Final Battle 2

Kirhara pov

Limang araw na nila akong pinapahirapan, nang may makita akong kapirasong bubug na ginamit nilang. Pang-sugat sa katawan ko. Pinilit kong abutin ang bubug at ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay. Nang makuha ko ang bubug pinilit kong maputol ang tali sa kamay ko. Nang maputol ko na ito, agad kong pinutol ang tali sa paa ko. Tumayo ako at, pinakiramdaman ang sarili, kung kaya ko bang makatayo. Sa totoo lang, sobrang nanghihina na ako. Tumayo ako kahit, wala na akong lakas.

Naghanap ako ng puwedeng madaanan. Pero isang pinto lang ang puwedeng madaan palabas. Kaya naman lakas loob akong lumakad papunta sa pinto. Hindi pa ako nakakarating sa pinto, bigla namang dumating si Keysel.

"O, saan mo balak pumunta? At paano ka nakawala?" tanong nito sa akin at tinutukan ako ng baril. Kahit nang hihina pinipilit kong magpakatatag. Hindi ako puwedeng sumuko, dahil hindi ko pa napapatay ang taong pumatay sa mga magulang ko. "Ano'ng akala mo makakatakas ka sa akin?" aniya at ipuputok sa ajin Ang baril, umiwas ako kahit nahihirapan na ang katawan ko. Nang mwalan s'ya ng bala, agad niya akong sinugod dahil mahina ako hiindi ko na kayang makipagsabayan sa lakas na meron siya. Ilang beses n'ya akong nasipa sa t'yan kaya mas lalo akong nahirapan. Tang*na, kung may lakas lang ako ngayon kanina ko pa siya napatay.

"Iyan lang ba kaya mo? Naturingan kang Devil Princess? Mahina ka pala!" dahil sa sinabi n'ya nanilim na ang paningin ko, pinilit kong makaglaw dahil nakadagan s'ya sa akin. Nang mahawakan ko ang bubug na ginamit ko kanina, hiniwa ko ito likod kaya napatayo s'ya sa sakit at napahawak sa likod niya. Nagkaroon naman ako nang pagkakataon na, sugurin siya at sipain sa maselang parte niya.

"Walang hiya ka!" sabi nito at pinipilit n'yang makatayo ang maayos. Hindi pa siya nakakatayo hindi ko na siya binigyan nang pagkakataon na bumawe sa akin. Agad akong sumugod at pinagsusuntok ito, pero dahil mahina na ako natumba kaming dalawa. Nakadagaan ako, sa kaniya at patuloy ko lang siyang sinusuntok. Hanggang sa nakita ko na ang mukha nitong naliligo na sa dugo. Papatayin ko siya.

"T-tama na..." paagmamakaawa nito sa kin. Ngumisi lang ako rito, mas ginahan ako ngayon.

"Matapang ka 'di ba? Nasaan ang kanina mong tapang?" malamig na tanong ko rito.

"Suko na ako, please tama na..." ani pa nito, anong akala niya madadaan niya ako sa pagmamakaawa niya. Hindi ako marunong maawa sa katulad niyang traydor. Hindi ko tinigilan itong suntukin, binarag ko talaga ang pagmumukha niya. Ito na naman ako, inaatake na naman ako ng kademonyohan. Kun'di nila ako ginalit, wala sanang mangyayaring ganito.

"Alam mo bang, ang isang Devil Princess ay hindi basta sumusuko? Ano'ng akala mo, gano'n lang ako kadaling patayin?" malamig na sabi ko at hinawakan ito sa leeg. Ngumisi ako rito, pinapahiwatig ko lang sa kaniya na ito na ang huling araw niya sa mundo.

"Huwag please, maawa ka..." ani pa nito. Dahil wala akong naramdaman na awa sa kan'ya. Inikot ko ang ulo nito. Haanggang sa marinig kong nag-crack ang ulo nito, ibig-sabihin patay ba siya. Dilat ang mata nito nang iniwan ko s'ya. Tama lang sa kan'ya na mamatay, nang makalabas ako sa pinto s'ya naman dating ni Mondragon. Isa pa ang babaeng ito.

"Pano ka nakatakas?" tanong ni Mondragon, nginisihan ko na lang ito.

"Matagal mamatay ang masamang dam, Mondragon." Nakangising ani ko.

"Tignan na'tin tapang mo!" sabi nito at ngumisi sa akin, naglabas naman ito ng kutsilyo. "Papatayin kita!" sabi nito at sumugod sa kin gamit ang knife, pinilit kong umiwas sa bawat atake n'ya pero talagang hindi na kaya ng katawan ko, masiyado siyang mabilis kung kumilos. Nang sasaksakin na sana ako nito, kusang gumalaw ang mga kamay ko at sinalag ang patalim. Habang hawak ko pa rin ang patalim, sinipa ko ito sa t'yan. Kaya napabitaw ito, at sinipa ko ulit ito nang bumagsak na siya lumapit na ako sa kan'ya at ginilit ko ang leeg n'ya. Nasisiyahan na ako sa nakikita ko lumabas ako ng room lahat nang makakakita sa akin pinapatay ko. Hinanap ko ang taong pumatay sa pamilya ko magbabayad s'ya sa ginawa niya, papatayin ko siya. Paglabas ko, nakita ko si Skyper na nakatutuk ang baril kay Shadow, kaya naman agad kong binato rito ang kutsilyo na hawak ko. Kaya natumba na si Skyper, pero hindi pa ako nakakapunta kay Shadow. May biglang humawak sa leeg ko, mula sa likod. At tinakot si Shadow, kaya naman pinakita kong ayos lang ako. Dinala n'ya ako dito sa isang kuwarto saka ni-lock n'ya ang pinto.

"Hindi man ako dito, makatakas sisiguraduhin kong mamatay ka!" sabi nito sa akin, habang nakahawak pa rin ang kamay n'ya sa leeg ko at nakatutuk ang baril sa akin. Kaya

kinagat ko ang kamay n'ya, kaya napabitaw s'ya sa akin sabay sinipa ko ito sa mukha.

"Walang hiya kang babae ka!" galit na sigaw nito sa akin.

"Mas wala kang hiya! Walang kwenta dahil pinatay mo ang pamilya ko!" sabi ko at sinugod ng suntok n'ya, pero nahawakan n'ya ang kamay ko dahil nanghihina pa ako binalibag nya ako sa pader. Kaya lalo akong nanghina sinuntok suntok pa ako nito sa mukha. Kaya lalo akong nanghina pero naisip ko, para saan pa ang ginugol kong panahon para magsana'y. Para sa paghihiganti ko sa taong mahal ko, nang mapalingon ako sa kanan ko may nakita akong balisong kaya pinilit kong saluhin ito kahit na nanghihina na ako. Sinalo ko ito, kaya nasugatan ulit ang kamay ko.

Tumayo ang taong pumatay sa pamilya ko at tinutok sa akin ang baril.

"Goodbye!" sabi nito at ngumisi sa akin, maya maya pa kinalabit nito ang gatilyo. Hindi ko na naiwasan, kaya unti unti na akong pumipikit. Nakita ko pa itong ngumisi sa akin, at do'n na ako tuluyang pumikit.