Chapter Twenty Four

Maaga akong nagising. Na- miss ko kasi ang luto ni mama at ang pagsasalo naming apat sa hapag kainan. Kaya naman, mabilis akong kumilos. Niligpit ko ang kama ko, naligo at nag- bihis. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina upang maka- tulong kay Mama. May mga pa- order kasi sya ngayon ng kanin at ulam.

"Good morning, Ma." Bati ko.

"Ang aga mong magising ngayon, ahh." Balik naman nya.

Napangiti ako. "Tulungan ko na po kayo dyan."

Hindi naman sya umalma. Pinayagan nya akong tumulong. Ako ang taga- takal ng kanin at si Mama na ang bahala sa ulam. Nakalagay ito sa mga plastic tupperware na dagdag din sa bayad. Mahal kaya ang ganito, nuh. Natatapon kasi kung sa styro lang or iyong karton. Sabi ni mama, 'di bale na daw na mahal, may quality naman. Mga ilang minuto pa ang lumipas at nagising na din si Ella. Tumulong din sya sa amin ni mama. Sya ang nag- aayos ng mga natakalan na o iyong mga nalagyan na ng mga pag- kain. Sinasaraduhan nya ito at nilalagyan ng seal.

Tapos na kami ng bumaba si Papa. Naka- bihis na ito at dala na ang mga gamit pang- trabaho. Kaagad naman kaming pinag- hain ni Mama ng pagkain dahil may pasok pa rin kami sa school ni Ella. Sabay- sabay naman kaming kumaing apat. Pagkatapos ay kanya- kanya na din kaming pasok sa aming mga destinasyon. Syempre, sinundo ako ni Ed. Pero kaagad din akong nagpa- baba sa may Book Café para iwas issue.

Katulad pa din kahapon ay sinalubong ako ng lahat ng mapang- uyam nilang mga mata. Ramdam ko ang bawat titig nila na bumabaon sa kaibuturan ko. And, wala pa din si Jem. Siguro ay pinahabol na muli ito ni Shellarina sa mga inupahan nyang estudyante. Mahabaging dyosa, h'wag n'yo naman idamay ang kaibigan ko. S'ya na lang ang nag- iisa kong tunay na malalapitan bukod sa pamilya ko at kay Ed. So, please lang po, ilayo nyo s'ya sa kapahamakan.

Walang gulong nangyari pag- pasok ko sa silid aralan. Lahat sila ay busy sa papel na hawak nila. Nagtataka man ako ay hindi ko na sila pinakailaman pa. Naupo na lang ako sa pwesto ko.

"Nakaka excite naman!"

"Hmm. Sana bukas pa. Hindi ako ready, ehh. Bakit kasi biglaan?"

Sari- sari ang mga naririnig ko mula sa mga kaklase ko. Bigla tuloy akong na- curious. Bakit ba kasi ang tagal ni Jem? Saan na naman kaya iyon nagpunta? Hay nako naman. Tsk.

"Oy, horny gold digger bitch."

Maganda na ang araw ko mga dyosa. Bakit nyo pinapanget? Tss.

"Good morning, Shellarina." Bati ko dito.

"Ito, ohh." May iniabot syang papel. "Kung hindi lang ako ang nautusan na mamigay nito, hindi kita lalapitan, nuh."

Tinanggap ko ang papel. "Salamat, Rina."

Hindi na nya ako pinansin pa. Tumalikod na sya at pumwesto sa may unahan habang hawak ang mga papel. Nailing na lang ako na tiningnan ang iniabot nya akin. Ito ay tungkol sa Annual School Visiting. May anim na University ang magpapalitan ng estudyante. Isang buong section ang kasali dito. Ang mga napiling estudyante ay magpapalipat- lipat sa anim na eskwelahan kada- tatlong araw. Ito ay nagsimulang gawin, isang dekada na ang nakalipas.

"Ohh, emmmgiiieeee!" Sigaw na mula sa may pinto. "Shan- shan!"

Nandito na ang talakera kong kaibigan. Kitang- kita ang saya sa mukha nya habang iwinawagayway ang hawak na papel. Patakbo pa syang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Shan, its today na! Guess what?" Ani nya.

"What?" Balik ko naman.

