Chapter Twenty Five
EDSON SANTIAGO BAYER POV
"I can make this school miserable. I can sue you for Staffa and lastly, you don't know me." Kalmado kong bitaw.
"Mr. Bayer, this pictures proves na may ginagawa nga kayong milagro ni Miss. Delfin. At number one protocol naming mga guro na bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante at guro." Paliwanag ni Mrs. Espares.
"I'm just a substitute teacher. You owe me, big time." Kibit balikat kong depensa.
"But its our rule, Mr. Bayer." Saad pa nya.
"Okay, then. See you in hell, Miss. Principal." Anas ko at sinadya pang idiin ang katungkulan nya.
This is bullshit! Magkano kaya ang ipinakain dito ni San Diego para hindi ako pakinggan? Tss. Kung ayaw nya sa maayos na usapan, humanda sya sa santong dasalan. Siguro naman, a little pananakot will do.
Tumayo na ako at lumabas ng opisina ng mukhang perang principal. Wala na akong magagawa pa sa taong nasilaw na ng pera at pangako. Sa panahon ngayon, ang isang papel na may apat na sulok na ang mas importante kaysa dignidad. Nakaka- awa. Dumiretso ako sa sarili kong opisina. Naupo ako sa swivel chair at hinarap ang laptop. Kailangan kong gumawa ng paraan upang hindi maipit si Ariella. Kilala ko na ang babaeng mahal ko. Iisipin nya na kasalanan nya ang lahat. Sisisihin nya sarili nya at mas pipiliing lumayo para sa ikabubuti ko. Ayaw ko iyong mangyari. Pinaayos ko na kay Marquez ang mga kumalat na litrato sa internet. Kaya nya iyong burahin at alisin sa lahat ng site and devices. Bumagsak na din ang negosyo ng mga De Torres at nailabas na ang mga anumalya ni Mayor. I will do everything for my princess. Ako ang babawi sa mga taong nanakit sa kanya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag- titipa ng biglang tumunog ang Cp ko. Kaagad ko naman itong kinuha at sinagot.
"Yes, baby?" Bungad ko.
"T- tulungan mo kami, Ed." Tugon naman nito.
Napakunot naman ang noo ko. Hindi ba at nasa FCU sila for the Annual School Visiting? Nabitawan ko ang hawak kong ballpen at nasagi ko pa ang pencil holder na nasa tabi ng laptop.
"Baby, whats wrong?" Tanong ko dito.
"May dumukot sa 'min ni Jem. We're on the FCU noong may humarang na mga lalaki sa amin at isinakay kami sa van. Please, Ed, help us. Please." Dire- diretso sumbong nya.
Bigla naman akong kinabahan. Isinipit ko ang cp ko sa pagitan ng balikat at tenga ko. Kinipit ko ito upang hindi ito mahulog. Inalerto ko naman kaagad ang team ko gamut ang laptop.
"Did you know where you are?" Tanong kong muli.
"No. Pero alam ko kung paano kami naka- punta dito." Sabi nya.
"H- how?" Naguguluhan ko namang saad.
"Mula sa FCU parking turn left. Huminto kami coz by the traffic light then left again. Wala pang trenta minutos ng lumiko naman ito sa kanan. Then, left, stop, right, right, stop, left, humps, another minutes again and right."
Napa- ngiti ako. Goodness! She's so talented.
"How did you know that, baby? Great! You're awsome." Puri ko sa kanya.
Sa ganitong sitwasyon namin ay nagawa ko pa talagang humanga kay Ariella. Hindi ko mapigilan na maging proud boyfriend.
"I have a ta-____" Naputol ang sasabihin nya.
"Shan! Ohh my G, nandito na sila!" Natatarantang sabi ni Jem mula sa kabilang linya.
"I need to go. They didn 't know na may cp ako." Paalam naman nya.
"I'm coming, baby. Wait for me. I love you. " Pinatay na nya kaagad ang tawag.
Hindi nya nga yata narinig ang "I love you" ko. Don't be a pussy boyfriend, Ed. Go and do something to save your girl. Fuck me! Makikita ng lahat si Satanas kapag may nangyaring masama sa mahal ko. Tss. Tumayo na ako sa pagkaka- upo at mabilis na tinahak ang parking. Kaagad ko naman na nakita ang sasakyan ng mga kumag. Isang bulletproof tinted van ang dala ng mga ito na tiyak kong sa mansion ko galing. Nailing na lang akong sumakay sa loob.
