Chapter Twenty Three

Hindi na masyadong masakit ang aking kayamanan. Pumasok na din ako sa school. Sa maniwala kasi kayo at sa hindi ay ayaw na ayaw ko na um- absent. Kapag kasi may isang araw akong naka- ligtaan na pasok ay pakiramdam ko na parang may kulang sa akin. Ewan ko ba. Basta ganoon ang aking nararamdaman.

Naunang pumasok kaysa sa akin si Edson. May kailangan daw syang asikasuhin kaya naman, ipinahatid nya na lamang ako sa driver nila. He don't mind at all. Madami naman silang sasakyan. Pero hindi ko maintindihan ang kabang biglang nabuhay sa dibdib ko. Ganitong- ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may hindi magandang mangyayari sa akin. Hindi ako mapakali. Upang maka- sigurado ay nag text ako kay Edson na kung maaari ay pigilan ang kanyang sarili na lumapit sa akin. Baka kasi mabuko na nila kami kaya ako kinakabahan. Nang hindi nag- reply si Ed ay itinago ko ng muli ang aking cellphone sa bulsa ng aking palda.

Sinalubong kaagad ako ng mga mapanuri at mapang- husgang mga mata ng maka- baba ako ng sasakyan. Nag- simula na din silang mag- bulungan habang nasa akin ang mga patingin. Kusa ding nahahawi o tumatabi ang ibang mga estudyante kapag nakikita ako. Mas tumindi tuloy ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Wala naman si Jemimah. Kapag kasi may issue na kumakalat tungkol sa akin ay inuunahan na nya ako kaagad sa school. Sasalubungin nya ako at iiiwas sa gulo. Pero ngayon, wala sya dito kaya naman, baka nga walang kahit anong mangyayari ngayon.

Katatapak palang ng mga paa ko sa building namin ng may biglang lumapit na babae sa akin. May iniaabot sya sa akin na sobre na tinanggap ko naman. Nakakunot at nagtataka ko naman itong binuksan. And there was a card on it. Kinuha ko ito at binasa.

"I bet na masarap matulog sa malaki, malawak at marangyang bahay ng guro natin, nuh?

Pupusta din ako, no, kami, na ihinain mo na din ang sarili mo sa kanya. For what, girl? For money?

Para sa masaganang buhay?

You are a horny bitch gold digger."

Nag- iinit na ang sulok ng mga mata ko. Kilala ko na kung kanino ito nanggaling. Bakit ba hindi ko naisip na babalik sa impyerno ang buhay ko gayong nandito na muli ang higad? Mahabaging mga dyosa, ano na naman ba ito? Trip nyo na naman akong paglaruan ngayon. Tss.

Malalaki ang hakbang kong tinungo ang floor kung saan nandoon ang aming silid. Nagkaroon lang sya ng mayamang kapatid, lumakas na ang loob. Nakakainis!

"Gold digger! Gold digger! Gold digger!"

Sigaw ng mga kaklase ko ng maka- pasok ako ng room. Hindi ko naman sila pinakinggan. Nagdire- diretso lang ako kay Shellarina na prenteng naka- upo sa lamesa na nasa gitna sa unahan. Nang maka- lapit ako ay ibinato ko sa mukha nya ang sobre na hawak ko.

"Sino ka para gawin ang mga iyan sa akin?!" Singhala ko.

"Sino ako?" Tumawa sya. "Ako lang naman si Shellarina San Diego, ang mag- mamay- ari ng eskwalahang ito, soon."

Napa- tango- tango ako. "Sino sa atin ngayon ang gold digger? Ginagamit mo lang kapatid mo para umanggat. Ano ka straw? No. Linta pala dahil hanggat may masisipsip, hindi maaalis ang kapit."

"At least hindi ako naghain ng katawan para sa pera. Kusang dumating ang akin coz we're brothers, duh." Bwelta naman nya.

"Saan mo ba nakukuha iyang mga yan, huh?" Tanong ko.

"Madami akong source. Isa pa, lalaki si Sir. Ang lalaki kapag inakit ng katawan, narupok na." Naka- ngisi nyang ani.

"Alam mo bruh----....."

"Tigilan nyo nga akong mga punyeta kayo!" Sigaw na pumutol sa akin.

