Chapter Twenty Six
LEXSHAWNA ARIELLA DELFIN POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero mas okay na ito kaysa sa natuloy iyong unang plano ni Rina. Akala ko talaga kanina ay katapusan na ng virginity ni Jem at umpisa naman ng kalbaryo ko. Uniform lang namin ang nahubad nila. Dahil noong mga oras na mangyayari na ang hindi dapat ay biglang tumunog ang telepono ng higad. After nya sagutin at kausapin ang tumawag ay ipinatigil nya ang ginagawa ng mga alipores nya sa amin. Ipinahanda nya ang sasakyan at sinabing nagbago ang plano. Kaya naman, heto kami ngayon, may busal ang bibig at nakatali ang mga kamay.
"Fuck those bastard! Paano ba nila tayo natunton?" Galit na singhal ni Shellarina.
Kilalanin mo muna kasi ang binabangga mo. Well, hindi ako kun'di si Ed. Swerte ko na lang dahil may ganoon akong boyfriend. He is smart, strong, brave and a badass. Teka nga. Paano naman nalaman nitong higad na ito na paparating na sina Edson? Sino kaya iyong tumawag sa kanya kanina? What if may spy pala sa mga tauhan ng mahal ko. Hala. Mahabaging mga dyosa, h'wag naman sana.
Muntik na kaming mapasubsob ni Jem sa upuan sa harapan ng biglang huminto ang sasakyan. Bigla na lang itong nag- preno.
"Fuck! Dahan- dahan naman." Sabi ni Rina.
"May mga naka- harang sa daan, Miss. Mga armado. Hindi tayo makakalusot." Sabi naman ng driver.
"Ano? How?!" Sigaw ng bruha. "Iikot nyo. Babalik tayo."
"Hindi na po pwede, Miss. Mayroon din sa likod." Sabi naman ng katabi ko.
Hindi ko mapigilan na mapangiti. Isipin nyo kung paano ngumiti ang taong may busal ang bibig. Gosh! Masakit pala sa panga.
"Damn. Damn. Damn you, Bayer!" Nagpapapadyak na angil ng queen wanna be.
Binuksan ni Shellarina ang pinto ng van. Pagkatapos ay pinag- tutulak nya palabas ang mga tauhan nya. Pati kami na nananahimik ay hinila din pababa. Nang naka- labas na kaming lahat ay tsaka sya maarteng bumaba ng sasakyan. Tss. May sapak yata ang isang ito, ehh.
May naka- harang na dalawang van sa dadaanan namin dapat kanina. Nakakalat din sa paligid nito ang mga naka- itim na tux na mga lalaki na may mga baril. Pagkatapos ay naglalakad naman palapit sa amin ang grupo ni Edson na may bitbit ding mga armas. Hanggang sa huminto sila, hindi kalayuan mula sa amin.
"Let them go." Utos ng mahal ko.
"Why would I?" Balik naman sa kanya ni Rina.
"I will kill you if you don't let them go this instant." Seryoso muling bato ni Ed.
The queen wanna be giggled. "If you kill me, mamamatay din sila."
Ang tapang talaga nitong babaeng ito. Hanga na talaga ako sa lakas ng loob na mayroon si Rina. Saan nya kaya nakukuha iyon? Mahabaging dyosa, bakit naman po ang gwapo ng lalaking mahal ko? Nakatayo lang sya doon with his serious look pero pwede na syang pang- model. Grabe din sya kung maka- titig sa akin. Syempre, lumalaban din ako ng tingin. Kahit naman may busal at tali ako ay may lakas pa din akong makipag titigan sa kanya. At para bang may sinasabi ang mga mata nya. He's assuring me na everything will be alright. Ohh, goddess! Paano nya ba nagagawa yon?
"Shellarina, let them go." Ani muli ni Ed.
"Ikaw kapalit ng kalayaan nilang dalawa." Naka- ngiti namang bwelta ng higad.
"I'm willing to trade myself for them. Let them go first bago ako sumama sa 'yo." Matikas na bitaw ng boyfie ko.
Seriously? Isasakripisyo nya sarili nya para sa aming dalawa ni Jem? Napalingon naman ako sa kaibigan ko. Tahimik lang sya at nanonood sa mga nangyayari na parang nagtataka. Oo nga pala. Wala pa syang alam tungkol sa kung anong buhay mayroon ang lalaking karelasyon ko.