"Na- trace mo na ba?" Tanong ko kay Marquez na abala sa pagtipa sa kanyang laptop.
"I have all the CCTV footage ng daan na dinaanan ng van na dumakip sa kanya. We're good. Makakadatinv tayo doon in no time." Tugon naman nya.
"Kailangan ba natin ng back- up? Naka stand by ang mga tauhan natin kung sakaling kailangan." Singit naman ni Kristan.
Napatango ako. "Pasunudin mo ang isang grupo. Its better to be sure than not."
"Copy that boss." Balik nya.
Mula sa FCU parking turn left. Huminto sila dahil sa traffic light then left again. Wala pang trenta minutos ng lumiko naman ito sa kanan. Then, left, stop, right, right, stop, left, humps, another minutes again and right. Kung iisipin nating mabuti, ang left ng FCU ay papunta sa Jose P Laurel Avenue. When you follow that route, may intersection. Iyon marahil ang hinintuan nila sabay liko sa left. Palabas na iyon ng bayan. So, wala sila dito sa city. Good moves. Nang makalabas sila ng bayan ay kumanan naman, it must be papunta sa San Miguel Avenue. Sa totoo lang nahihilo na ako sa kaiisip. May nabuo na ngang mapa sa utak ko masundan lang ang mga sinabi nya. Oo nga at may sailing way na sinusunod si Marquez. Its through his cctv cameras. Wala naman mawawala kung i- consider din ang sinabi ni Ariella 'di, ba?
Nakalabas na kami ng bayan kagaya ng inaasahan ko. Nagsimula na ding umusbong ang kaba at takot sa dibdib ko. Parang may maling nangyayari.
"Faster, Trenan!" Sigaw ko.
Nasa panganib ang mahal ko. Ramdam ko iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero may kung ano akong nararamdam sa loob ko na nagsasabi na may nangyayaring masama sa babaeng mahal ko. Kung pwede nga lang na palipadin na itong sasakyan ay ginawa ko na. Nakakainis! Bakit ba ang tagal umandar nito? Kailangan ko na yata lagyan ng turbo at nitro lahat ng sasakyan ko. Tss.
"Malapit na tayo, Ed." Inporma ni Marquez.
"Faster." Singhal ko naman.
"Boss, yong Cp mo kanina pa nagri- ring." Sabi naman ni Cass.
Mabilis ko namang kinuha ang Cp ko sa bulsa at sinagot ng walang pag- aalinlangan.
"Baby, are you okay?" Bungad ko kaagad dito.
Natawa ang nasa kabilang linya. "Ohh, Edson. Oo naman, okay ako. Ikaw talaga."
Nangunot ang noo ko. Tinanggal ko sa tenga ko ang phone at tingnan ang screen.
"Rodie?" Ani ko.
"Yes, sino pa bang iba?" Balik ng nasa kabilang linya. "Where are you? I'm at your house."
"I have something to do, Rodie. Work." Sabot ko naman.
"Kailan ka uuwe, let's go eat din-_..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin nya. Pinatay ko na ang tawag at muling itinago ang cp. Wala along pakialam sa babaeng 'yon. Our passed relationship is as toxic as a hell. She want everything to be perfect. Gusto nya palaging plano at desisyon nya ang nasusunod. She doesn't want failure. Nakalimutan na nya ako. Mas inuna nya ang career at ang sarili nya kaysa sa relasyon namin. Lastly, iniwan nya ako. Umalis sya dahil hindi ko daw sya kayang suportahan. And now, mangungulit sya sa akin ng Padang walang nangyari? Wow. Just wow.
Nakadating kami sa isang abandonadong gusali. Para itong isang maliit na hospital. Ito siguro iyong hindi natapos na pagamutan noon dahil sa kinapos ang pera ng may- ari. Dalawang palapag lamang ito at hindi gaanong kalakihan. Isa pa, kung natuloy ito ay sigurado along hindi din naman ito magtatagal. Dahil madaming paliko- likong daan bago makarating dito. Mahihirapan makadating at makita ng mga pasyente ang hospital kapag ganoon ang nangyari. So, wala ng nagtangka pang ituloy o bilhin ito.