Napalingon naman ako sa may pintuan to find Jem. Pawisan ito at tila hinihingal pa sa pagod. Magulo ang buhok nya na parang nakipag- away. May mga estudyanteng babae ang naka- sunod sa kanya. Ang isa ay hawak pa sya sa braso pero nakawala din naman sya kaagad. Kaya ba, wala sya sa may gate kanina? Pati ang kaibigan ko na wala namang kinalaman dito, idunadamay? Inilalayo nila sa akin si Jemimah upang hindi nya ako mabalaan sa mga gagawin ng higad. Great.

"HOY IKAW MALANDING HIGAD NA CLOWN KA!" Sigaw nya habang naglalakad papalapit sa amin.

"How's your morning marathon, Florentino?" Nang- uuyam na tanong ni Rina.

"Morning marathon your face! Now I know, kung bakit kinutsyaba mo ang buong eskwelahan. Dahil kung ikaw lang ang gagawa noon, baka hindi ka na naming makilala. Ngayon pa nga lang na naka- upo ka lang dyan, ang panget mo na. What if kaya kung, pawisan at nawala na yang make up mo. Yuck!" Walang prenong litanya ni Jem.

Umani naman ng tawanan ang mga salitang ibinato ng gaga sa higad. Nainis naman kaagad si Rina kaya naman, na patalon syang bumaba sa inuupuan nyang lamesa.

"Alam mo bang mapapatalsik na dito sa school si Sir. Bayer dahil sa kagagawan mo?" Nang- gigigil na bato nya sa akin.

"Nako. Mali." Depensa naman kaagad ni Jem. "Technically, its because of you, Shellarina. Kung hindi ka nagpa- cute kahit hindi naman cute sa mahal mong Kuya na samahan ka sa principal para magsumbong ng mga hinabi mong kwento, hindi sana mangyayare yan. Pakialamera ka kasing gaga ka. Bobo na nga, panget pa."

"Alam mo, ikaw na talakerang palaka ka, sumusobra ka na, ahh. Magkano ba inaabot nitong bitch na to( turo sa akin) sayo para dipensahan mo sya?" Galit ng singhal ng queen wanna be.

"Friendship ang tawag dyan, bobo. Tsk. Tsk. Palibhasa kasi ganun gawain mo, ehh. Nako, ikaw ba, magkano ang ibinibigay mo sa alipores mo upang pakisamahan ka?" Nanghahamon naman na ganti ni Jem.

"Umalis ka nga dyan, Jemimah. Hindi ka naman kasali dito!" Sigaw ni Rina.

Natawa naman ang katabi ko."Ngayon sasabihin mong hindi ako kasali, ehh, ipinahabol mo nga ako sa mga binayaran mong estudyante kanina. Bagay na bagay ka talagang maging clown."

"Arhg! Shut the hell up!" Nagpa- papadyak ng tili ng higad.

"Ang galing mong sumayaw, mare." Natatawang asar ni Jem.

Nakitawa na din muli ang mga kaklase namin. Mas lalo tuloy na nainis si Rina. Namumula na ang mga pisnge nito sa pag- pipigil. Kulang na nga lang ay may lumabas na usok sa dalawang tenga nya. Perfect na sya bilang kontra bida sa mga palabas sa t. v. Bravo. Palakpakan. Psh.

Hinila na ako ni Jem papunta sa upuan namin. Nasa unahan pa din si Shellarina. Nakatingin ito sa amin habang nagpapapadyak na parang bata. Wala tuloy tigil sa pagtawa ang mga kaklase namin sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong na nagpatigil sa akin.

Nilingon ko si Jem na naka- ngiti lang sa akin. Paano nya ba ito nagagawa?

Napatango ako. "O- oo."

"Mabuti naman. Akala ko kasi hindi na kita maaabutan dito katulad noong nakaraan na wala ako tsaka ka naman nila binugbog." Saad nya.

Ohh, goddess. I'm so lucky to have her. "S- salamat." Nahihiya ko pang sambit.

"Ano ka ba? I'm your one and only best friend, nuh. Hahahahaha" Balik nya naman.

Yes. Siya ang una at ang nag- iisa kong matalik na kaibigan. Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng nasabi ito. Pero hindi ako magsasawang ulit- ulitin na napaka- swerte ko sa kanya.

