Chapter 16: Match

Emma POV

Nasa harapan namin nakatayo ang isang tao na itim lahat ang kasuotan habang yakap yakap nito ang walang malay na si Silver.

“Prin.. sesa” sabi bigla ni Annie. Natigilan ako pati na din ang mga kasamahan namin. Hindi ko inaasahan na makikita namin siya dito. Hindi pa kasi namin siya nakikita kahit kailan at konting tao lang ang nakakita sa kanya.

Tumingin siya bigla sa amin at natigilan. “Anna stay here along with them. I'll summon someone here to help you. I have to go, but I'll be taking Silver.” sabi nito at tumalikod at tumakbo ng napakabilis.

“What the! So siya ang prinsesa pero bakit siya tumakbo palayo?”

“Baka ayaw magpakita sa atin o takot siya sa atin?”

“Saan ba tayo? Nasa Northville ba toh? Ang ganda pala dito.”

“Oo nga, pero diba may rumor tungkol sa lugar nato at sa prinsesa? Hindi ako naniniwala doon pero bakit parang totoo?”

“I also heard about it pero hindi naman kapani-paniwala.”

Habang nagkwekwentuhan sila ay nararamdaman ko na parang bumibigat ang lugar, kahit wala na dito ang mahal na prinsesa pero ang aura niya ay nanatili parin, I mean parang pareho nung kanya, yun bang para siyang source ng lugar nato.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin at nakita ko na parang naramdaman din nila na parang bumibigat ang lugar. Pinuntahan ko nalang si Anna dahil hindi talaga maganda ang kalagayan niya. Alam kung mahina ang life force namin ngayon at sa tingin ko, hindi pa kami masyadong makagamit ng aming kapangyarihan.

“Okay ka lang ba?” sabi ko dito. Kahit takot ako dito dahil nga cold masyado, pero naramdaman ko naman na nag-alala din siya sa amin kanina.

Hindi siya nagsalita pero bigla siyang umubo ng dugo. Hahawakan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita.

"I'm okay." tapos nagsign na wag ko siyang hawakan at pumikit ito tsaka huminga ng malalim pero umubo na naman ulit ito ng dugo.

Bumibigat na talaga ang paligid, medyo nahihilo na ako, pero wala akong pakialam doon dahil mas mahalaga ngayon si Anna, dahil mas malala ang kalagayan niya.

Kaya dali dali akong kumuha ng panyo at pinunas ko sa bibig niya tsaka ko kinuha ang isang kamay nya at inilagay sa balikat ko para alalayan siya.

Cold nga toh at totoo na takot na takot ako dito. Pero sa ngayon, isinawalang bahala ko muna yun, para sa kaligtasan din niya. Magalit nalang siya sakin pag ayos na siya.

"Stubborn." rinig kong bulong niya. Pero hinayaan niya naman ako.

Hindi siya mahilig sa mga ganito, sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw niya na hinawakan siya. Pero buti naman at nagpahawak nato ngayon.

"Hindi tayo ligtas dito. Kailangan natin.. makaalis." sabi nito na parang nahihirapan talaga at umubo na naman ulit ng dugo.

"Sshhh, wag ka munang magsalita." sabi ko. Nahihilo na din ako, hindi talaga maganda ang aura na nakapalibot sa lugar nato parang.. parang kagaya nung nasa cursed territory na ang aura mismo ng lugar ay parang aura din ng cursed creature, pero mas malala nga lang yung sa cursed creature.

Now, when I think about it, hindi kaya cursed place talaga ang lugar nato? Pero bakit ganun? Bakit parang ang aura ng prinsesa ang source? Don't tell me.. isa siyang...

May naramdaman ako bigla na kakaibang presence. Kaya kahit nahihilo na ako ay tiningnan ko padin ito hanggang naging malinaw sa akin ang kabuohan nito.

There I see a lady... red hair, red eyes and black clothes with a weird presence.

"Tsskkk" rinig ko mula dito tsaka tumingin sa taong yakap yakap ko na ngayon dahil nawalan yata ng malay. Kilala niya ba si Anna?

Umubo ako bigla, parang kunti nalang at mawawalan na din ako ng malay. What is wrong with this place, ang sakit sa katawan.

She snap her finger and suddenly nasa harap na kami ng lahat ng trainees na parang gulat na gulat sa kalagayan namin. Nakahinga na din ako ng maayos, hindi nga lang nawala ang pagkahilo ko.

Hindi ko pa din binitawan si Anna hanggang ngayon. Bahala nalang pagpagalitan niya ako paggising niya hayy. Umubo ako bigla. Bago ako nawalan ng malay nakita ko na may mga taong papalapit sa amin, mukhang mga healers yata.

Rania's POV

The heck is wrong with this training. Nakabalik na kaming lahat dito pero ang grupo nila ni Silver ay wala pa din. Sa lahat ng grupo sila lang ang hindi nakabalik, at ang sabi ng trainer na maghahandle sa kanila ay hindi daw napunta ang grupo sa destinasyon nila para sa next round ng training.

Kaya alalang-alala ako kung ano ng nangyari kay Silver. Hindi kasi nila matrace kung nasaan ang mga ito.

Habang nag-iisip ako sa mga posibleng nangyari sa grupo nila. Biglang may sumulpot na grupo sa harapin namin na hindi maganda ang mga kalagayan. If I'm not mistaken, ito yung grupo niya pero wala siya dyan. Ng bigla akong napatingin sa babaeng may pulang buhok, pulang mata at itim lahat ang kasuotan. Siya lang ang nakatayo sa kanila dahil ang iba ay nawalan na yata ng malay.

This presence.... that appearance... no don't tell me... she's a demon? Not just an ordinary demon but a level 5 demon. What is going on?!

