Chapter 13 Wall of Chains

“This is not good.” rinig kong sabi ni Anna. Mukhang nahalata din niya na kakaiba ang aura ng place.

“Everyone stay close. We’re in a cursed creature territory.” sabi ni Anna sa amin. No wonder kung bakit ang aura ng place ay kapareha nung sa may babaeng galing sa hukay. May naencounter na kaya siyang cursed creature before?

“They better give me a good reason why we end up here kundi mapapatay ko talaga ang may pakana nito.” bulong niya na naiirita na, pero rinig na rinig ko naman dahil magkatabi na kami ngayon.

“Ano pala ang cursed creature?” tanong nung isang lalaki, teka familiar toh, mukhang taga Eastville din siya. Mukhang alam naman ng iba dito kung ano yun, pero yung taga Eastville lang talaga ang walang kaalam-alam.

“They are people whose being punished for what they’ve done in the past. They trade their souls for something they desire. After they died, they become a curse, made to destroy, pero may own territory sila, and pagmapunta ka sa territory nila, little to no chances of survival for you.” sabi nung babaeng nagtanong sa’min kanina kung pwede bang sumali sa amin.

Pero diba hindi naman lahat masama? Gaya nalang nung babaeng galing sa hukay. Hindi naman masama yun eh, pero di din naman mabuti. Tsaka patay na pala talaga ang mga cursed creatures na pinarusahan daw.

“Pero diba di naman lahat sila masama?” tanong ko.

“What are you talking about? Like I said they are made to destroy so basically masama sila.” sagot naman niya.

“Some used to be good people nung nabubuhay pa sila. Others might regret it so much. But whatever the reason is, even if it’s for good or saving other people or getting what you desire, once you trade your soul to that something powerful, you can’t escape it because after you die, you’ll become a cursed creature made to suffer or destroy others.” sabi bigla ni Emma.

“What is that something powerful?” tanong ko, ngayon lang kasi nagsink in sa akin yung something powerful, ano kaya yun? What kind of creature is that? I remember the king said something about this, but I didn’t know na kahit good reasons yung pagtrade mo ng soul mo ay sa cursed ka parin talaga hahantong.

“I don’t know.” sagot niya.

“We don’t know. People just said it’s something powerful but we really don’t know what it is.” sabi naman nung isang babae na nasa likod ko.

“Can we just cut the talk and plan on how to get out here?” iritang sabi nung babae kanina na nagtanong samin kung pwedeng sumali, hayy mukhang may attitude nga toh pero tama nga naman siya,

“We can’t unless the cursed let us.”

“Seriously?! Ugh so kailangan pa natin makaharap yun?! Bwesit.” sabi niya na iritang irita na.

“Calm down, Zena. Makakalabas din tayo dito.” sabi naman nung katabi niya. So Zena ang pangalan niya, can she calm down first?

“Makakalabas?! There is only a low chance of survival in facing a cursed creature and what if this creature is a high level cursed creature?! so definitely hindi ko alam kung makakalabas paba tayo!”

“Look, madami tayo, okay? Nandito din sina Anna at Damian, so baka may chance pa tayo. Calm down muna okay?” sabi nung kaibigan niya, atleast she has a friend to calm her down. But who’s Damian, anyway?

“Kung alam ko lang na mapupunta tayo dito, mas mabuti pa sigurong tinanggap ko nalang yung punishment kaysa dito.” sabi naman nung isang babae sa likod. Tama siya mas mabuting yung punishment nalang kaysa dito. Mukhang sumang-ayon naman ang iba based sa ekspresyon nila at ang nahimik nila hah.

“Sshhh, don’t talk.” sabi bigla ni Anna kaya tumingin ako sa direction niya at nakita ko siyang nakapikit.

“At bak...” she was cut off by Anna, “Don’t talk” ulit nito. Sudddenly, may naririnig kaming tunog ng mga kadena.

All of the sudden, the aura of the place becomes intense. Pinagpawisan na ako sa aura pa lang. Hinawakan bigla ni Emma ang braso ko kaya tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya. Kinakabahan na din ako pero pinipilit kong wag ipahalata sa kanila at wala din akong kalaban laban dito dahil wala akong kapangyarihan. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

Ang naririnig lang namin ay ang tunog ng kadena sa buong lugar, wala pa kaming nakikitang cursed creature kung nasaan man siya.

