Chapter 22 – Girlfriend
Napapikit ako nang bigla niyang ibinagsak ang mga papeles na hawak niya.
"What are you thinking, Secretary Gillian! Mr. Hernaez is one of the most important person in the company!" Hinilot niya ang magkabilang noo at tumayo.
"S-Sabi mo po kasi na huwag muna ako tumanggap ng ibang nagpapa schedule," hindi ko maiwasang mautal
"Sana sinabi mo muna sa akin! Nakakahiya kay Mr. Hernaez! 'Yan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo man lang magawa ng tama!" pinilit kong huwag maiyak dahil sa sigaw niya.
Pagkarating ko ay mainit na ang ulo niya. Kanina nga may nagsabi sa akin habang papasok na may sinesante siya.
Tumahimik siya at ilang segundong hindi nagsalita kaya napa-angat ang tingin ko. Bigla niyang iniwas ang tingin niya nang magtama ang tingin namin.
"Leave," sambit nito at bumalik sa pagkakaupo niya. Huminga ako nang malalim bago tumalikod.
Pagkalabas ko ay natanaw ko ka agad ang kapatid ni Zeyo. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Ang ganda niyang tignan sa suot nito, mas lalong tumingkad ang kaputihan niya dahil sa suot nitong skin tone dress.
Napapasunod din ang tingin ng ilan sa kanya, lalo na ang mga lalakeng empleyado
Dumeretso ako sa lamesa ko. Nang marating doon ay saka naman nakalapit agad si Ma'am Nheya. Tumayo agad ako para batiin siya, ngunit seryosong tingin ang binigay niya sa akin.
"Nasa loob si Zachary?" seryosong tanong nito.
"Opo, nas--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Pumasok 5 minutes from now," sambit nito at walang sabi-sabi siyang tumalikod.
Nagtataka akong pinanood ang pagpasok niya sa opisina ni Sir. 5 minutes papasok ako? Bakit? Nagkibit-balikat na lang ako at binantayan ang oras. Pagkalipas ng limang minuto ay tumayo na ako para pumasok. Hindi ko na naisipan pang kumatok.
"Si--" Natigil sa ere ang mga salitang nais kong sabihin. Pagpasok ko ay nakita ko si Ma'am Nheya na nakaupo sa kandungan ni Sir Zachary. Napaharap silang dalawa sa akin at natigil ang paghahalikan. "S-Sorry po," lumikot ang mata ko at sinubukang huwag sumulyap sa kanya.
Mabilis kong isinasara ang pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit ako at dahan-dahang lumapit sa lamesa ko.
Paulit-ulit nagpapakita ang imaheng nakita ko sa utak ko. Subrang linaw, si Sir Zachary na nakaupo sa upuan niya, habang nasa kandungan niya si Ma'am Nheya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may mali. Sumulyap ako sa pintuan, nagbabakasakaling lalabas na ang kahit isa sa kanila, pero isang oras na ang lumipas wala pa ring lumalabas.
Napapikit ako at hinilamos ang kamay sa mukha. "Ano namang pakealam mo, Gillian," sambit ko sa sarili.
Halos mapatalon ako nang may nagsalita sa harap ko.
"Why are you talking to yourself?" mabilis akong tumayo nang makita si Zeyo sa harap ko.
"Sir," mabilis na sambit ko.
Naupo siya sa lamesa ko ay iniikot ikot sa daliri niya ang susi, ang atensiyon ay nasa akin.
"Diba nag-usap na tayo? I'm not your boss, Gillian," sambit nito at sumulyap sa pinto. "Si Nheya nandito? Nakita ko kotse niya sa baba," sambit niya. Tumayo siya ng maayos at maglalakad papalapit sa pinto.
Nanlaki ang mata ko at dali-dali hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Natigil siya at sumulyap sa kamay kong nakahawak sa kamay niya, magsasalita sana nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir, lumabas si Sir, kasunod nito si Nheya.