"Totoo ba?" Tanong ko.

"Ahh, iyon? Magtiwala ka lang sa kanya. Alam naman nating dalawa na magagawan nya ng paraan yon." Tugon nya sabay thumbs up pa.

Napangiti naman ako. Oo nga naman. Si Edson Santiago Bayer yata yon. Kayang- kaya nya lahat. Sabi nga nya, He has his way. Sana nga. Ayaw ko naman na masira ang career nya ng dahil lang sa akin. Mas gugustuhin ko pa na ako ang mag- adjust para mailigtas ang sa kanya. Okay lang sa akin kung ako ang mapa- alis sa dito sa Goldwin University hwag lang sya.

Nagsimula ang klase ngunit wala si Mrs. Himala. Ganoon din ang nangyari sa sunod nitong asignatura na dapat ay kay Ed. At nasundan pa ito ng mga sunod na subject hanggang sa magtapos na ang oras sa hapon. Buong mag- hapon ay walang sumipot na guro sa amin. Ang sabi naman ni Rina ay kagagawan ko daw. Nag- uusap pa daw ang mga guro at ang mga superior nito tungkol sa issue ko. Kaya naman, hindi ko tuloy maiwasan na kabahan at matakot.

"Sa akin ka na sumabay. Saan ba kita ihahatid?" Tanong naman ni Jem.

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Saan nga ba? Ang usapan kasi namin ni Ed ay sya ang maghahatid sa akin sa bahay. Pero, sigurado akong busy sya ngayon at madaming kinahaharap na problema. Pwede naman sigurong si Jemimah na lang? Hay nako.

"Sa bahay namin." Tipid kong ani.

Napapalakpak sya. "Yes! At last, uuwe ka na din."

Hindi na ako nag- kumento pa. Tahimik ko lang syang sinundan hanggang sa makadating kami sa kinaroroonan ng sasakyan nya. Yes. Wala na syang driver. Naikuha na kasi sya ng student license ng magulang nya kaya naman, carry na nya na mag- drive mag- isa. Sana all na lang tayo. But, hindi ako naiinggit, ahh. Biro lang yon. Baka naman gawan nyo pa ng issue yon. Sabihin nyo na naman na gold digger ako. Psh. Mga tao nga naman, walang magawang matino.

Naka- labas na kami ng school perimeter ng biglang huminto si Jem sa pagmamaneho. Itinabi nya sa may gilid ang kotse nya at ngumiti ng malawak sa akin.

"Ohh, bakit ganyan ang itsura mo?" Nagtataka kong tanong.

"Your prince is here na to accompany you, prinsesa." Naka- ngisi pa din nyang sagot.

Napa- kunot ang noo ko. "Ano?"

Pero hindi nya ako sinagot. Itinuro nya lang ang harapan namin na sinundan ko lang ng tingin. May naka- tigil din na itim na kotse sa unahan namin. Pamilyar ito sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Maya- maya pa ay bumukas ang pinto nito sa may driver seat. Hindi gaanong tanaw mula dito kung sino ang bumaba. Pero noong nag- simula ng maglakad papunta dito ng lalaki na lulan noong sasakyan ay nanglaki ang mga mata ko.

"Mapapa- sana all na lang talaga ako." Rinig kong bitaw ni Jem.

But my eyes and attention ay nasa gwapong nilalang lang na nag- lalakad papunta dito. Umikot sya papunta sa may gawi ko at kumatok sa may bintana. Dumagundong naman ang tibok ng puso ko ng hawakan na nya ang handle ng pinto. Binuksan nya iyon at naka- ngiting inilahad sa akin ang kamay nya.

"Sabi ko, ako ang mag- hahatid sayo sa inyo, 'di, ba?" Malambing nyang saad.

Napatango naman ako at walang pag- aalinlangan na tinanggap ang kamay nya. Iginaya naman nya ako palabas, papunta sa sasakyan nya. Binuksan nya ang pinto ng passenger seat at pinaupo ako.

"Wait for me. I just want to thank your friend." Then, he winked.

Mahabaging mga dyosa, natutunaw ako. How can he be so sweet like this, easily? Ohh, goddess! I love him so much.

