Chapter 14 Whatever Happens
Dawn POV
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan palagi akong pumupunta para mag-isip isip at para na din lumayo muna sa mga tao sa palasyo. Natagpuan ko ang lugar nato 10 years ago, nalulungkot ako that time kaya naglayas ako at dito nga ako dinala ng mga paa ko. Maganda ang lugar, mayroong iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak, at mahangin din kaya nakakagaan ng pakiramdam.
Nakatayo lang ako dito habang nakapikit. Nang may naramdaman akong presensiya ng mga tao kaya binuksan ko ang mga mata ko at siya namang pagsulpot ni Silver sa harapan ko mismo.
"Love" rinig kong sabi ni Silver bago ito nawalan ng malay. Sinalo ko siya at yakap yakap ko na siya ngayon. Gaya nung una niyang hawakan ako, naramdaman ko na naman yung kuryente. Akala ko nga kapangyarihan niya yun pero nung sabi niya na wala daw siyang kapangyarihan, ibig sabihin nangyayari talaga ito pagmagkadikit kami.
Tsaka yung Love, ito yung mga salita na sinabi din niya nung una kaming nagtagpo. Hindi ko mapigilang mapangiti, pero sandali lang ng narealized ko na parang may mali.
"Prin.. sesa" sabi bigla ng isang tao. May mga ibang tao nga pala dito ngayon. Si Anna yung nagsalita. Ngayon ko lang din nakita ang kalagayan nila. Hindi maganda toh, hindi stable yung life force nila. Mukhang maayos tingnan ang iba bukod kay Anna pero ang life force nila hindi, masyadong mahina, parang galing nawalan ng buhay na ibinalik muli. Kailangan kong lumayo dito kundi mapapahamak sila pagnagtagal pa ako.
"Anna stay here along with them. I'll summon someone here to help you. And I have to go, but I'll be taking Silver." sabi ko sabay talikod habang kinarga ko si Silver tsaka ako tumakbo ng mabilis. I can't used my power here yet kundi mapapadali lang ang lahat, considering na din sa situation nila, hindi nila kakayanin, kaya kailangan kong lumayo. Si Silver hindi siya maapektuhan dahil sa cursed niya pero yung iba ay baka hindi kayanin.
This is the reason why masyadong mahigpit ang Northville, malalakas lang pwedeng makapasok sa loob, at ang mga nakatira din dito sa Northville ay malalakas din. Yung kayang makigsabayan sa aura ko at presence ko. My aura is quite suffocating, if you're not strong enough to handle it, it will harm you or perhaps take away your life. Para itong lason na unti-unti kang papatayin ng hindi mo alam, kukunin kasi nito ang life energy mo at pinupuno sakin, ibig sabihin, pinapatay ka pero pinapalakas ako.
It seems like a light aura at first pero pag may masense itong life energy na mahina, magsisimula itong maging intense. I've only got a maximum of 5 minutes para makalayo dahil after that, death is coming. I don't know how many lives I've took already because of it. And I really hate it, coz I can't do anything, hindi ko ito macontrol at hindi ako natutuwa na pinapalakas ako nito dahil kapalit naman ang buhay ng mga tao.
I really hate it. I hate the idea na wala akong magawa. I'm the princess of Arklaria but I feel like a monster who take away lives of my own people. I wish I just die, but I can’t. Fate won’t let me, my covenant won’t let me. So, I’m here, still alive and still sane despite the things that happened to me. I want to know more about my people, but only strong people lang ang makakalapit sa akin at malalapitan ko din, ang unfair nga pero yun lang ang option na mayron ako.
