CHAPTER 8: DATE
Lorrain P. O. V
Halos hindi ko na nakita pang pumunta rito si Darius. Nahuli ba siya ng uwi nung isang linggo? Kaya nandun siya ngayon sa New York.
Agad kung kinuha ang laptop ko at nag simula ng magtipa ng may naisip akong bagong isusulat na kwento.
Title: Boy Next Door.
Hindi ko man kapitbahay si Darius atleast nagkakilala kami dahil kay Daph.
Nakangiti ako habang nag titipa habang sinusulat ang mga ediyang lumalabas sa isip ko. Ngunit agad rin akong napahinto ng may narinig akong kumakatok.
Tiningnan ko kung anong oras na. Alas tres na nang umaga. Sino namang bwesit na mang iisturbo sakin ng ganitong oras?
Agad kung sinave ang naisulat ko saka ko sinara ang laptop bago binuksan ang pinto. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Halatang pagod siya ngunit nakangiti parin ito. Nilakihan ko ang bukas pinto para sabihing pasok. Naintindihan niya naman iyon kasi agad rin itong pumasok.
Umupo ito sa sofa at pumikit.
"Bakit dito ka dumiretso?" tanong ko sa kaniya.
"Na miss kita! "
"Ha?"
"Nevermind" saka siya umayos ng higa sa sofa.
Dahil medyo matangkad siya ay hindi siya nagkasya sa sofa nakabitay pa ang paa nito habang ang braso niya ay nakatakip sa mata niya.
Hinubad ko ang suot niyang sapatos at iniwan ko ang medyas. Inayos ko siya ng higa. Saka ako umupo ulit sa sahig na may carpet para abot ko ang coffe table.
Binuksan ko ulit ang laptop ko at nagsimula ng magtipa. Ngunit hindi ko talaga maiwasang wag tumingin sa kaniya. Gumalaw siya ng kunti. Hindi na nakatakip ang braso niya sa mata. Kaya tumayo ako at pinuntahan siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang gwapo niyang mukha habang natutulog. Napangiti ako ng makita kong sobrang gandang kuha.
Nagdali dali akong bumalik sa pagkaupo sa sahig ng naramdaman kung gumalaw siya. Napatawa ako sa sarili ko. Hindi ko aakalain na magagawa ko ang mga bagay na kahit kailan hindi ko naisipang gawin.
Binalik ko nalang ang atensyon ko ngayon sa sinusulat ko.
Lalo na ito. Alam kung magugulat ang readers ko dahil kahit kailan hindi ako gagawa ng story na may happily ever after. Ngunit ang kwento na ito ay gagawin ko siya para may maniwala kahit kunti kung ano ang pagmamahal at para hindi sila matakot na sumubok magmahal.
Habang nagsusulat ako ay kada isang sentence ay tumitingin ako sa natutulog na si Darius.
Napalapit narin siya sa loob ko kahit na sa kunting araw lang kami nagkasama. Kahit kailan wala pang kahit isang lalaki ang pinayagan kung palapitin masyado sa puso ko. Siya lang.
Kinaumagahan nun ng magising ako ay sinabihan niya akong late good morning na raw iyon dahil hapon na. Tumayo na raw ako kasi lalabas kami.
Wala narin akong nagawa kundi ang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kung magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto at naabutan ko siyang nakaupo sa may sofa habang nakangiti sa kawalan.
"Mukha kang baliw dyan" paninira ko sa imahinasyon niya.
"Baliw sayo" saka siya tumayo at pinilupot ang braso niya sa bewang ko at iginaya niya ako palabas ng bahay.
Binuksan niya pa ang pinto palihim akong napangiti. Hmm gentledog. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero dahil may tiwala ako sa kaniya ay nagpaubaya nalang ako.
Huminto kami sa isnag di kalahikang bahay. Pero pagkapasok ko palang ay napakaganda at maraming nga bulaklak agad ang sumalubong sakin.
Flower farm ito.
