Chapter 12
Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.
At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito.
"What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.
Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya.
"Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.
Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila galit na galit na.
"S-sir... a-akala ko po s-silid ni Paolo," utal-utal niyang sabi na ang mga mata ay nasa kahubaran ni Brett. Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang hubad na katawan ng binata.
"Get out... now!" malakas ang boses na sigaw ni Brett kaya naman napalundag siya sa kinatatayuan.
Mabilis niyang tinungo ang pintoan palabas ng silid nito dala ang sobrang kaba sa dibdib.
Matapos niyang puntahan si Paolo sa silid nito ay bumaba siya ng pangalawang palapag at tinungo ang kitchen. Walang kasambahay siyang naabutan roon, siguro namalengke ang mga iyon dahil iyon ang ginagawa ng mga ito tuwing umaga. Mas gusto kasi ng amo nila na fresh palagi ang mga gulay at karne na lulutuin araw-araw.
Nagluto na muna si Anna ng almusal ni Paolo dahil mas gusto nito ang luto niya kaysa sa luto ni Aling Bebang. Meron namang nakahanda na almusal para sa amo niya. Namula ang pisngi niya ng maalala ang nangyari sa taas kanina. Napakagat sa pang-ibabang labi si Anna nang muling magpakita ang imahe ni Brett na nakahubad sa balintataw niya.
Lumayo ka sa akin! aniya sa isipan.
Natataranta siyang nagtimpla ng kape. Baka sa tulong ng kape ay magising na ang diwa niya. Paano naman kasi sunod-sunod ang mga nangyari sa kan'ya. Hindi na nga siya nakatulog dahil sa paghahalik ng amo niya, ngayon naman nakita niya itong hubad! Teka, bakit kasi nakahubad ang lalaking iyon? Mukhang kakagising lang rin naman n'yon kanina ah. Hindi ba uso rito ang matulog na naka-damit? Umiling-iling siya. Kaaga-aga e kung anu-anong naiisip niya.
"Anna."
"Ay—Anna!" gulat niyang bigkas nang makitang nakatayo na pala sa likuran niya si Brett. Muntikan pa niyang mabitawan ang tasa ng kape. Mainit-init pa iyon at siguradong magigising ang diwa niya pati ng mga engkanto sa paligid kung natapunan siya ng laman no'n. "S-sir?"
Sa halip na sagutin siya ni Brett ay kinuha nito ang tasang hawak niya at dinala iyon sa bibig upang inumin. Napamaang siya habang nakasunod ang tingin sa bawat galaw nito.
"K-kape ko i-iyan..." sambit niya. Mataman lang siyang tinititigan ng binata habang panay ito sa paghihigop ng kape niya.
Ngayon lang din napansin ni Anna na wala pa lang pang-itaas na suot si Brett. Nakasuot lamang ito ng gray pants. Kitang-kita niya ang mamasel-masel nitong braso, dibdib at tiyan. Napalunok siya ng ilang ulit.
"You know, Anna, it's all your fault." Nagising ang diwa niya nang magsalita ito. Napa-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila ng binata.
"Huh?" nakakunot ang noong ani niya dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Kasalanan mo ito, Anna." saad pa nito at muling hinigop ang kape.
"A-anong k-kasalanan ko?" kinakabahang tanong niya. Wala naman siyang kasalanang ginawa maliban sa naligaw siya sa silid nito kanina.
Kasalanan na bang maituturing iyon? Tanong ng piping isipan niya.
Sa halip na sagutin siya ni Brett ay pinatong nito ang tasa sa lababo kaya naman napaatras rin siya doon. Bumangga ang likuran niya sa tiles at hindi na siya maka-atras pa dahil wala ng aatrasan. Kinakabahang napatitig siya sa binata.
"B-bakit p—hmp!" Nilamon ng ungol ang dapat niyang sasabihin ng marahas siyang halikan ni Brett sa mga labi. Kinuha nito ang dalawang braso niya nang akma niyang itutulak ang binata at dinala nito iyon sa likuran niya gamit lamang ang isang palad nito.
Noong una ay nagpupumiglas siya, pero kalaunan ay sumuko na siya at hinayaang angkinin nito ang mga labi niya. Habol niya ang paghinga nang bitawan nito sa wakas ang nangangapal niyang bibig. Ang akala niya ay tapos na ito, pero hindi pa pala dahil ang mga labi nito ay lumipat sa leeg niya.
"S-sir..." anas niya. Nakikiliti siya sa ginagawa nitong pag-amoy at pagkagat-kagat sa leeg niya.
"Just Brett, Anna..." ani ng binata at dinilaan ang leeg niya na ikinatindig ng mga balahibo niya sa katawan.
Ang palad nito na kanina ay walang ginagawa ngayon ay naglalakbay na sa katawan niya. Hanggang sa pumasok iyon sa loob ng t-shirt niyang suot. Napaliyad si Anna nang dakmain nito ang isa niyang dibdib. Muntikan nang ma-shoot ang ulo niya sa lababo pero maagap si Brett at nasalo siya nito. Paano naman kasi para siyang hihimatayin sa ginagawa ng binata sa katawan niya. Parang libu-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy ngayon sa katawan niya na nagmumula sa mainit na palad nito.
