Chapter Seventeen
Today is the day. Ito na ang araw ng pageant. Maaga pa lang ay nandito na kami sa resort upang makapag- handa. May mga kanya- kanya kaming mga silid na kasama din sa sponsorship. Bawat isa naman sa amin ay pwedeng mag- sama ng isa o dalawang tao. Pero sa punto ko, tanging si Jemimah lang ang kasama ko. Hindi ko na pina- sama pa sina Mama dahil ayaw kong ma- stress sila sa dami ng tao dito mamaya. Isa pa, takot ako sa magiging reaction nila kapag hindi ako nanalo. Kaya naman, okay lang na hindi sila kasama.
Nitong mga nagdaang araw ay hindi ako tinigilan ni Gem. Halos sa tuwing mag- kikita kami ay nangungulit sya para lang pumayag ako na tulungan sya. Pero sadyang matigas ako at hindi ako natinag. Pakiramdam ko kasi, kapag ginawa ko iyon ay tinaraydor ko na ang matalik kong kaibigan. Mayaman naman sya kaya, sya na ang gumawa ng paraan. Aanhin nya ang matataas nyang patasan ng pera kung hindi nya gagamitin 'di, ba?
Hindi ko alam kung bakit pero, kanina pa ako kinakabahan. Kakaiba itong nararamdaman ko. May kung anong hindi ko maipaliwanag. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Basta, hindi ko ito gusto.
"Shan, let's go na." Ani ni Jem na abot langit ang ngiti.
Tinanguan ko lang sya. Hinawakan nya naman ako sa braso sabay hila sa akin palabas ng room namin. Pinayagan kasi kami na mag- gala at mag- saya ngayong mag- hapon. Wala din kaming practice kaya naman, wala akong iintindihin. Free time naman daw naming mga kandidata ito.
Napag- kasunduan namin ng bruha na libutin ang buong resort. Malawak at maganda ang dalampasigan nito. Pino at maputi din ang buhangin na akala mo ay nasa isang paraiso ka na. Mayroon din itong private pools na exclusive lamang sa mga VIP. Hindi naman iyon kasama sa aming sponsorship package. Kaya naman, heto kaming dalawa ni Jem, binabaybay ang kahabaan ng seashore.
"Kinakabahan ka, beshie?." Tanong nito.
Inirapan ko sya. "Ikaw kaya ang rumampa sa harap ng madaming tao."
"Sabi ko nga, oo." Natawa sya. "Tara doon sa bar."
Hindi pa man ako nakaka- sagot ay nahila na nya ako papunta doon. Mayroon kasing bar sa may gilid na napapaligiran ng ilang mga gazebo. Sa kabilang dako naman ay may mga ibat- ibang food stands na nakatayo. At sa bahagi naman na malapit sa may dalampasigan ay may naka- kalat na mga sun loungers. Perpekto talaga ito para sa mga taong gustong mag- saya at mag- liwaliw.
Nang makalapit kami sa may counter ng bar ay kaagad na um- order si Jem ng dalawang low alcoholic drinks. Pagka- tapos ay nag- tungo na kami sa isa sa mga gazebo. Naupo kami dito at masayang tinanaw ang payapang mga alon.
"Shan- shan, there's a big bee!." Bigla namang tili ng bruha.
Napa- arko naman ang kilay ko at kaagad na hinanap ang sinasabi nitong bubuyog. Pero ng maikot ko na ang kabuuan ng gazebo at wala akong nakita, sinamaan ko na sya ng tingin.
"Ano bang sinasabi mo, Jemimah." Anas ko dito.
She waved her hand. "Not the insect, bee. But the papansin at bida- bidang jollibee." Sabay nguso sa may likuran ko.
Nilingon ko naman ang sinasabi nyang jollibee. At ang napaka- ayos kong araw, bigla na lamang gumuho. Here comes the queen wanna be na kaklase namin noon. Sa kasamaang palad, papalapit sya sa amin ngayon.
"Hmm... Ang alam ko ay na banned na ang mga bubuyog na may masamang budhi sa GU and other events na under nito. Kaya naman, bakit may naligaw?." Pag- paparinig ni Jem.