“Emma, can you locate the location of the cursed creature?” sabi bigla ni Anna. Pati si Anna hindi din alam kung saan ngayon ang cursed creature. Kalat kasi masyado ang aura ng lugar kaya hindi ko din alam kung san banda ang creature na ito. Since Emma can read aura and energy of souls, baka malocate niya.

“On the left side.” sabi ni Emma na nakapikit at medyo nanginginig.

“Pa.. punta na siya.. dito.” sabi pa niya kaya hindi ko maiwasang kabahan dahil nga walang duda makakalaban namin ito.

“Everyone stay focus, and ready yourselves.”

Lumalakas ang tunog ng mga kadena, kaya alam kong nasa malapit na ito. Madami kasing nakaharang na parang mga metals na hugis puno and we’re in the middle of it, kahit saan kami tumingin ay nakikita namin dahil napapalalibutan kami nito.

May nakita na akong naglalakad palapit sa amin, hindi ko pa nga lang makita ang kabuoan nito. Ang dami kasing harang at dim pa ang lugar, kaya alam ko ding hindi tatablan ng liwanag ang cursed creature na ito.

Nasa harapan na siya namin ngayon. Nakamaskara siya ng metal pati din suot niya ay metal. But based sa figure nito ay babae siya. May hawak hawak siyang kadena sa dalawang kamay niya. Okay, what will we do now?

Nasa harapan na namin ito. Hindi pa siya kumukibo... parang pinapakiramdaman kami? pero bakit?

Wala ni isa sa amin ang kumibo. Nakatayo lang kami, nakatingin din sa kanya at pinapakiramdam din ito. Ng biglang may nagsalita sa likod.

"I'm sick of this, I want to go home now." sabi na naman nung Zena at pumunta sa harapan.

"Cursed, we're not here to fight, mind letting us out?"

Hindi kumibo ang cursed, nakatingin lang ito kay Zena ngayon.

"Cursed, let us out." Sabi ulit nung Zena.

Bigla nitong itinaas ang kamay niya paharap sa amin habang hawak hawak pa din nito ang kadena. Ng bigla nitong itinuro si Anna.

Mukhang nagulat din si Anna nun pero hindi nito pinahalata. Tsaka siya pumunta sa harapan.

"What do you want from me?" tanong ni Anna. Hindi ito nagsasalita, itinuro pa din nito si Anna.

The aura's of the place suddenly change kasabay nito ang pagbago ng anyo ng lugar. Yung mga metal na parang hugis puno ay bigla nalang nagbago. It connects to the others and become a wall. A wall of chains at pinalibutan kami nito.

"D... Di.. ee." sabi bigla ng cursed creature. Die? Hah?

Bigla nalang may papuntang chains sa harapan namin. Kaya umiwas kami. Pero hindi ko akalain na may chains din sa likod na papunta sa direksyon namin. Buti nalang naiwasan ko, at yung iba naman ay nailigtas nung lalaking may intimidating na aura. Hindi naman ako magaling sa combat, pero pag tungkol sa iwas, nakakaya ko.

Tumingin ako sa harapan, at nakita ko na nakipaglaban na si Zena at Anna sa cursed creature. Kaya lang hindi nila ito malapitan dahil may aatake sa kanila na chains kada hakbang nila. Anna tried to go near the cursed creature kaya lang may bigla susulpot na chain-like shield dito at aatake ang mga chains sa kanya kaya aatras siya tsaka balik ulit sa laban. Takbo, iwas, talon, yan ang ginagawa namin, ngayon ko lang din narealized na hindi ginagamit ng mga kasama ko ang kapangyarihan nila?

"Damn, I can't use my power." rinig kong sabi ng isang kagrupo ko.

"Seems like this place can nullify our powers." sabi naman nung isa habang patuloy kami sa pag iwas ng mga chains na papunta sa amin.

The wall made of chains keeps on moving, hindi sila tumitigil at may bigla nalang aatake sa amin mula doon. Kaya kinailangang mag ingat ng sobra dito.

