Chapter 49 Third person pov

Habang naglalakad si Kairhara, dahil nag-cutting na naman ito. nararamdaman nitong may nakamanman sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Maya maya pa ay napahinto si Kairhara nang lumabas na sa pinagtataguan ang mga taong nakasunod sa kaniya. Bubunot pa lang siya ng baril nang biglang may bumaril sa kaniya mula sa likod. Bigla naman itong nakaramdam ng pagkahilo. Dahil ang nakalagay sa baril na pinangbaril sa kaniya ay isang syringe na naglalaman ng pampatulog.

"Buwisit..." bulong nito at unti unting ng lumabo ang kanyang paningin hanggang sa natumba na ito.

"Sige dalhin na 'yan!" ani ng lalaki, sumunod naman ang mga kasamahan nito at binuhat na si Kairhara, sinakay nila ito sa van at piniringan.

Tinawagan naman agad ng lalaki ang kanilang boss. Para ipaalam na nakuha na nila si Kairhara.

"Good, ayusin niyo baka makatakas pa 'yan!"

"Opo! Malapit na kami sa Headquarters!" sagot nito at binaba na ang tawag.

Napangisi na lang ang taong kumuha kay Kairhara.

"Sa wakas..." bulong nito at tumawa ng malakas.

*Kairhara pov*

Nagising ako nang may humataw sa akin nang sobrang lakas. Med'yo nakaramdam rin ako ng pananakit ng katawan, dahil sa paghampas nila. Pero hindi ko na lang ininda ang sakit, walang wala naman ito sa sakit na dinanas ko no'n. Nakita ko naman ang taong humahataw ng latigo sa akin. Naapangisi na lang ako, nang makilala ko ang isang taong kilalang kilala ko. Mula no'n, hindi ko naman talaga siya pinagkatiwalaan. Dahil alam kong darating ang araw na ito, ang araw kung kaylan lalabas ang totoong ugali niya. Ano'ng akala niya, gano'n gano'n lang ako kadali?

"Hi, Miss kamusta? Masakit ba?" tanong nito sa akin, kaya napangisi na lang ako. Muli akong hinataw nito nang hindi ako umimik. Nasasaktan ako, hindi naman ako robot para hindi masaktan. Tao rin naman ako tch. "Ayos ka ah, hindi ka nasasaktan? Ano'ng meron sa balat mo?" inis na tanong nito, hindi pa rin ako umimik. Wala naman akong mapapala kung sasagutin ko ang mga tanong niya. Masasayang lang ang laway at boses ko sa mga walang kwentang katulad nila.

"Hi Konaide, miss me?" tanong ni Mondragon at lumapit sa akin at bigla na lang akong sinaksak sa braso. Tiniis ko ang sakit, kahit masakit talaga ang pagsaksak niya sa akin. Pero wala akong paki, kaya kong tiisin ang lahat ng sakit. Makuha ko lang ang hustisya na hinahanap ko.

"Hi best, kamusta? Masakit ba?" tanong ng kaibigan ko raw kuno. Akala mo sobrang inosente, may tinatago rin pa lang baho. Tumawa ito nang malakas. "Mahina pala ang utak mo? Akala ko ba matalino ka? Hindi mo agad nalaman na hindi naman talaga totoong kaibigan ang turing ko sa'yo? Hahaha na surpresa ba kita?" tanong nito, hindi ako na surprise. Dahil kung alam niya lang na no'n pa alam ko na ang baho niya. Tch, nagpipigil nga lang ako no'n na patayin siya, dahil nakisabay lang rin ako sa trip niya tch. Muli akong hinampas nito at ngumisi sa akin.

"Matigas ka ha?" aniya at tinandyakan ako sa sikmura. Pero lahat 'yun, tiniis ko.

"Oo nga pala magpapakilala kami sa'yo. I'm Keysel Andeta, also known as White Cobra!" napangisi na lang ako sa pagpapakilala nila. Tch, masiyado silang mga tanga. Palagay ba nila, kikilalanin ko ang katulad nila? Tch.

"I'm Skyper Morgan, also known as Black Dog!"

