Chapter 11
Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.
Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.
Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September.
"Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna.
"Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna.
"Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September.
"Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman sa mansion? Kumusta ang amo mong pasan na yata ang buong daigdig? May nangyari ba or what? Nahulog na ba siya sayo?" sunod-sunod na tanong ni Sep na tila walang preno ang bibig.
Kumunot ang noo ni Anna, "Huh?"
Hinila naman ni Gina si Anna palayo kay September. "Huwag mong papansinin 'yan, malaki yata ang sira niyan sa utak. Halika na, nagluto kami ng masarap na mami." wika ni Gina sabay hila kay Anna papasok sa isang magarang kotse.
"Kaninong kotse 'to?" takang-tanong ni Anna.
"Mine." sagot ni September. Pumasok ang binata sa driver seat at binuhay nito ang makina. "Let's go, ladies! It's mami time!"
"Kapal ng mukha. Hindi ka kasama sa budget!"
Palipat-lipat ang tingin ni Anna kay Gina at September na tila mga aso't pusa na walang tigil sa bangayan.
Siniko siya ni Agnes saka bumulong ito.
"Huwag mo na silang pansinin, Anna. Ganiyan na talaga sila. Duda rin ako sa kanilang dalawa e. Sa tingin ko matagal nang magkakilala ang mga 'yan."
"Ate Agnes naman, kung maka-chismis parang wala ako rito a." sabat ni Gina sa usapan. Narinig pala nito ang sinabi ng matanda.
Mahinang natawa si Anna nang hindi na maipinta ang mukha ni Gina.
Nang makarating sa bahay ni Agnes ay pinaghanda ng mga ito si Anna ng mainit-init pang mami. Nagulat pa si Anna nang makita na ang dating Agne's batchoyan na pinagtatrabaho-an niya ay wala na.
Nagtatanong ang mga matang napatingin siya kay Aling Agnes.
"A-aling Agnes... A-anong nangyari sa batchoyan?" parang maiiyak na tanong ni Anna.
Nagkatinginan sina Agnes at Gina na may ngiti sa mga labi.
"Iyon ba, Anna? Wala na ang—"
"Ano'ng wala?! Ano po ang nangyari? Na-demolish po?" naiiyak na sabi ni Anna.
Nasa harapan lang ng bahay ni Aling Agnes ang Agne's batchoyan kaya kitang-kita niya na wala na roon ang maliit na bahay. Na bakante pero nakikita ni Anna na sinisimulang patayoan iyon ng kung ano man dahil may mga trabahador na gumagawa roon.
"Anna, kumalma ka muna. Heto naman ang O. A." ani ni Gina. "Iyong totoo niyan, dini-molish na talaga ang Agne's batchoyan dahil..." pinutol ni Gina ang sasabihin at tumingin kay Agnes.
"Papalitan na ng bago!" sabay na wika nina Gina at Agnes. Si September naman ay walang pakialam sa tatlong babae. Abala ito sa paghihigop ng sabaw ng mami. At minsan ay abala rin ito sa hawak na cellphone at pangiti-ngiti pa.
"Ano'ng papalitan?" naguguluhang tanong ni Anna.
"Papalakihin natin, Anna. Kaya sinira dahil papatayuan ng bago. Alam mo ba, Anna, na dahil d'yan sa tulong ni Mr. Valle at September e, maipapatayo ko na ang pangarap kong restaurant. Nagbigay sila ng malaking halaga para ipa-renovate iyang maliit na bahay ko." naiiyak na sabi ni Agnes.
Ikinagulat naman ni Anna ang nalaman. Binalingan niya si September, kumindat lang ang binata sa kan'ya.
Napangiti si Anna, may kabutihan pala talaga ang amo niya. Kungsabagay halata namang mabuti ang puso ni Brett, hindi nga lang halata dahil madalas nakasimangot.
"Natutuwa ako para sa'yo, Aling Agnes. Sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap mo." binalingan ni Anna si Sep at hinawakan ito sa braso, "Sir, maraming salamat ha." buong sinsiridad na pasasalamat niya sa binata.
"Just September, Anna." ani ni Sep.
"Buwan ng lagim na lang."
"Shut up, Gina." nakasimangot na saad ni Sep sa dalaga.
Natawa na lang si Anna at Agnes sa dalawa.
Pero sabay pa silang apat na napatingin sa labas ng gate ng bahay ni Agnes nang may kotseng pumarada roon. Nasa balkon lamang sila kaya kitang-kita nila kung may sasakyan sa labas ng bakod n'yon.
"Oh. That lunatic is here." ani ni Brett na tatawa-tawa pa.
"Mukhang may bwisita tayo a, 'di kaya si Rico iyan?" wika ni Gina.
"Si Sir Brett iyan. Kotse niya 'yan." sabi ni Anna sabay tayo.
Nakumpirma ang hinala ni Anna nang lumabas ng sasakyan si Brett. Tumawid sa kalsada ang binata at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bakod ng bahay ni Agnes.
"Ano pong sadya natin, Sir Brett? Ay, teka, halika muna at maupo. Tamang-tama may mainit na sabaw rito. Sandali lang ikukuha kita." magalang na salubong ni Agnes sa binata.
"No need. I came here for Anna."
"Bro, remember, naka-day-off si Anna." nakangising saad ni Sep sa kaibigan. Pero hindi ito pinansin ni Brett.
Tumango-tango naman si Anna bilang sang-ayon sa sinabi ni Sep.
"Sir, 'di ba po nagpaalam akong mag-day-off ngayon?" nagtatakang tanong ni Anna. Wala kasi siyang idea kung bakit siya sinusundo ng amo. May cellphone na naman siya at sa pagkakatanda niya ay may number siya kay Brett kaya bakit hindi na lang ito tumawag?