"Makikita ko na si Tyler, girl. Ang pogi- pogi talaga no'n. Nakaka- in love talaga sya. Yiieeeeeeeee! Hahaha" kinikilig nyang tili.

Si Tyler ay ang team captain ng basket ball team ng Fortaleza Carino University. Sikat sya sa pagiging magaling na manlalaro at sa taglay din nitong kakisigan. Madaming mga babae mula sa ibat- ibang eskwelahan ang nahuhumaling dito. Lalong- lalo na itong si Jemimah na crush na crush ito. Pero syempre, ibahin nyo ako. Kay Mr. Bayer lang ako naadik, nuh.

Natahimik lang ang buong klase ng biglang pumasok si Mrs. Himala. Hawak nya ang papel na kapareho ng sa amin. Nagpunta sya sa may gitna at humarap sa amin. As usual, naka- simangot pa din ito.

"Alam kong excited na kayo." Pagsi- simula nya. "Kaya naman, magsitayo na kayong lahat at magpunta na sa parking. Hintayin nyo ang school bus doon."

"Yes!"

"I'm excited na."

"I'm gonna see my Tyler."

Umugong na naman ang ibat- ibang bulungan at tilian. Kanya- kanya na ding ligpit ng mga gamit nila. May mga nag- make- up na din at nag- ayos ng sarili.

"Dito sa school ang tagpuan every morning. No late." Dagdag pa ng balyena. "Ang ma- late ay automatic na hindi na makakasali pa on the whole trip. Eksaktong ala- sais ng umaga ay nasa may gate na dapat kayong lahat."

Hindi ko alam kung naintindihan pa ba yon ng mga kaklase ko. Lahat kasi sila ay busy na sa kani- kanilang mundo. Hindi na naman inulit ni Mrs. Himala ang kanyang mga kataga. Bagkus ay sumenyas na sya sa lahat na magsi- labas na. Kaagad naman na nagsi- takbuhan ang mga kumag kong mga kaklase. Samantalang, kami naman ni Jem ay nagpahuli upang maka- iwas sa siksikan. Sumunod lang kami noong kami na lang ang naiwan sa room. Sakto naman na kadadating lang ng school bus nang kami ay dumating sa parking. Katulad pa din ng kanina ay hindi kami nakipag- siksikan. Pinauna muna namin ang mga maliligalig naming mga kaklase bago kami sumakay. Malaki naman ang sasakyan kaya naman, lahat kami ay makaka- upo, may sobra pang bakante.

"Oyy, shan." Tawag sa akin ni Jem na katabi ko.

"Ohh, bakit?" Tanong ko naman.

"Nag- text ka ba sa prince charming mo? Baka hanapin ka." Anas nya.

Hindi ko na sya sinagot pa. Kinuha ko na lang ang Cp ko at ginawa ang gusto nya. Nag- text ako kay Ed at sinabing may Annual School Visiting kami. Kaagad din naman itong nag- reply ng "I love you" at "Ingat" with kiss emoticon pa. Syempre, dakilang pabebe ako, nag- send din ako ng kiss emoticon at "I love you too." Hindi na naman sya nag- reply pagkatapos noon. Busy siguro sya. Bigla ko tuloy naalala ang tungkol doon sa kinahaharap nyang problema. Wala pa din syang nababanggit sa akin na about doon. Nakokonsensya tuloy ako.

Hindi naging matagal ang byahe namin papunta sa Fortaleza Carino University. Halos wala pa ito'ng kalahati'ng oras. Todo cheer at hiyaw naman ang mga kaklase ko ng makita na ang gate ng FCU. Malaki at modern ang eskwelahang ito. Karamihan din sa istraktura dito ay yari sa makakapal na bubog o salamin. Pero, higit na mas malaki at mas malawak pa din ang Goldwin University. Sa anim ba school na kasali sa ASV ay ang aming unibersidad ang mas angat sa lahat. Hindi naman sa pagmamayabang 'yan, ahh. Nagsasabi lamang ako ng totoo.