"Ahhhh" rinig kong sabi ng isa kong kagrupo. The chain caught her, tsaka siya hinila papunta sa wall at kinapitan ng ibang chains ang katawan niya. Wala kaming magawa dahil wala kaming gamit panlaban sa mga kadena, at hindi din kami makakagamit ng kapangyarihan sa lugar nato. Kaya napakahirap, nakakalito, mukhang no chances nga kami dito. High level na cursed creature siguro toh.

I tried to run papunta sa iba kaya lang may nagsulputan sa harapan ko na mga chains, pero nagawa ko itong iwasan. Another set of chains attacked me, akala ko naiwasan ko na lahat pero may biglang lumabas na chains sa may paanan ko, at nagawa nitong hulihin ang paa ko at hinila ako bigla nito papunta sa wall of chains. My back hit the wall of chains and damn napakasakit. I cough blood.

The chains start to wrap themselves around me, but before it fully encircled me, I managed to see that my groupmates as well were already in the wall of chains and being wrap by the chains. While Anna, I saw her caught by the cursed creature at sinasakal na siya nito. Zena is nowhere in sight, mukhang nasa wall of chains na din siya.

It freakin hurts, my body hurts and the chains starts to wrap around my face and I can't breath. It freakin hurts a lot, and I.. my vision turned black.

Third Person POV

Only a few minutes left na mamawalan na sila ng buhay dahil hindi sila makahinga at wala nadin silang malay. Si Anna nalang ang natitirang may malay pa pero malapit na din itong mawalan ng malay. Hindi kasi niya magagamit ang kapangyarihan niya dito dahil nga may nullifying ability ang cursed place na ito. Then suddenly may nafeel siyang ibang aura, alam niyang hindi ito sa cursed creature na nasa harapan niya at sinasakal siya. Iba ang aura, mabigat, mas mabigat ito sa aura ng cursed creature na nasa harapan niya, hindi niya alam kung saan ito nanggaling pero alam niyang napakadelikado nito.

The cursed creatures also sense the presence of the terrifying aura. Nakakaramdam siya bigla ng takot, buong buhay niya bilang cursed creature, ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Alam niya, isang pagkakamali itong ginawa niya, at ngayon nararamdaman niya na ang wakas niya.

The place suddenly covered with colored black and violet. Pagtingin ng cursed creature sa mga chains niya ay naging kulay itim na ito at may mga violets na parang nagspaspark dito bigla. Wala siyang magawa kundi bitawan ang sinasakal niya at pati nadin ang mga bihag ng kapangyarihan niya.

The bodies fall onto the ground except one person, nakatayo lang ito at nakapikit na parang wala sa sarili. Anna managed to see who the person was, pero malabo ang paningin niya pero based sa figure nito, alam niya kung sino ito.

"Silver." she whispered. Gumalaw bigla si Silver na nakapikit pa din. Naglakad siya patungo sa cursed creature.

"You've crossed the line." sabi ni Silver na nakapikit pa din at nakayuko pero nagbago ang boses. Bigla kasing naging malalim ang boses nito, na parang boses babae pero may halong boses lalaki. Sa mga oras na ito, alam ni Anna na hindi ito ang Silver na nakilala niya, ramdam niya na parang ibang tao ito.

Ramdam din ng cursed creature kung gaano kabigat sa kanya ang aura nito. Nasasaktan siya sa di malamang dahilan, parang may nilagay ito sa kanya na hindi niya nakikita. Sumasakit bigla ang ulo niya pati na din ang katawan niya saka siya umubo ng dugo at lumuhod sa paanan ni Silver.

"Give back what you take" utos ni Silver dito. Walang magawa ang cursed creature kundi sundin ang utos nito, kapalit ng buhay niya, ay ang buhay ng mga tao na nandito.

The cursed creature slowly loses it's vision. "Is this the end? I still want to see someone" nasa isip pa nito. Cursed creature nga siya at wala siyang magawa kundi kumuha ng ibang buhay dahil ito ang nakatadhana sa kanya na gawin kahit ayaw naman niya, wala siyang magawa, tsaka pag may napatay silang sampung buhay, ang kapalit nito ay ang pagkabuhay muli nila ng tatlong araw. At para nadin sa minimithi niya na makita at makasama muli ang kanyang minamahal nung nabubuhay pa siya. Gusto niya itong makita, kahit isang beses man lang, para makapagpaalam siya dito ng maayos.

