Chapter 50 Kairhara pov
Napangisi ako sa taong kaharap ko, siya pala ang may pakana nang lahat. Sa wakas ito na 'yung araw na kailangan ko na siyang singilin sa mga ginagawa niyang kasamaan. Habang may mga sinasabi ito, nakangiwi lang ako. Pero ang totoo, sobra na akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Gusto ko na siyang patayin, marami lang siyang alalay at nakatali rin ako. Hindi ako kikilos nang ikakapahamak ko.
"Alam mo ba, Hija? Sobrang saya ko ng pinatay ko ang mga magulang mo?" aniya at tumawa pa. Nanggigil na ako, gusto ko na siyang mawala sa mundo. Pasensya, na lang talaga ang pinairal ko. Sa mga sinasabi niya mas nangingibabaw ang sakit at kagustuhan kong patayin ang taong kaharap ko. Walang wala ang natamo kung sugat sa lahat ng nangyari sa akin.
"Paati na rin ang dalawa mong kapatid, ang tanga kasi nakisali pa tch. Mabuti nga at namatay rin sila,
sana pinatay na rin kita no'n. Para nakuha ko na sana ang lahat ng pag-aari ng mga magulang mo. Sana mas mayaman na ako ngayon, at ang tanga kasi ng magulang mo. Ayaw makinig sa akin no'n, kaya pinatay ko na lang. Nang malaman ko na buhay ka, pinahanap na kita at ngayon sisiguraduhin kong makakasama mo na rin ang pamilya mo!" sabi nito at bigla na lang akong sinapak. Ang matalik pa lang kaibigan ni Daddy ang pumatay sa mga magulang ko. Bakit siya pa? Pinagkatiwalaan ko ang siya, pati na rin si tanda. Buong akala namin, kakampi namin siya. Sana pala maaga kong nalaman ang lahat, ang tanga ko napaikot ako ng taong 'to. Nasa malapit lang pala siya, hindi ko pa nalaman tch. Siguro kaya hindi ko mahanap no'n, kasi naghahanap ako sa malayo. Samantalang nasa malapit lang pala ang salarin sa pagpatay sa mga magulang ko.
Dave Pov
"Nasan na kaya si Kairhara?" nag-aalalang tanong ni Keys sa akin, kanina pa rin siya palakad lakad sa harap ko. Nakakahilo na siya tch. "Ano ba Dave, gumawa ka na ng paraan! Hanapin na na'tin siya, baka mapaano na siya!" ang nerbyosa ng babaeng ito. "Dave, ano na? Nasaan na ba siya?" ulit na ani pa nito.
"Keys, manahimik ka nga! Paulit ulit ka. Saka puwede ba, umupo ka muna? Nakakahilo ka na eh, kumalma ka lang. Si Kairhara pa ba, kayang kaya no'n ang sarili niya.
"Paano ako kakalma? Kinakabahan nga ako, kasi pakiramdam ko may hindi magandang nangyari kay Kairhara? Ano'ng oras na kaya ang usapan 3pm pupunta siya dito? Pero hanggang ngayon, hindi na'tin siya makontak! Kaya nag-aalala ako! Ano ba Dave, gawan muna ng paraan!" dahil sa inis ko, binatukan ko na ito. Para mahimasmasan siya.
"Aray ha?" maarting aniya.
"Tumigil ka na kakaisip nang kung ano ano! Oo na ito na nga, ginagawan ko na ng paraan para manahimik ka na! Malay mo kasi, na-late lang siya kasi may project silang ginagawa!"
"Alam mo, hindi gano'n si Kairhara. Kapag may pupuntahan 'yun, nagsasabi siya!"
"Tch, sige tumigil ka na diya. Nagtanong na ako sa mga kakilala n'ya. Baka nakita nila si Kairhara, kaya umpisahan munang i-hack ang location ni Kairhara. Kaysa pabalik-balik ka diyan!" sabi ko.
"Okey!" sagot nito, mabuti na naman at nakaisip na siya ng maayos. "Wahh, paano ba ako magsisimula? Paano ba Dave? Kinakabahan na talaga ako?" nagpapanik pa rin na sabi nito. Jusmi, nakakabuwisit na ang babaeng ito, nagiging b*bo na tch. Nilapitan ko ito at sinampal sa mukha ng malakas. Ewan ko na lang kung hindi pa siya magising tch.
