Chapter 10

Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang.

"Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito.

"Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett.

"Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.

Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.

Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan.

"You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.

Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo.

"Dad..." anito.

"Hmm... something wrong?"

Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya pinaypay niya ito upang lumapit sa kan'ya at inakbayan.

"What's with that face, Paolo? May sasabihin ka ba? Spill it, son." mahinahon niyang saad sa anak.

"Hmm... D-dad, can I go to Kidzoona with Ate Anna?" tanong ni Paolo sa ama.

Inilapag ni Brett ang yelo sa kinalalagyan nito at pinunasan ang mukha. Sa wakas ay nawala rin ang pagka-manhid ng baba niya.

"Sure. Kailan mo ba gustong pumunta doon?" saad ni Brett.

Lumiwanag ang mukha ni Paolo at walang anu-anong umakyat ito sa ibabaw ng table niya. Now, Paolo eyeing Brett. And the looks of his son's face are so blooming.

"Puwede bang now na, dad? Um, can you join us, dad? You, Ate Anna, and I." excited na wika ni Paolo.

Napabuntong-hininga si Brett. Marami pa siyang trabaho na dapat tapusin kaya hindi siya makakasama. Alam niyang magtatampo ang anak pero masasanay rin ito. Kasama naman nito si Anna kaya alam niyang hindi pababayaan ng dalaga ang alaga nito.

"I'm so sorry, son. But I can't go with you. I have lots of works to do. Kayo na lang ni Anna."

Napayuko ang anak niya. Pero pilit itong ngumiti at tumango nang mag-angat ito ng ulo.

"Okay po, dad." bumaba si Paolo sa ibabaw ng mesa niya at matamlay itong ngumiti sa kan'ya. "Lalabas na po ako, dad. I will tell Ate Anna." anang bata at nakayukong lumabas ng library ni Brett.

Napasandal sa swivel chair si Brett at napahilot sa sintido nito. Kinuha niya ang remote ng cctv at iyon ay in-on niya. Nakita niya sa sala si Paolo kausap si Anna. He saw his son crying while hugging Anna. Tinatapik-tapik naman ng dalaga ang likuran ng anak niya, at kapagkuwan ay hinalikan ng dalaga sa noo ang anak niya.

Pinatay ni Brett ang tv screen at muling bumalik sa trabaho nito. Pero lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin niya matapos-tapos ang ginagawa dahil hindi siya maka-focus. Laman ng isipan niya ang masayang mukha ni Paolo habang kasama nito si Anna. Suddenly, Brett found himself jealous about Anna and his son. Nagseselos siya dahil hindi siya kasama ng anak niya ngayon. Na imbes na siya ang kasama nito ay ang nanny nito ang kasama.

Tumayo siya at tinungo ang pintoan palabas. Lumipat si Brett sa kuwarto nito—sa banyo at naligo. Matapos makapagbihis ay malalaki ang hakbang na binagtas niya ang daan pababa ng hagdan palabas ng bahay. At dire-diretsong tinungo ang kotse. Saka iyon mabilis na pinasibad.

***

Hingal na hingal na napaupo si Anna sa Ball pool habang si Paolo naman ay natatawang nakatingin sa kan'ya.

"Ano po, Ate Anna, kaya pa ba?" anang bata na nagsimula na namang kumuha ng maliliit na bola at tatawa-tawang ibinato iyon kay Anna.

"Syempre, ako pa ba!" sabay kuha rin ni Anna ng bola at nakipagpalitan ng bato kay Paolo.

Ramdam na ni Anna ang pananakit ng tuhod at likod dahil ilang beses na siyang nadapa kanina habang naghahabulan sila ni Paolo. May sasampahan siya ni Paolo sa likod na para bang isa siyang kabayo. Meron ring sabay silang nag-i-i-slide sa Giant slide ng Kidzoona. Masaya ang araw na iyon para kay Anna dahil sa wakas ay nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng bata. Pero mas sasaya pa sana si Paolo kung kasama ang daddy nito. Ayaw man ni Anna na husgahan ang amo niyang si Brett sa pagiging ama nito sa anak, pero ang napansin lang ni Anna kay Paolo ay kulang lamang ito sa atensyon ng isang ama.

"Bakit po gano'n, Ate Anna? Kapag bagay ang hinihingi ko, mabilis lang iyon maibigay ni dad. Pero kapag gusto ko siyang makasama parang nahihirapan siyang pagbigyan ako..."

Naalala pa ni Anna ang sinabing iyon ni Paolo kanina. Umiyak ito nang hindi sumama ang ama. Kaya naman kinausap niya ang bata at pinaintindi na lahat naman ng ginagawa ng ama nito ay para rin naman kay Paolo. Lalo lamang naisip ni Anna na siguro hiwalay na ang mga magulang ni Paolo dahil sa ilang linggo niyang pag-lagi sa mansion ay hindi niya pa rin ito nakikita at ni minsan ay hindi rin binanggit ni Paolo ang pangalan ng ina nito.