"Sabay nalang." Suhestyon naman ni Cass.
"Okay." Tipid namang ani ni Rina.
Talagang seryoso sila na magpapalit kami ng pwesto? Seriously? What the hell. Mahabaging dyosa, patnubayan nyo naman kami. Tss. Tumingin sa amin ang higad at sumenyas sa mga tauhan nya. Marahas naman kaming binitawan ng mga alagad nya na may hawak sa amin.
Wala na akong nagawa pa ng magsimula ng maglakad si Ed. Sumenyas na din sya sa akin na magpatuloy kami.
"Anong gagawin mo kapag nakuha mo na ako?" Tanong ni Ed sa baliw na babae.
Umakto naman si Rina na parang nag- iisip. "I don't know. Bahala na. Madali na lang mag- isip kapag nasa akin ka na."
Ganoon na ba kabaliw sa pag- ibig itong si Shellarina para maging ganito? Baliw na baliw ba sya kay Ed? Sabagay, sino bang hindi magkaka- gusto sa boyfriend ko? Pogi at sweet na talented pa. Plus points na lang iyong pagiging mayaman nya. Psh. Hindi yata akma na nagde- daydreaming ako dito, ehh, nasa peligro pa buhay namin. Ohh, goddess ka talaga, Lexshawna. Maglakad ka na lang.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Jemimah hanggang sa lumampas na din si Edson sa amin. Seryoso talaga sya na ipapalit nya sarili nya para sa aming dalawa? Hindi naman yata ako papayag ng ganon. Huminto ako sa paglalakad kaya naman, napatigil din ang kasama ko. Saktong paglingon ko sa taong mahal ko ang pag- alingawngaw ng sunud- sunod na mga putok. Nagulat kami pareho ni Jem sa nangyari.
Nagpapalitan na ng mga putok ang tatlong panig. Napaupo na din kaming dalawa upang hindi kami matamaan ng bala. Naramdaman ko naman na bumalik si Edson at lumapit sa amin.
"Ariella!" Sigaw ni Rina kaya naman, napalingon ako. "Mamatay ka na, bitch!"
Nakita ko na inagaw nya ang hawak na baril ng isa sa mga tauhan nya. Pagkatapos ay itinutok nya sa amin ang ulo nito at nagpaputok. Kaagad naman akong napayukod para ikubli ang aking sarili. Naramdaman ko naman na sumiksik din sa akin si Jemimah kasabay ng malakas na pagsabog.
"S-shan..." Rinig kong tawag ng katabi ko.
Pinilit ko naman na ibuga ang busal na nasa bibig ko. Natanggal naman ito at nahulog sa samento. Tiningnan ko naman si Jemimah na ngayon ay natumba na. Nanlaki naman ang mga mata ko ng magkaroon ng pulang likido ang damit nya. Unti- unti itong kumakalat sa damit nya. Kahit mahirap ay nilapitan ko sya. Bahagya akong tumagilid upang mahawakan ko ang kamay nya. Pareho pa kaming naka- taling dalawa.
"S-shan... please tell m- my parents na mahal ko s- sila." Halos pabulong na nyang sambit.
Napailing ako. "You'll tell them pag- uwi natin."
"I- I can't... M- my body hurts.. I - I got... a woun-..." Pahina ng pahina nyang saad.
Na- alarma ako. No. No. No. H'wag si Jemimah please.
"Ed!" Sigaw ko.
Hindi na nagalaw si Jem. No. No. No.
"Ed, si Jem. Please.... May tama sya." Umiiyak ko ng pakiusap.
Kaagad naman kaming nilapitan ni Edson. Inalis nya ang mga tali namin sa kamay. Binuhat nya si Jemimah at hinawakan nya naman ang kamay ko. Pagkatapos ay sabay- sabay kaming tumakbo papunta doon sa sasakyan nila. Pumasok kami sa loob nito at iniupo nya ng maayos ang kaibigan ko. Hinubad nya ang shot nyang t- shirt at walang pag- aalinlangan na pinunit ito sa dalawa. Ibinigay nya sa akin ang isang piraso at inutusan akong pigilan ang pagdudugo ng sugat ni Jem sa may dibdib nito. Ganoon din naman ang ginawa ni Ed sa isa pang sugat nito na nasa may tagiliran. Mahabaging mga dyosa, tulungan nyo ang kaibigan ko. Iligtas nyo sya, please.
