Chapter 48 Kirhara pov

Pumasok ako ngayon kahit tinatamad ako. Pupunta na lang ako ng garden dahil tinatamad pa akong pumasok sa room. Habang naglalakad ako, may bigla na naman sumulpot sa likuran ko. Hay, istorbo lang sila sa buhay.

"Hi, Miss Konaide? How are you?" tanong ng tao sa likod ko. Hindi ko ito pinansin, dahil wala naman silang ambag sa buhay ko. Pero talagang makulit talaga, dinadaldal ako. Nakakairita kaya ang mga taong madaldal.

"Miss, Rosas oh for you!" ani pa nito at inunahan pa ako. Argh, hindi ba marunong makahalata ang lalaking ito? Hindi naman siguro siya tanga para hindi mapansin na naiinis na ako sa kaniya?

Napa'tsk' na lang ako at hindi ko tinanggap ang bulaklak. Ano'ng gagawin ko sa bulaklak? Nakakain ba 'yun? Tch, basura lang 'yan. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad makasalubong ko naman si Shadow.

"Konaide, pinag-alala mo ako? Ayos ka lang ba?" tanong nito at bigla akong niyakap. Ano'ng problema ng lalaking ito, nakakabuwisit bakit ba siya nangyayakap?

"Tch, bitawan mo nga ako. You're annoying tch..." inis na ani ko. Bumitaw naman aga ito sa akin.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong nito kay Skyper.

"Paki-alam mo ba?"

"May paki-alam ako, dahil lumalapit ka kay Konaide!" galit na sigaw nito.

"Masama bang lumapit kay Konaide? Bakit gf mo ba siya at nagkakaganiyan ka?" tanong nito.

"Yeah, she's my girlfriend. May angal ka? May sasabihin ka pa?" ani Shadow. Napanganga na lang si Skyper. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito. Hinawakan naman ako sa kamay ni Shadow at bigla na lang akong hinila.

"Ano ba, bakit ka ba nanghihila?" inis na ani ko. Palagi na lang siyang nanghihila tch.

"Tch, I just want to protect you from him!" med'yo inis rin na sabi nito.

"Hindi mo ako kailangan protektahan, kaya ko ang sarili ko!" inis pa na ani ko, I remember. Noong pinagtanggol niya ako sa maraming mga lalaki. Sobra siya no'n nasaktan, hindi pa rin siya nadala. Ayoko na sana pang lumapit sa kaniya, dahil baka mapahamak na naman siya tch. Pero pinatay ko naman na 'yung mga lalaking 'yon, tch. Wala naman silang mga kuwenta, bakit ko pa sila bubuhayin.

"Konaide naman, hayaan mo na lang ako..." bulong na aniya.

"Tch..." wala na akong nasabi at aalis na sana nang bigla ako nitong hawakan sa kamay.

"Did you know, sobra mo akong pinag-alala. Akala ko kung napano ka na, ilang araw rin kitang hinanap. Pero bakit hindi mo manlang ako ti-next para alam ko na ayos ka lang..." mangiyak-ngiyak na aniya. Hindi ko siya maintindihan, and I don't care about his feeling. Ganito naman ako, wala akong pakialam sa iba. Ngumisi lang ako rito at muling nagsalita.

"Sa susunod, huwag na huwag muna ulit akong ipagtatanggo..." bulong ko rito at inagaw na sa kaniya ang kamay ko at tuluyan nang umalis.

*Ice pov*

Nandito ako nag iisa, haabang tinitignan ko ang taong mahal ko na may kasama nang iba. Minsan na nga lang ako ma-inlove, sa taong hindi pa mapapasa'kin. Sa tuwing magkasama sila nasasaktan ako. Pero ayos lang ang lahat sa akin, basta sa ikakasaya nila. Hindi ako magiging hadlang. Napangiti na lang ako ng mapait, siguro susubukan ko na lang na iwasan at kalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya. Umalis na ako at pumunta na lang sa tambayan ko nagsuot ako ng earphone at nagbasa na lang ng books. Maya maya lang habang nagbabasa ako. Bigla namang dumating ang mga kaibigan ko. Hay, nandito na naman sila.

"Hey, Bro! Tigilan mo naman ang pagbabasa!" Lay said.

"Tigilan niyo nga ako!" inis na ani ko.

"Ang init naman ng ulo mo, hulaan mo may hindi magandang nangyari sa'yo?" tanong ni Clarnce.

