Chapter 5: The scene in the Hallway
Binuksan ko ng maigi ang pinto at tumambad saakin ang kadiliman. Hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at tinutok sa loob ng basement. May hagdan pababa, tumingin muna ako sa paligid baka mamaya dumating si mama at pagalitan ako.
Humakbang nako pababa sa hagdan, itinuon ko ang tingin sa dinadaanan ko, baka malaglag ako at mabagok ang ulo sa sahig, narinig ko nanaman ang mga kalabog sa baba.
Malapit nako sa pinaka dulo ng hagdan. Nagpatuloy lang ako hanggang sa naka tapak na ang paa ko sa sahig, andaming alikabok at dumi sa sahig. Mukang hindi ito nililinisan ng ilang taon.
Inilibot ko ang flashlight na hawak ko, wala naman akong nakikitang kakaiba maliban sa mga antique na nandito. Mukang may mga halaga pa ang mga ito,
Napapitlag ako ng may kumalabog sa likod ko. Nanginginig ang kamay ko, hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at mabilis na nilingon ang likod ko. Nanggagaling ang kalabog sa isang maliit na box? Nagtaka ako, baka nga sa daga talaga nanggagaling ang mga kalabog. Bumuntong hininga nalang ako, mukang tama si mama.
"Aurora anak?"
Rinig ko ang tawag ni mama. Mukang dumating na siya. Agad akong naglakad papunta sa hagdan. Narinig ko pa ang mga kalabog pero hindi ko nalang pinansin, daga lang siguro yun.
Nagmadali akong umakyat at isinara ang pinto ng basement, tinungo ko ang pinto at pinagbuksan si mama.
"Ohh, bat natagalan kang buksan anak? Nakatulog kaba?" Agad na tanong nito, pumasok na siya at tinungo ang kusina para ilagay doon ang pinamili.
"Hindi po ma, may ginawa lang ako." Palusot ko. Tumango naman si mama, mukang naniwala siya.
Umakyat na ito at nag bihis sa kwarto niya. Naka hinga naman ako ng maluwag,
Araw ng Byernes ngayon at bukas sabado na, malapit na pala ang 18th Birthday ko. Isang buwan nalang, ngumiti ako, dalagang dalaga na pala ako. So pwede na akong mag boyfriend? Umiling-iling ako, aral muna bago makipag relasyon. Siyaka nalang kapag may trabaho nako.
Nasa school nako at naglalakad dito sa hallway ng may tumama sa ulo ko.
"Aray!!" Daing ko, hinawakan ko ang likod ng ulo ko at nilingon ang taong naghagis nun. Isang bola ang tumama saakin, nakita ko ang lalaking naka suot ng jersey na shorts at sando, mukang basketball player ito ng school, may apat siyang kasama.
"HAHAHA" rinig ko ang tawa ng mga nandito sa hallway, pati ang mga kasama ng lalaki tumawa na din.
Tiningnan ko ito ng masama pero hindi siya na tinag. Akala ba nila hindi masakit yun?
Huminga nalang ako ng malalim habang patuloy paring hinihimas ang likod ng ulo ko. Tumalikod nako at akmang aalis na nang may narinig akong kalabog ng bola sa likod ko. Nagulat pako sa lakas nun.
Napalingon ako sa likuran ko, nakita ko si Alvin na pinigilan ang bola na tatama sana saakin. Matalim ang tingin nito sa lalaking basketball player na humagis ng bola saakin.
Hinawakan niya ng maiigi ang bola, napalaki ang mata ko ng ibinato niya ang bola ng pag ka lakas-lakas doon sa lalaking nambato ng bola sa akin.
Tinamaan ito sa muka at napa upo sa sahig, dumugo din ang ilong nito. Halos lahat ng nandito sa hallway nagulat dahil sa ginawa ni Alvin.
Lumingon ito saakin, hindi parin maalis sa muka ko ang gulat. Hinawakan nito ang kamay ko at kinaladkad ako paalis sa lugar na yun.
Binitawan niya na ang kamay ko ng malapit na kami sa classroom. Napatahimik naman ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi parin ako maka paniwala na ginawa niya yun.
"Ayos kalang ba?" Nagulat pako ng magsalita siya. Mukang seryoso siya kaya nagsalita nako, nakakatakot' kasi ang aura niya.
"Ah... O-oo o-okay lang ako." Nauutal kong sagot.
"Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong ulit niya saakin, pero mas inaalala ko ang kamay niya.
"Medyo lang, ahmm... yung kamay mo okay lang ba?" Naiilang ako. Bakit niya ginawa yun kanina?
"Lagyan mo ng yelo ang ulo mo kung saan ka tinamaan para mawala ang sakit. Okay lang ako, salamat." Pagkasabi niya nun ay mabilis siyang pumasok sa classroom.
Sumunod naman ako at pumasok narin, nagsitinginan ang mga classmates ko sa akin. Yumuko ako at dumiretso sa upuan ko.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyari kanina sa hallway. Halos lahat ng studyante naka tingin saakin ngayon.
"Bakit siya niligtas ni Alvin?"
"Nako, siguro nilandi niya si Alvin."
"Masyado siyang assuming. Akala mo naman maganda."
"Baka isa siya sa mga babae ni Alvin. Anlandi!"
Mga naririnig ko mula sa mga taong nadadaanan ko. Andito nako sa cafeteria at naka upo sa pinaka dulo, isang kanin, ulam at tubig lang ang binili ko, tahimik lang akong kumakain.
"Andito kalang pala," Napatingin naman ako sa taong nagsalita, nilapag nito ang dalang tray at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Malapad itong naka ngiti saakin,
"Sorry, hindi ko naman alam na sasabay ka sakin kumain Ali." Agad na sabi ko.
"Suss, dapat masanay kana na makakasama muko kumain." Ngumiti ako ng mapait at tumingin sa kanya.
"Baka madamay ka kapag kasama muko Ali, ayokong pati ikaw madamay." malumanay na sabi ko. Baka dahil saakin may masamang mangyari sa kanya,
"Nako Aurora, okay lang yun sa akin. Kaibigan kita kaya dapat lang na damayan kita." Hindi ko napigilang umiyak.
"Oh my gosh, may nasabi bako. Hala.. Sorry, wag kana umiyak Aurora." Natataranta na ito.
"Ngayon lang kasi ako nag ka roon ng kaibigan, nakaka touch yung sinabi mo" Sabay pahid ko ng luha at ngumiti.
"Yun lang pala. Totoo naman ang sinabi ko e'. Kumain na lang tayo, wag kana umiyak papanget ka niyan sige ka." pagbibiro niya.
Tumawa naman ako ng mahina.
"Di naman ako maganda e. Pero, salamat Ali ah. Thank you talaga."
"Hoi maganda ka dai, wag mong sabihin na panget ka dahil lahat ng ginawa ng diyos maganda. Siyaka walang anuman yun, what friends are for right?" nagsimula na itong kumain.
Tumango naman ako sa sinabi niya. Masaya ako dahil naka hanap ako ng kaibigan kagaya niya. Walang gustong makipag kaibigan saakin dahil natatakot silang magaya sakin at madamay. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ayaw nila sa akin. Pero nagpapasalamat narin ako dahil may kaibigan na ako at si Ali yun.
Book Cover:
THE INNOCENT AND DEADLY AURORA