Bago kami bumaba ng van ay pinauna muna namin ang among mga tauhan. I asked them to secure the perimeter at patayin lahat ng haharang. Nang maka- pasok ang unang grupo sa loob ay umalingawngaw kaagad ang mga putok ng baril. Lumabas kami ng medyo humupa na ang palitan ng mga putok. Sa harap kami dumaan. Una naming pinuntahan ang mga kwarto sa taas. Isa- isa naming pinasok ang mga ito. Pero wala kaming nakitang dalawang hostage. Puro mga lalaking nagsu- sugal o di kaya naman ay mga nag- iinom lang ang aming nakita. Sinunod namin ang mga kwarto sa baba. Hanggang sa makarating kami sa pinaka- dulong kwarto na nasa dulo ng hallway. Naka- kadena at naka- lock ang pinto nito. So, this is it. Ito na marahil ang silid na pinag- kulungan kina Ariella at Jem.
I motioned Marquez and Tristan to go first. Pinaputukan nila ang kadena upang maputol ito. Pumwesto naman kaagad si Cass sa may gilid. Hinawakan nya ang handle ng pinto at naghanda naman kami kaagad. Itinutok namin ang aming mga baril dito upang maging handa sa anomang laman ng loob. And in a count of three, Luke Cass opened the door. Mabilis naman kaming pumasok sa loob upang silipin ito.
"There's no one here." Ani ni Trenan.
"Mali ba ang napuntahan natin?" Tanong naman ni Cass.
"No. Tama lahat ng ng calculation at coordinates ko." Anas naman ni Marquez.
Wala ngang laman ito. Malawak ang kwarto. May isa itong malamlam na ilaw na nasa pinaka- gitna. Hanggang sa may makita ako sa hindi kalayuan. May dalawang upuan dito na yari sa kahoy at mga nakakalat na damit. Yumuko ako at pinulot ang isa sa mga ito.
"They're here." Sabi ko. "Damit ito ni Ariella at sigurado akong mayroon din dito si Jemimah."
Yes. This is their clothes but why? Bullshit! H'wag lang silang magkaka- mali na galawin ang mahal ko, makikilala nila si Satanas.
"Find them! Find her, Marquez. Find her!" Sigaw ko.
Malalaki ang mga hakbang ko palabas. Lahat ng mga nakikita kong mga kalaban ay walang pag- aalinlangan kong binabaril sa ulo. Kung may hawak lang akong espada, hindi ko sila titigilan hanggang hindi naghihiwa- hiwalay ang mga katawan nila. Pasalamat sila at hindi katana ang dala ko. Wala na ako sa sarili. I need to calm down. Umiinit na ang ulo ko at kating- kati na ang mga kamay ko na patayin ang may kagagawan nito. Subukan lang talaga nilang galawin si Ariella sa hindi maayos na paraan, pasasabugin ko ang buong angkan nila. Wala akong ititira kahit sanggol o bata sa sinapupunan. Tinatawag nila akong halimaw. Then, I will show them how monstrous I am.
Pinaligpit ko lahat ng mga alipores na dumakip sa prinsesa ko. Wala akong pinatira kahit isang buhay. Nauna naman kami na umalis dahil kasalukuyan pang tumatakas ang sasakyan kung saan lulan ang dalawang magka- ibigan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinigawan si Trenan na bilisan ang pagmamaneho. Basta ang alam ko lang ay kailangan naming magmadali.
"Dadaan sila ng tulay. Mas mabuti kung mayroon ng mag- aabang sa kabilang dulo." Biglang bitaw ni Marquez.
"Gawin nyo ang nararapat." Matabang kong saad.
Kumilos naman si Kristan at tinawagan ang iba pang grupo na nasa base. Inutusan nya ang mga ito na mag- abang sa kabilang dulo ng tulay. Ipinasarado na din nya ang mga daan upang walang inosenteng madadamay. Para kaming mga nasa action scene sa isang pelikula sa telebisyon. Nang maka- liko kami sa bukana ng tulay ay kitang- kita namin ang pag- hinto ng isang black tinted van sa may pa-gitna. Wala na silang malulusutan dahil may dalawang van na naka- abang na sa kanila sa may dulo nito. Huminto na din kami at mabilis na lumabas dala ang mga baril at kutsilyo.
