Chapter 23 – Baby
“Secretary Gillian!” tawag nito sa akin, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon nang hindi nauutal.
Bakit ba kasi siya ganoon?
Pagbalik ko, nadatnan ko ang magkapatid na nag papanic. Mabilis nilang inaayos ang gamit nila. Napasulyap ako kay Ma’am Nheya na ngayon ay suot na ulit yung suot niya kanina.
“I hate you, Kuya! Dapat sinigurado mo!” Inis na sambit ni Ma’am Nheya
“Bakit? Anong nangyare?” mula sa likod ko ay nagsalita si Sir.
“Ghad! Amoy alak ako!” tarantang sambit ni Nheya at kinuha ang tooth brush sa bag niya. Naayos na ni Zeyo ang gamit niya kaya siya ang sumagot sa tanong ni Sir.
“Papunta na si lolo sa bahay. Kailangan namin siyang maunahan,” sambit ni Zeyo at kinuha ang isang mouthwash.
Kinatok ni Zeyo si Nheya doon sa pinasukan niya kanina. Tanging pagnood lang sa kanila ang nagawa ko.
“Nheya, faster!” si Zeyo na patuloy sa pagkatok. Hindi ito tumigil sa pag katok hanggang sa sumagot si Ma’am Nheya aa loob.
“Binibilisan ko na nga! Can you shut up, Kuya! Mas lalo akong natataranta!” sigaw ni Nheya.
Hindi nagtagal ay lumabas na si Nheya at pumasok sa kwartong linabasan nila kanina ni Sir. Pumasok din naman agad si Zeyo, sa tingin ko ay cr iyon. Nalipat ang tingin ko kay Sir nang maupo siya sa sofa, nagawa pa niyang kunin ang baso niya at ininom ang laman.
Napansin nito ang titig ko, kaya tumitig din siya sa akin. Hindi ko maiwasang mamula at mag-iwas ng tingin.
“I’m sorry, Gillian. I said earlier that I will drive you home, but I can’t drive you home now. I’m sorry. Kailangan namin maunahan si Lolo. Hindi namin akalain na maaga siyang uuwi,” sambit ni Zeyo.
Ngumiti at umiling.
“Ayos lang, magpapasundo na lang ako. By the way, happy birthday,” sambit ko.
“Thank you, Gillian. Im sorry talaga,” tugon pa nito.
“Bilisan niyo, mauunahan kayo ng lolo niya kapag ganyan kayo kabagal,” napasulyap kami kay Sir nang magsalita siya. Nakapikit na ito at nakasandal sa upuan.
Nang aalis na sila ay natigilan si Nheya. Parang bigla siyang nagdalawang isip umalis, kita iyon sa mata niya. Tinignan niya ako ng seryoso, sunod ay kay Sir na nakaupo pa rin sa sofa, nakapikit pa rin ito tulad kanina.
“Nheya, Let’s go,” si Zeyo nang mapansing tumigil sa paglalakad si Nheya. Malalim itong bumuntong hininga bago tumalikod.
Binuksan ko naman ang phone ko para matawagan na si Yunard.
“Excuse, Sir. ‘Yung gamit ko, kukunin ko,” mahinang sambit ko habang ang phone ay nasa tenga ko, hinihintay na sagutin ni Yunard ang tawag ko.
Magsasalita sana ulit ako nang marinig na ang boses ni Yunard sa kabilang linya.
“Gil? Bakit? Pagpapasundo ka na?” bungad ni Yunard.
“Oo sa----Ahh” isang hila ang nagpatigil sa akin sa pagsagot kay Yunard sa kabilang linya. Ang hilang iyon ang dahilan kung bakit nasa kandungan na ako ni Sir.
Parang wala lang sa kanya ang ginagawa niya. Nakasandal pa rin ito sa sofa habang nakapikit.
“Gil, anong nangyare? Ayos ka lang?” sunod sunod na tanong ni Yunard sa kabilang linya, narinig ko na rin ang pagpanic sa boses niya.
“A-Ayos lang ako,” wala sa sariling sambit ko.
Napatitig ako sa taong nasa harap ko, lalo na sa adams apple niya. Biglang bumalik sa akin ang ginawa kong pagdila roon noon sa bar. Napapikit ako bago ko sinubukang tumayo, pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Ang dalawang kamay niya ay nasa bewang ko na.
“Sir,” mahinang sambit ko.
Dahil sa sinubukan ko ulit na tumayo ay napa-angat na ang ulo at tingin niya sa akin. Mapungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Lumapit din agad ang tingin niya sa hawak kong phone.
Masama ang titig niya rito na para bang may ginawang masama ang phone ko sa kanya. Kung nakakasira lang ang titig niya, kanina pa sira ang phone ko.
“Patayin mo ang tawag na ‘yan,” malalim na boses ang ginamit nito habang ang mata ay nasa phone ko pa rin.
“Gillian,” tawag ni Yunard sa kabilang linya.
Hindi ko sinunod ang gusto niya. Sinubukan ko pa ring tumayo, pero hindi ko maipaliwanag ang sarili. Gustong-gusto kong tumayo at umalis sa kandungan niya, pero hindi ko maibigay ang buong lakas ko para tumayo. Nakakapanghina ang paraan ng titig nito at lalong lalo na ang paraan ng paghawak nito sa bewang ko.