"Let me guess, bro. Did you miss, Anna, agad no?" May pangisi-ngisi pang sabi ni Sep. Binatukan ni Gina si September kaya napakamot sa ulo ang huli. Nagulat naman si Anna sa sinabi ni Sep. Namula pa ang pisngi niya sa hiya.
"That's not true. Bakit ko naman mami-miss si Anna? I came here to tell her na hinahanap siya ni Paolo. At hindi kakain ang anak ko kung wala si Anna, so shut the fuck up, September." Hindi alam ni Anna kung bakit parang kinurot ang puso niya sa sinabi ni Brett. Straight to the point iyon kaya naman tinamaan siya.
Huwag kasing assumera, Anna! Kastigo niya sa sarili.
"So, Anna, let's go? Mag-day-off ka na lang ulit sa susunod na araw." nagmamadaling sabi ni Brett.
Walang nagawa si Anna kundi ang tumango na lang. Nagpaalam siya kina Agnes, Gina at September. Hindi rin niya puwedeng tanggihan ang amo lalo na kung tungkol kay Paolo ang pag-uusapan.
"Pack your things pagdating natin sa mansion, Anna. Doon ka na matutulog sa katabing kuwarto ni Paolo magmula mamaya." pahayag ni Brett nang makaupo sila sa loob ng kotse nito.
"Okay po, Sir."
"Just call me, Brett, kapag tayong dalawa lang. I hate that Sir, too formal." Napalingon si Anna kay Brett. Nagtagpo ang mga mata nila. Sa mga mata ni Brett na nangungusap ay hindi matagalan ni Anna ang mapatitig ng matagal.
"Okay po."
"Drop that fucking po also, Anna. Para namang ang tanda-tanda ko na." Gustong matawa ni Anna sa mga pinagsasabi ng amo pero pinigil niya ang sarili.
Ibinaling na lang niya sa labas ng bintana ang tingin. Nang sumagi sa isipan ni Anna ang tungkol sa kini-kwento ni Agnes kanina ay muli siyang bumaling sa binata na seryuso na ngayong nagmamaneho.
"Sir—este Brett. Gusto ko lang magpasalamat sayo sa tulong na ibinigay mo kay Aling Agnes. Salamat ng marami. Nang dahil sa inyo, isang pangarap na naman ang natupad." sinserong pahayag ni Anna.
Tumango lang si Brett at binigyan lang ng simpleng tingin si Anna. Kaya hindi na rin muling nagsalita pa si Anna. Pero napatingin si Anna sa paligid nang tumigil ang kotse. Hindi naman binuksan ng binata ang pintoan no'n kaya tinignan ni Anna si Brett. Muli ay nagtagpo ang tingin nilang dalawa.
Segundo na ang lumipas pero walang nagbawi ng tingin sa kanila. Anna felt her heart throbbing so fast as Brett looked at her lips. Napalunok ng ilang ulit ang binata.
"M-may problema ba?" kinakabahang tanong ni Anna sa binata nang hindi na niya makayanan ang klase ng titig ni Brett na tila inaarok nito ang pagkatao niya.
Then Brett nodded at what's Anna's question.
"A-anong p-problema?" lalong nilukob ng kaba ang dibdib ni Anna nang muling titigan ni Brett ang labi niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa kabang nararamdaman niya. At mukhang mali yata ang ginawa niya dahil lalo pang napalunok ang binata.
"Shit, Anna!" Nanlaki ang mga mata ni Anna nang marahas siyang hawakan ni Brett sa likod ng ulo niya at walang pahintulot siyang siniil ng marahas na halik.
Ginalugad ng binata ang kaloob-looban ng bibig ni Anna. Kinagat ang dila niya at walang awang nilaspatangan ang inosente niyang bibig. Gustong tumutol ni Anna pero hindi niya magawa lalo na at nagugustuhan niya ang ginagawang paghalik ni Brett.
Nang bitawan ni Brett ang mga labi ni Anna ay halos mapugtuan ng hininga ang dalaga. Habol niya ang sariling hininga at napahawak pa siya sariling dibdib.
Pakiramdam ni Anna ay nangangapal ang kan'yang mga labi matapos ang panghahalik ni Brett.
"Fuck!" mura ng binata.
Napabaling si Anna kay Brett at kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. Nang tignan siya ni Brett partikular sa mga labi niya ay napatulala siya. Pero nagising ang diwa ni Anna nang magsalita si Brett.
"Just forget what I did, Anna. Isipin mo na lang na hindi ito nangyari."
Muling binuhay ni Brett ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon. Si Anna ay parang sinampal ng katotohanan ng mga sandaling iyon. Katotohanang may asawa ang amo niya pero hinayaan niyang halikan siya nito.
Namalisbis ang mga luha sa pisngi ni Anna pero agad niyang pinahid ang mga iyon.
"Bakit ka ba halik nang halik sa'kin ha? Ano po ba ang akala niyo sa'kin Sir?" naiiyak niyang sabi.
Pero walang natanggap na sagot si Anna mula kay Brett. Hanggang sa dumating sila sa mansion ay naunang pumasok sa kabahayan ang binata at hindi siya tinapunan ng tingin.
Ang sama ng ugali niya! Matapos niyang kunin ang first kiss ko basta na lang niyang sasabihin na kalimutan ko na lang iyon? Paano ko iyon kakalimutan kung noong una pa lang niyang ginawa iyon, hindi na nawala sa isipan ko. Tapos inulit pa niya! Singhal niya sa isipan.
Isang babae na naman ang hindi nakatulog ng gabing iyon. At iyon ay walang iba kundi si Anna.
At si Brett na ang kuwarto ay kaharap lang ng kuwarto ni Anna ay hindi rin nakatulog ng gabing iyon.