"So, ikaw pala ang pumalit sa trono ko, bitch." Boses ng babaeng hinding- hindi ko malilimutan.
Nilingon ko ito. "Hi, Shellarina. Kamusta?." Sabay fake smile.
Inismidan nya ako. "I am very much fine. And para sabihin ko sa inyo, hindi na ako banned sa GU. In fact, makakapasok na muli ako."
Napa- tayo naman sa gulat si Jem. "What?!. Paano naman nang- yari iyon?."
"It's because of my brother. He helped me to clean my name." Proud na tugon nito.
"At sino naman ang mahal mong kuya, aber?. Ano ba sya, Mayor, Governor, President?." Singhal ulit ng bruha.
"Nope. But, kaya nyang pabagsakin ang University." Naka- ngisi nyang balik.
Mag- sasalita pa sana si Jemimah pero naka- layo na kaagad si Rina. Bigla naman akong kinabahan.
Ito marahil ang dahilan ng kakaiba kong pakiramdam. Baka naman, paraan ito ng mga dyosa upang balaan ako na babalik nang muli ang bubuyog. Minsan talaga, bobslak din sila, ehh, noh?. Kung sana ay nilinaw nila kaagad na may mag- babalik na sawa, edi, sana ay nakapag- handa ako. Gumamit sana sila ng mga tao upang sabihin ang masamang balita. Hindi iyong ganito. Pa- kaba pa.
Napa- dami ang nainom naming dalawa. Dala siguro ito ng pagka- inis sa babaeng hampas- lupa. Kaya naman, itong si Jemimah may kausap ng lalaki sa may counter. Naiiling na lang akong inubos ang laman ng shot glass ko.
"Hindi ba makaka- sira ng rampa mo iyan mamaya?." Ani ng kinaiinisan kong boses.
"Hindi." Tipid kong tugon.
Naupo ang alahas sa katapat kong pwesto. May bahid ng pilyong ngiti ang kanyang mga labi.
"Don't worry, hindi na kita kukulitin. Nahanap ko na sya." He said while grinning.
Napa- kunot ang noo ko. "Who is she?."
"You'll meet her later." Pabitin nyang sagot.
Inirapan ko naman sya na naging dahilan ng pag- tawa nya. Hindi ko na sya pinansin. Tumayo na ako at iniwan sya doon. Nilapitan ko ang bruha sa counter at sapilitan syang hinila. Naka- yakap na kasi ito sa leeg ng lalaking hindi naman nya kilala. Kaya naman, bago pa lumala at kung saan pa mapunta iyon ay pinigilan ko na.
Nag- punta kami sa room namin na may numerong 31. Pahirapan pa kaming dalawa na mag- lakad dahil pasuray- suray na ang hakbang ng bruha. Halos kaladkadin ko na sya papasok ng silid dahil lango na nga ito sa alak. Pina- inom siguro ito ng lalaking kayakap nya kanina. Mahina pa naman ang tolerance ng babaitang ito sa alcohol. Tsk. Tsk. Tsk.
Pabagsak kong ihiniga si Jemimah sa kama. Diretso tulog naman agad ang babaita. So, sa kasamaang palad, ako na ang nag- tanggal ng suot nitong sandals. Kinumutan ko pa at inayos ang higa. Grabe naman kasi, lasing na kaagad, ehh, ke- aga- aga pa.
Pasalamat sya at mabait akong kaibigan. Gusto ko na nga sana syang itulak sa dagat kanina kaya nga lang, naisip ko na sayang naman ang mamanahin nya. Nakikinabang din naman ako doon. So, nagpaka- bait na lang ako. Pero, syempre, joke lang iyan. Mahal ko naman ang bruhang iyan kahit na ubod ng kaingayan ang bibig. Sya lang kaya ang nag- iisang best friend ko. I'm stock with her forever.
Busy ako sa panonood ng T. V ng may biglang kumatok. Ayaw ko pa sanang tumayo dahil malapit nang mag- kiss ang mga bida kaya nga lang, makulit talaga. So, no choice ako kun' di ang tumayo at buksan ang pinto. Ready na akong singhalan ang sinomang kulugong nang- aabala sa panonood ko. Pero isang poging lalaki ang bumungad sa akin. Bigla na lang akong natahimik na para bang umurong paloob ang dila ko.
