CHAPTER 9: I HATE THEM

Lorrain P. O. V

SIMULA ng sinabi niya sakin na liligawan niya ako ay hindi kuna siya nakita pa nung nakaraang araw. Nakakainis lang kasi nabebwesit ako sa kaniya. Siguro nahihiya siya sakin at gusto bawiin ang sinabi niya. Minsan lang kami nagkikita dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Tayka nga lang Lorrain kung makaasta ka parang girlfriend ha!

The hell! Papunta narin yun dun. Magiging girlfriend niya rin ako pag sinagot ko siya.

Agad akong napatayo ng may kumatok kaya dali dali akong tumakbo para buksan ito ngunit ang saya ko kanina ay napalitan ng busangot na mukha ng makita ko ang dalawa kung kaibigan rito.

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Kanina ang saya saya tas ng makitang kami pala ang kumatok ang taray taray" pagpaparinig ni Jaycee.

"May hinihintay kabang bisita Bessy?" tanong ni Daph.

"W-wala ano nga palang ginagawa niyo rito?"

"Diba dapat papasukin mo muna kami"

Agad kung nilakihan ang bukas ng pinto saka ko sila pinapasok. Pa feel at home pa sila. Si Jaycee ay nakahiga sa sofa habang si Daphne ay nakatingin sa laptop ko.

"Ms. Bitter! " sabay na sigaw nilang dalawa.

"Ohh?"

"Unexpected" sigaw ni Jaycee at tumingala pa

"Mag open ka nga sa BTC App" utos ni Daph.

Inirapan ko muna silang dalawa bago umupo sa may carpet at inopen ko ang BTC App ko sa laptop. Pagkabukas ko palang ay sabog na kaagad ang notification ko.

"What happen?" takang tanong ko kay Daph.

"Buksan mo"

Agad ko itong binuksan at halos lahat ng iyon ay nga comment nila sa story ko. Yung sa Boy Next Door. May Happily Ever After kasi ang story ni Hannah at Jake.

: Wow Mukhang inlove ang Author natin ha!

: Salamat naman at hindi na rin siya Bitter.

: Sino kaya ang lucky boy na nagpatunaw ng ampalaya na bumalot sa puso ni Ms. Bitter?

: Gosh face reveal na kasi!

: Yeah tama ka dyan! Saka pati na yung boy.

: Pic kayo dalawa.

Napangiti ako. Halos lahat pala sila nagdasal na sana hindi na ako bitter sumulat ng kwento.

"Sino nga ba ang lucky boy na yan?" tanong ni Jaycee habang nag iisip.

"Yung lalaki ba na papasok ngayon?"

Agad akong napatingin sa may pinto. Agad kong sinara ang laptop ko at napangiti aaka siya sinalubong. Binigay niya sakin ang isang boutique ng rosas.

"Good Noon" nakangiting sabi niya.

"O M G Kuya DJ" tili ni Daph.

Napairap nalang ako. Ang OA talaga nito.

"Face reveal na daw" bulong ni Daph sakin.

"Iwan na muna namin kayo rito" saka sila dahan dahang lumabas "Ninang ako ha! " pahabol na sigaw nila saka tumakbo palabas.

Rinig ko ang tawa ng lalaki na nasa harapan ko ngayon. Inakbayan niya ako. Saka kami nagtungo sa kusina.

"Bakit ngayon kalang?" nakapameywang na tanong ko sa kaniya.

"So hinintay moko?" may panunuksong ngiti pa ito.

"Oo, kasi gusto kung kumain ng tsokolate pero bulaklak ang dinala mo? Aanhin ko ang bulaklak na toh? Eh p-prito tas ipapakain sayo?" panunumbat ko.

Gusto kung matawa ng makita ko ang pagkamot niya sa batok niya.

"H-hindi ko naman alam na ano——"

"—Woi! Biro lang" dun kuna pinakawalan ang pinipigilan kung tawa.

"Labas tayo?" saka siya tumayo. Siguro para itago ang kahihiyan niya.

Tumango naman ako. Akmang magbibihis muna ako kaya lang hindi niya ako pinayagan maganda naman daw ang suot ko. Naka oversized t shirt ako at pajama.

Sumakay kami sa kotse niya saka niya ako dinala sa mall. Kumain kami doon nanuod ng sine. At kung ano ano pa.

"Bili kita ng alahas"

"Darius this is enough" pagpigil ko sa kaniya "Thank you" nakangiting sabi ko.

Ngumiti rin siya sakin. Saka namin nilibot ang buong mall hanggang sa mapahinto kami sa Bookstore. Napatingin ako kay Darius nakatingin lang ito sa mga libro habang sobrang dilim ng titig.

"Ayaw na ayaw ko talaga ng libro" panimula niya saka kami umupo sa may bench na katapat ng bookstore.

"B-bakit naman?"

"Lalo na sa mga writer" tiim bagang sabi nito "Kasi mga sinungaling sila. Pinapaniwala nila ang mga mambabasa na may forever"

"Dipende lang naman kasi yan sayo kung maniniwala ka. Opinyon lang nila iyan, imahinasyon"

"Kahit na! Hindi dapat sila nagsusulat ng mga nobelang hindi totoo. Ayaw ko talagang makakilala ng isang Writer nang iinit ang ulo ko"

Pano ako? Isa rin akong writer! Nang iinit rin ba ang ulo mo sakin?

Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Darius at nag iwas ng tingin.

"Im sorry" naging mahinahon na ang mukha nito "Nadala lang ako"

"It's okay. Tara na?"

"Saan mo ulit gustong pumunta?"

"Uwi na tayo" saka ako tumayo.

"Huh? Amh! Dahil ba toh sa inasta ko kanina——"

"—Hindi!" Mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya "Masakit na kasi ang paa ko"

"Yan kasi! Nakakulong lang sa bahay hindi ka nasanay na maglakad lakad" bumalik ang masiglang itsura nito. "Tara na hatid na kita"

Tumango naman ako saka nagpahatid na sa kaniya. Ngunit akala ko uuwi na siya ay nagkakamali ako. Sinabi niya pa saking dito raw siya matutulog. Wala akong ibang choice kundi ang patulugin siya rito.

Niligpit ko muna ang mga libro at ang laptop ko. Baka mairita pa si Darius at iwan niya ako pag nalaman niyang isa pala ako sa writer na kinamumuhian niya.

Napakaliit na bagay ang problema niya pero hindi ko parin talaga maiwasan ang hindi matakot. Baka kasi iwan niya ako at iwasan pag nalaman niyang isa akong writer. Isa akong sinungaling na writer sabi nga niya.

Hindi naman mga sinungaling ang mga manunulat. Wag natin silang sisihin kung hindi mo nakamit ang Happily ever after na hinihingi mo. Hindi naman kasi kami Cupid para kami ang magsulat ng itinadhana para sa inyo.

Yung mga sinusulat lang namin ay mga imahinasyon na tumatakbo sa isip namin. Pero alam ko namang nakakatulong rin ang mga kwento sa nobela.

Kaya nga may nakasulat na Warning: Work of Fiction. Kasi nga gawa gawa lang namin iyan at hindi iyon totoo.

Dipende parin sa inyo kung maniniwala kayo o hindi. Saka ginawa lang rin iyon ng mga manunulat para may pagkalibangan kayo at makalimutan niyo ang mapanakit na mundo.

Kaya wag niyong sisihin ang mga writer kung ang mga sinusulat nila ay hindi tugma sa buhay mo. Kasi may darating pa na tao na babaguhin ang buhay mo. Lalo na ang paniniwala mo.