Napapa- ngiti ako habang sinusundan ko sya ng tingin. Kahit hindi na ako magka- intindihan sa pag- pwesto dito sa loob. Naka- harap kasi ang sasakyan sa unahan. So ang nasa harapan ng kotse ni Jem ay ang puwetan nitong mamahaling ford ni Ed. Kaya naman, hirap na hirap na akong tingnan kung ano ang ginagawa nila. Nakita kong lumapit si boyfie sa may driver seat kung saan nandoon si Jemimah. Bahagya pa syang yumuko para siguro ay mas marinig at magpantay silang dalawa. Sandali. Bakit ko ba sila pinapanood? Hay nako. Inayos ko ang sarili ko at umupo. Hinayaan ko na yong dalawa na mag- usap. Pagka- lipas ng ilang minuto na paghihintay ay bumalik na din si Ed. Pumasok na sya at naupo sa may driver's seat.

"Are you ready, sweetheart?" Tanong nya sa akin.

Pero sa halip na sumagot ako ay kinabig ko sya palapit sa akin upang yakapin. "Thank you." Bulong ko.

Ramdam ko ang pagka- gulat nya. Pero kaagad din naman nakabawi at gumanti ng yakap sa akin.

"It should be I love you, baby." Saad nya.

I looked into his eyes. "I love you." Mahinang sambit ko.

He smiled. "That's more I like it." Hinalikan nya ako sa may noo. "I love you too."

He gave me a quick smack kiss bago nya ako pina- upo ng maayos at nilagyan ng seatbelt. Ohh, goddess, I'm so lucky to have this two wonderful people. Thank you ng sobra.

Para akong ewan na naka- ngiti habang naka- tanaw sa may bintana. Kasalukuyang nag- mamaneho ngayon si Ed papunta sa bahay namin. Kinakabahan ako pero mas lamang ang pagmamahal ko para sa pamilya ko. Utang ko sa kanila ang buhay na mayroon ako ngayon. Kung hindi nila ako inalagaan at minahal, I'm sure na wala sana ako ngayon dito.

"Sigurado ka na ba dito, baby?" Tanong ng katabi ko matapos nyang ihinto ang sasakyan.

Tumango ako. "Kaya ko. Kakayanin ko, Ed."

"That's my baby." Puri nya. "Hihintayin kita dito sa labas. Nandito lang ako kung kailang-___..."

"Sasamahan mo ko sa loob." Putol ko sa sasabihin nya.

Napalingon sya sa akin. Bakas sa mukha nya ang gulat. Pero binigyan ko lang sya ng naniniguradong ngiti. At sa huli, hindi na sya nakipag- talo pa. Bumaba sya at umikot papunta sa pwesto ko upang pagbuksan ako ng pinto. Inilahad pa nya ang palad nya sa akin na kinuha ko naman. Magka- hawak ang kamay namin ng maglakad kami papunta sa may gate. Hanggang sa makapasok kami at makadating sa may pinto. Napa- titig naman ako ng bahagya dito. Nag- aalinlangan kung bubuksan ko. Pero ang lalaki sa tabi ko ay sa magka- daop naming kamay naka- tingin. Isniisip nya siguro kung bakit hindi ko pa sya binibitawan. Wala naman akong balak na bitawan sya.

With my deep breath and shaking hands, kumatok ako sa pinto. At wala pang limang segundo ay bumukas na ito. Nakulong ako sa mainit na mga bisig. Sinalubong pala ako ng yakap ni Mama. Pero noong maramdaman nya na hindi ako gumanti dulot ng pagka- bigla ay kaagad din syang kumalas.

"Little Mermaid." Sambit ni papa.

"Na- miss kita, ate." Naiiyak na ani naman ni Ella.

"Mabuti at bumalik ka na, anak." Saad naman ni Mama.

Nandito silang tatlo sa harapan ko. Ang mga taong bumuo at nag- kulay ng buhay ko. Hindi nila ako ka- dugo pero heto sila at inaalala ako. Ako pala itong tanga dahil sa pag- iisip na layuan sila. Napaka- swerte ko sa kanila.

"I'm sorry, Mama, Papa, Ella." Ani ko.

Napa- iling si Mama. "Hindi, anak. Kami ang dapat na humingi ng tawad dahil hindi namin kaagad sinabi ang totoo."