"Ariella." He said in a low husky voice.
Then, bigla na lang nya akong kinabig papalapit sa kanya at ikinulong sa kanyang matitipunong mga bisig.
"I miss you so much." Bulong nya.
I miss you too.
If I have enough courage para sabihin ang mga katagang iyan, baka naunahan ko pa sya. Kaya nga lang, hindi ko magawa. Natatakot ako na baka iwanan na lang nya ako bigla. Isang araw, magising na lang ako na kasal na sila ng sikat na modelong iyon. Kaya naman, okay na ako sa ganito.
"E- edson, baka may makakita sa atin." Ani ko.
Nasa hallway po kaya kami. Malalang iskandalo ito kapag nag- kataon. Dahil halos lahat ng mga estudyante ng University ay nandito.
Natatawa naman syang kumalas sa pagkaka- yakap. "Sorry. I just miss you very much."
Nag- iwas naman ako ng tingin. "Bakit ka naparito?."
"I just want to say 'Good luck'." Tugon nya. "Manalo o matalo, ikaw pa din ang pinaka- magandang babae para sa'kin."
Speechless ako.
"Enjoy ka lang. I'm always here to support you."
Hinagkan nya ako sa noo na ikina- bigla ko. Pagkatapos ay nag- paalam na sya at tuluyan ng umalis. Naiwan naman ako dito na nakatayo at nakatulala. Bakit kasi ganito ang epekto nya sa akin?. Dinaig ko pa ang nag- marathon sa sobrang bigat ng pag- pintig ng puso ko. Jusmiyo. Mga mahal kong dyosa, h'wag nyo naman ako pakiligin ng ganito.
Dahil sa tulog pa ang bruha kong kaibigan, napili ko na lang na lumabas mag- isa. Binaybay ko ang dalampasigan ng naka- apak. Hinayaan ko na lang na mabasa ng mga munting alon ang aking mga paa. Kakaiba namang saya ang hatid nito sa buong sistema ko. Matagal ko na kasing pangarap ito. Gusto ko ang amoy ng dagat tuwing umaga at ang musikang dulot nito. Isa sa mga listahan ko ang magkaroon ng bahay sa lugar na malapit sa karagatan. And I want to see the sunset too.
Napangiti ako ng may matanaw na pamilyar na tao. Nakatayo lang ito sa di kalayuan at malayo ang tingin. Alam kong hindi sya ordinaryong tao. Nasaksihan ko na ang isa sa mga mapanganib nyang tricks upang takutin ako. Pero alam ko na may kabutihan din sya sa puso nya. Kaya naman, napag- pasyahan ko syang lapitan.
"You like it too?." Anas ko.
"Yes. I always dreamed about me and my baby sister watching the sunset and the sea together." Tugon nya ng hindi tumitingin sa akin.
Ohh, yes. About her sister. Naiintindihan ko na nagawa nya lang iyon sa akin dahil sa kagustuhan nyang mahanap ang kapatid nya. Dahil doon, I'm sure na magiging napaka- buti nyang kuya. Ang swerte naman ng nakababata nyang kapatid. Hindi ko tuloy maiwasan na mainggit. Matagal ko ng gusto at hiniling na magkaroon ng kapatid na lalaki.
"But you already found her, right?." I said.
He nodded. "The investigation says that she's my sister. Pero malayo sya sa inaasahan ko.”
"Dahil hindi naman kayo lumaki sa iisang bubong. Iba ang paraan ng pag- papalaki sa kanya." Paliwanag ko.
"I hope so." Tipid naman nyang ani.
"So, who is she?." Tanong ko.
I am thinking about the girl na napasok din sa University. Hindi ko man sya gaanong kilala pero, base sa mga kilos nya, mabait na bata naman ito. Pinag- mamasdan ko lang kasi sya sa malayo. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maka- usap sya dahil tumanggi nga ako sa alon ng lalaking ito.
"She is your mo-_____.....".
"Why are you here... with my brother.." Biglang singit ng boses na mula sa may likudan namin.
