Chapter Twenty Seven

Kasalukuyan ng naka- burol si Jemimah. Nandito naman ako sa kwarto nya dito sa mansion nila. Pinayagan ako nina Tita at Tito na mamalagi dito. Madami kasi kaming mga alaalang dalawa sa apat na sulok ng silid na ito. Pero need ko pumasok. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko. Ayaw ni Jem na magmukmok ako. Kaya naman, kahit wala pa akong masyadong tulog at pahinga ay nagpahatid ako sa driver ng mga Florentino sa Goldwin University.

Katulad pa din ng mga nakaraan, ako na naman ang sentro ng atensyon ng lahat. Hihinto pa sana ako sa may gate para sana hintayin ang kaibigan ko. Ilang Segundo din ang ginugol ko doon para mag- sink in sa utak ko na wala na nga pala si Jemimah.

Bagsak ang mga balikat ko at mugto ang mga mata akong nagpatuloy. Hindi ko na pinansin ang mga bulungan at tawanan sa paligid ko. All I want is my best friend.

"It's you."

Boses na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Napatingin ako sa may harapan ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang babaeng iniidolo ng lahat. Napaka- ganda nga pala talaga nya, lalo na kapag malapitan.

"Ikaw ang babaeng umaagaw ng atensyon ko sa pageant." Sabi nya. "Hi, I'm Rodelia Marise Roque. You can call me Marise." Sabay lahad ng palad nya sa akin.

Nahihiya man ay tinanggap ko ang kamay nya. "Lexshawna Ariella Delfin po."

Nag- shake hands kaming dalawa. Grabe, ang lambot ng palad nya. Nginitian nya ako at ganoon din naman ang ginawa ko.

"Papasok ka na sa klase?" Tanong nya.

Napatango ako. "O- oo."

"I'm Edson's ex girlfriend. I heard na may relasyon daw kayo." Naka- ngiti nyang saad.

Kinabahan ako. "H- hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Ssshh, darling. Kalat na sa buong university ang balita about sa inyo. And I'm sure na ginagawa na ni Ed ang lahat for you." Balik naman nya.

Paano? Kagagawan pa din ba ito ni Rina? Sa kabila ba ng lahat ng ginawa nya ay may lakas pa syang pumasok? Pinatay nya si Jemimah! Mahabaging mga dyosa, pigilan nyo ako. Ayaw ko ng gulo.

"Ohh, Lexie, dear." Ani pa ng super model. "Condolence nga pala for your friend."

Tumango lang ako sa kanya. Nginitian naman nya ako at naglakad na palayo. Napayuko naman ako sa inis. Bakit ba ang malas ko? Tss. Dadagdag pa ba ang model na yon sa mga problema ko? Mahabaging dyosa, tama na naman! Nakakapagod na. Ayaw ko na. Sobra na ang mga ibinabato nyo sa akin. Sobra na. Bigyan nyo naman ako ng kahit kaunting pahinga.

Wala ang higad pagpasok ko ng classroom. Himala naman na tahimik ang mga kaklase ko. Sinundan lang nila ako ng tingin hanggang sa maka- upo ako sa pwesto namin ni Jem. Napalingon naman ako sa katabi kong upuan. Talaga nga palang wala na sya sa buhay ko. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaluha. Ganitong oras kasi ay may tsismis na syang binabalita sa akin. Ohh, goddess, miss ko na sya.

"Sorry."

"Condolence."

Isa- isa naman na nagbigay ng pakikiramay ang mga kaklase ko. Napahagulhol naman ako. Wala na akong pakialam kung makita nila akong umiyak. Gusto ko lang na mailabas ang sakit na nasa dibdib ko. May mga ilan sa kanila na sinisi ang naganap na ASV. Mayroon din na nagsabing pera lang daw ang habol ng mga kidnapper dahil anak ng gobernador si Jemimah. Hindi nila alam na kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ng pesteng pag- ibig na iyan. Kung sana ay hindi ko nakilala si Ed! Kung sana ay hindi ako naging marupok at pinatulan sya. Kung sana ay hindi ko sya sinagot. Baka.. Baka sakaling buhay pa ang kaibigan ko. Nandito pa sana sya ngayon! Pero...