"Ate Anna, p-pagod na ako." ani ni Paolo. Pawis na pawis na ito.

"Hala, doon muna tayo," sabay turo niya sa bakanteng upuan, "halika, palitan ko muna ang damit mo." Kumuha si Anna ng bagong damit ni Paolo at saka ito binihisan.

"Ayan, pogi ka na ulit. Nagugutom ka na ba? Gusto mo kumain muna tayo sa labas?" tanong ni Anna sa bata.

"Sige po, Ate Anna." wika ni Paolo na ang tingin ay sa paligid; sa mag-inang naglalaro ng luto-lutuan sa hindi kalayuan sa pwesto nila.

"Gusto mo bang maglaro rin tayo ng gan'yan mamaya?" Vip kasi sila sa nasabing playhouse kaya naman walang problema kung labas-masok sila roon.

Narinig ni Anna ang pagbuntong-hininga ni Paolo.

"Nami-miss ko po si Mom. We're playing like that too," turo ni Paolo sa mag-ina, "dati... para kaming gan'yan, Ate Anna, until—dad? Dad!" napabaling pa si Anna sa direksyon kung saan nakatingin si Paolo.

At doon nakita niya ang pinakaguwapo na yatang lalaki na nakita niya sa buong buhay niya na palakad palapit sa kanila.

Brett wearing a simple cargo shorts paired with gray shirt. A simple shoes but obviously the cost is not that simple. Alam ni Anna na mamahalin iyon. Hindi maiwasan ni Anna ang pag-awang ng bibig dahil sa paghihimutok na kakisigan ng binata sa simpleng suot nito. Ang bawat madaraanan nito ay nakatulalang nakatingin sa binata na animo'y isang modelo ito na rumarampa.

"Don't let your mouth open, Anna. Baka mapasukan iyan ng langaw."

Nagising lang ang diwa ni Anna nang marinig ang sinabi ni Brett. Nang tignan niya ito ay buhat-buhat na nito si Paolo na ngayon ay malapad na ang pagkakangiti.

"S-sir, bakit po kayo narito?" iyon ang katagang lumabas sa bibig ni Anna.

"Why, Anna? Am I not allowed to come here?" madilim ang mukha nitong tanong sa kan'ya.

Anna cleared her throat before answering Brett. "I-ibig ko pong sabihin Sir—"

Hindi na hinintay pa ni Brett ang pagsagot ni Anna. Mabilis itong tumalikod at humakbang palabas ng playhouse. Habang si Anna naman ay napangiwi na lang habang sinusundan ang mag-ama.

Sa isang sikat na kainan sila dinala ni Brett. Tila nahihiya pang pumasok si Anna doon dahil halos lahat ng tao na naroon ay mga mayayaman. Sa suot pa lang ng mga ito ay halata na. At sa simpleng pantalon at t-shirt na suot ni Anna ay pinagtitinginan ito ng ibang customer.

"Anna, hindi ka ba uupo? Nanny ka ng anak ko hindi bodyguard ko, Anna." untag ni Brett sa dalaga na nanatiling nakatayo.

"Seat beside me, Ate Anna." saad naman ni Paolo.

Nahihiyang umupo si Anna katabi ni Paolo. Nakayuko lamang ang dalaga at tila nahihiya sa nakapaligid rito. Napansin naman iyon ni Brett. Nang tingnan ng binata ang paligid ay nakita niya ang mga tinginan ng mga tao sa nanny ng anak niya. Sa inis na nadarama ay nagsalita si Brett.

"Why, people? Hindi na ba allowed pumasok sa lugar na 'to ang nanny ng anak ko? Stop eyeing her, would you?" inis na sabi ni Brett at padabog itong tumayo.

"Sa iba na lang tayo kumain." inis na sabi ni Brett kay Anna at Paolo.

Walang nagawa sina Anna at Paolo kundi ang sumunod na lang kay Brett.

"Mr. Valle, saan po kayo pupunta?" anang manager ng nasabing kainan na tila aligaga na dahil sa akmang paglabas ni Brett.

"Sa iba na kami kakain." simpleng tugon ng binata at nilagpasan ang lalaki.

Naiwang napapakamot sa ulo ang manager. Humingi na lang ng pasensya si Anna sa manager bago niya ito lagpasan.

"Dad, doon na lang po tayo," ani ni Paolo sa ama habang tinuturo nito ang sikat na fastfood chain.

"No. Hindi tayo kakain riyan." hindi sang-ayon na sabi ni Brett.

"But, dad, gusto ko po riyan!" pagpupumilit pa ni Paolo.

