramdam nanaman ako ng kaba at takot, nanginginig ang kamay ko. Itinaas ko iyon upang abutin siya sa salamin. Lumapat ang mainit kong kamay sa malamig na salamin, kagaya nang nangyari. Parang ansarap talaga sa pakiramdam kapag humahawak ako sa salamin. Biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"Matulog ka ng mahimbing Aurora..."
Rinig ko pang sabi nito bago ako tuluyang nawalan ng malay.