Chapter Sixteen

Grabe. Ang sakit sa ulo ng buset na gamot na iyon. Nakakahilo. Humanda talaga sa akin ang mga kulugong iyon. Sila na nga ang naka- perwisyo, sila pa ang may ganang mang- kidnap. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Kung sino pa ang may kasalanan, sila pa ang galit. Parang ganito; kung sino pa ang may utang sa iyo, hindi na nga nagbabayad, kapag siningil mo, sya pa ang galit. Makakapal ang mukha 'di, ba?. Tsk. Tsk. Tsk.

Hilot- hilot ang sintido ko, bumangon ako mula sa aking pagkaka- higa. Wait lang. Nasaan ako?. Ang natatandaan ko bago ako mawalan ng malay ay nasa loob kami ng puting van. Sapilitan kaming isinakay ng tatlong kulugo na nag- over take sa kotse namin. Pero, bakit ako nandito sa loob ng maganda at magarang silid?!. May kidnapper ba na ganito kayaman?. The hell.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwal nito ang naka- ngiting si Mr. Douglas Peña or should I say, Gem. Taka ko naman syang tiningnan habang nag- lalakad sya palapit sa akin. May dala syang tray na may laman na juice at biscuits. Inilapag nya ito sa side table na katabi ng kama na hinihigaan ko. Pagka- tapos ay naupo sya sa may edge ng double size bed.

"I know, you have a lot of questions to ask." Sabi nya.

Tumango ako. "Yes. Can I?."

Ngumiti sya at tumango. "Sure."

"Where am I?. What happened?. Paano tayo naka- dating dito?." Sunud- sunod kong tanong.

He sighed. "You are in my house. That three assholes is so stupid for not confiscated our phone. So, while we're on the road, I secretly contacted the police and boom!. Here we are, safe and alive." Sagot nya.

Tumango- tango ako. "Okay."

Napaka- bobo nga naman ng tatlong bugok na iyon para makalimutan na may cellphone kami. May kidnapper bang hindi ready?. Nako. Nako. Nako. Hindi sila papasa bilang isang mahusay na kriminal. Kailangan muna yata nilang mag- train at mag- ensayo. Teka, may school ba ang mga kriminal?

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?." Tanong ni Gem.

Tumango ako. "Hmm. Medyo nahihilo lang ng kaunti."

"That's because of the handkerchief na ipinang- takip sa mukha mo." Sabi nya.

Hindi ko na sya sinagot pa. Kinuha ko ang dala nyang juice at tahimik na sinimsim ito. This room is so beautiful. Halatang- halata na mayaman at madaming pera ang may- ari. Mula sa wall na well coated of cream color up to the carpeted floor. Mapapa- sana all ka na lang talaga.

Matapos kong inumin ang refreshing na juice ay bumaba na ako at tumayo sa kama. Inayos ko ang sarili ko dahil need ko ng bumalik sa school. May klase pa ako at may rehearsal pa.

"Tara na. May klase pa ako." Ani ko.

Napatawa sya. "But you're asleep in almost one hour." Anas nya.

Napanganga ako. "Seriously?."

He nodded. "Yes." Tumingin sya sa suot na wrist watch. "It says, 12:53 AM."

What the hell?. Nahilot ko ang sarili kong sentido dahil sa sobrang pagka- buset. Tumagal ng ganoon ang epekto ng gamot na iyon?. Hayst. Nakakainis naman. Edi, need ko pang magpaliwanag sa mga teacher ko?. And I'm sure na alam na ni Mrs. Balyena na hindi ako nag- practice. Nako. Nako. Nako. Mapapagalitan ako.

"Don't worry. I'll cover you." Sabi pa nya.

Napa- tango ako. "Pwede na ba tayong bumalik?."

"Sure." Tugon nya.

Iginaya nya ako palabas ng silid. At habang nag- lalakad kami, hindi ko maiwasan na humanga sa ganda ng kanyang bahay. No. Scratch that bahay. This is a damn mansion.