Seryosong bumaba ang tingin ni Sir sa kamay kong nakahawak kay Zeyo. Tatanggalin ko na sana, kaya lang mabilis na hinawakan ni Zeyo ang palad ko. Nanlaki muli ang mata ko, para na kaming nag hoholding hand.
Umigting ang panga ni Sir habang nakatitig sa kamay naming dalawa. Natigil lang ang titig niya nang hawakan din ni Nheya ang kamay niya.
Hindi ko maiwasang sumulyap doon, muling bumalik sa isip ko ang nakita ko.
"Oh, bakit hindi mo isama ang secretary mo, Zachary? Para naman hindi maboring ulit si Kuya," nakangiting sambit ni Nheya.
"Tama, sumama ka na, Gillian. Tutal isang oras na lang out mo na," si Zeyo, sabay sulyap sa relo niya.
Hindi nagsasalita si Sir kaya ginamit ko iyong pagkakataon para humindi.
"May susundo kasi sa akin ngayon, bak--"
"Kung ayaw, huwag niyong pilitin," seryosong sambit ni Sir saka tinanggal ang kamay ni Nheya sa braso niya. Tumalikod ito at nauna nang maglakad.
Natahimik ang ilang empleyado nang maglakad si Sir papuntang elevator.
"Huwag kang choosy, ikaw na nga iniimbiti," masungit na sambit ni Ma'am Nheya sabay irap.
"Nheya!" saway ni Zeyo.
"Whatever!" Si Nheya at sumunod na kay Sir. Naiwan kaming dalawa ni Zeyo kaya dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Sumama ka na," sambit nito at binitawan ang kamay ko.
Tumalikod ako at lumapit sa lamesa, inayos ko ang gamit ko. Umuwi na si Sir, kaya pwede na din akong umuwi.
"Hindi naman ako kailangan doon," sabi ko sa kanya.
“Please, Gillian. Zachary only agreed once,” he said.
Hindi ko maitago ang tawa ko nang marinig iyon. Nagpapatawa ba siya?
"Pumayag ba siya? Parang hindi naman," sambit ko.
Lumapit siya at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga papeles. Hindi siya nagsalita hanggang sa maayos namin ang mesa ko.
Akala ko titigil na siya sa pag-aya, pero mali ako, pagkapasok pa lang namin sa elevator ay nag-aya nanaman siya.
"Please, Gillian, ngayon lang 'to," pa ulit-ulit nitong sambit.
"Ayokong gabihin, Zeyo," sambit ko.
"Ihahatid kita," sambit nita. Tinignan ko siya at umiling.
"It's my birthday," natigilan ako at tumingin sa kanya.
"Ngayon?" tanong ko
Tumango sya nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.
"Hindi sana kami magtatagal doon kasi darating si lolo, pero mukhang late makakarating si Lolo ngayon sa bahay. May advance party na ginawa sa akin kahapon sa bar na pinuntahan na'tin noon, ngayon may usapan kaming tatlo," sambit niya
Napanguso at napatingin sa phone ko. Birthday niya daw. Nang tumunog ang elevator at bumukas ay lumabas na kami.
"Saan ba?" mahina kong tanong nang makalabas kami.
"Yes!" sigaw nito na nakapagpalingon sa ibang empleyado.
***
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng condo. Pinaghalong gray at black ang kulay ng condo. Natigil lang iyon nang makita ko ang paglabas ni Nheya sa isang kwarto, sinundan ito ng paglabas ni Sir.
Namilog ang mata ko nang makita na tanging jersey short lang ang suot nito, wala itong pantaas.
Sabi ni Zeyo ay kay Sir ang condong 'to. Malayong malayo ang condo niya sa condo na tinulugan namin noon. Malaki ang condong iyon, ngunit mas malaki ang condong 'to
"Sasama ka rin naman pala, nag-inarte ka pa," si Nheya sabay lagpas sa akin.
Bakit parang ang init ng dugo sa akin ni Nheya? Hindi naman siya ganito noong una naming magkita ah?