"So, anong meron at kailangan niyong magpakilala?" tanong ko at nginisihan sila.

"Para alam mo lang, bago ka mamatay!" ani Keys.

"Really? Ako ba talaga ang mamatay?" tanong ko pa, halata namang nainis itong si Key.

"Mas'yado kang matapang!" ani Keysel at hinampas ulit ako ng latigo. Tumawa na lang ako sa pinagagawa nila.

*Keysel Pov*

Hay, napakatanga pala ni Konaide? Tinaguriang Devil Princess, dahil ang pagkakakilala ko ang isang Devil Princess ay hindi tanga. Hindi n'ya agad nalaman na pinapaikot ko lang s'ya. Oo childish ang ganap ko, dahil nalaman kong ayaw n'ya sa maingay. Pero ang tanga niya, nagpadala naman sa drama ko tch.

"Alam mo? Ang tanga tanga mo!" sigaw ko at sinuntok ulit s'ya. Wala akong awang nararamdaman sa kaniya, kasi nang dahil sa kan'ya, namatay ang kapatid ko. Nang dahil sa kaniya, naging mag-isa na lang ako. Alam niyo 'yung pakiramdam na para kang naputulan ng paa, noong nawala si Kuya. Sobrang mahal ko ang Kuya ko, sobra kung alam niya lang. Si Kuya na lang ang meron ako. Kaya ngayon, gusto ko rin siyang mamatay. Para sa ikakatahimik ng Kuya ko, no'n pa man, gusto ko na siyang patayin. Sobrang, pagtitimpi lang ang ginawa ko. Para sa araw na ito, ito 'yung araw na hinihintay ko. Ang araw kung kaylan, puwede ko ng ilabas ang lahat ng galit sa taong ito.

Hinataw ko ito ng latigo, pero matigas dahil wala s'yang pakiramdam para s'yang manhid. Ganito rin kaya ang naramdaman niya ng patayin niya ang Kuya ko, nang walang awa? Mas nangigil naman ako sa pinapakita niya. Hindi ba siya marunong makaramdam, hindi ba siya nagsisi sa mga nagawa niya? Buwisit siya, kung puwede lang na patayin ko na siya.

"Hayup ka! Wala kang kwenta! Mamatay ka na! Pinatay mo ang nag-iisa kong Kuya, pinatay mo siya! Hindi ka manlang naawa? Hayup ka!" sigaw ko dito, this time napaiyak na ako. Dahil naalala ko na naman, ang naging paghihirap ko no'ng mawala ang Kuya ko. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kaya pagbabayaran niya ang mga ginawa niya.

"Ha? Pinatay ko ba? Sino ba do'n sa lahat ng pinatay ko? Wala akong matandaan? Isa pa, hindi ko naman kailangan silang tandaan..." ani pa nito at ngumisi sa akin, demonyo talaga siya. Mas lalo akong nangigil sa mga sinabi niya.

"Harmen Andeta, siya ang Kuya ko na pinatay mo! Ano tanda mo na?" inis na ani ko at muli siyang hinampas sa katawan at mukha.

"Sino ba 'yan? Wala talaga akong natatandaan eh..." nakangising aniya. Hayup talaga siya, hayup. Hahampasin ko pa sana ito nang pigilan na ako ni Skyper.

"Tama na 'yan Cobra, nariyan na si Boss!" ani Skyper, kaya naman tumigil na ako. Mamaya ulit siya sa akin, paparamdam ko ang sakit na ginawa niya sa akin.

Pumasok naman si Boss, at agad itong napangisi nang makita si Konaide.

"Hi my dear, Konaide!" ani boss at tumawa pa. Nakita ko naman si Konaide na parang walang paki-alam. "Nag-enjoy ka ba rito? Magsaya ka muna, kalaro ang mga alaga ko... " ani pa ni Boss.

"Phwe! Ang boring kaya ng mga alaga mo tch..." malamig na sabi ni Konaide, at bigla itong ngumisi. Sa totoo lang, nakakatakot talaga siya. Makikita mo naman, ang dami na namin pero ang lakas pa rin ng loob niya. Tch.