Pero nagmahal lang naman ako. Hindi.

Hindi kasalan ni Edson.

Ako.

Ako ang may kasalanan nitong lahat. Sana ako na lang ang nabaril.

Sana ako na lang.…

Ako na lang…

Sana ako na lang ang nawala..

Ako na lang sana!

"Ssshhh... I'm here." Ani ng pamilyar na boses kasunod ng pagyakap ng dalawang matitipunong braso sa akin.

Nandito sya. Ang tanga ko ng isipin ko na sana ay hindi ko na lang sya nakilala. Ano ba? Gulong- gulo na ako. Nakakainis! Ano ba? Tama na. Hirap na hirap na ako.

Mahabaging mga dyosa, maawa na kayo sa akin. Pero, sandali lang. Anong ginagawa ni Edson dito? Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap nya sa akin. Tinuyo ko ang mukha ko at nagtatakang inilibot ang paningin sa paligid ko. Nandito pa din ako sa classroom. At nandito din ang mga kaklase ko. Pero…

"Hindi na ako teacher, Ariella." Ani ni Ed na naka- upo sa dating pwesto ni Jem.

Gulat naman akong napalingon sa kanya. "Anong sinabi mo?"

He smiled. "I'm not your substitute teacher anymore."

"Pero.. p- paano nangyari 'yon?" Naguguluhan kong tanong.

He slightly moved his left hand on my head. He grabbed a small amount of my hair and gently cares it. "Remember na sobrang busy ko this passed few days? Naghahanap ako ng pwedeng pumalit sa akin as a teacher."

No. "Why? Paano ka na?"

"Hindi naman talaga ako teacher, Ariella. Isa akong CEO ng isang construction company." Saad nya.

Alam ko naman ng may kompanya sya. Hindi din nawawala sa isip ko na isa syang sikat na Engineer at CEO. Pero bakit ba sya naging teacher? Paano sya napunta dito sa GU?

"Long story. I will tell you in some other time." Sambit pa nya.

Nababasa nya siguro ang mga ekspresyon ko. Kaya pala ang lakas ng loob nyang magpunta dito sa classroom. Pero, madami pa ding matang nakakakita. Sinuyod ko ng tingin ang mga kaklase ko. May ilan na nakatingin sa amin na tila kinikilig at mayroon din na walang pakialam. Mahabaging dyosa, ang gulo ng plano nyo. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

Walang naging klase hanggang sa mag- break time na. Ang sabi ni Edson ay nagmi- meeting daw ang mga faculties. Si Mrs. Himala naman ay na suspinde sa pakikipag sabwatan kay Shellarina. And speaking of that caterpillar, naglabas daw ng memo ang school na wala ng maaaring tumanggap na eskwelahan sa kanya. Naka banned na ang queen wanna be sa lahat ng private school. Inilapit na din daw ito sa mga pulis at kasalukuyan ng hinahanap ng batas. Niyaya naman ako ni Ed na lumabas. Nagpubta kami sa cafe na nasa may tapat lang ng GU. Hindi naman ako tumanggi at sumama sa kanya. Pero tila pinag- lalaruan ako ng tadhana dahil nandito din ang super model.

"Hi, couple." Bati nya sa amin.

"Rodie." Sambit naman ni Ed.

Naupo kami sa may dulo. Pero itong ex- girlfriend na ito, may paglapit pang nalalaman. Nananadya siguro sya dahil naki- upo pa sa table namin. Umalis sya sa pwesto nya kanina at tumabi kay Edson na katapat ko naman.

"So, how's your relationship?" Tanong ng model.

"Mas mabuti kaysa noong tayo pa, Rodie." Matabang naman na sagot ni Ed.

"That hurts. Why so mean naman, Eddie? Para namang hindi mo kinaadikan ang katawan ko noon." Natatawa pang saad ng bruha.

"Rodie, stop." Puno ng babala na ani ng lalaking katapat ko.

"Its true naman. You love to eat me in your office dati and you're so addicted to me." Tila nang- aasar pang bitaw ni Rodelia.