Narinig ko ang pagpasok ng mga kaibigan ni Edson at ang pagsara ng pinto ng van. Wala na ding barilan na nagaganap. Hindi ko na din maintindihan ang mga pinag- uusupan nila. Naka- tuon lang ang buong atensyon ko sa kaibigan kong sugatan. Maya- maya pa ay umandar na ang sasakyan. Dadalhin namin sya sa hospital.
Hindi ko na napansin ang byahe. Nakadating na pala kami sa Mariano Hospital. Inasikaso naman nila kaagad si Jemimah at ipinasok sa OR. Naiwan naman kami dito sa labas. Wala ding tigil sa pag- agos ng mga luha ko. Natatakot ako ng sobra. Hindi ko alam mangyayari sa akin kapag may nangyari kay Jem.
"Magiging okay lang sya hindi ba? Kakayanin ni jem." Umiiyak na bitaw ko.
Hinatak naman ako ni Edson palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang mga bisig. "Oo naman. Matapang ang kaibigan mo, baby. Kakayanin nya yan."
"K- kasalan ko t-to... Ako lang dapat ang maki- kidnap. Kasa-.. kasalanan ko to, Ed." Sunud- sunod kong hikbi.
"Sssshhh baby. Walang may gusto sa nangyari." Pag- aalo naman nya.
Kasalanan ko talaga ito. Dapat hindi kasali dito ang kaibigan ko. Hindi dapat sya nadamay. Ako lang dapat ang nakidnap kung pinahiwalay ko sya kaagad sa akin. Mahabaging mga dyosa, natatakot ako. Please, h'wag naman po si Jemimah. Ano po bang ginawa kong mali para danasin ko ang lahat ng paghihirap na ito? Hindi naman po ako pumatay ng tao. Wala din akong inagrabyado. Iyong mga pangbubugbog ko dati ay para lang sa kaligtasan ni Jem. Binu- bully nila ang kaibigan ko kaya ko sila nabanatan. Pero dati pa iyon. Matagal ko na pong pinagsisihan iyon.
Please.... please... please.. Iligtas nyo si Jemimah, please.
"Nasaan ang kasama ng pasyente?" Biglang bitaw ng doctor.
Hindi ko na namalayan ang oras. Nakalabas na pala ang doctor mula sa OR. Mabilis naman akong nag- ayos ng mukha at lumapit.
"Ako po! Best friend ko po sya." Mabilis na sagot ko.
"There's a massive internal bleeding sa pasyente. May natamaang ugat ang bala na nasa may dibdib nya. Madami na ding dugo ang nawala dahil sa isa pang tama ng bala sa may tagiliran nya."
Kakaibang kaba at takot ang bumalot sa buong sistema ko. No. No. No.
"A- ano pong nangyari? Ililipat po ba ng ibang hospital? Need po ng dugo? Magdo- dona-_."
Itinaas ng doctor ang isang kamay nya. Tanda na tumigil na daw ako sa pagsasalita. "I'm sorry. Pero bumigay na ang pasyente."
"H-hindi po totoo yan." Umiiling na anas ko.
"I'm sorry. Pero ginawa na namin lahat."
"I'm sorry. Pero ginawa na namin lahat."
"I'm sorry. Pero ginawa na namin lahat."
I'm sorry. Pero ginawa na namin lahat."
Hindi. Paulit- ulit. Umalis ka sa utak ko!
Hindi. Hindi. Hindi! Mahabaging dyosa, bakit?!
"Shan- shan, umiiyak ka na naman?"
"Sabi ko, walang susuko 'di, ba?"
"Ako kaya ang nag- iisa mong best friend."
"Shan- shan!"
No. Hindi ito totoo.
"Gusto ko syang makita." Ani ko.
Tinuro ng doctor ang pinto. Pinayagan na din nya kaming pumasok sa loob. Bawat hakbang ko papalapit sa silid ay para bang ang hirap- hirap. Handa na ba akong makita ang kaisa- isang tao na tunay at maasahan na naka- higa na at hindi na humihinga? Makakaya ko ba syang tingnan?
Si Edson na ang nagbukas ng double door. Mula naman dito ay kitang- kita ko ang bulto ng katawan ni jem na nakahiga sa kama. Hindi pa nga ako nakakahakbang papasok pero nag- unahan ng tumulo ang mga luha ko.
No. Hindi talaga ito totoo. Hindi pwede.