"Ano, gising ka na sa kagagahan mo? Tch, umayos ka nga! Aalis muna ako!" paalam ko at umalis na. Sana lang talaga, walang masamang nangyari kay Kairhara.
Naisipan kong puntahan ang condo ni Shadow Winstone, balita ko kasi sila ang palaging nakakasama ni Kairhara.
Pagdating ko sa condo nila agad akong kumatok. Umaasa ako na kasama lang nila si Kairhara.
"Who are you?" malamig na tanong ng isang lalaki na si Shadow.
"Kaibigan ako ni Kairhara, magtatanong lang sana ako kung alam ninyo kung nasaan si Kairhara? Kanina pa kasi siya hindi nauwe eh!" ani ko.
"Sinubukan niyo na bang tawagan?" tanong nito.
"Oo, kanina pa hindi naman niya sinasagot..." ani ko.
"Anong nangyari kay Kairhara?" biglang sulpot ng dalawa pang kaibigan ni Shadow.
"Hinahanap ko nga si Kairhara, akala ko kasama niyo."
"Hindi na namin siya nakita sa school eh, mukhang hindi na naman siya pumasok klase niya eh." Ani ng isa kung hindi ako nagkakamali siya ang babaerong si Lay.
"Clarnce?"
"Bakit?"
"Gawan mo ng paraan para mahanap si Konaide. Kailangan mahanap mo agad siya, ako na bahala sa mga chocolate mo kapag madali mo siyang nahanap! Bilisan muna baka kung ano ng nangyari kay Konaide!" nag-aalalang ani Shadow, napangisi naman ako. Smell something, mukhang umiibig ang lalaking ito sa aming prinsesa. Pero kung siya naman ang magkakatuluyan ni Kairhara, bagay sila pareho kasi silang cold.
"Yoss, sige Shadow! Basta 'yung chocolate ha!" masayang sabi ni Clarnce at tumakabo na papunta kung saan.
Pagkatapos ko silang kausapin, hinanap ko naman siya kung saan ang favorite niyang puntahan. Baka kasi nakatulog lang siya, tapos nakalimutan niya lang na may meeting kami. Ilang tambayan na nito ang pinuntahan ko, pero hindi ko siya makita. Pinuntahan ko na nga rin ang school, pero bigo pa rin akong makita siya. Nasaan ba ba siya? Ang tagal ko ng naghahanap pero hindi ko talaga makita. Dahil wala naman na akong iba pang alam kung saan puwede siyang pumunta. Bumalik ba ako sa Headquarters, tumawag na rin ako ng mga puwedeng makatulong sa akin.
"Hey, ano kamusta nakita muna ba?" tanong ko.
"Wahhh! Dave... hindi ko mahanap ang location niya! Huhu, nakita mo ba siya?"
"Tanga ka ba? Nakikita mo ba na kasama ko tch..."
"Ang sungit mo naman!"
"Manahimik ka na diyan at gawin mo ang pinapagawa ko." Sabi ko at pumunta sa isang kuwarto at hinawakan ang laptop ko. Tutulong na rin ako sa paghahanap kay Kairhara.
Lumipas ang mga sandali, wala pa rin akong nahahanap. Kaya naman tinawagan ko na si Shadow, baka may alam na siya. Mabuti na lang, hiningi ko ang number niya.
"May balita na ba?" tanong kk rito.
"Wala pa, pero ginagawa na namin ang lahat!" sagot nito. "Bilisan mo naman Clarnce, kailangan ko na ang resulta! 'Pag may nangyari kay Konaide, talagang hindi kita mapapatawad!" sigaw nito sa kaibigan. "Balitaan agad kita kapag nahanap na namin siya..." paalam nito, kaya naman pinatay ko na ang tawag. Hay, nasaan ka na ba Kairhara. Ano na bang nangyari sa'yo? Sana nasa maayos ka lang. Umaasa ako na walang masamang nangyari sa'yo hay.