"And that's the biggest mistake na ginawa ko. Shut up your mouth, Rodie or ako mismo ang magpapa- tahimik sayo." Banta ni Ed.

"If mahal ka talaga ng babaeng ito( turo sa akin) kahit ano pang sabihin ko about sa past natin, ay hindi sya maapektuhan. Why bothered? Nakuha ka na nya and ikaw sa kanya 'di, ba?" Litanya naman nya.

Its true. "I dont care about your past. Wala naman kasing magbabago kahit ano pa mang sabihin mo." Ani ko.

"Exactly. So, why bothered, Eddie?" Tanong nito sa katabi nya. "Unless, nati- triggered ka pa din sa akin."

"No. I don't love you anymore, Rodie. And I will never love you again." Seryosong balik ng mahal ko.

"I know." Naka- ngiting sambit ni Marise. "Paano, mauna na ako sa inyo. I have a lot of photoshoots to do."

"Ingat." Awkward ko namang sambit.

Tumayo na sya at kumaway sa amin. Nagpunta pa sya sa counter at pagkatapos ay dumiretso na palabas. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maka- sakay na ito sa kotse. Napatingin naman ako kay Edson ng hawakan nya ang kamay ko.

"Are you mad?" Tanong nya.

Umiling ako. "Hindi. Okay lang ako." Sagot ko.

He kissed my hand. "I'm sorry dahil kailangan mo pang marinig ang lahat ng iyon. You know that I love you, right?"

Ngumiti ako. "Alam ko and I love you too."

"I love you more." Banat naman nya sabay kindat.

Ohh, goddess! Ano na lang gagawin ko kapag wala ang lalaking ito sa tabi ko? Pero kanina lang ay sising- sisi ako na dumating sya sa buhay ko. Pwede pa namang bawiin 'di, ba? Mahal na mahal ko sya. Totoo at walang halong biro. Nasabi ko lang ang mga iyon dahil sa dami ng problema na ibinabato sa akin ngayon. Sorry if i'm doubting the universe about

our sudden collision. I'm feel sorry for cupid too. Instead of questioning the destiny, i should be thankful about it. No. I'm greatfull and blessed. So, please, my ohh so goddess, have mercy on me.

"Will you be okay if hindi na kita masasamahan papasok?" Tanong nya.

"Okay lang ako. May problema ba?" Balik kong tanong dito.

"I have some important thing to do." Tugon nya.

Napatango ako. "School? Company?" Pang- uusisa ko.

Umiling naman sya. "The dangerous one."

"O- okay. Ingat ka." Sabi ko.

He smiled. "I will. You too, take care."

Magka- sabay kaming lumabas ng café. Pero nauna na akong maglakad sa kanya papasok ng school. Naiwan sya doon, naka- tayo at ihinahatid ako ng tingin. Hindi na naman ako lumingon pa at nagdire- diretso lang papunta sa building namin. Hindi katulad kanina ay may bahid na ng ngiti ang aking mga labi. He can truly make me smile. Mukhang may papalit na sayo, Jem.

Naiiling akong nagpatuloy papunta sa classroom namin. Wala naman akong natanggap na mga panlalait at panghuhusga ng maka- pasok ako. Nakaka- panibago nga dahil pawang mga naka- ngiti pa sila kapag nagtatagpo ang mga mata namin. Naiiling naman akong naupo sa pwesto ko. Inilabas ko ang cp ko at nagpunta sa gallery. Binisita ko ang mga kuha naming litrato ni Jemimah. Ako ang mang- ari ng phone pero sya ang may pinaka- madaming picture. Hindi ko nga alam kung bakit puro pangit ang kuha ko dito. Pero yong sa kanya, may mga effects pa.

"Shawna, may nagpapabigay sayo." Biglang sulpot naman ng isa sa mga kaklase ko.