"Bahay mo to?." Hindi makapaniwalang anas ko.

Tumango sya at kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong naka- ngiti sya. "Yes. I have three, actually."

He owned three fucking mansions?!. What the hell?. Sana all. Jusko. Mga mahabaging dyosa, saan po ba ako makakapulot ng pera at kayamanan to have a life like this?. Mayroon po bang lost treasure o treasure hunting?. If mayroon, sana ma- inform naman ako. Nag- mu- mukha na talaga akong kaawa- awa dito. Para lang akong daga sa lungga ng mayamang pusa. Hayst. Ang buhay nga naman, parang life. Kanina pa kaming nag- lalakad pero, hanggang ngayon, hindi pa din kami nakakalabas ng malaking bahay na ito. Grabe, kung maiwan akong mag- isa dito, I'm sure na maliligaw ako. I'm not good at directions pa naman. Yes, I know where's the west, east, south, and north. Marunong din naman akong mag- basa. Pero kasi, mabilis ko talagang makalimutan ang mga lugar. Basta, hindi ko matandaan.

Pag- labas namin ng mansion ay tumambad naman sa akin ang pila ng mga mamahaling mga sasakyan. The expensive cars

was on color black, yellow and red. Pero mas madami ang kulay itim. Bilang lang sa daliri ang pula at nasa tatlo lang kulay dilaw. Nag- mistulang car exhibits ito sa ganda. At sa aking palagay ay kasing laki na ng tatlong covered court itong parking lot.

"Seriously?." Sambit ko.

"What?." Anas nya.

"You owned this cars too?." I asked.

He nodded and smiled. "Yes. I have at least 30 cars in every one of my mansion."

Napaawang ang mga labi ko. Hindi ako nahihiya na ipakita sa kanya kung gaano ako kagulat. Hindi din naman sya nag- komento at bahagyang natawa lang. Pagkatapos ay lumapit sya sa isang kulay red na Ferrari. Pwede ka na ngang manalamin sa kintab nito. Iba talaga kapag mayaman, pili- pili na lang ng anomang magustuhan. Sana all na lang ako 'di, ba?.

As expected to a wealthy man like him, iginiya nya ako sa kotse. Pinag- buksan nya ako ng pinto at inalalayan na maka- upo. Pagkatapos ay tsaka sya umikot papunta sa driver's seat. Nang pareho na kaming nasa loob ay in- start na nya ang makina at nag- maneho na palabas ng magara at malaki nyang mansion. Tahimik lang ako sa buong biyahe at pina- pakiramdaman ang paligid. Mula kasi ng magising ako sa loob ng silid na iyon ay iba na ang pakiramdam ko. Come to think of it; ang sabi nya ay nakalimutan ng tatlong kulugo na kuhanin ang mga Cp namin. So, nakatawag at bakahingi sya ng tulong gamut iyon. Pero wala namang pulis o media sa bahay nya. Dapat may isa o dalawa na pulis sa mansion to secure his safety. Plus, bakit hindi nya ako dinala sa hospital?. That's the initial reaction ng mga pulis at tao kapag galing sa peligro o trouble.

What the hell?.

Tinapunan ko sya ng tingin. Naka- focus sya sa daan at may bahagyang ngiti sya sa kanyang mga labi. Then the realization hit me so hard.

"Finally." He said happily. "So, you finally figure it out."

The hell. "What are you talking about?."

"Don't deny it, sweetie. I know that look so much." Anas nya.

Masyado bang halata ang mga expression ko?. Pero, bakit?. Ano naman ang kailangan nya sa akin?. I'm just a simple student of Goldwin. Scholar nga lang ako, ehh. Kaya naman wala syang mapapala sa akin. Wala akong pera at hindi din maimpluwensya ang pamilya ko. Teka, posible kayang...…

Napatakip ako ng aking mga kamay sa bibig ko. Don't tell me, kasabwat sya ng balyena at bubuyog?. Kung hindi naman, baka kasali sya sa isang organization na nangingidnap tapos ibebenta ang mga organs. Lastly, he's a handsome rapist!.

