Chapter 47

"Nasan na ang pinapakuha ko?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

"Nandy'an na sa basement!" sagot ni Dave.

"Good!" ani ko at pumunta na sa basement. Nakita ko ang isang tao na kasama sa pagpapahirap sa'kin no'n tsk. Hindi kasi puwedeng isa lang ang magbayad nang kasalanan ng lahat.

"Sino kayu?" tanong nito, napangisi na lang ako. Wala pa nga akong ginagawa, nanginginig na siya sa takot.

"Kami lang naman ang papatay sa sa'yo..." ani Keys.

"Mga walang hiya kayo! Sino ba kayo? Pakawalan niyo ako rito!" sigaw ng babaeng, parang pwet ng manok putak nang putak. Ang ingay niya. Lumapit ako rito at sinuntok ang mukha niya. Para manahimik na tch.

'Iyan kasi ang ingay mo!" ani naman ni Dave.

"Sino ba kayu?" pag-ulit na tanong nito. Ngumisi ako rito at hinawakan ang panga. Nangigil na ako, gusto ko na siyang patayin.

"Hindi mo talaga kami kilala?" tanong ni Keys, binitawan ko ang panga ng babae at hinayaan itong makilala ako.

"Hindi, hindi ko alam kung sino kayo!" sigaw pa nito, argh ang sakit niya talaga sa tenga.

"Oh, how poor are you? Mamatay ka na lang pala, hindi mo pa kami kilala?" ani pa ni Keys. Pinigilan ko na si Keys, at muling lumapit sa babae. This time, mas nilapit ko na ang mukha ko sa kaniya. Para naman makilala niya ako, nakita ko itong bigla na lang namutla. Lumayo na ako rito, at ngumisi.

"D---De-devil p---p- princess?" utal nitong sabi, mabuti naman at nakilala na ako.

"Kilala mo naman pala si princess namin eh."

"Wala akong kasalanan sa'yo! Devil Princess please spare my life... pakawalan muna ako please..."

"Sigurado ka ba na wala kang kasalanan?" tanong ni Keys.

"Wala! Wala talaga, wala akong matandaan na kinalaban kita Devil Princess!" sabi nito. Ngumisi na lang ako rito. Inilahad ko naman ang kamay ko para makuha ang latigo kay Dave. Iniabot naman agad nito ang latigo na nilagyan ko ng puro tinik. Para naman damang dama niya ang sakit. Hinampas ko ito nang hinampas, sa bawat hampas ko ay napapahiyaw siya. Ako naman ay napapatawa na parang isang demonyo. Ngayon lasapin nila ang galit na meron ako. Kinalaban nila ako, kaya ipapatikim ko sa kanila kung bakit kinakatakutan ang isang tulad ko.

"Tama na, please... wala akong ginagawa sa'yo! Please... tama na..." umiiyak na sabi nito. tinigilan ko na, kasi may naisip akong mas magandang plano.

"Anong sunod na'ting gagawin dya'n?" tanong ni Dave. Kaya naman agad kong kilaladkad ang babaeng ito sa hinanda kong upuan niya, at do'n may mga balloon gilid ng dalawang niyang pisngi. Tapos nginisihan ko ito, nang ilagay ko sa ulo nito ang Red apple.

"Huwag kang gagalaw, baka maaga kang mamatay... " bulong ko rito.

"Ano ngang gagawin na'tin?" tanong ni Keys. "May birthday ba at may ballon diyan?" tanong pa nito.

"Ganito lang ang gagawin, gagamit tayo ng Pana na may apoy. Simple lang ang mechanics. Kailangan n'yo lang na matamaan ang mga balloon na nasa gilid n'ya. ung nasa ulo n'yang Apple 'pag natamaan nyo 'yun, may premyo kayu sa akin. Ano gusto niyo ba?"

"Anong premyo?" tanong ni Keys.

"Secret, malalaman niyo rin. Don't worry, kapag sinabi ko gagawin ko..." ani ko. Ngumiti na lang sila.

"Ok, mukhang masaya 'to." ani Dave.