Nagsilabasan nadin ang lulan ng black van. Bumaba mula dito ang anim na mga kalalakihan bitbit ang dalawa na tanging short at sando na lang ang suot. Sinundan naman ito ng babaeng hindi ko inaakalang makakagawa ng ganitong kasalanan. Si Shellarina De Torres ang nagpakilalang nawawalang kapatid ni San Diego.
Nagsimula na kaming maglakad habang naka- taas ang mga kamay at may hawak na baril. Ganoon din ang ginawa ng iba pa naming mga tauhan. One step at a time, papalapit sa mga kalaban. Hanggang sa tumigil kaming lahat, few meters away from them.
"Let them go." Utos ko.
"Why would I?" Balik naman sa akin ng babaeng master mind.
"I will kill you if you don't let them go this instant." Seryoso kong ani.
She giggled. "If you kill me, mamamatay din sila."
Tinapunan ko ng tingin ang mahal ko at ang kanyang kaibigan. Dalawang lalaki ang may hawak sa kanila. May busal ang kanilang mga bibig at naka- tali ang kanilang mga kamay. Bakas sa mukha nila ang pagod, takot at reliefs. Then, my girl holds my gaze. Matiim nyang sinasalubong ang nga titig ko. Pinipilit ko naman na iparating sa kanya ang mga nais kong sabihin sa simpleng pagtitig lamang. I can feel her needs to jump on my arms. I need to save her. ASAP.
"Shellarina, let them go." Ani kong muli.
"Ikaw kapalit ng kalayaan nilang dalawa." Naka- ngiti naman nitong bwelta.
"I'm willing to trade myself for them. Let them go first bago ako sumama sa 'yo." Pag- laban ko naman.
Yes. Okay lang na ipagpalit ko ang sarili ko para sa kaligtasan nilang dalawa. Makakagawa naman ako ng paraan para maka- takas kung sakali mang maging ganoon nga ang sitwasyon. Isa pa, makakalaban ako.
"Sabay nalang." Suhestyon naman ni Cass.
"Okay." Tipid namang ani ni Rina.
Inutusan nya ang mga alagad nya na bitawan ang mag- kaibigan. Ihinanda ko naman ang sarili ko at nagsimula ng maglakad. Sinenyasan ko naman ang dalawa na umabante na din. Dahan- dahan kaming naglakadaq na tatlo. One step at a time. Kapag nakalampas na sa akin ang dalawa ay pwede na kaming kumilos.
"Anong gagawin mo kapag nakuha mo na ako?" Tanong ko sa baliw na babae.
Umakto naman si Rina na parang nag-iisip. "I don't know. Bahala na. Madali na lang mag- isip kapag nasa akin ka na."
Sa kilos at ugali nya, I can say na may problema sa pag- iisip itong si De Torres na ito. Everything she wants ay nakukuha nya. At kung mayroon mang hindi nya nakuha ay handa syang makipag- patayan para lang doon. Katulad na lang ng nangyayari ngayon. Tss. Hindi ba pina- check up ni San Diego itong kapatid nya? Imposible naman na hindi nya nahahalata ang kakaibang ikinikilos ng isang ito.
Hindi din nagtagal at nagka- salubong na kaming tatlo. Naka- lampas na ako ng ilang hakbang. Pagkakataon na naman ito upang kumilos. Inilagay ko ang isang kamay ko sa likod ko. And with a single moved of my fingers ay nagsimula ng magpaputok ang mga tauhan namin. Mabilis naman akong pumihit pabalik. Naabutan ko pa ang dalawa na napaupo na sa kalsada dahil sa gulat. Nilapitan ko naman sila at sinenyasan na kumilos na.
"Ariella!" Sigaw ni Shellarina. "Mamatay ka na bitch!"
Lumingon ako sa gawi ng baliw na babae. Kita kong inagaw nya ang isang baril sa tauhan nya at itinutok nya sa amin. Nanlaki ang mga mata ko. Bukod sa hindi ko rinig kung bumaril na ba sya ay may bigla na lang sumabog. May paparating na dilaw na kotse at apat na mga naka- motor. Naubos na din ang mga tauhan namin na nasa kabilang dulo. Dahilan upang makalusot na ang mga ito.