Holy mother of crab. Sa dinami- dami ng tao sa mundo, bakit sya pa?. Kaya naman, kahit alam ko na kung sino ito ay lakas loob ko pa din itong nilingon.
"Bakit ka nandito, bitch?." Mataray nyang tanong.
"Lexshawna, she's my sister." Ani naman ni Gem. "Your mortal enemy."
Napa- nganga naman ako.
Seriously?. Wala akong makitang pagkaka- hawig nila sa isat- isa. Kahit saang anggulo ko tingnan ay wala talagang nagtu- tugma.
Napa- ngiti naman ng malawak si Rina. "Shocked?."
"Sigurado ka ba na itong bubuyog na ito ang kapatid mo?." Tanong ko sa lalaking katabi ko.
Tumango naman sya. "Yes. Positive."
Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mahabaging dyosa, malayong- malayo naman kasi talaga. Bakit ba ganito mag- laro ang tadhana sa akin?.
"Impossible yan, Gem. Hindi kayo magka- mukha." Pag- kontra ko.
"Sinasabi mo bang pangit ako, huh?!." Asik ng queen bee.
Napatango ako. "Parang ganoon na nga."
"How dare you?!." Singhal nya sa akin. Then she turned to Gem. "Kuya, ohh. Sabi ko naman sa iyo, ehh. Impakta talaga ang babaeng iyan!."
"Pero nag- sasabi lang ako ng tot-... ___".
" Enough, Lexshawna." Putol ng alahas. "Iniinsulto mo ang kapatid ko sa harapan ko. Umalis ka na. Leave us alone."
"H'wag na h'wag ka ng lalapit sa kuya ko, ahh." Dagdag pa ng bubuyog.
Ano?!. Ako pa ang masama?. Matapos nya akong kidnap- pin at takutin, gaganituhin nya ako?. Wow. Just wow. Inismidan ko lang silang dalawang saka padabog na tumalikod at umalis. Bahala silang dalawa doon. Walang utang na loob. Mag- sama silang dalawa. Pareho silang may masamang budhi. Psh.
Busangot akong bumalik sa room ko. Pag- pasok ko sa loob, gising na si Jem. Nakaupo ito sa kama habang hinihilot ang sintido. Hindi ko naman sya pinansin at patalon akong naupo sa sofa.
"Hoy!. Anong itsura yan?." Puna nya.
"The higad slash bubuyog is Mr. Douglas Peña's long lost little sister." Ani ko.
Namilog ang mga mata ng bruha. Hindi pa ito nakuntento at ngumanga pa. Pagka- tapos ay dali- dali syang tumayo at nagtatakbo papunta sa akin. Gulat din syang naupo sa tabi ko.\
"Ano nga ulit iyon?. May hang- over yata ako. Mali- mali na ang nadidinig ko." Sabi nya.
"Sabi ko, The caterpillar a. k. a queen wanna bee is the long lost little sister of Mr. Douglas Peña." Mabagal at madidiin kong litanya.
"Ohhhhhh...... emmmmmm..... gieeeeee!." Sigaw nya.
OA talaga ang babaitang ito kahit kailan. Late reaction din. Maghi- hintay pa ng ilang minuto bago pa nya ma- gets ang isang joke. Lakas maka- bad trip.
"Paano mo nalaman?." Tanong nya.
I shrugged. "Sinabi nya."
Napatango- tango sya. "Kaya pala nakabalik ang haliparot sa school. Iyon din ang ibig- sabihin nya noong sinabi nya na kayang pabag- sakin ng Kuya nya ang G. U."
I nodded. Knowing that caterpillar, I know na ite- take advantage nya ang kayamanan at koneksyon ng kapatid nya. Grabe. Believe din ako sa babaitang iyan. Bakit ba pursigidong- porsigido sya na makuha ang puso ni Edson?. She's willing to do everything para lang mapasa- kanya si Sir. Hindi ba sya napapagod?. All of her efforts ay mababaliwala din in the end. Hindi ko naman sinasabi na it's because of me. Pero parang ganoon na din iyon. Kaya nga nya ako pilit na binubura sa landas nya 'di, ba?. Dahil alam nya na ako ang kinaa- adikan ng mahal nyang guro. Nasa akin ang atensyon na hinihiling nyang mapa- punta sa kanya. Well, sorry na lang. Kakampi ko kaya ang mga dyosa. Sa sama kasi ng ugali nya, iniwanan na sya ng mabubuting mga goddesses.