"I forgot, kailangan niyo ulit magpiring. Katulad dati, para naman masiyahan ako... " ani ko.

"Nah, Paano 'yun? Ang hirap naman nang pinapagawa mo. Alam mo namang mahina kami kapag nakapiring. Mamaya matamaan namin siya, baka mamatay..." natatakot na sabi ni Keys. Hay masiyado siyang matatakutin. Parang hindi pa siya nakakapatay tch.

"No problem, kung mamatay ede patay." Ani ko. Napabuntong hininga na lang ito. "Masiyado kang kabado, Keys. Ano ng nangyari sa tapang mo?" tanong ko rito.

"Oo na, oo na! Basta huwag ka magagalit sa akin kapag napatay ko 'yan!" aniya.

"Of course, don't worry..."

"Sige, ako na mauuna Keys!" prisinta ni Dave.

"Sige..."

Piniringan na ito ni Keys, at hinanda na ang palaso na lumilihab pa. Sinabi ko naman gawin nila. Nakita ko naman ang sobrang takot ng babaeng target namin.

"Anong balak niyo? Bakit lumilihab 'yan? Baka matamaan nila ako! Please, huwag niyo naman akong ganituhin. Wala naman akong ginagawa sa'yo!" umiiyak na aniya.

"Hey, huwag ka mas'yadong gumalaw. May inilagay pa naman akong dagger sa taas ng ulo mo!" babala ko, halos mamutla na ito sa sobrang takot. May inilagay talaga ako sa ulo niya. Bahala na siya, basta ako binalaan ko siya. Kung magpupumiglas pa siya, baka anumang oras malaglag na ang inilagay kong dagger.

"Ayan, wala ka na bang nakikita?" tanong Keys.

"Oo..."

"Sige na, may baga na rin 'yan!" ani Keys. Itinira ni Dave, ang palaso pero hindi tumama kahit saang balloon. Subalit tumama pala ito sa tagiliran ng babae. Kaya naman pumalahaw ang babae sa sobrang sakit, malamang mainit 'yun eh.

"Kair, tama na kaya. Nakakaawa na 'yung babae oh..." ngumisi ako rito at lumapit sa kaniya at binatukan. Para naman magising, masiyado siyang maawain ngayon. Ano bang nangyayari sa babaeng ito.

"Naaawa ka? Sige damayan mo do'n, ako ang titira ng palaso. Sisiguraduhin kung sa ulo ka tatamaan? Ano naawa ka pa? Maawa ka sa kaniya o maawa ka sa sarili mo?" tanong ko. Ngumisi ako rito, halos mamutla naman ito sa takot.

"Kair, naman eh. Grabe ka!" inirapan ko na lang ito at bumalik sa puwesto ko. Pinanood ko ang huling tira ni Dave, pero wala pa ring natamaan.

"Hayst, ano ba naman 'yan! Wala manlang akong natamaan! Sayang ang prize..." angal ni Dave. Sumunod naman si Keys sinuot na nito ang piring at binigay ni Dave. Ang palaso na at bow kay Keys. Inasinta na nito ang kalaban, halata rin ang nangiginig nitong kamay.

"Keys, ano ba? Magpukos ka!" sigaw ko rito.

"Oo na!" sigaw nito at ibinitawan na ang hawak na palaso. Hindi naman ito tumama. Kaya sa pangalawang pagkakataaon, nakatama na siya pero sa balikat naman no'ng babae.

"Hayst, salamat wala akong natamaan..." ani Keys. Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Dave, bantayan mo itong si Keys. Masiyado nang naging matatakutin!" ani ko, tumango na lang si Dave.

"Sorry, Kair..." nakayukong ani Keys.

"Tch. Kayu na bahala diyan! Pahirapan n'yo pa 'yan, bago n'yo ipakita sa magaling n'yang boss! Aalis na ako, may pupuntahan pa ako!" ani ko at lumapit sa babae at tinandyakan pa ito sa sikmura kahit wala na itong malay. Nang matapos ang ginawa ko ay umalis na ako.