"Pasok muna kayo. Doon tayo sa sala." Sabi naman ni Papa.

\

Pumasok na nga kami at dumiretso sa munti naming living room. Naupo kami ni Edson sa may kanan at sa katapat na silya naman ang pamilya ko. Kanina pa tahimik itong kasama ko na tila nakikiramdam lang. Sigurado din ako na ilang na ilang na sya mula pa noong dumating kami. Kaya naman, hinawakan kong muli ang kamay nya. Napatingin naman sya sa akin.

"Papa, mama, boyfriend ko po, si Ed."

Bakas ang gulat sa mga mata nilang dalawa. Pero itong kapatid ko, abot langit na kung maka- ngiti. Para bang sinasabi nya sa tama ang kutob nya tungkol sa amin. Idag- dag pa natin si Ed na kung hindi ko pa siniko ng kaunti ay hindi pa matatauhan.

"Magandang hapon po." Bati ng kumag. "Ako po si Edson Santiago Bayer. Ikinagagalak ko po kayong makilala."

Mas lalong napuno ng gulat ang mga mukha nila ng marinig nila ang buong pamgalan ng katabi ko. Sa B'Hotel nagtatrabaho si Mama kaya naman, hindi malabo na hindi nya alam na pag- mamay- ari iyon ng pamilya ni Ed. Matalino din si Papa. Fan sya ng mga magagaling na Construction Company kaya naman, sigurado ako na kilala nya din ang mga Bayer.

"I- ikinalulugod ka din naming makilala." Nag- aalangang bitaw ni Mama.

"I- ikaw ba yong sikat at mayaman na Bayer, ijo?" Tanong naman ni Papa.

Napakamot naman sa ulo nya si Ed. "Ako nga po."

Nagtinginan ang mga magulang ko. Pagkatapos ay mabilis na tumayo si Mama papunta sa kusina.

"Nako, ijo. Pasensya na kung maliit lang ang bahay namin." Ani ni papa.

Natatawa ako sa kanila. Kanina lang ay parang hangin lang itong si Ed. Pero ngayon, naging star na sya kaagad ng pamilya.

"Sinunod mo ba mga payo ko sayo, kuya?" Biglang tanong naman ni Ella.

Natawa naman yong katabi ko. "Oo. Salamat."

"Sabi na, ehh. Tama talaga ako." Masayang bitaw pa ng kapatid ko.

"Ijo." Ito na si Mama may dalang juice at tinapay.

Inilapag nya iyon sa lamiseta na nasa gitna. Pagkatapos ay muli syang naupo sa tabi ni papa.

"Pasensya na at iyan lang ang naihanda namin. Hindi kasi namin alam na dadating kayo." Ani ni mama.

"Okay lang po. Salamat." Tugon naman ni Ed.

Masaya ako na makita ko syang masaya. Deserve nya na makilala ng pamilya ko. Sa lahat ng mga sakripisyo nya para sa akin, kahit ito man lamang ay magawa ko para sa sa kanya. Hindi na nga kami pwede sa school, bawal pa din ba dito? Syempre hindi. Kung pwede nga lang na ipag- sigawan ko na sya ang boyfriend ko ay nagawa ko na. Gusto ko na maramdaman nya na hindi ko sya ikinahihiya o itinatago. Gusto ko na malaman nya kung gaano ko sya kamahal. Ohh goddess, i love him so much.

Gabi na ng matapos ang pagkukwentuhan namin. Dito na din pinakain ng hapunan nina Mama si Edson. Dito pa nga nila pinapa- tulog ang kumag dahil nagyayaya pa si papa na mag- inom. Makulit 'yong dalawa kaya ako na ang pumagitna. Sinabi kong may pasok pa si Ed bukas ng maaga. Kung hindi pa ako magkukunyaring galit ay hindi pa nila ito papakawalan.

"Thank you." Ani ni Edson.

Nandito na kami sa labas. Ihinatid ko sya sa may gate.

"Welcome to the family." Sambit ko.

Kinabig nya ako bigla papalapit sa kanya. Ikinulong nya ako sa kanyang matitipunong mga braso.

"I love you." Bulong nya sa akin.

"I love you too."

Mahabaging mga dyosa, I am so lucky to have them.