Napatawa sya. "Kung ano man iyang iniisip mo, itigil mo na."

"Ano bang iniisip ko?." Balik ko.

He shrugged. "I don't know. Maybe you're thinking that I'm into illegal human trafficking and a rapist."

That's exactly what I'm thinking. "Marunong ka bang mag- basa ng isip?."

He chuckled. "No. But you're like an opened book. Madali ka lang mabasa."

Okay. Pero sa lahat ng kinidnap, ako lang yata ang kalmado. Ewan ko ba pero, wala akong nararamdamang takot o kaba. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit parang magaan ang loob ko sa kanya. Simula noong una naming pagkikita ay may kung ano ng bagay ang mayroon sa pagitan namin. Para bang nakita ko na sya noon o di kaya naman ay parang magka- kilala na kami pero hindi. Hayst. Ito pa, ahh. Sa lahat ng kidnappers, sya lang ang mabait. Bumalik nga kami ng G. U kagaya ng nais ko.

"I know that you know that I'm not an ordinary guy. I'm not a kidnapper and the happenings a while ago is not part of my plan. But, I need you." Mahabang litanya nya.

Napakunot naman ang noo ko. "You need me for what?."

"I have a little sister. I lost her kasabay ng pag- kawala ng mom ko. I need you to find her." Tugon nya.

Hinarap ko sya. "How?. Ikaw kaya ang mayaman dito. So, mag- hire ka ng mga private investigator or something. I can't help you."

He looked at me straight to my eyes. "She is here."

Napakurap- kurap naman ako. "Here, as in dito sa Goldwin?." Tanong ko.

He nodded. "My investigators said that she's here. Kaya nga lang, nahihirapan silang malaman kung sino sa kanila."

"Kanila. So, mayroon na kayong lead." Ani ko. "Sino?."

"Geraldine Jobe, Shellarina De Torres and your best friend, Jemimah Florentino."

Natigilan ako. Sigurado ba sya?. Sa dinami- dami ng tao at estudyante sa university, bakit sa akin pa sya lumapit?. Matagal ko ng kilala si Jem. Only child sya at hindi ko alam na ampon sya. No. Hindi din nya ito alam. Second, sa dami ng pwedeng maging kapatid, si Shellarina pa?. Damn!.

"Since Shellarina is not here, I need you to know Geraldine and Jemimah for me." Dagdag pa nya.

Napa- iling ako. "H-hindi ko magagawa yan."

Kung ginawa nya ang eksena kanina sa kotse at van upang masindak ako, pwes, hindi ako natatakot. Sorry na lang sa effort nya. So, bago pa makapag- litanya si Gem ay bumaba na ako ng sasakyan. Bahala na kung may babaril o haharang sa akin. Basta maka- alis lang ako at maka- layo sa kanya. Oo nga at hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Pero hindi din dahilan iyon upang hindi ako mag- ingat. Dahil the more comfortable you are, the more pain you can get.

Malalaki ang hakbang kong tinahak ang pasilyo papunta sa room namin. Hindi na din ako lumilingon sa mga nadadaanan ko. I don't care about them. Kailan ko ba binigyan pansin yong mga komento ng ibang tao?. Tss. Fuck them. Pagka- pasok ko sa classroom ay kaagad akong naupo sa aking pwesto. Kakaunti pa ang mga tao dito dahil lunch break. Sigurado akong nasa cafeteria sila or nasa canteen. Busog pa naman ako dahil dumaan kami ni Gem sa drive- tru kanina.

"SHAN- SHAN!."

Ohh, no. Paano ba ito?.

"Kamusta ang pagiging tour guide?." Tanong nya.

Naupo sya sa tabi ko at umastang bata na mabait na nag- aabang ng kwento. I looked at her at nginitian sya ng matamis.