May dala syang maliit na kulay itim na box na may red na ribbon. Tinanggap ko naman ito at binuksan. Nagulat naman ako ng makita ang laman nito. Puno ito ng mga litrato ko. Its not just me but pati si Ed ay nandito din. Mga stolen shots ito habang nasa parking kami, sa loob ng kotse, sa cafe, sa harap ng bahay namin, sa harap ng mansion nila at habang ipinagbubukas ako ng pinto ni Edson. Nangilabot naman ako ng pati mga moments namin sa loob ng bahay ni boyfie ay mayroon din. Paanong nakuhanan ang mga ganoong pangyayari? Ibig bang sabihin ay may sumusunod sa akin? Napalingon- lingon naman ako. Pinagmasdan ko ang bawat isa sa mga kaklase ko. Pero walang kakaiba sa kanila. Nanginginig ang mga kamay ko na muling sinarado ang kahon. Ipinasok ko ito sa loob ng bag ko. Susunugin ko ito mamaya pag- uwi ko.

Natapos ang maghapon ng walang nangyayari. Wala ding guro ang nagklase. Madami pa daw kasing inaasikaso ang faculties about sa case ni Mrs. Himala, Jemimah, Shellaria at Edson. Nakakalungkot mang usipin pero sa akin nagsimula ang lahat ng gulong ito. Hayst. Mukhang maglalakad ako pauwe ngayon, ahh. Sabagay, sanay naman ako. Gawain ko ito noong maayos pa ang lahat.

Mag- isa kong binaybay ang hallway pababa ng building namin. Napahinto naman ako ng may kumpol ng mga estudyante ang nasa may hagdan. Sabay- sabay silang tumingin sa akin at ngumiti. Bigla naman akong kinabahan at agad na inatake ng takot.

"GU's Gold digger is here." Ani ng isang babae.

"I wonder kung anong gagawin mo kapag kumalat sa buong school ang mga kahalayan mo." Naka- ngising saad naman ng katabi nito.

"Tigilan nyo na ako, please." Pakiusap ko.

"Sorry. Napag- utusan lang." Natatawang bato ng isang lalaki.

"How about... pasayahin mo na lang kami kagaya ng pagpapaligaya mo sa guro natin."

Naka- kagat labing sabi naman ng isa pang lalaki na bukas ang mga botones ng suot na uniporme.

"That sounds fun! Hulihin na natin sya, guys." Anas naman ng babaeng maikli ang suot na palda.

Napa- atras naman ako. Hindi na ako nag- isip pa at mabilis na akong kumaripas ng takbo. Lumiko ako papunta sa fire exit. Dito na ako dadaan dahil tiyak kong may nag- aabang na sa akin sa may elevator. Kasasabi ko lang kanina na maawa kayo sa akin. Mga dyosa naman, pagod na ako. Tuwang - tuwa kayong pag- laruan ako, ahh. Kainis!

Kahit mahirap ay sa fire exit nga ako dumaan. Ito ay ang makitid at maliit na hagdanan sa labas at gilid ng building. Yari ito sa stainless steel at pwede pang i- adjust. Hindi ko alam kung paano ito naging fire exit. Para kasing pampahirap lang ito sa tao dahil sa haba at layo na kailangan mong lakadin. Masakit na ang mga paa ko ng tuluyan na akong maka- baba. Tumakbo na ako muli dahil mga naka- energy drink ang mga humahabol sa akin sa bilis ng mga ito. Pinili ko ang daan na paikot papunta sa main entrance ng school. Ito ay ang daan sa may likod ng building namin, papunta sa gitna ng canteen at gym, paikot sa gilid ng mga gusali papunta sa harapan.

Hingal na hingal ako ng maka- labas ng gate. At last ay naka- takas din ako. Pero hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo ko dahil maglalakad pa ako papunta sa bahay. Kaya naman, nagpahinga muna ako ng kaunti bago ako magsimulang maglakad muli. Hindi ko tuloy maiwasan malungkot. Naaalala ko na naman ang talakera kong kaibigan. Wala namang oras na hindi ko sya nami- miss. Minu- minuto kong hinahanap ang presensya nya. Ang laking kawalan sa sistema ko ang pagkawala nya. Napaka- hirap tanggapin.