Pinahid ko ang luha ko at lakas loob na pumasok sa loob. "Jemimah, bumangon ka dyan. Prank lang ito 'di, ba?"
Tuluyan na akong lumapit sa kanya. Para lang syang natutulog. Yes. Tulog lang sya. Kaya naman, hinawakan ko sya sa magkabila nyang balikat at bahagyang inalog.
"Hoy, babae. Bumangon ka na dyan. Hindi na nakakatuwa." Saad ko.
Pero hindi pa din sya nakilos. Nakahiga lang sya sa kama.
"Jem, ano ba? Tayo na dyan. Si Tyler, ohh, nasa may pinto." Ani ko pa.
Pero wala pa din. Hindi nagbago ang pwesto nya. Hindi din nya iminulat ang mga mata nya. Walang nangyari. Wala. Wala na.…
Nanginginig ang mga kamay ko na ikinulong sa mga palad ko ang dalawang pisnge nya. Tumakas na din ang mga butil ng tubing mula sa mga mata ko. Hindi ito maaari. Bakit ang bilis? Sa isang iglap lang kinuha nyo sya sa akin. Mahabaging dyosa, bakit mo sya pinabayaan?
"Jem.... Jemimah... Gumising ka na." Umiiyak kong sambit.
Ohh, GOD! Bakit nyo sya pinabayaan?. Ngayon lang ako tumawag sa inyo. Oo nga at puro mahabaging dyosa ang nalabas sa bibig ko. Pero aware ako na isa lang ang Diyos at walang mga dyosa. Ginagawa ko lang iyon to calm myself. Kasalanan na ba yon? Gisingin nyo ang kaibigan ko. Hindi pa kami nakakapunta sa beach! Manonood pa kami ng sunset. Mag a- arcade at kakain pa kami maghapon.
"Jemimah!... G- gising na best friend."
Hindi ko madalas sabihin sa kanya ang mga katagang iyon. Pero alam at ramdam nya naman na mahalaga sya sa akin. In denial ako at palagi syang inaaway. Pero ang totoo, paraan ko lang iyon para maglambing sa kanya. Hindi ako sweet na tao.
"B-best friend.. 'Yan, sinabi ko na. Bangon ka na.. Jemimah.." Atungal ko.
Nakakainis! Bakit? Bakit? Bakit?! Ibalik nyo sya sa akin, please. Ayaw kong mag- isa. Malungkot ang buhay ko ng wala sya. Hindi ko alam kung paano ako uusad araw- araw ng wala sya sa tabi ko. Si Jemimah lang ang nag- iisang nakakaintindi at nakakapag- tiis sa ugali ko. Sya lang ang nag- iisa kong kaibigan. Sya lang ang best fiend ko! Si Jemimah lang!
Sobrang sakit. Ang kirot ng dibdib ko. Nanginginig na din ang mga tuhod ko. Hindi ko na kaya pang tumayo. Kaya naman, hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumalampak sa sahig. Hinayaan ko na din na maghalo ang luha at sipon ko sa mukha. Wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang umiyak ng umiyak. Baka sakaling mabawasan ang bigat.
"Nasaan ang anak ko?"
"Jemimah!"
Mas lalo bumigat ang dibdib ko ng marinig ang boses ng mga magulang ni Jem. Nandito na sila. At kitang- kita ko kung gaano sila nasasaktan para sa nag- iisa nilang anak.
"Anak... Anong nangyari sayo?" Umiiyak na ani ni Tita, mama nya.
"Magbabayad ang lahat ng gumawa nito sayo, jema. Magbabayad sila!" Sigaw naman ni Tito, papa nya.
Ako. Kasalanan ko. Pagbayarin nyo din ako. Tatanggapin ko lahat ng ibabato nyo sa akin. Ako ang may kasalan kung bakit nawala si Jemimah. Ako! Ako!
"Prinsesa?"
Narinig ko ang boses ni Mama. Mga ilang minuto pa ay may yumakap na sa akin.
"Anak." Boses ni papa.
Dapat ako na lang kasi ang nasaktan. Ako na lang sana ang nabaril tutal naman ay wala naman talaga akong pamilya. Dapat ako nalang!
May dalawang kamay ang sumakop sa mga pisnge ko. Itinunghay nya ang mukha ko only to see papa.
"P-papa, si j- jem." Sumbong ko na parang bata.