Nag- uunahan pa din sa pagbaba ang mga kaklase ko. Para silang mga bata na first time lang sumali sa field trip kung maka- asta. Kung hindi pa sila pinag- sabihan ni Mr. Honazan ay hindi pa magsisi- timo ang mga ito. Pinapila kami ng guro namin ng isang linya lamang. Syempre, alam nyo na ang nangyari. Ang queen wanna at ang kanyang mga alalay ang nasa pinaka- una. At kaming dalawa ni jemimah ang nasa hulihan. Hindi na nga namin kita ang nasa unahan namin dahil sa mga kaklase naming lalaki na matatangkad. Ito naman kasing si Mr. Honazan, isang pila lang ang ginawa. Pwede naman sigurong paghiwalayin ang boys at girls. Psh.

Nagsimula na kaming maglakad. Mabagal ang takbo ng pila. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng mga nasa unahan namin o ano. Basta hindi maganda ang kutob ko. Nagsisimula na naman na umusbong ang kaba sa dibdib ko. At sa tuwing nararamdaman ko ito ay may nangyayaring hindi maganda sa akin. Nako, mahabaging mga dyosa, h'wag naman po dito. Nasa ibang eskwelahan kami, sobra- sobra ng kahihiyan ito.

Pumasok kami sa isang pasilyo. Ito marahil ang daan papunta doon sa parking na aming pinang- galingan. Hanggang sa nakikita ko ng lumiko ang mga nasa unahan namin sa may kanan. Malapit na din kaming lumiko ng bigla akong matigilan. Hindi na ako makakilos at alam kong pati si Jem na nasa likod ko ay ganoon din.

"Sh- shan.." Dinig kong sambit ng nasa likod ko.

Noong ako na ang liliko ay may biglang sumalubong sa amin na mga kalalakihan na naka cup at hoody. Lima sila at mga naka- ngisi pa. Sabi ko na nga ba at may mangyayaring hindi maganda, ehh. Tss. Nadamay pa pati itong si jem. Mahabaging mga dyosa, ano na naman ba ito?

"A- anong kailangan nyo?" Tanong ko sa mga ito.

"Sumama kayo sa amin ng maayos kung ayaw nyong masaktan." Ani ng isa na may logo ng addidas ang suot na hoody jacket.

"Hindi kami sasama sa inyo! Hahanapin kami ni Sir at tiyak kong malalagot kayo." Singhal ni Jem.

"Malabong mangyari yan, Miss. Florentino. May contact kami sa grupo nyo." Sagot ng naka yellow na hoody.

Si Shellarina. Bakit hindi ko naisip na sya ang may gawa nito? Kainis! Bakit ba umabot ng ganito ang galit ng higad na yon? Hay nako mga dyosa kayo. Gustong- gusto nyo talaga akong nahihirapan. Bwiset!

"Turn around and walk." Utos naman ng kaninang lalaki na yayamanin.

May inilabas ang tatlo sa kanila na mga kutsilyo. Dito na nanginig ang buong sistema ko. Kailangan naming sumunod sa kanila. Kasama ko si Jem at any moment ay maaari kaming mapahamak na dalawa. Kaya naman, kahit labag sa loob ko ay tumalikod na ako. Sinenyasan ko na naman kaagad si Jemimah na sumunod na ginagawa din nya kaagad. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa pinang- galingang namin kanina. Kasunod naman namin ang lima na malalaki ang mga hakbang. Naka- abante na kaagad sa may magkabilang gilid namin ang dalawa. Matiim naman na naka- masid lang sa amin ang tatlo sa likod.

Nakadating kami sa parking ng walang nangyayaring saksakan. Bigla namang may humaharurot na van na kulay itim ang tumigil sa harapan namin. Bumukas ang pintuan nito at lumitaw ang tatlong mga naka itim at bonet na mga lalaki.

"Sakay!" Sigaw ng lalaking green ang cup at ang hood.

"No! Kilala nyo ba ang mga magulang ko, huh? Ipapaubos nila kayo kapag may ginagawa kayo sa amin!" Matapang na angal ni Jem.

Pero tawa lang ang narinig namin sa mga ito. Nag- umpisa na silang magsenyasan at gumalaw. Lumapit sa akin ang lalaking may addidas sa damit at sapilitang inilagay sa likod ang mga kamay ko. Itinali nya ito at ganoon din ang kay jem. Pagkatapos ay padabog nila kaming ipinasok sa loob ng van.