"Maayos naman." I said.

Sumimangot sya. "Bakit ba sa'yo palagi lumalapit ang mga pogi nating guro at bisita?. Pahingi naman ng shampoo mo, friend."

Sinamaan ko sya ng tingin at kinutusan. Nag- peace sign naman sya kaagad at sabay kaming napatawa. Gahd, I love her so much. I swear, gagawin ko ang lahat para sa best friend ko na ito. Kahit na luka, chismosa at maingay ang babaitang ito, love ko yan, nuh. Sya lang ang tunay at nag- iisa kong kaibigan.

"Seryoso. Saan kayo nag- punta?." Tanong nya. "Alam mo bang hinahanap ka sa akin ni Sir. Bayer?."

Nag- iwas naman ako ng tingin. "Sinamahan ko lang sya sa kung saan- saan."

Naiilang tuloy ako. Hindi kasi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Gem. Jemimah has a good life being the only daughter ng mga Florentino. Buhay prinsesa sya dahil lahat ng gusto at naisin nya ay ibinibigay ng mga magulang nya. Wala din syang nababanggit sa akin na naging problema about sa family nya. So, malabo talaga na ampon sya.

"Malabong- malabo." Sambit ko.

"Alin ang malabong- malabo?." Takang- tanong ni Jem.

Napakurap- kurap naman ako. "Ahh- ehh... Malabong- malabo na.. na hanapin nya ako."

Napangiti naman sya na parang nakakaloko. "Nako, ang bestie ko nag- iinarte pa. Sinabi ko na nga na hinahanap ka 'di, ba?."

Naiiling na lang akong inilabas ang notebook at libro ko. Mga ilang sandali pa ay dumating na din ang guro namin na si Mr. Honazan. At kagaya ng mga nag- daang mga subject kapag may gwapong guro, ang mga kaklase ko, lalo na ang mga babae, parang mga anghel sa bait. Iba talaga kapag lalaking pogi ang teacher, madaming nakikinig. Psh.

Mabilis natapos ang apat na subject namin. Kapag kasi nag- e- enjoy at gusto mo ang mga topic, hindi mo na namamalayan ang oras. Minsan nga ay mabibitin ka pa at ikaw pa ang hihiling na mag- over time. Pero ngayon, it's a no, no. May practice pa ako. And sa kasamaang palad, nag- pumilit pa si Jem na sumama sa akin at manood. Wala naman akong magawa dahil kapag nag- desisyon na ang babaitang ito ay wala ng makakapag- pabago pa ng isip nya. So, here are we, naka- upo sa ibabang baitang ng mga bleachers.

"Bestie..." Tawag ni Jem na may pag- kalabit pa.

"Bakit?." Tanong ko.

"Akala ko, noong nawala na ang queen be ay mawawalan ka na ng karibal at kaagaw kay Sir. Edson. Pero, girl, may umeeksena na naman. And this time, lugi na tayo, besh." Mahabang saad nya.

Napa- irap naman ako. "She is the famous model, Rodelia Marise Roque."

"Yes. I seen her on a news and magazine article before. Kaya naman, face the truth na, besh. Wala ka ng laban dyan." Sabay tawa.

Hindi ba dapat ay ibu- boost nya ang confidence ko?. Dapat sya ang unang susuporta at magpapalakas ng loob ko. Hay nako. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang bruhang kagaya nya?. Tsk. Tsk. Tsk. Edi, wala. Psh.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Mrs. Himala kasama ang iba pang mga guro. Pinarampa nya kami ng dalawang ikot at pagkatapos ay pinag- pahinga na. Then, tinipon nya kaming mga kalahok sa pageant dahil may ia- announce daw sya na importanteng bagay. Naupo naman kami ng tahimik at matiim na nakinig sa kanya. Sinabi nya na wala na daw kaming practice bukas. Gamitin daw namin iyon upang mag- handa at mamili ng mga gagamitin namin. As if naman may pambili ako 'di, ba?. Psh. Pagkatapos ng litanya ng balyena, naka- uwi na din kami. Hinatid ako ni Jem sa bahay na hindi ko naman tinanggihan. Hi- hindi pa ba ako, ehh, sya na ang nag- prisinta. Ayaw ko din namang mag- lakad mag- isa, nuh.