"Granted. You'll see the person soon. Make the best of it." sabi dito ni Silver, dahil nababasa nito ang ninanais ng kaluluwa ng cursed creature, kaya binigyan niya ito ng pagkakataong makasama muli ang minamahal. Pero mamatay na ito pagkatapos. Supposedly, hindi dapat sila mamatay dahil babalik sila sa pagiging cursed creature pagkatapos. Kumbaga parang cycle lang. Papatay ng sampung buhay para mabuhay muli ng tatlong araw, at babalik sa pagiging cursed pagkatapos.

"Thank you" sabi nito sa isip bago naglaho, kasabay nito ay ang paglitaw ng pintuan sa harap nila.

Silver opened the door. Alam niyang nagkamalay na ang mga groupmates niya. Some of them lost their lives at yung iba naghihingalo, but since the cursed creature take away their life force ay pwede nitong ibalik ang buhay na kinuha kapalit ang buhay nito. At ito nga ang nangyayari ngayon dahil nabuhay muli ang mga nawala at naging maayos ulit ang kalagayan nila except nga lang kay Anna.

"Go in first." sabi niya dito na nakapikit pa din. Walang nagbago sa anyo niya, parehong pareho pa din pero ang aura lang nito talaga ay nakakatakot. Masyadong dark ang aura ni Silver. Yung tipong, papatay kahit sinong makikita niya. Kaya naguguluhan din ang mga kagrupo kung susunod ba sila sa kanya. Dahil ramdam na ramdam nila ang deadly aura na nagmumula dito.

Anna can't help but cough blood, dahil napuruhan talaga siya doon sa laban. Tsaka ito tumayo at naglakad patungo sa pintuan.

"Let's go" sabi niya sa mga kagrupo. Kahit indecisive ang groupmates, wala silang magawa kundi sumunod nalang dahil ayaw naman nilang manatili sa lugar na yon.

Emma is terrified, she knows kung gaano ito kapanganib si Silver ngayon. It's a dark deadly aura kaya alam niyang masama ito, pero hindi niya maintindihan kung bakit sila tinulungan nito. She knows that she died, but she's here again nabuhay muli at hindi lang siya dahil bago siya nawala may mga kagrupo nadin ang nawalan ng buhay nun. Hindi niya nakita ang mga pangyayari pero nararamdaman niya na namatay nga siya. She can see and feel souls at alam niyang wala or nandiyan pa ito, and she can feel hers kanina na unti unting nawawala.

Pero kahit anong reason paman, magtitiwala nalang siya ngayon na hindi sila sasaktan ni Silver. Kaya sumunod siya kay Anna papunta sa pinto. At nakasunod din ang mga kagrupo niya.

Hindi maiwasan ni Anna na isipin kung bakit parang ibang tao ang kaharap niya ngayon at ramdam niyang masama ang aura nito, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nito tinulungan sila kung pwede naman nitong pabayaan nalang sila na mamamatay doon. At narinig din niya kanina ang sinabi nito na granted, ang pagtupad sa kahilingan ng isang cursed creature. It's not an act of evil but good, ramdam din niya na parang may sympathy nga toh kanina. Hindi niya naiintindihan ang mga pangyayari, gusto niyang magtanong kaya lang parang hindi niya kaya. Mamaya nalang niya aalamin ang mga pangyayari. Kaya pumasok nalang siya sa pinto na kung saan hawak hawak ni Silver para makapasok ang mga groupmates niya. Pagkapasok ng lahat ay sumunod siya dito.

Sumulpot sila sa lugar na hindi nila alam kung saan, at may isang tao na nakatayo sa harapan nila. Sumulpot bigla si Silver doon mismo sa harapan ng taong iyon. May sinabi si Silver bago siya nawalan ng malay, at sinalo naman siya ng taong iyon. Rinig na rinig ng tao na yun ang sinabi ni Silver.

"Love" gaya nung salitang binitawan nito sa unang pagtatagpo nila.