Mahabaging dyosa, ingatan nyo naman kami. No. Kahit si Jem na lang. Hwag nyo na idamay ang kaibigan ko. Parang awa nyo na. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag may nangyaring masama sa kanya. Ohh, goddess!

Hindi ko alam kung saan nila kami dinala. Nilagyan nila kami ng blind fold. Kinuha din nila ang bag namin para siguro ay hindi kami makagawa ng paraan upang maka- takas. Pero may isa silang hindi alam tungkol sa akin. I can memorize fast kaysa sa ibang tao. Simula pa noong umalis kami sa perimeter ng FCU ay tanda ko kung ilang traffic lights ang tinigilan namin. Bilang ko kung ilang beses lumiko sa kanan at sa kaliwa. Plus, hindi ako naglalagay ng cp sa bag. Lagot kayong lahat kay Ed mamaya.

Tumigil na ang pag- andar ng sasakyan. Sinundan ito ng pag- bukas at pag- sara ng pinto ng van.

"Ibaba nyo na ang mga yan!" Sigaw ng kung sino.

"Shan, natatakot ako." Bulong ni jem sa akin.

"Ssssshhh... Tiis lang." Balik ko ding bulong sa kanya.

Naaawa ako sa kanya. Hindi ko sya mahawakan o ma- comfort man lamang dahil parehong naka- tali ang aming mga mata. Ramdam ko naman na magkatabi kami. Pero hindi ko talaga sya maabot.

Magka- sunod kaming ibinaba ni Jemimah. Hinatak at kinaladkad nila kaming dalawa hanggang sa maka- dinig kami ng pagbukas ng pinto. Pagkatapos ay itinulak nila kami papasok ka- sunod ng malakas na pagsarado ng pinto.

"Mga walang puso! Humanda kayo sa Daddy ko pag- nalaman nila 'to." Sigaw ni jem.

"Hindi ka na nila maririnig, Jem." Ani ko.

Nag- echo ang sigaw nya sa silid. Ibig- sabihin lang noon ay nasa malawak at saradong kwarto kami. Hindi ko makita ang lugar dahil hindi nila inalis ang blind fold namin. Pero pwede namin alisin 'di, ba? Tss. Hindi siguro sila sanay na mang- hostage.

"Lumapit ka dito, jemimah. Tatanggalin ko ang tali mo." Utos ko sa kasama ko.

Sumunod naman ito kaagad sa akin. Ang problema nga lang, mahirap magkapaan. Pinakiramdaman na lang namin ang isat- isa. Pagkatapos ay magka- talikod kami habang naka- tayo. Gamit ang mga daliri ko at hindi masyadong nakakagalaw na mga kamay ay kinapa ko ang lubid na naka- tali kay Jem. Pilit ko itong kinalag o kalasin kahit mahirap. Tumagal yata ang scenario naming iyon ng halos bente minutos. Nang makalaya na sya ay ako naman ang pinakawalan nya. Sa pagkakataong ito ay natanggal ko na ang tabing sa aking mga mata.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Jemimah.

Hindi ko din alam. Nandito kami sa silid na malawak at madumi. May malamlam itong ilaw na nasa pinaka- gitna. Sa laki nito ay hindi na naaabot ng liwanag ang apat na sulok ng kwarto. Wala din itong bintana at isa lang ang pinto. Yari ito sa samento na walang pintura. Bagkus ay lumot at mga vandalism ang nakalagay. Base sa itsura ng lugar ay tiyak kong may iba ng nauna sa amin.

"Nasa bag ang cellphone ko. Paano na tayo nito?" Nangangambang saad ni Jemimah.

Bahagya ko namang itinaas ang aking palda at kinuha ang cp ko sa bulsa ng suot kong short. Napapalakpak naman si Jem sa saya. Pero kaagad ko naman syang pinatahimik dahil baka mabuko kami.

"Pumunta ka doon sa may pinto. Pakinggan mo kung may papalapit o padating. Senyasan mo ako." Ani ko.

Nag- thumbs up naman ang luka at patakbo ng nagpunta sa may pinto. Ako naman ay lumayo ng kaunti mula sa kanya. Kailangan nating mag- ingat. Ito lang pag- asa namin. Kaya naman, kaagad akong nagtipa sa Cp ko at tinawagan ang numero ni Ed.

"Yes, baby?" Kaagad na bungad nito.