Namalayan na lang ni Anna na nakaupo na siya sa ibabaw ng dining table habang ang binata ay nakasubsob na sa dibdib niya.
Oh god! Paano siya nakarating d'yan nang hindi ko namamalayan? Natanong niya sa isipan. Gano'n ba siya katulog para hindi niya mamalayang inangat siya sa ere ng binata? Kung tulog pa rin siya hanggang ngayon at panaginip lang itong lahat, sana naman gumising na siya! Gisingin niyo ako!
"Brett!" tawag niya sa pangalan ng binata nang angkinin ng bibig nito ang tuktok ng bundok niya. Napapaliyad siya sa sensasyong nararamdaman at napahawak sa buhok nito.
Hindi siya mapakali at panay ang lingon niya sa paligid dahil baka bigla na lang may pumasok na tao at mahuli sila sa gano'ng akto.
"Stay still, Anna."
"B-baka m-may tao," aniya.
"Nevermind them. Just focus on me." anito at muling sinunggaban ang dibdib niya.
Jusmiyo Marimar! Paano nga ba sila umabot sa gano'ng tagpo ng amo? Bakit ni wala man lang siyang nakapang pagtutol sa sarili? Inaangkin na nito ngayon ang dibdib niya pero heto siya, nasasarapan imbes na pigilan niya ito.
"Ay, huwag na d'yan!" pigil niya sa binata nang bumaba sa hita niya ang ulo nito. Pasalamat siya at nakinig naman ito. Pero muli nitong inangkin ang mga labi niya. This time tinutugon na rin niya ang mga halik nito. Narinig pa niyang napapaungol si Brett sa tuwing ginagaya niya ang paggalaw ng labi nito.
"Aaahhh!" mahabang ungol niya nang sa isang iglap ay nasa loob na ng short niya ang palad ng binata at dinadama na ang Perlas ng sinilangan niya.
"You're wet, Anna." nakangising sabi nito habang pinagmamasdan ang namumula niyang mukha.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito dahil tumitirik ang mga mata niya sa tuwing iniikot nito ang daliri sa Perlas niya.
"A-aray!" Napangiwi siya nang ipasok nito ang daliri sa loob niya. Naramdaman niya ang hapdi at kirot kaya hinawakan niya ang braso ni Brett para patigilin ito sa ginagawa.
"M-masakit..." nakangiwing reklamo niya sa lalaki.
"I know, Anna. It's your first time. Don't worry mawawala rin iyan maya-maya." Matapos nito iyong sabihin ay sunod-sunod nitong nilabas-masok ang daliri sa kaloob-looban niya.
Napaawang ang bibig ni Anna at gusto niyang sumigaw dahil sa tindi ng sensasyong nararamdaman, pero mabilis na tinakpan ng mga labi ni Brett ang bibig niya.
Nawala na ang sakit at hapdi na kanina ay iniinda niya dahil napalitan iyon ng kakaibang kiliti at sarap. Napapalakas ang ungol niya dahil mas lalong bumibilis ang paggalaw ng daliri ni Brett.
"Shit!" aniya ng binata habang nakatitig sa reaksyon niya. Nakaawang ang bibig niya at tumitirik ang mata sa sarap na pinapalasap nito sa kan'ya.
"Ohh! Brett hindi ko na kaya!" anas niya. Ramdam niya ang pagbigat ng puson at anumang oras ay sasabog na iyon.
Lalo pang binilisan ni Brett ang paggalugad sa kuweba niya hanggang sa manginig ang buong niyang katawan, at pagkatapos no'n ay may sumabog sa kaibuturan niya.
Wala nang makita si Anna matapos ang pagsabog ng kung ano mang bagay sa kuweba niya. Nanilim ang mga paningin niya at tuluyan na siyang nilamon ng antok.
Samantalang si Brett naman ng mga sandaling iyon ay napailing habang pinagmamasdan ang dalagang wala ng malay.
"Iyon pa lang ang ginawa ko hinimatay ka na. What if pa kung... Fuck!" Mabilis niyang inayos ang suot ng dalaga nang marinig ang mga yabag ng paa na papunta sa kitchen kung saan sila naroon. Walang pag-alinlangan niyang binuhat ang natutulog na dalaga palabas ng kitchen matapos niyang ayusin ang suot nito.
Nakasalubong niya pa ang mayordomang si Bebang at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtataka sa mukha ng matanda nang makita nitong buhat-buhat niya si Anna.
"She slipped on the floor and lost her consciousness." seryusong sabi niya. Nais niya pang matawa sa mga pinagsasabi niya. Pero maigi na iyon kaysa sabihin niyang nahimatay ang dalaga dahil sa kagagawan niya.
"Hala! Saan siya nadulas, Sir? Okay lang ba siya? Baka nabagok ang ulo niya, Sir?" taranta namang wika ni Bebang.
"Sa kitchen. Don't worry, she's fine. Iyong nabagok sa kan'ya hindi naman delikado." may ngisi sa labing sagot niya, at tinalikuran ang matanda na napa-isip pa kung anong parte ng katawan ng dalaga ang nabagok na hindi naman delikado.