“Yunard, sunduin mo ko sa---” hinila niya ako sa bewang at mabilis akong hinalikan. Sinubukan kong huwag ibuka ang labi ko, pero sadyang nakukuha niya ang kiliti ko.
“Gillian!” Tawag ulit sa akin ni Yunard.
Hindi ko na siya magawang itulak, parang trinaydor ako ng katawan ko dahil nalalasing na ako sa paraan ng halik niya. Lasang lasa ko ang alak na iniinom namin sa labi niya.
“Hmm” gusto kong murahin ang sarili ko nang marinig ang sariling umungol nang kagatin niya ang ibabang labi ko.
Nawala na ako sa sarili ko. Nagpaubaya na ako sa halik niya. Kulang na lang ay ilagay ko ang kamay ko sa batok nito. Nalalasing na ako.
“Gillian? Saan? Ki—” nanghina ang kamay ko nang kunin niya ang phone ko sa kamay ko habang hinahalikan pa rin ako.
Hinabol ko ang hininga ko nang lumayo siya ng kaunti.
“M-May girlfriend ka----” muli niya akong hinalikan, ngunit ngayon ay mabilisang halik ang ibinigay niya. Pagkahalik sa akin ay lumayo siya. Seryoso ang titig nito sa akin. Ngumisi siya bago magsalita.
“I don’t do girlfriend,” dahil sa sinabi niya ay natauhan ako.
Anong iniisip mo, Gillian? Bakit mo siya hinayaan? Bakit ka nagpaubaya? Bakit mo siya hinalikan pabalik?!
Malakas na tulak ang ginawa ko sa kanya at mabilis na tumayo. Hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa ginawa kong pagpapaubaya sa mga halik niya.
“Hey,” tawag nito sa akin at tumayo.
Hinanap ko ang phone na kinuha niya, ngunit hindi ko makita kung nasaan. Sinubukan kong hindi tumingin sa kanya nang tanungin ko siya tungkol doon.
“Ang phone ko, Sir, uuwi na ako,” sambit ko.
“Ako na maghahatid sayo. Bakit kailangan mo pang magpasundo? Nandito na nga ako para ihatid ka!” iritadong sambit niya.
“Ayokong magpahatid sayo, Sir. Ang pangit din tignan na magpapahatid ako sa boss ko,” matapang na sabi ko.
“Look, Baby-“ panimuna nito, pero mabilis ko siyang pinutol.
“Anong baby?” dahil sa tawag nito, napaangat na ang tingin ko sa mismong mga mata niya.
Nilagay niyang ang isang kamay sa bewang niya at humarap sa gilid, huminga siya ng malalim bago humarap ulit sa akin.
“Tapos na ang trabaho mo. Sa ngayon ay hindi mo na ako boss. Bakit ba mas gusto mong sumakay sa motor niya? Mas komportable sa kotse ko,”
Imbes na sagutin siya ay inilahad ko ang kamay ko sa harap niya.
“Ang phone ko, Sir,” sambit ko.
“No, dito ka lang muna at ako maghahatid sayo,” sambit nito. Tatalikod na sana siya, pero bigla ulit siyang humarap. “Huwag kang aalis,” Hindi na ako nakapagsalita nang buksan niya ang sariling phone at may kinausap.
Sumulyap muna siya saglit at lumayo. Nang makalayo siya ay napa-upo ako sa sofa. Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi nito.
‘I don’t do girlfriend.’
Parang narinig ko ulit ang boses niya. Kung ganoon ay ano niya si ma’am Nheya? Bakit ko sila nadatnan na ganoon sa opisina niya?
Ako? Bakit niya ako hinahalikan? Napabuntong hininga ako. Hindi iyon ang tamang tanong, Gillian. Ang tamang tanong ay bakit mo siya hinahayaan? Bakit gustong gusto ng sarili mong katawan na malapit siya. Bakit gustong gusto ng labi mo ang labi niya.
Kayang kaya ko siyang itulak gamit ang buo kong lakas kanina, pero wala akong lakas ng loob na lakasan ang tulak, ayoko man aminin, pero gustong gusto ko na ang mga halik niya.
Gustong-gusto ko na ang pinaparamdam niya. Gustong gusto ko na ang epekto niya sa’kin. At naiinis ako sa sarili ko dahil doon.
Mabilis akong tumayo nang makita kong papalapit na siya.
“Let’s go,” sambit niya
Napabuntong hininga ako nang siya na rin mismo ang kumuha ng bag ko. Hindi na ako nagmatigas, ang gusto ko na lang ay ang maka-uwi. Magpapahatid na lang ako doon sa malaking bahay malapit sa amin, sasabihin ko na lang na doon muna ako sa kaibigan ko.
Pagkarating namin sa Parking lot, linagpasan niya ang kotseng gamit niya.
“Sir, nandito ang kotse niy---” Natigilan ako nang biglang may tumigil na motor sa harap namin. Binigay ng lalake ang susi kay Sir at nagpaalam na.
“Let’s go,” nakangiti na siya ngayon at isinuot ang isang helmet, nauna na din itong sumakay.
Napaturo ako sa motor niya sunod sa kotse niya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya bumaba siya ulit lumapit sa akin. Hawak niya ang isang helmet.
“Bumili ako,” sambit niya at isinuot ang helmet sa akin.