He smiled. "Hindi mo kasalanan ang nangyari, anak. Tahan na, prinsesa."
"P-pero ako lang po dapat a- ang maki- kidnap. H-hindi po sya kasali. K-kasalan ko. Papa, kasalanan ko!" Anas
ko.
Umiling- iling sya. "Wala kang kasalanan."
Niyakap ako ni Papa. Dito ko naman inilabas ang lahat. Para akong bata na inapi na nagsusumbong sa magulang. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulhol na ako ng iyak. Paanong hindi? Si Jemimah 'yon. Sya ang nagkukulay ng mundo ko sa tuwing malungkot ako. Para ko na syang kapatid.
Hinayaan ako nila akong umiyak at kumalma. Hinatid na din si Jemimah sa morgue upang linisin. Hindi naman ako iniwan nina Mama at Ed. Hindi ako aalis sa tabi ni jem hanggang sa maihatid namin sya. Palagi na lang sya ang nasa tabi ko. Ngayon, ako naman. Nandito kami sa labas ng morgue, hinihintay na matapos ayusan ang kaibigan ko.
"Prinsesa, okay ka lang ba?" Tanong ni Mama.
Hindi ko sya nasagot. Pakiramdam ko kasi ay gumagalaw ang buo kong paligid. Nahihilo ako. Dulot siguro ito ng sobrang pagod at stress. Pero kailangan kong samahan si Jemimah. Hindi ako aalis sa.…
Ang sakit ng ulo ko.
Narinig kong sumigaw si Mama at naramdaman kong binuhat ako ni Edson. Hanggang sa tuluyan na akong mapapikit at alunin ng kadiliman.
"Jem?"
Imposible ito. Nasa morgue na sya kanina. Pero bakit nandito sya sa harapan ko?
"Shan- shan, mangako ka nga sa akin." Sabi nya.
Nangunot ang noo ko. "Ano namang ipapangako ko?"
"Ipangako mo na hindi mo na sisisihin ang sarili mo. Wala ka namang kasalanan. Hindi naman ikaw ang dumukot at bumaril sa atin hindi ba?" Naka- ngiti nyang saad.
"Oo nga oero ako lang dapat ang madudukot at hindi ikaw. Nadamay ka lang." Naiiyak ko na namang ani.
"Walang may gusto sa nangyari. Sadyang baliw lang talaga ang babaeng iyon, Shan. So, cheer up. Ayaw ko ng malungkot at umiiyak ka."
Pero lalo lang along naiyak.
"Dito ka na lang. H'wag ka ng umalis. Hindi ko kaya pag wala ka."
"Hindi naman ako mawawala. Palagi akong nandito (itinuro nya ang puso ko) sa puso mo. Palagi din kitang babantayan." Naka- ngiti nyang anas.
"Jem, mahal kita. Ikaw lang ang nag- iisa kong best friend. Dito ka lang, please." Pakiusap ko sa kanya.
"Mahal din kita, Shan. Panahon na para lumabas ka sa kahon mo. Hwag mo kong kakalimutan, best friend, ahh. Masaya ako para sa into ni Edson. Palagi kang mag- iingat."
"No. No. No, jem! Sandali!" Sigaw ko.
Naglakad na sya palayo. Tumakbo ako upang habulin sya pero hindi ko Alan kung bakit ang bilis nya. Parang hindi ako umaalis sa pwesto ko. Hindi ko na sya maabutan.
"Jemimah, hwag mo kong iwan!" Sigaw ko pa.
Pero hindi na sya lumingon. Nagpatuloy lang sya sa paglayo sa akin papunta sa liwanag.
"Jem!" Multi kong tawag.
Hindi. Please, don't. Pero tuluyan na nga syang nawala. Naiwan na lang akong mag- isa dito sa lugar na hindi ko alam kung saan. Umupo lang ako sa sahig at umiyak ng umiyak.
Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas ng wala sya. Sobrang sakit. Para akong tinusok ng milyon- milyong sibat sa dibdib. Parang dinudurog ng paulit- ulit ang puso ko. Mahal ko si Jemimah. Para ko na syang kapatid. Hindi ko man maamin sa kanya pero mahal ko sya. Ayaw ko na mawala sya.
Mahabaging mga dyosa, bakit mo ba ako ginaganito? Tama na. Tama na ang sakit. Ayaw ko na. Please, dyosa ng kamalasan, lubayan mo na ako.
Ayaw ko na.