"Ate!." Bungad sa akin ng kapatid ko.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Ohh, anong problema mo?."

"Excited na akong pumunta sa resort sa Saturday kasama ka." Tugon nya.

Hindi ko na sya pinansin at nilampasan na lang. Pag- pasok ko sa loob, nakita ko naman si Mama na busy sa pag- gagayat ng mga gulay. Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisnge.

"Hmm... 'Yong gown na susuotin mo, dumating na kanina." Sabi nya.

Napakunot ang noo ko. "Gown?." Taka kong tanong.

Tumango si Mama. "Oo, anak. May nag- deliver dito kanina. Ang sabi ay kasama daw iyon sa sponsorship."

Sponsorship?. The hell. Isa lang ang ibig sabihin nito. Tss. Dali- dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Pag- bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang malaking puting kahon na nasa kama. Nilapitan ko ito at binuksan. To my surprise, it is the black and gold long gown na gusto ko. Literal na napanganga ako sa gulat. Bakit hindi?. Ang damit na ito lang naman ay nagkaka- halaga ng 25, 000 pesos. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Ano ba tingin nya sa akin?. Sinusuhulan nya ba ako para gawin ko 'yong pinag- uutos nya?. Tss. Damn that alahas. Ohh, 'di, ba tama?. Saan ba ginagamit ang gem?. Edi, sa mga jewelries.

Habang tinititigan ko ang magandang long gown ay may nahagip ang aking mga mata. Sa may gilid nito ay may kulay puting papel. So, kinuha ko ito at tiningnan. There was a note kaya naman, binasa ko ito.

To: Lex

Take this as my peace offering. I'm sorry if I scared you. Honestly, that kidnapped scene is not my plan.

PS.

Please consider my request.

From: Gem

Just like what I've thought. Ang alahas na iyon nga ang may pakana nito. Kung iniisip nya na makukuha nya ako sa paganito- ganito nya, pwes, manigas sya. Bukas na bukas din ay haharapin ko sya upang bawiin nya ang gown na ito. Baka mamaya, singilan nya ako dito. Mahirap na. Tuso pa naman ang matsing.

I was on my bed, relaxing, ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa side table ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko kung kaninong pangalan naka- register ang numero ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Isang tao lang ang makakagawa nito sa akin. I press the screen and slide it to the right to answer the call.

"Ariella." Ani nito mula sa kabilang linya.

Damn. My name is more beautiful when it came from him.

"I'm outside your house. Come down and see me." Dagdag pa nito.

Dahil sa sinabi nya, mas nag- karibok tuloy ang puso ko. Mabilis pa sa alas sinco, tumalon ako sa kama at patakbong bumaba. Medyo malalim na ang gabi kaya naman, I'm sure na tulog na sina Papa at Ella. Dahil dito, malaya akong naka- labas ng bahay at kagaya nga ng sabi nya, nandito sya sa harap ng bahay namin. Nacp - tayo sya at naka- sandal sa kotse nya habang nasa tenga ang hawak nyang cp.

Did you seen this in a movie?. Iyong nakalimutan ng dalawang bida na magka- usap sila sa phone. Tapos unti- unti silang mag- lalapit. Pagkatapos ay hihinto sila a few inches away from each other then sabay na mag- sasabi ng "Hi.". And because they missed each other, bigla na lang nilang natagpuan ang isat- isa na magka- yakap while kissing. At dahan- dahan na nilang ibababa ang cp without breaking their kissed.

That is exactly what happened to me and Edson......…

..... right now.