CHAPTER 7: KUYA DAN

Darius P. O. V

Muntik na nila akong masarhan buti nalang at nakakauwi ako sa saktong oras.

"Sayang!" naghihinayang pa sila kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Gusto atah nila akong pumunta sa New York e.

"Boys! " napatingala ako para tingnan si Dad sa may dulo ng hagdanan.

"Yes Dad?"

"Unti unti ng bumabagsak ang kompanya boys please kailangan na ng kompanya natin sa New York ang tulong niyo"

Napatinginan pa kaming apat saka sabay na nag iwas ng tingin. Ayaw kung umalis lalo na at may bagong natitipuhan akong babae rito.

"Mag usap tayo"

Nagtungo kami sa sala at umupo. Ilang minuto na kaming nakaupo rito ngunit wala paring nagsasalita ni isa samin. Walang gustong mag volunteer na pumunta sa New York.

"Ikaw Danrio?" tanong niya kay Rio

"No dad!" mabilis na sagot nito.

"Ikaw Dave?" bumaling siya kay Davy.

"Ayaw kung iwan yung girlfriend ko rito Dad"

"Lalo na ako ayaw kung pumunta roon sa New York, may girlfriend man ako oh wala. Final!" matigas na bigkas ko

Sabay kaming napalingon kay Kuya Dan. Siya ang panganay samin. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot pero agad ein itong napalitan ng malamig na titig.

Wag ako Kuya. Im an Agent too. Kaya ko kayong basahin kahit na isa karin sa pinakamagaling na Agent sa grupo.

"Danello?" tanong ni Dad sa kaniya

"Okay po Dad" nakatungong sagot niya.

Pero alam ko sa kaloob looban niya ay umaayaw na siya.

"Good!"

Bago pa makatayo si Dad ay nauna ng tumayo si Kuya Dan saka siya umakyat sa taas. Napailing nalang si Dad bago siya tumayo sumunod narin ako at alam kung sumunod narin ang mga kapatid ko. Ngunit wala roon ang atensyon ko kundi nandun sa magandang babae na iyon.

Siya si Ms. Trespassing na natulog at nakibasa sa mga libro na matagal kunang tinago. Sa may abandonadong bodega.

Alam ko rin na siya ang naglinis nun kaya hindi alikabok ang sumalubong sakin kundi ang preskong hangin.

Kahit ganun ay nawala ang duda kung may gagawin siyang masama sa mini library ko. At ito na naman ngayon naging adik na naman ako sa mga kwento ni BitterNovelWrites. Lalo na yung kwentong Fake or Not.

Na kakatapos niya lang itong isulat dun sa Between the cover App. Bibili agad ako pag may for sale na ng libro nun. Dahil wala pa naman siyang bagong kwento ay habang naghihintay ay bibili nalang muna ako ng bagong libro. Pampaantok lang.

Nahahalata sa mga nobelang sinusulat niya na napaka bitter talaga niya dahil halos lahat ng gawa niyang kwento ay walang Happily Ever After.

DAHIL SA wala si Kuya rito at nandun siya sa New York inaasikaso ang kompanya roon ay ito ako ngayon ang may hawak ng kompanyang hinahawakan niya noon.

Okay lang atleast nandito parin ako sa pinas hindi pa ako babyahe ng ilang oras. Pero talaga nga bang tama ng pinili si Dad na si Kuya ang piliin niya?

Mukha kasing hindi e. Nakita ko kasi nun si Kuya nung isang araw sa may balkonahe namin. May katawag siya at halatang namomoblema.

Kahit minsan ay hindi ko nakitang naging malungkot ang mukha nito ng ilang minuto kasi kung bibilangin isang segundo ko lang makikita ang malungkot niyang mukha kasi papalitan niya agad ito ng malamig na tingin.

Nakita ko rin siyang umiyak nung isang araw pero ng mapansin niya ako ay agad niyang pinahiran ang luha niya at nagtungo agad siya sa kwarto.

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at tumingala ng mapansin kung namamasa na ang mata ko. Tama na! Kailangan ko ng permahan ang mga gagamitin lalo na at gusto kung makita si Miss Beautiful.

Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito at pumasok si Rio at Davy.

"Nakakapagod"

"Tanginang buhay toh" reklamo nilang dalawa at sabay na umupo sa mahabang sofa.

Tama nakakapagod. Isa pa nga lang ang nahawakan naming kompanya ay napagod na agad kami. Pano pa kaya si Kuya Dan? Na halos lahat ng kompanya ni Dad ay siya ang namahala?

Nag eenjoy akong nagbabasa ng pocketbook sa kwarto ko habang si Kuya ay naghihirap rito sa kompanya.

Tama nga naman ang sabi nila na masasabi mo lang na sobrang hirap ng buhay pag naranasan mo na talaga kung gaano ito kahirap.

"Isa pa nga lang ang kompanyang hawak natin pano pa kaya kay Kuya na halos lahat siya ang may hawak?" pabarang sabi ko sa kanila.

"Habang tayo nagsasaya siya naman ay nagdurusa. Naghahanap ako ng babae habang laging umiinom yang si Rio ikaw naman ay laging nagbabasa ng pocketbook. Si Kuya ay hindi na enjoy ang buhay kabataan niya" pag sang ayon ni Davy sakin

"Ginawa niya lahat, nag sakripisyo siya para maranasan natin ang normal na buhay. Habang siya ay nagpapagod na rito sa kompanya" dagdag pa ni Rio.

Ngayon lang namin naalala na sobrang hirap palang mag handle ng kompanya.

"Gusto niyang mag piloto ngunit hindi nangyari dahil kinuha niyang course ay Business Management"

"Wag niyo akong alalahanin" sabay kaming napalingon sa may pinto ng narinig namin ang boses ni Kuya.

"Kuya Dan!"

"Naparito ka?"

"May naiwan lang ako kaya bumalik ako" nakangiting sabi niya saka siya lumapit samin "Saka don't worry sanay na ako, oo una sobrang hirap lalo na at hindi ito ang gusto ko pero kailangan. Nagsumikap ako para ma kaya kung eh handle ang kompanya at para ma enjoy niyo ang buhay niyo" umupo siya sa visitor chair habang may nakaukit paring ngiti sa labi. "Salamat naman at natatak narin sa utak niyo ang mga sinakripisyo ko para sa inyo"

Napangiti rin ako sa sinabi niya. Saka ako sumandal sa may swivel chair ko.

"Wag kayong mag alala sa pangarap ko. Kasi palihim akong nag aral habang hawak ko ang kompanya"

Halos manlaki ang mata namin sa sinabi niya.

"Matagal na akong license pilot boys"

Tumayo kami saka namin siya niyakap ng mahigpit para hindi makahinga.

"T-tangina! H-huy di a-ako maka h-hinga" reklamo niya

Kaya sabay namin siyang pinakawalan habang tumatawa.

"Alis na ako!" ngumiti siya samin ng makuha na niya ang naiwan niya

"Ingat ka Kuya" sabay na sigaw namin.

"Dapat pagbalik ko rito may mga jowa na kayong tatlo" pagbibiro niya saka na siya tuluyang lumabas.

"May jowa na ako" sagot ni Davy.

"Wala akong plano" sagot naman ni Rio

"May natitipuhan na ako"

Sabay silang lumingon sakin ngunit ngumiti lang ako saka bumalik sa trabaho.