"So, anong plano mo?." Tanong ni Jem.
I shrugged. "Ewan ko. Bahala na."
She smiled at me. "That's right. Sa ngayon, let's focus muna sa pageant na dapat mong ipanalo."
Tumayo sya pero pati ako kasama. Hinila nya ako papunta sa labas.
"Teka, saan tayo pupunta?." Tanong ko.
"Kakain tayo ng lunch. Then, after that, mag- hahanda na tayo for the event." Tugon nya.
Magpo- protesta pa sana ako pero hindi ko na lang ginawa. Useless din naman dahil ang bruha pa din naman ang masusunod.
Sa isang restaurant kami nag- punta ni Jem. Sya din ang nag- prisinta na um- order ng mga pagkain. Need ko daw kasi kumain ng masusustansya at hindi nakakatabang food. Kaya naman, sa huli, nauwi sa puro gulay at pasta ang kinain naming dalawa.
Nabusog naman ako dahil lubha talagang masarap ang mga ito. So, wala na din akong regrets at reklamo. Nang makatapos kaming kumain ay bumalik na kami sa room ko. Pinag- pahinga nya ako ng ilang minuto at pagkatapos ay nag- mando na sya na mag- practice ako. Naupo sya sa sofa at matiim na naka- titig sa bawat kilos ko. Para syang professional instructor kung maka- asta. Madami din syang inuutos na dapat ganito at hindi ganyan. Wala naman akong magawa kun' di ang sumunod at makinig. Makaka- tulong din naman kasi ito sa akin dahil sa may mga karanasan na din sya sa mga ganito.
Pasado alas- cuatro na ng hapon ng tigilan nya ako. Sinabihan nya ako na mag- pahinga. Samantalang, lumabas naman sya upang bumili ng pagkain. Habang naka- upo ay hinihilot ko ang aking mga paa. Medyo sumakit kasi ito dahil sa paulit- ulit na pagpa- practice kanina. Pero, I'm not mad or anything, in fact, I'm happy. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa bruha kong kaibigan. Hindi nya ako tinigilan at hindi din sya napagod na punahin ang mga mali ko. Hindi pa nga ito nakuntento at may demonstration pang kasama. Kaya naman, nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para manalo. Hindi para sa sarili ko kun' di ay para sa mga taong sumusuporta sa akin. This is for my family and best friend.
Naka- ligo na ako ng maka- balik si Jem. Sabay naman kaming kumain ng mga take- out foods na binili nya. Pagkatapos ay pina- upo nya ako sa harapan ng salamin. Kinuha nya ang mga gamit nya at sinimulang tuyuin ang buhok ko gamit ang blower. Hindi ako kumuha ng taong mag- aayos sa akin dahil hindi ko naman iyon afford. So, nag- prisinta na lang sya na sya na ang sasagot sa hair and make- up ko. Akala ko noong una ay mag- babayad pa sya ng tao. Hindi ko naman ini- expect na sya mismo ang mag- aayos sa akin. Hindi pa nga sya aamin kun' di ko pa tinanong kung bakit ang dami nyang dalang bagahe kaninang umaga. Ngumiti lang sya at saka sinabing mga gamit nya daw iyon for my beautification.
Jemimah has a good hands when it comes to make- up and beauty products. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko ng matapos ang mahiwaga nyang kamay. Kahit pa naka- suot lang ako ng maong short and white t-shirt for our production number ay talagang litaw na litaw na ang beauty ko. Simple lang naman sya dahil naka pusod lang ng mataas ang mahaba kong buhok na mala- Ariana Grande. Tapos nilagyan nya lang ako ng kung anong cream sa mukha, liquid eyeliner, kaunting make- up at pinkish- red na lipstick. But I can't stop myself na titigan ang sarili sa salamin.
"You are so beautiful, Shan- Shan." Naka- ngiting ani nya.
This gonna be a good but exciting night. Good luck to me.