"Manghuhula ka na ba ngayon, Clarnce?" masungit na tanong ko.

"Tch, hindi kaya inlove ka na?" ani pa nito. Napangiwi na lang ako sa kakulitan nila.

"Tumigil na nga kayo!" nagtawanan naman ang dalawa at bigla akong hinampas ng mga fellow, kaya napatayo ako. Mas lalo naman silang nangulit sa akin, kaya naman nakisali na rin ako sa larong gusto nila. Minsan lang naman ito, saka kaibigan ko naman sila.

"Habulin mo kami!" sigaw ni Lay at Clarnce sa akin, kaya naman hinabol ko rin sila. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, minsan isip bata rin. Hindi naman siguro masamang, sabayan ang trip nila. Agad akong tumalon sa sofa at dinakma silang dalawa. Kaya naman ng mahuli ko na sila at ko silang pinaghahampas ng una sa mukha.

Habang naghaharutan kami rito, bigla namang dumating si Shadow na parang mainit ang ulo. Kumawala naman sa akin ang dalawa at hinampas si Shadow. Napakamot na lang sa ulo ang dalawa ng tignan sil ng masama ni Shadow.

"Sali ka sa amin, naglalaro kami!" aya ni Lay. Ang mga 'to talaga hindi marunong makiramdam. Tumingin naman sa kanila si Shadow at biglang inagaw ang unan at biglang pinaghahampas ang dalawa. Mabuti na lang nakatakbo na sila at muling kumuha ng unan. Kaya naman nakisali na rin ako sa fello fight, hindi kami magpapatalo.

"Ang manalo dito, kailangan ilibre ako ng worth 3k na Chocolate!" natawa ako sa sinabi ni Clarnce.

"Sa akin naman, isang magandang babae lang sapat na! Kahit 'yung maganda mo lang na kapatid Ice!" ani Lay.

"Sira ulo, pati kapatid ko pinagnanasahan mo! F*ck you!" ani ko at tumawa lang sila.

Ang sarap rin pala sa pakiramdam, na minsan makipaglaro ka sa mga kaibigan mo. Nakakagaan ng loob, sana lang hindi masira ang friendship na meron kami.

"Nakakapagod!" sigaw nila. Kaya naman humiga na lang kami sa sahig.

"Sino bang panalo?"

"Wala!" ani namin ni Shadow.

"Bro, mahal ko kayo!" sigaw ni Clarnce. At halata mo sa boses nito na para na siyang iiyak.

"Ang drama mo, ano bang nangyari sa'yo?"

"Ano kasi eh..." ani pa nito.

"Bakit nga?" tanong ni Shadow. Parang may gustong sabihin si Clarnce sa amin, na hindi niya sa amin masabi.

"Basta, sana walang magbabago sa atin! Dapat buo pa rin ang pagkakaibigan na meron tayo ha?"

"Alam mo ang drama mo, sabihin mo anong problema?" tanong ni Lay.

"Kasi, hindi ko masabi sa inyo. Ano kasi... baka daw sa ibang bansa na ako pag-aralin ni Mommy. Baka hindi ko na tapusin ang 4th year dito..." umiiyak na ani Clarnce.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Akala ko ba, wala tayong iwanan?" tanong ni Lay.

"Si Mommy kasi eh... sabi niya maraming chocolate do'n!"

"Puro ka talaga Chocolate, iiwan mo kami para sa chocolate lang?" inis na tanong ko.

"Ayoko naman kayong iwan, pero kasi ano eh. Si Mommy na kasi 'yun, alam niyo naman na hindi ko kayang tanggihan ang Mommy... saka natatakot akong kausapin siya..." mahinang sabi niya.

"Iyon lang ba? Ede sasamahan ka namin na kausapin ang Mommy mo kapag nakauwe na siya. Kami ang bahala sa'yo, huwag kang matakot dahil nandito kami para sa'yo!" ani Lay. Kaya naman tumayo kami at naglahad ng kamay si Lay.

"Hindi ba, dapat wala tayong iwanan?"

"Oo!" ani namin at ipinatong ang kamay namin kay Lay.

"We are?" simula ni Lay.

"Handsome boys! Yeah!" sigaw namin, med'yo nakakainis nga lang ito, si Lay lang naman kasi nakaisip n'yan.

Nagtawanan kami pagkatapos, at maya maya lang humiga uli kami at sa pagod, bigla akong nakaramdam ng antok.