"Hi DJ" may magandang babaeng lumabas at yumakap kaagad kay Darius.
Maganda ang babae. Morena rin ito. Kahit kailan sa buhay ko hindi ako naka ramdam ng insecurities dahil alam ko sa sarili ko na maganda ako. May kanya kanya tayong kagandahan.
"Date mo?"
"Yeah Black Beauty" bahagya pang tumango si Darius.
"Ang ganda mo" lumapit pa siya sakin at tiningnan ang kabuoan ko.
Sinuklay niya ang buhok ko. Hinalpos niya ang balat kong ma balahibo.
"Ang ganda ng kutis"
"Maraming nagsabi sa kaniya nyan. And now back off 'cauz she's mine"
"Napaka possessive mo naman akala mo naman may label" pang aasar nito kay Darius "Oh siya alis na ako pupuntahan ko pa si tiyang roon sa Flower Shop"
Nagpaalam pa ito samin saka siya tumakbo palabas. Hinawakan ni Darius ang kamay ko kaya medyo naiilang ako lalo na at nakaramdam ako ng kuryente.
Nag ikot ikot kami rito sa Flower Farm hanggang sa mahinto kami sa isang carpet na nakalapag sa may damuhan. May mga pagkain at prutas rin na nandoon.
Palihim akong napangiti. Iginaya niya ako sa may blanket at pinaupo kaya umupo ako at tiningnan ang pagkain namin.
"Ako nagluto niyan"
Bahagya pa akong naubo para asarin siya. Nagtagumpay naman ako dahil nakanguso na siya ngayon sa harapan ko.
"Okay fine, si Tita nagluto niyan" sukong sabi nito sabay nag iwas ng tingin.
Pinakawalan kuna ang tawa ko. Saka na nagsimula ng kumain. Magana akong kumain hanggang sa naramdaman kung may nakamasid sakin. Napangiti si Darius ng makita niya ang buong mukha ko.
May kinuha siyang messy bun at tinali ang buhok kung nakalugay.
"Ayan! Makikita kuna ang maganda mong mukha" matapos niyang itali ang buhok ko sa bun ay nakangiti na siya ulit ngayon. "Pwede ba kitang ligawan?"
Napatapik tapik ako sa dibdib ko dahil nasamid ako. Umuubo ako saka naman niya ako inabutan ng tubig na agad ko namang ininum.
"Ang bilis mo ha!" sabi ko sa kaniya para takpan ang kahihiyang sinapit ko.
"Yeah! Kaya nga Speedy ang code name ko"
"Code name?"
"Nothing" inipit niya ang buhok kung nakatakip sa mukha ko. Yung baby hair. Inipit niya ito sa likod ng tainga ko "Sabi nga nila walang right time at right place, dahil dipende lang yan sayo kung kailan ka magkakalakas loob na sabihin sa isang tao ang nararamdaman mo"
Hinakawan niya ang pisnge ko kasabay nun ang pag ngiti niya.
"Pasensya na kung masyado akong mabilis. Pero Lorrain" ang sarap pakinggan ang pangalan ko pag siya ang tumawag "Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Yan naman ang ibig sabihin ng panliligaw. Manliligaw ka para iparamdam sa kaniya na seryoso ka talaga lalo na pag hindi ka mahal ng isang babae o hindi ka gusto kailangan mo siyang ligawan, kailangan mo siyang paibigin. Kaya yang panliligaw hindi na yan kailangan ng permisyon dahil manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo"
Mukhang alam niya ang totoong ibig sabihin ng panliligaw.
"Ikaw bahala" pero sa kaloob looban ko nagsasaya na sila nag paparty na.
Ang puso ko naman sumisigaw na.
'Oo, Darius pwede mokong ligawan kahit wag kanang manligaw at tayo na'
Haller si Crush na ang nagtanong niyan noh baka nga pakasal pa kami. Okay na.
Pero tingnan natin at alamin kung pano nga ba manligaw ang isang Darius Jake Sanchez.