Bumisita naman ako minsan sa ibang bahagi ng Arklaria pero napakabilis lang, dahil ginagamit ko ang kapangyarihan ko and usually doon ako sumusulpot sa kung saan wala masyadong tao. Yung sa case naman ni Silver nung humingi siya ng tulong before, mabilis lang sana akong aalis nun, kundi lang dahil nasense ko na parang may kakaiba sa bahay nila. There’s a strong aura sa bahay nila, parang pili lang ang pwedeng makapasok, at parang may barrier din, kaya hindi ko alam kung bakit ako nakapasok doon. But still I’m thankful dahil nakita ko din siya sa wakas. So I stayed there for almost an hour. Kilala ko na si Silver noon pa lang, pero yun ang una naming encounter. Umalis na din ako doon pagkatapos ng makita kung maayos na naman siya at pinapunta ko si Annie doon kinaumagahan.
Tungkol naman sa nakakita sa akin, bukod sa mga tao sa palasyo at yung ibang nakatira sa Northville ay yung mga kasama palang nila Anna ang nakakita sakin. Hindi ako pwedeng makipagsalamuha sa kahit na sino outside Northville para nadin sa safety nila.
Mayron nga akong covenant, however my covenant can't help me in this matter. My case is quite complicated.
Siguro malayo nato, kaya nagsnap ako bigla para magsummon. Sumulpot siya bigla at tiningnan lang ako ng walang emosyon, tapos tumingin sa taong karga ko.
"Help them. Anna is there with the others. Help them." sabi ko at naintindihan naman niya kaya nagbow ito at bigla nalang nawala sa harapan ko.
Nagsnap ulit ako para makalayo na sa lugar na yun at napunta kami sa may falls banda. Falls hmmm
Tumingin muna ako kay Silver. She looks so peaceful and ngayon ko lang nakita na may mga pasa pala siya sa mukha pati nadin ang kamay niya. Sa training ba ang punta nila kanina? Pero bakit ganun ang nangyari, parang may mali at ang aura ni Silver kanina bago siya nawalan ng malay ay kakaiba. Impossible namang ang cursed niya yun, wala pang 18 si Silver. Sa pagkakaalam ko, maaactivate ang kapangyarihan niya pag 18 na siya, ibig sabihin din nito, maging isa na sila ng curse niya.
Now when I think about it. Hindi ko siya masense kanina, at hindi ko din naramdaman ang curse niya, wala na ding sinasabi ang covenant ko sa akin. Is something wrong? Bakit parang may nagbago?
Tumingin ulit ako kay Silver at hinawakan ang mukha niya at hinaplos ito. Such an angelic face and soul. Comforting.
Tumingin ako sa paligid. Quite a forest, may nakita akong mga bulaklak sa unahan kaya naglakad ako papunta doon.
“Flowers, can you help me? Pwede ba muna kayong maging higaan? Gusto ko siyang makapagpahinga ng maayos.” sabi ko sa kanila habang nakatingin ako kay Silver. This girl is so precious to me. Ayokong nakikitang nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Ayaw kong dumating ang araw na yun. Ang araw na maghaharap kaming dalawa. Parang hindi ko yata kakayanin, but I’m really hoping na hindi mangyayari yun.
The flowers did what I asked with the help also of other plants. I can ask nature anything, and they obey me. Well they can also decline, that depends on them.
Nagpasalamat ako pagkatapos at nilagay si Silver doon. Umupo ako sa tabi ni Silver. I’ve decided na isama siya dahil gusto ko siyang makasama. Hindi ako nakapagbisita sa kanya nung nawalan siya ng malay sa palasyo, I let her stay muna sa kwarto ko nun pero kinabukasan ay nagalit sakin yung Rania at tinawag ang mama ni Silver, kaya iniuwi siya sa Southville kung saan hindi na ako nakapagbisita dahil ayokong may mapahamak pag pumunta ako doon kahit sandali lang. So this time, babawi ako, dahil di ko din alam kung kailan pa kami magkakita sa susunod.
Tiningnan ko ulit si Silver at hinawakan ang kamay nito. “Whatever happens... whatever is written in that prophecy... I am going to save you... even if it cost me my life.... I will definitely save you... Silver” tsaka ko hinalikan ang kamay niya.