Baka kalaban toh? Kaya naghanda ako, baka sakaling aatake siya. Pero nakaataayo lang ito at walang ibang ginawa. Mukhang hindi naman aatake. Si Silver nasaan?

Someone runs towards the group, towards kay Anna pala, at umupo sa harapan ni Anna para icheck ito. Siya yung kasama ni Anna nung isang araw, isa din tong royal guard. Sa pagkakatanda ko, Cher ang ngalan niya. May mga healers nadin na sinisimulan ng gamutin ang grupo.

Cher look up at mukhang gulat na gulat sa nakikita niya, kaya bigla siyang tumayo at yumuko. Really yumuko siya? Who the heck is that demon that even a royal guard ay yumuko?

"Hereum".. rinig kong sabi ni Cher.. Hereum? What's that? Name niya?.. who cares anyway.

Tiningnan ko ulit ang grupo at tumingin kay Anna. Ang dami niyang sugat, I know na malakas siya kaya hindi ko inasahan na ganito ang kalagayan niya ngayon. Pero kung yang demon nga ang nakalaban nila, may sense kung bakit naging ganyan. Pero parang hindi, dahil kilala yun ni Cher.

Why is Silver not with them? Kaya pumunta ako sa harap para komprontahin siya kung nasaan si Silver.

"Excuse me?" sabi ko with a cold voice. Tumahimik ang paligid. Bigla itong tumingin sa akin, at nagtitigan kaming dalawa. Wala akong balak magpatalo sa kanya kahit sa titigan pa yan.

"Where's Silver? Kulang yata ang dala mo?" sabi ko dito na nakatitig pa din sa kanya. She did the same thing. Tinitigan lang niya ako.

"Why?" why? the heck, ba't di nalang niya sagutin ang tanong ko.

"Someone important to me is nowhere in sight, so tell me, nasaan siya?" sabi ko sa kanya with a poker face.

"Important?".. Seriously? di niya ba alam kung ano yun?

"Mahalaga sa akin" sabi ko dito.

Lumapit ito ng dahan dahan habang hindi pa din bumibitaw sa titig niya. Huminto siya sa harapan ko.

"She's fine" sagot nito. Nakakairita nato hah.

"That's it? She's fine?" sabi ko, naiirita na ako but I keep myself in control.

"Yes" sabi nito at tatalikod na sana, kaya lang hinawakan ko ito sa braso at ihinarap muli sa akin.

"Don't dare to turn your back against me demon." sabi ko dito na nagbabanta. Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko.

Tumingin ito sa kamay kong nakahawak sa kanya sa braso.

"Is it not a sin to hold me, Angel?" sabi nito at nakipagtitigan na naman sakin pero ibinulong lang nya ang last word.

"Don't test me demon." sabi ko at hinawakan siya ng mahigpit. Bigla itong ngumiti na parang naaaliw siya. She's annoying.

"You're interesting. I didn't expect that an angel would be here." sabi nito habang ang isang kamay niya ay hahawak na sana sa mukha ko pero napigilan ko ito.

"Don't touch me." sabi ko.

"And you're allowed to touch me?" tanong niya na nakasmirk.

"That's not fair." sabi pa niya at pumikit. Habang nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. I’m still waiting sa sagot niya kung nasaan si Silver.

"You know, I'm not a fan of unfair, so to be fair..." bigla ako nitong hinawakan sa bewang at inilapit sa kanya. Masyadong malapit sa kanya. Sira ba siya? ang dami kayang nakatingin. I wan't to let go pero sobrang lakas niya. I released an air magic pero no sense dahil hindi man lang natinag toh.

“Let go, I command you!” sabi ko na galit na galit na talaga sa kanya.

She just chuckled. “You know, you can’t use your commandment against me, and I think you know the reason why.” sabi nito at inilapit pa ako sa kanya, Dikit na dikit na kami, at sobrang lakas niya pa, hindi ako makawala. I can’t use my real powers here, malalaman ng iba kung ano ako and this damn demon used it against me. Besides tama siya, I can’t command her.

"To answer your question.." natigilan ako nung sinabi niya yan at nag-antay sa susunod niyang sasabihin kahit ang awkward ng posisyon namin.

Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko tsaka bumulong.

"she's with the... princess" sabi nito sabay dinilaan ang tenga ko. What the!!!

Hindi ko gusto yung narinig ko pero mas hindi ko gusto yung ginawa niya. Demon nga talaga toh.

"Let me go!!! You damn de..." sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas, bwiset ang hirap pala makaharap ng isang level 5 demon. Hindi ko nalang din tinapos yung sasabihin ko sana, baka magpanic pa yung iba dito.

"Sure my dear sweet little angel. See you again." ngumiti ito at biglang nawala. I can't help but mamula sa kahihiyan. Bwisit that demon is so damn annoying. Lagot ka sakin pagnakita kita ulit. Nakakabwiset ka! But hopefully hindi na kita makita kahit kailan!

"What are you looking at?!" sabi ko sa mga nakatingin. To hide from the embarassment, I maintain a cold expression. Si Annie ay bigla nalang napunta sa tabi ko na nakangiti o nakasmirk?

"What the heck are you smiling, smirking at?!" tanong ko dito na nakakunot ang noo, at alam kung alam niya na galit ako.

"oh uhm, nothing.. just.. finally someone breaks down that coolness of yours hahaha" hindi na niya kinaya, tumawa na talaga siya. Bwiset toh, ako pa talaga napagtripan ngayon. Kung hindi ko lang toh kaibigan, lagot talaga toh sakin.

"I guess you found your match" sabi nito sabay tapik sa akin sa balikat at umalis na nag hahum pa. The heck, matchhh???!!!