Chapter36 Dave pov

Nandito ako sa taas ng puno malapit sa Mansion ni Kairhara, ang laki ng bahay niya. Nakakaingit siya, ang suwerte na sana niya kaso hindi naman siya masaya dahil wala na siyang pamilya. Naawa ako sa kaniya, dahil ang lungkot niya palagi. Kinuha ko naman ang cellphone ko ng tumunog iyon.

(“Go to headquarters, wear your mask. Hurry up, or else you two are f*****g dead. Did you two already know, what I mean. In 3 minute, kailangan narito na kayo.”) Iyan ang nilalaman ng text mula kay Kairhara, kinabahan tuloy ako bigla. Nakakatakot talaga siya, kahit sa text lang ito. Dahil alam kong gagawin nito ang mga sinabi, agad na akong bumaba at tinawag na agad si Keys. pinuntahan ko ito sa kuwarto ng hindi ko ito mahanap. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang ako bigla.

“Keys, maghihintay raw si princess sa head, quarter. Wear your mask and hurry up!” pagmamadaling sabi ko tumango lang ito kaya umalis na ako at pumunta sa kuwarto ko, kinuha ang mga gamit ko. Saka agad na akong lumabas at kinatok muli si Keys.

“Keys, faster!” sigaw ko at bumaba na, dumeretsyo ako sa parking lot at pinaandar ang motor ko. Maya maya lang nakasunod na rin si Keys, f**k 1mins na lang. Tang*na ayaw na ayaw pa naman ni Kairhara na nale-late kami, ‘di na’ko magtataka kung umulan mamaya ng kunai o bala pagpasok namin ng headquarter. Nang makarating kami 1 mins na kaming late, mamatay talaga kami ng maaga nito. Bumaba na kami at pumasok na sa loob ng head quarters.

“Where is she? Akala ko ba nandito na siya?” tanong ni Keys. Mabuti nga at wala pa si Kairhara kun’di patay na, ayoko pa mamatay. Hind ko pa nahahanap ang the one ko.

“Mabuti at wal--- ‘di na natuloy ni Keys ang sasabihin ng umulan ng kunai at bala ng baril kaya todo ang iwas ko. Tang*na ito na sinasabi ko eh.

“Fuck!” rinig kong mura ni Keys nang madaplisan ito, bumalik ako sa pag-iwas na ginagawa ko. At muling lumingon kay Keys dahil nag-aalala ako. Nang nadaplisan din ako sa braso pero ‘di naman malalalim, malayo sa bituka. Maya maya lang, natapos rin ang pagu-ulan ng bala at kunai.

“Fuck, Kairhara papatayin mo ba kami ha?” inis na tanong ko, alam ko kaseng nakatago lang siya dito.

“Oh my god, my pretty face, nasugatan tuloy…” maarting ani Keys, ang arte niya talaga.

“Parang gano’n na nga!” sagot ni Kairhara at tumalon ito mula sa kisame.

“Ang sama mo, Kai!” maarteng ani Keys.

“Tch, late na nga kayo tapos aangal kayo? Tch…” ani nito at pumasok sa private room, gano’n rin naman ang ginawa namin. Agad na kaming naupo ng nasa loob na kami.

“Kaya pinapunta ko kayu rito, meron lang akong nais ipagawa sa inyo…’ sabi nito at mukhang seryoso ang ipapagawa n’ya. Sobrang seryosos kase nila, tch palagi naman seryoso mukha niya no? “May ipapakuha lang akong isang tao siguraduhin n’yong madadala ninyo ang taong ‘yon rito, mamaya 3 pm got it?” seryosong sabi nito at pinakita sa amen ang isang picture ng babae.

“Noted,” sagot naamin, mukha namang hindi mahirap kunin ang babaeng ‘yon.

“Sige, kumilos na kayo gawin na ninyo ang pinag-uutus ko. Linisin n’yo muna ang mga sugat n’yo gotta go!” aniya at lumabas ng private room.

“Gano’n lang ‘yon? Matapos tayong halos mamatay na kanina, tapos gano’n lang kaikli sasabihin n’ya?” reklamo ni Keys. Agng reklamador talaga ng babaitang ito.

“So, magrereklamo ka na lang diyan at hindi gagawin ang sinasabi niya? Madali naman ako kausap, isang pindot ko lang sa cp ko malalaman na agad ni Kairhara ang mga reklamo mo…” pananakot ko, halata namang namutla ito sa takot.

“Oo na gagawin ko na, ikaw masiyado ka! Your scared me!” sabi nito at nag-umpisa ng gamutin ang sugat. Pagkatapos namin linisin ang aming mga sugat. Nagbihis na kami at umalis na sa headquarter.