Chapter 51 Final Battle 1

Shadow pov

Narito ako, nag-aabang ng balita kung nahanap na ba si Konaide. Ilang days na rin kasi siyang nawawala. Kaya sobra na akong nag-aalala. Nagpatulong na rin ako sa mga kakilala ko na hanapin si Konaide. Pero hanggang ngayon wala pa rin daw nila mahanap.

"Clarnce, anong balita? Nahanap mo na ba?" tanong ko rito. Kanina pa ako tanong nang tanong. Hindi na kasi ako mapakali, baka kasi kung ano ng nangyari kay Konaide.

"Gotcha! Yes, ihanda muna ang mga chocolate ko! Na-hack ko na! Alam ko na kung nasaan si Konaide! " sigaw nito. Mabuti naman, maasahan talaga si Clarnce.

"Oo na, ako na bahala do'n. Kapag nailigtas na si Konaide, saka ko ibibigay ang mga chocolate mo!"

"Yes, basta marami 'yan ha!" napailing na lang ako, ang hilig talaga niya sa chocolate. Baka pagtanda nila magka-diabetes siya.

"Yeah, sabihin mo sa akin. Naasan si Konaide? Ibigay nuna agad, para mailigtas na na'tin siya." Ani ko.

"Nasa Cumika, La Elarde St 201. Do'n sa nag-iisang lumang building!" aniya, tumango ako at nagpasalamat.

"Teka lang Bro, ipaalam muna na'tin sa kaibagan ni Konaide! Masiyado ka namang excited eh!" ani Lay habang natatawa. Sa gusto ko nang mailigtas si Konaide eh. Tch, nag-aalala na kasi ako ng sobra.

"Tch, kayo na ang bahalang magpaalam sa kanila! Maghanada na rin kayo dahil susugod na tayo!" ani ko sa kanila.

"Aye, aye!" sagot nila, ako naman inihanda ko ang mga gagamitin ko. Alam kong hindi simpleng laban lang sa kalye o sa underground ang pupuntahan namin. Maaari rin namin itong ikapahamak, sana lang pagkatapos ng araw na ito. Walang mapahamak sa amin.

_________

*Keys Pov*

Nandito kami sa taas ng puno, inaasinta ang mga men in Black sa baba. Natanggap, kasi namin ang text ni Clarnce Monticello na narito si Konaide. Kaya naman agad kaming pumunta rito, sa wakas nahanap na namin si Konaide. Ilang araw na kaming nag-alala sa kaniya. Sana nga, maayos pa ang lagay niya ngayon.

"Bakit ba nandito pa tayo, bumaba na kaya tayo?" ani ko.

"Tanga, alam mong ang dami nila kailangan na'ting hintayin ang back up na'tin. Baka mamatay tayo ng maaga sa isang mali na'ting galaw! Pinag-iisipan ko pa!" aniya. Kaya naman mga ilang minuto pa kaming nakatambay rito. Pero marami na rin naman kaming napatay. Mga tanga lang sila, hindi pa rin nila napapansin.

"Pst, tara na! Paramihan tayo ng mapapatay! Ang matalo, magbabayad ng 100k! Ano deal?" tanong nito. Kaya naman napangisi ako.

"Sige! Deal!" confident na sagot ko, this time sisiguraduhin kung hindi ako matatalo.

"Game!" sigaw nito at nagsimula ng pumatay ng mga mibs.

"Sisiguraduhin kong ako naman ang mananalo!" may kompyansyang sabi ko.

"Ang yabang mo, kaylan ka ba nanalo sa akin!" aniya at tinawanan ako. Sabagay, ilang beses na kaming nagpustahan palagi talaga akong talo.

"This time, mananalo na ako!" sigaw ko pa, habang pumapatay pa rin.

Nakita ko rin na dumating na sila Mr. Winstone. Ako naman tuloy tuloy lang na bumabaril ng mga mibs. Gusto kong manalo, sayang ang prize. Hanggang sa naubos na namin ang mga mibs sa labas. Kaya naman bumaba na ako sa punong pinagtataguan ko at pumasok sa loob. Sa ngayon si Dave pa rin ang nakakalamang, nakakainis. Bakit kasi ang bilis ng kamay niya bumaril. Pero kung si Kairhara kalaban nito, baka hindi pa siya nakakabaril ng lima may benta ng napatay si Konaide. Ako lang naman kaya niyang talunin e.

"Paano ba 'yan! Nakakalamang ako!" sigaw nito.

"Tse!" ani ko, at nagtuloy-tuloy tuloy sa pagbaril ng kalaban. Tumawa lang ito sa akin, nakakainis siya.

____________

Shadow pov

Pagpasok namin may mga sumalubong na sa aming mga mibs at tinutukan kami ng baril. Hinayaan na namin silang dalhin kami sa kanilang boss. Mabuti nga at nang mapatay ko na ang taong kumuha sa babaeng mahal ko. Nang madala na kami, agad akong napangisi sa boss nila tch.

"Ang kapal din naman ng muka n'yong pumasok sa territory ko!" sigaw nito.

"Nasan si Konaide?" malamig na tanong ko.

"O? May savior na pala ang aking pamangkin! How sweet!" sabi nito, pamangkin?

"Wews, narito ka na pala Shadow?" sabi ng isang traydor, kaya hindi ko pinagkakatiwalaan na ang isang katulad niya tch.

"Fuck you, Skyper!" sigaw ko rito, isa pala siya sa kumuha kay Konaide tch.

"Ano'ng ginawa niyo kay Kairhara?" malamig na tanong ko, malaman ko lang na sinaktan nila si Konaide. Papatayin ko silang lahat.

"Bugbug sarado na! Pero wala naman akong paki kay Konaide. Ikaw lang naman ang pakay ko rito!

