Chapter35 Kirhara pov
Limang araw ang lumipas, simula ng nakatakas ako. Dahil maayos naman na ang pakiramdam ko at magaling na rin ang mga sugat ko. Pumasok na ‘ko ngayon sa school, tapos dumaan muna ako gg cafeteria dahil hindi pa ako kumakain ng agahan. Maya maya lang biglang sumulpot sa harap ko si Clarnce para siyang kabuti.
“Hello, Miss Konaide! Kamusta?” tanong nito at sumabay sa akin sa paglalakad.
“I’m totally good,” matipid na sagot ko. Naiinis naman ako dahil ang ingay sa paligid, bulong pa ng bulong para silang mga lamok ang sakit sa tenga tch.
“Gano’n ba? Ano pa lang nangyari sa’yo? Bakit may sugat ka sa mukha?” tanong nito sa akin, kaya pala kanina pa ito nakatingin sa mukha ko napansin niya pala ang sugat ko. Buwisit kaseng babaeng ‘yon, magbabayad siya sa ginawa niya sa akin. Titiyakin kong mas matindi ang igaganti ko sa kaniya, alam ko kung sino siya. Kaya humanda siya sa akin.
“Nothing,” sagot ko at dumating naman sila Shadow, nandito na naman sila. Bakit ba lagi silang nasulpot kung saan saan, nakakairita pa naman sila.
“Hi, Konaide! Kamusta ang tagal mong hindi pumasok ah?” tanong ni Lay, hindi ko na lang sila pinansin. Bahala sila sa buhay nila, nang makarating ako sa cafeteria agad akong bumili ng makakain at umupo na. Pero lahat rin sila, umupo sa harap ko. Hindi ba nila ako lulubayan? Tinignan ko na lang sila ng masama, gusto kong mapag-isa at hindi rin ako makakain ng maayos kapag nakaharap sila.
“What happened to you, Konaide? Ilang araw ka ring hindi pumasok ah?” taanong ni Shadow sa’kin.
“Nothing and, kung may nangyari man sa akin. Wala ka nang paki d’on, Mr. Winstone!” sarcastic na ani ko at tinuloy na ang pagkain, nakita ko naman sa gilid ko ang dalawang bugok na natatawa. Napa-Tch, na lang si Shadow. Dahil naiirita na ako sa kanila, tumayo na ako sa upuan ko at nang aalis na sana ako bigla namang hinawakan ni Shadow ang kamay ko. Sa paghawak niyang iyon may naramdaman akong kakaiba sa puso ko. Ewan ko hindi ko iyon maipaliwnag.
“What?” inis na tanong ko rito at binabe ang kamay ko. Para kaseng uminit bigla ang pakiramdam ko.
“I want you—
“What the f*ck, Bro!” nakita ko namang sinamaan ng tingin ni Shadow ang mga kasama nitong siraulo.
“To be my friend, please be my friend?” nahihiya pang ani nito.
“I don't need friend, stay away from me!” sagot ko at umalis na sa cafeteria, naglalakad ako nang makasalubong ko si Mondragon. Napangisi na lang ako rito.
“Hey, akala ko patay ka na? Your still a live, pa rin pala…” ani nito sa akin.
“Why? You scared?” tanong ko rito at nginitian ng mapang asar. Bigla naman irong lumapit sa akin at hinila bigla ang buhok ko.
“Buwisit ka, bakit ako matatakot? Tsk, alam mo sana pala pinatay na kita. Para hindi ko na nakikita ang panget mong mukha…”
‘’O, sorry… hindi mo ako napatay. Better luck next time, and mag-ingat ka baka sa susunod ikaw na ang paglamayan…” ani ko rito at ngumisi, mas lalo naman itong nainis. Ito ang gusto ko eh, tipong kunting asar lang maasar na sila tch.
“How dare you!” ani nito at sasampalin na sana ako nito, nang suntukin ko ito sa sikmura. Napaluhod naman ito sa sakit, anong akala niya siguro ako pa rin ang ang dati na hinahayaan siyang gawin ang gusto niya. Tinadyakan ko pa ito sa mukha bago ako nagpaalam rito.
“See you nextime…” sabi ko at umalis na, ‘yan pa lang ang ginawa ko sa kaniya para na siyang mamatay sa sakit. What’s more, pa kaya? Pero humanda na siya dahil malapit na akong maningil sa mga ginawa niya sa akin.
Dahil tamad na’kong pumasok nag-cutting class na lang ako. Pumunta ako sa garden na palagi kong tinatambayan, tumaas ako ro’n at matutulog na lang ako. Wala rin akong paki kung bumagsak ako sa klase, puwede ko naman balikan ‘yon tch.