Chapter37 Keys pov
Gosh! Nakakainis talaga si Kairhara, aba ang maganda kong mukha nagalusan sa pinagagawa niya. Pasalamat talaga siya mahal ko siya bilang kaibigan eh, kun ‘di talagang sasampalin ko siya mga bente. Charot lang, baka isumbong niyo ako mahirap na, ayoko pa mamatay ng maaga gusto ko kase mamatay ng gabi choss.
“Tsk. Ang hangin maganda raw siya? Mukha ka kayang aso!” ani Dave, habang naghihintay kami na lumabas ang papatayin namin. Para naman kahit papaano, makaganti sa ginawa ni Kai tutal dahil naman sa pinapakuha niyang babaeng ito kaya kami pinaulanan ng bala at kunai.
“Aber! Paano mo nalaman?” tanong ko rito, nababasa ba nito ang iniisip ko.
“Kumain ako ng gulaman…” sagot nito kaya agad ko itong bintukan, napaka-pilosopo eh.
“Aray ha? Bakit mo ako binatukan? Tsk.” Tanong nito at nagsungit sa akin. Sinilip ko naman sa telescope ang loob ng bahay ng target namin. Nang makita kong palabas na ito, inaya ko na agad si Dave.
“Tara na nariyan na…” sabi ko at tumalon sa puno, at pumunta sa van na gagamitin namin para makuha ang babaita. Nakakagigil ang babaitang ito, tse. Gagantihan ko talaga ‘to, sisiguraduhin kong sisirain ko mukha niya, muntik na masira ang face ko dahil sa kaniya. Nang lumabas na ng bahay ang target namin, at nakita naming nag-aabang na ito ng taxi.
“Tara bilis!” ani ko at pinaandar na ni Dave ang van at huminto sa tapat ng babae. Huli ka balbon.
“Sin--- hindi na natuloy ng babae ang sasabihin nito nang takpan ko ng panyo, nama’y pampatulog ang ilong nito. Mabuti at hindi lason nilagay ko rito eh, pasalamat talaga siya tsk. Hinila ko naman ito papasok sa van at pinaandar na ni Dave ang Van. Pagkaradating namin sa headquarter dinala na namin sito sa torture room at inupo sa upuan, tinali namin ang dalawang kamay at paa nito. Tapos bago kami lumabas sinampal ko at tinadyakan ko muna ito, akala niya.
“Gago ka, Keys! Malalagot ka talaga kay Kai kapag nalaman niya iyan!”
“Nangigigil na kase ako eh, hindi mo naman ako isusumbong ‘di ba?”
“Depende, basta may 10, 000…”
“Gago, mukha kang pera!”
“Ikaw naman may kasalanan, mabuti nga presyon kaibigan na ‘yon eh!”
“Heh! Ewan ko sa’yo!” inis na ani ko at hinampas siya.
Kirhara pov
Natutulog ako sa puno, nang magising ako sa ringtone ng cellphone ko. What the fuck, pinalitan nila ang ringtone ko. Humanda talaga ang babaitang ‘yon sa akin. Sinagot ko agad ito ng makitang si Keys ang natawag.
“Hello, Kai! Ayos na ang pinapagawa mo, narito na siya!” ani Keys sa cellphone
“Good..” sabi ko at pinatay and tawag nandito ako sa school bumalik ako matapos kong kausapin ang dalawang bugok.
Tumalon na ako sa puno at pumunta ng cafetiria. Bumili ako ng makakain pagkatapos, umupo na maya maya lang dumating na naman ang mga panggulo sa buhay ko. Hidni talaga sila titigil sa paglapit sa akin.
“Hi, miss Konaide!” bati sa’kin ni montiverde tsk. Mangungulit na naman sila. Hindi ko ito tinignan at kumain na lang, ayoko makipag-usap sa kanila. “Hmmm…ano pala sasalihan mong club sa school fest?” tanong ni Clarnce.
“I don't know…” sagot ko rito.
“Miss, ayaw mo ba kaming maging kaibigan?” tanong naman ni Lay.
“Mabait naman kami eh,” sabi ni Clarnce bakit ba, masiyado silang makulit. Ayaw kong makipag kaibigan sa kanila dahil ayokong madamay sila sa gulo ng buhay ko, baka sila pa ang maging dahilan para bumagsak ako.
“Alin ba sa mga sinabi ko ang ‘di n’yo maintindihan? I don't need friend… magiging sagabal lang kayo sa buhay ko!” sabi ko at umalis na sa cafeteria.