Alam mo bang ako lahat ang may gawa nangg pagsabog sa school n'yo at iba pang nangyayari sa school na pinapasukan mo? Mahina na ba ang kokote mo? At hindi mo agad nalaman agad na ako lang ang gumawa no'n?" nakangising aniya

"Hayup ka nandadamay ka pa ng mga inosente!" inis na ani ko, ang dami kasing nadamay sa ginagawa niya.

"Hindi mo ba alam ang kasabihan, na kapag may gusto gumawa ng paraan!" nakangising aniya.

"Tch, let's go Skyper! Hayaan muna ang mga tauhan ko ang dumali sa kanila!" aya ng boss nila.

"Hayup ka, papatayin kita!" sigaw ko.

"Talaga? Siguraduhin mo! Baka kasi hindi na kayo makalabas ng buhay dito!" sigaw nito. At tumawa pa nang malakas. Tch, oras na magkita ulit kami, sisiguraduhin kong mamatay na siya.

Sinugod kami ng mga assassin's ng gagong 'yun. Nang maubus namin

ang mga assasin pumasok na kami sa loob para hanapin si Konaide.

"Pre, maghiwa-hiwalay tayo! Para mahanap na na'tin si Konaide! ani Lay.

"Okey!" sagot nila at nagwatak watak na kami.

Hindi ko naman mahanap si Konaide, kaya naman si Skyper ang nakasalubong ko.

"Long time no see, Shadow! Nakita ko na ba ang girlfriend mo? Siguro ngayon, patay na siya!" aniya, na kinagigil ko.

"Fuck you! I will kill you! " sigaw ko rito.

"O sorry Shadow, hindi ako pumapatol sa panget!" aniya at bigla naman akong hinawakan ng mga tauhan nito. At bigla na lang lumapit sa akin at sinuntok ako sa sikmura.

"Dapat sa'yo mamatay na! Nang dahil sa'yo namatay ang kapatid ko! Hindi mo alam ang sakit kasi, hindi mo pa naranasan! Kaya sana mamatay na ang girlfriend mo!" sigaw nito sa akin at muli akong tinandyakan. Tang*na niya, matapang siya dahil may mga kumakapait sa akin. Makawala lang ako rito, papatayin ko siya.

"Hindi ko kasalanan na mahina ang kapatid mo! Siya ang nag-amok ng away, at nag-set up ng lahat! Kaya hindi ko kasalanang namatay siya!" ani ko rito at ngumisi sa kaniya. Kahit nanghihina na ang katawan ko dahil sa suntok at tadyak nito. Bigla namang dumating ang mga kaibigan ko, binitawan na ako ng mga assassin's at sinugod ang mga kaibigan ko. Tatakas na sana si Skyper ng habulin ko ito at dinambahan ko ito sa likod at pinagsusuntok. Humarap s'ya sa akin at sinipa naman ako sa mukha. Kaya med'yo nahilo ako, pinilit ko namang makatayo. Pagtayo ko, nakarinig ako ng kasa ng baril. Nanghihina na kasi ang katawan ko, at hindi ko alam na may baril pala siya. Ito na ba ang katapusan ko? Tang*na, bakit ang hina ko?

"Mamatay ka na!" sabi nito at kalalabitin na sana niya ang gatilyo nang biglang tumumba si Skyper at nakita ko si Konaide na nakatayo at naliligo sa sariling dugo. Akala ko tapos na ang lahat, napangiti na ako dahil nasilayan ko ulit ang babaeng minamahal ko. Akala ko, hindi ko na siya muling makikita. Nang biglang may humawak sa leeg nito at tinutukan ito ng baril. Putang*na, wala akong magawa.

"Pakawalan mo siya!" sigaw ko rito.

"Bakit mo ba siya pinagtatangol kilala muna ba ang babaeng 'to?" tanong nito. Habang nakatutuk pa rin ang baril sa ulo ni Konaide.

"Wala akong paki-alam kahit sino pa siya!" sigaw ko, ang mahalaga sa akin ngayon mailigtas siya.

"Kahit alam mo, sasabihin ko pa rin ang baho ng babaeng pinagtatanggol mo! Siya lang naman ang nag-iisang Devil Princess!" hindi naman na ako gano'n nagulat sa sinabi nito, dahil una pa lang nakita ko nang may kakaiba kay Kairhara. Pero wala akong pakialam kahit sino pa ang taong kaharap ko.

"Ano? Tama ba ang narinig namin? S'ya si Devil Princess?" tanong ng mga kaibigan ko nang matapos silang makipaglaban.

"Wala akong paki, kahit sino pa siya! Pakawalan muna siya!" sigaw ko at pinulot ang baril sa ibaba at tinutok rito.

"Sige, subukan mong iputok? Sisiguraduhin kong mauunang sumabog ang bungo ng babaeng 'to!" sabi nito sa akin. Kaya naitapon ko na ang baril na hawak ko, hindi rin ako nag-iisip. Kinabahan naman ako lumakad palayo ang taong ng hostage kay Konaide.

"Saan mo siya dadalhin!" galit na tanong ko. Hindi ko naman puwedeng, basta na lang gumawa ng hakbang. Baka mas lalong mapahamak si Konaide. Pinigilan ko ang mga kaibigan ko na huwag nang makialam, dahil binabalak na nilang sumunod.

"Huwag kang susunod! Kun'di papatayin ko ang babaeng ito! " sigaw nito. Tinignan ko na lang si Konaide sa mata at nakita ko rito ang senyales na siya na ang bahala sa sarili.

"Ano pre, susundan ba na'tin?" tanong nila.

"Hindi, baka mapahamak pa siya." Ani ko, at nag-isip ng magandang plano.