Madilim na ng maka- uwi ako ng bahay. Kaagad naman akong naligo at nagbihis. Inayos ko ang sarili ko dahil pupunta pa ako sa Mansion ng mga Florentino. Hindi na naman ako mahihirapan pang mag- commute dahil susunduin ako ng driver nila. Ipinag- bilin kasi ako ni Tita kay Mang Jules na ihatid at sunduin ako. Wala namang magagawa si Manong dahil bukod sa obligado sya ay kasama din ito sa sahod nya. Nagpaalam ako kina Mama. Nagpadala naman sila ng kaunting leche cake para sa mga magulang ni Jem. Ipinasa- sabi din nila na hindi sila makaka- punta dahil madaming pa- order si Mama.

Pasado mag aala- siete na ng gabi ng makadating ako sa bahay ng kaibigan ko. Dati- rati ay pumupunta ako dito upang mag sleep over at sa project. Pero ngayon, pupunta ako dahil naka- burol sa sya. Nakaka- lungkot isipin. Kaya naman, kahit masakit ay pinilit ko pa din na pumasok sa loob. Binati naman kaagad ako ng mga magulang ni Jemimah. Inalok pa nila ako na kumain. Tinanggihan ko naman ito dahil busog pa ako. Kumain ako bago umalis sa bahay kanina.

"Napaka- bait nyang bata." Sabi ni Tita na katabi ko.

"Opo. Wala pong makakatalo sa kabaitan ni Jem. Matabil nga lang po ang dila." Biro ko naman.

Napatawa naman ng kaunti ang ginang. "Hindi na mawawala sa anak ko ang pagiging madaldal. Likas na iyon sa kanya."

"Opo. Para nga po syang machine gun sa school." Naka- ngiti ko pang dagdag habang inaalala ang pagbubunganga ni Jemimah sa classroom.

"Ang bilis." Malungkot na saad ni Tita. "Hindi ko lubos akalain na ganito lang nila binawi sa amin si Jemimah. Sya ang biyaya namin." Umiyak na ito. "Binigyan nya ng kulay ang buhay namin."

Hindi ko na din napigilan na umiyak. Napuno ako ng guilt at pagsisisi. Lumapit naman ako kay Tita at binigyan sya ng mainit na yakap. Hindi ko kasi Alan kung ano ang dapat kong sabihin para maibsan ang sakit na nararamdaman nya. Mas kinakain lang ako ng guilt. Kasalanan ko kung bakit nakahiga na ngayon ang kaibigan ko sa maliit na kahon na yan.

"Sorry po." Sambit ko. "Kasalanan ko po. Sorry po, tita."

Akala ko ay itutulak nya ako at itataboy. Pero hinawakan nya ang magkabila kong pisnge gamut ang mga palad nya at tsaka umiling.

"Hindi." Sabi nya. "Wala kang kasalanan, Ija. Hindi mo ginusto ang mga nangyari. Hwag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong ayaw ng anak ko na sisihin mo ang sarili mo dahil lang sa pagkawala nya."

Napaiyak ako lalo. "Sabi nya po sakin na sabihin ko daw po sa inyo na mahal na mahal nya kayo."

Nakita ko kung paano gumuhit sa mga mata ni Tita ang sakit. Pagkatapis ay niyakap nya ako na Padang ako ang anak nya. Ramdam ko ang init ng pagmamahal ng isang ina.

"Mahal na mahal din namin sya. Mahal na mahal." Rinig kong bitaw nya.

Hinayaan ko na umiyak lang sa balikat ko si Tita. Sinamahan ko sya sa pagdadalamhati. Paminsan- minsan ay titigil sya at magkukwento ng tungkol sa kanyang anak. Tapos tatawa na lang kami bigla dahil sa mga kalokohan na ginawa ni Jemimah. Sa mga or as na ito, pakiramdam ko ay gumaan na ang dinadala ko. Ilang beses kasing ipina- intindi sa akin ng Mama ng kaibigan ko na wala akong kasalanan. Iyon langbpala ang solusyon sa problema ko. Ang mailabas ang lahat at ang humingi ng tawad sa mga magulang nya.

Mahabaging dyosa, salamat sa maunawain at mabait na magulang ni Jemimah.

Ngayon alam ko na kung saan nag- mana ang kaibigan ko.