"T- tulungan mo kami, Ed." Anas ko naman.

Naka- rinig ako ng pagbagsak ng kung ano mula sa kabilang linya. "Baby, whats wrong?"

"May dumukot sa 'min ni Jem. We're on the FCU noong may humarang na mga lalaki sa amin at isinakay kami sa van. Please, Ed, help us. Please." Dire- diretso kong sumbong.

"Did you know where you are?" Tanong nya.

"No. Pero alam ko kung paano kami naka- punta dito." Sabi ko.

"H- how?" Naguguluhan nyang saad.

"Mula sa FCU parking turn left. Huminto kami coz by the traffic light then left again. Wala pang trenta minutos ng lumiko naman ito sa kanan. Then, left, stop, right, right, stop, left, humps, another minutes again and right."

"How did you know that, baby? Great! You're awsome." Bakas sa tono at pananalita nya ang paghanga.

"I have a ta-____"

"Shan! Ohh my G, nandito na sila!" Natatarantang sabi ni Jem.

"I need to go. They didn 't know na may cp ako." Paalam ko.

"I'm coming, baby. Wait for me. I lov-___" Pinatay ko na ang tawag.

I love you too. Iyan dapat ang reply ko sa kanya. Pero hindi ko na nasabi dahil kailangan na naming umayos ni jemimah. Ibinalik ko ng muli ang cp ko sa bulsa ng short ko. Inalis ko din ang tunog nito dahil alam kong makulit ang lahi ni Ed. Natitiyak ko kasi na mag- a- attempt ang makulit na iyon na tumawag. So, i turned my phone into silent mode.

Naka- upo na kami ni Jemimah sa may sulok ng bumukas ang pinto. Pumasok dito ang limang mga lalaki at ang babaeng master mind ng lahat. The queen caterpillar.

"Hello, bitches. Kamusta ang selda nyo?" Nang- aasar nitong bato.

"Ano bang kailangan mo, Shellarina? Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ni Jem.

"Ohh, talakerang frog, hindi ka naman kasi kasali dito. Ang mali mo lang ay ginalit mo ako. Sawang- sawa na ako sa pakikialam mo." Litanya naman nya.

"Sabi na kasing friendship ang tawag doon. Hindi ko naman hahayaan na apihin mo ang best friend ko, nuh." Balik pang muli ng katabi ko.

"Wow. Nakaka- iyak naman." She smiled. "Mag- work pa kaya ang friendship nyo pagkatapos nito?"

Sumenyas si Rina sa mga alipores nya. Kumilos naman kaagad ang mga ito. May dalawa pang lalaki na pumasok na may bitbit na dalawang upuan at mga lubid. Lumapit naman sa amin ang limang mga lalaki. Ang dalawa ay kaagad na hinila si Jemimah palayo sa akin. Ang tatlo naman ay binantayan ako.

"Anong gagawin mo sa akin, huh?" Singhal nito.

Natawa naman si Rina. Hindi ito sumagot o nagsalita. Naupo lang sya sa isang upuan na bitbit ng lalaki kanina. Pinapanood nya lang si Jemimah na marahas na hinahawakan ng dalawang lalaki. Teka lang, bakit ganito? Iba na nararamdaman ko.

"Rina, pag- usapan natin 'to." Ani ko.

"Bitch, sana sinabi mo yan noon pa. Edi, hindi na tayo umabot sa ganito." Sabi naman nya.

"Anong binabalak mo, huh? Bakit ba ang duwag mo, Rina. Gumagamit ka ng mga tao para utusan. Halika, lumaban ka sa akin ng mag- isa. One on one tayo!" Angil ni jem.

Natawa naman ang higad. "Kinakabahan na ba kayo?"

"No! Sino ka ba para katakutan namin? Isa ka lang namang higad na panget!" Balik pa ng talakera kong kaibigan.

"Kahit anong sabihin nyo, wala na akong pakialam." Sumenyas sya sa mga alipores nya. "Hubadan nyo ang dalawang 'yan. Tingnan natin kung may ipagmamalaki pa kayo pagkatapos nito."

Labis na takot at kaba ang lumukob sa kaibuturan ko. Mahabaging dyosa, maawa naman kayo sa amin! Iligtas mo kami.

Edson, nasaan ka na ba?!