"Ed!" Tinig na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Ed, si Jem! Please... May tama sya." Umiiyak na ani ni Ariella.
Pilit nyang hinahawakan ang kamay ng kaibigan na nakahiga na sa malamig na samento. Dumudugo ang tagiliran ng tiyan nito at maging sa may dibdib. Nilapitan ko naman sila at kinalagan ng mga tali sa kamay. Kaagad ko namang binuhat si Jemimah at hinawakan ang kamay ni Ariella. Pagkatapos ay tumakbo kami papalapit sa sasakyan namin. Dahan- dahan ay pinaupo ko si Jem sa may back seat. Hinubad ko ang suot kong T- shirt. Pinunit ko ito at hinati sa dalawa. Ibinigay ko kay Ariella ang isa at inutusang takpan ang sugat ng kaibigan na nasa may dibdib. Iyong sa may tiyan naman nito ang inasikaso ko. Maya- maya pa ay nagsipasok na din ang iba pa naming mga kasamahan. Wala na ding putukan sa labas.
"Nakatakas ang baliw na babae. Dumating si San Diego." Ani ni Trenan.
"Sa pinaka- malapit na hospital muna tayo. Bilis!" Utos ko.
Sinunod nila ang sinabi ko. Minaobra ni Trenan ang sasakyan at mabilis na pinaharurot. Hindi naman ako mapakali sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa babaeng mahal ko na hindi kakayanin ng kaibigan nya. Malalim ang sugat nito at wala ding tigil sa pagtagas ang dugo. Pero mukhang nalaban naman si Jemimah kaya naman, baka nga kakayanin pa.
Nakadating kami sa Mariano Hospital ng mabilis. Kaagad din namang inasikaso ng mga doctor si Jemimah. Ipinasok ito sa Operating room ng walang pag- aalinlangan. Naiwan naman kami dito sa labas.
"Magiging okay lang sya hindi ba? Kakayanin ni jem." Umiiyak na bitaw ni Ariella.
Hinatak ko naman sya palapit sa akin at ikinulong sa aking mga bisig. "Oo naman. Matapang ang kaibigan mo, baby. Kakayanin nya yan."
"K- kasalan ko t-to... Ako lang dapat ang maki- kidnap. Kasa-.. kasalanan ko to, Ed." Sunud- sunod nyang hikbi.
"Sssshhh baby. Walang may gusto sa nangyari." Pag- aalo ko naman.
Kung makayanan ni Jemimah ito, isang milagro na ang nangyari. Sa tagal at dami ko ng na- encounter na mga laban, alam ko kung mamamatay at hindi pa ang isang taong nasugatan. Hindi naman sa negative ako pero, pinag- aaralan kasi iyan ng mga katulad namin. The part na natamaan ng bala kay Jem ay pawang mga sensitive na parte. Kaya naman, kung pwede sanang humiling na buhayin nyo pa sya at dugtungan ang buhay ay gagawin ko na. Ngunit kahit ilang beses ko pang isan- tinig ang mga katagang iyon ay impisible na. Wala pa ding mangyayari. Madami yatang natawag ng saklolo ngayon kay G kaya naman, ng muling bumukas ang pinto ng OR at lumabas ang doctor ay alam ko na.
"Nasaan ang kasama ng pasyente?"
"Ako po! Best friend ko po sya." Mabilis na sagot ni Ariella.
"There's a massive internal bleeding sa pasyente. May natamaang ugat ang bala na nasa may dibdib nya. Madami na ding dugo ang nawala dahil sa isa pang tama ng bala sa may tagiliran nya."
"A- ano pong nangyari? Ililipat po ba ng ibang hospital? Need po ng dugo? Magdo- dona-_."
Itinaas ng doctor ang isang kamay nya. Tanda na tumigil na sa pagsasaluta si Ariella. "I'm sorry. Pero bumigay na ang pasyente."
"H-hindi po totoo yan." Umiiling na anas ng mahal ko.
"I'm sorry. Pero ginawa na namin lahat."
On that moment. Kitang- kita ko kung paano gumuho ang mundo ng babaeng mahal ko.
I'm sorry, Ariella. Hindi ko sya naprotektahan.