"No."

"Sir, bakit hindi niyo na lang po pagbigyan ang kagustuhan ni Paolo? E, doon po siya masaya 'di ba?" sabat ni Anna.

Tumigil sa paglalakad si Brett at kunot ang noong binalingan ang dalaga. Seeing Anna smiling like an innocent baby, Brett pissed off. Pero imbes na pagsabihan niya ang dalaga ay tumahimik na lang siya lalo na nang hilain ni Paolo ang kamay niya papasok sa nasabing fastfood.

Fuck!

Gustong magmura ni Brett nang makita ang napakaraming tao na pumipila para kumuha ng order ng mga ito.

Dumilim ang anyo niya at gusto niyang pilipitin ang leeg ng dalaga na ngayon ay pangiti-ngiti lang sa isang tabi.

"Sir, ikaw na lang po ang pumila riyan ha. Maghahanap po kami ni Paolo ng mapu-puwestuhan natin."

Mabilis pa sa kamay ng orasan ang pagbaling ni Brett kay Anna. Lalong hindi maipinta ang pagmumukha niya ng hindi man lang nito hinintay na sumagot siya dahil hinila na nito si Paolo palayo sa kan'ya.

At naiwan si Brett roon na nakatayo habang nakapila sa napakahabang pila na yata na naranasan niya sa buong buhay niya.

That woman!

Walang nagawa si Brett kundi ang maghintay hanggang sa makarating na siya sa counter.

Matapos kunin ng isang empleyado na tila naiihi yata sa saluwal nito ang mga order ni Brett ay umalis na si Brett sa counter at hinahanap kung saan naroon sina Anna at Paolo.

Nang hindi niya ito mahanap sa unang palapag ay umakyat siya sa pangalawang palapag. At doon ay nakita niya si Paolo na tahimik lang nakaupo habang ang nanny nito ay nakikipag-kuwentuhan sa isang lalaki na katabi lang ng kinauupuan nito.

Tumikhim si Brett upang ipaalam sa dalaga na naroroon na siya dahil tila hindi napansin ni Anna ang presensya niya dahil abala ito sa pagkukuwentuhan sa isang lalaki.

"Dad!"

"S-sir."

Walang gana na naupo si Brett sa silya na hindi sukat sa pang-upo niya dahil likas na malaki siyang tao. Mabuti na lang rin at hindi masyadong marami ang tao sa ikalawang palapag ng gusali na iyon.

"Done chitchating, Anna? Baka hindi pa, ituloy mo na." sarkastikmong sabi ni Brett sa dalaga.

Pumila ako ng pagkahaba-haba habang siya'y nakipag-daldalan lang!

Inis na naisaloob ni Brett.

Dumating ang mga in-order ni Brett at nagsimula silang kumain. Maraming klase ang in-order niya dahil hindi naman niya alam kung ano ang gusto nina Anna at Paolo. Hindi nila nagalaw ang ilan kaya naman nag-desisyon si Brett na iwanan na lang iyon. Pero hindi pumayag si Anna. Sinabihan nito ang isang crew na ibalot ang mga pagkaing hindi nagalaw dahil dadalhin raw nito iyon pauwi at ipapasalubong sa mga kasamahan sa mansion, bagay na ikinahanga ni Brett sa dalaga.

Pauwi na sila sakay ng kotseng minamaneho ng driver ni Brett na si Karlito. Sa backseat ay magkakasama sina Anna, Paolo at Brett. Nakatulog na si Paolo habang nakasandal sa balikat ni Anna. Habang si Brett ay abala sa harapan ng laptop niya. Pero hindi siya maka-focus doon dahil nanunuot sa ilong niya ang naturang amoy ng dalaga.

Sinara ni Brett ang laptop at ipinikit ang mga mata. Pero wala pang segundo ay muli siyang dumilat at unti-unting sinulyapan ang dalaga na ngayon ay sa labas ng bintana nakatuon ang tingin.

"Anna." tawag ni Brett sa dalaga. Bumaling naman ito.

"Po?"

"Anong pabango ang gamit mo?" gustong batukan ni Brett ang sarili sa katanongang iyon na lumabas sa bibig niya.

Si Anna ay nangunot ang noo at inamoy-amoy ang sarili sa akalang nababahu-an ang amo niya sa mumurahing cologne na gamit niya.

"Uhm... a-ano po Sir, i-iyong mumurahin lang po na nabibili sa Botika. B-bakit po Sir?" kabadong sabi niya.

"Smells good."

Iyon lang at muling ipinikit ni Brett ang mga mata. Ramdam niyang natigilan ang dalaga sa sinabi niya. Kaya lihim siyang napangiti.

Innocent but seductive...

Ang amoy ng cologne ni Anna na pinangalanan ni Brett.