Chapter34 Kirhara Pov

Dalawang araw na akong narito, nanghihina na rin ang buo kong katawan dahil sa pauit-ulit na pang lalatigo sa’kin at pagbuhos ng alcohol sa katawan ko. Nahihirapan na ako, pero hindi ako pwedeng sumuko. Paano ko makakamit ang hinahangad ko kung sa ganitong bagay pa lang suko na ako. Humahanap lang ako ng paraan para makaalis rito. Oras na maka-alis ako rito , sisiguraduhin kong lahat sila mamatay.

Kahit nanghihina ang katawan ko pinipilit kong tanggalin ang mga Tali sa aking kamay nang biglang may maalala ako, may dala nga pala akong knife na naka singit sa bulsa ng pantalon ko. Kay pilit kong inabot ang bulsa ko kahit hirap na hirap ako, nang makuha ko ang knife agad na tinanggal ko ang Tali sa kamay ko. Sinunod ko ang paa ko, tumayo ako at tumingin sa apat na sulok ng kuwartong kinaroroonan ko. May maliit lang na bintana sa kuwartong ‘to kaya kahit nanghihina tumapak ako sa upuang pinagtalian sa’kin at pinilipit na makalabas sa butas ng bintana. Nang makatalon na’ko sa likod ng kuwarto na ‘to tumakbo na ako sa kakahuyan. Gubat pala ang pinadalhan sa akin. Tumakbo lang ako ng tumakbo, kahit na nahihirapan at kumikirot ang mga sugat ko. Kailangan kong maka-survive, dahil hindi ko pa oras.

Third person pov.

“Hoy, ano may balita na ba bakit ‘di mo pa ma-hack ang location ng ating prinsesa? Baka kung ano na mangyari d’on eh!” sigaw ng kasamahan ng babaeng hinahanap ang kanilang prinsesa. Ilang araw na silang naghahanap ngunit hindi nila ito makita, kung saan man ito dinala ng mga kidnapper.

“Tang*na, Ang Hirap kaya ikaw kaya rito ng malaman mo!” mataray na ani ng kasama nito. Parehas na lang silang napabuntong hininga.

“Dalawang araw na, nag-aalala na ako baka kung ano nang nangyari sa kaniya…” mangiyak-ngiyak na ani ng babae.

“Huwag ka mag-alala, magtiwala tayo sa ating prinsesa alam kong matatag ‘yon at hindi papayag na mamatay…”

“Tch… ang bagal bagal mo kase,’ pag may nangyari kay Kairhara, ikaw sisihin ko…”

“Tse, manahimik ka nga!”

“Young lady and Master may balita na ba? Nahanap na ba ninyo ang kinaroroonan ng Young lady?” tanong ni butler Kin. Na kakarating lang rin galing sa paghahanap sa kaniyang boss.

“Wala pa nga, Butler eh. Nahihirpan masagap ng symtem ko ang location niya,”

“Humihina yata ang kokote mo, Keys?” biglang tanong ng isang taong kakarating lamang. Napalingon naman silang lahat at nagulat sa taong nakita.

“What the hell? Is that’s really you, Kairhara?” tanong ng kaibigan nitong si Keys.

“Hindi ba halata, Keys? Hindi lang pala kukote humina sa’yo, pati rin pala ang oaningin mo tch…”

“Ang pilosopo mo talga… Dave bilisan mo tawagin mo ang private doctor!” utos ni Keys sa kaibigan nito, wala namang naging paki si Kairhara, subalit pumunta lamang ito ng kusina at kumuha ng makakain.

“Oo, sige!” ani ni Dave at tumawag na sa cellphone.

“Wala akong paki kong busy ka, kapag may nangyari sa kaibigan ko. Papatayin kita!” banta nito sa doctor sa ‘di pagpayag na pumunta. “Okey good…” sabi pa nito at binaba na ang tawag.

“Papunta na raw ang doctor,”

“Good. Kairhara, humiga ka na at para makapagpahinga ka.”

“Kumakain pa ako eh, saka hindi ko pa oras para magpahinga tch…” pamimilosopo ng dalaga, ngumisi lang ito sa kanila at umupo habang kumakain. “Remember, matagal mamatay ang masamamg damo,”

“Ewan ko kung maawa ako sa’yo, o maiinis eh. Ang pilosopo mo kase!” may pakainis na ani ng kaibigan nito.

“Young Lady? Maayos lang po ba kayo? Sino kumuha sa inyo, ipag-utos niyo lang at ako na gaganti para sa inyo!”

“Ayos lang ako, at hindi mo na kailngan ma-involve rito. Ako na bahala sa kanila…” nakangising ani Kairhara. Maya maya lang dumating na ang doctor at ginamot ang mga sugat ng dalaga at pinatulog na rin ito. Para maipahinga ang bugbug nitong katawan.