"Maupo ka muna, Gillain. Kukunin ko lang ang mga inumin," sambit ni Zeyo sabay turo sa sofa.
Dahan-dahan ang galaw ko. Habang papunta dito ay na itext ko na si Yunard na huwag na muna miya akong sunduin ngayon, wala pa siyang reply at mukhang hindi pa niya nabasa.
Bumalik agad si Zeyo bitbit ang mga beers. Lumapit din si Sir para ilapag ang ilang pagkain. Napasulyap ako kay Nheya na ngayon ay iba na ang suot. Naka short na lang ito at sando white.
May damit siya rito? Hindi ko maiwasang itanong iyon sa sarili ko. May relasyon kaya sila? Kung may relasyon pala siya, bakit ako hinahalikan ni Sir?
"Sigurado kayong malalate ang lolo niyo?" Tanong ni Sir sa kanilang magkapatid.
"'Yun ang sabi niya," Si Zeyo at naupo na sa tabi ko. Sumulyap sa akin si Sir, ngunit umiwas din.
Hindi ko siya matignan nang biglang umupo si Ma'am Nheya sa tabi niya. Ipinatong ni Ma'am Nheya ang kamay sa hita ni Sir Zachary.
"Nheya," tawag ni Zeyo sabay sulyap sa kamay ni Nheya na nasa hita ni Sir. Imirap si Ma'am Nheya sabay kuha ng beer.
"She already know, Kuya," Ma'am Nheya said.
"What?" Sumulyap ito sa akin sunod kay Sir na hindi nagsasalita. "How? Paano mo nalaman?" sumulyap na si Zeyo sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mabilis akong uminom sa beer na hawak ko. Napapikit ako nang malasahan ang pait.
"It's not important kung paano niya nalaman, Zeyo," sambit ni Sir kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ano naman sasabihin ko? Na umamin si Sir sa akin? Na hinalikan ako si Sir kaya nalaman ko? No way! Lalong hindi ko iyon sasabihin, ngayong parang may namamagitan nga sa kanila ni Ma'am Nheya.
Napatitig ako sa beer na hawak ko at napaisip. Kung may namamagitan nga sa kanina, isa lang ang ibig sabihin non. Niloloko ni Sir si Ma'am Nheya. Napabuntong hininga ako muling uminom.
"Hinay-hinay lang, baka hindi ka na makauwi," sambit ni Zeyo. Naramdaman ko ang paglagay niya ng braso niya sa likod ko, ipinatong niya iyon sa sandalan ng upuan.
Napasulyap ako sa harap ko kung nasaan si Nheya nang humiga siya sa hita ni Sir. Ano bang nangyayare sa akin? Ano naman kung may relasyon sila, Gillian!
Iinom sana ulit ako, pero wala na pa lang laman ang can ng beer na hawak ko.
Napansin iyon ni Zeyo kaya inabutan niya ako. Ngumiti ako at nagpasalamat.
Nang makainom ulit, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Yunard.
"Sagutin ko lang 'to," mahinang sambit ko. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng hilo, buti na lang at nahawakan ako ni Zeyo, muli ay nagpasalamat ako dahil doon.
Naglakad ako kahit nahihilo. Pumunta ako sa pinasukan kanina ni Zeyo, sa tingin ko ay kusina iyon.
Pagkapasok ko ay sinagot ko agad.
"Saan ka pupunta? Buti na lang at nakita ko text mo bago ako pumunta," bungad nito.
"May birthday kasi," pinilit kong maging normal ang pagsasalita ko.
"Ano sasakyan mo pag-uwi?" tanong nito. Sumandal ako sa lababo at napapikit.
"Hmm, taxi na lang siguro," sa pagmulat ko ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Sir.
Seryosong seryoso ang tingin nito sa akin na para bang may nalaki akong kasalanan.
"Okay, sige, mag-iingat ka. Text mo ako kapag wala kang masakyan, pupunta ako," sambit nito.
Hindi tinatanggal ni Sir ang titig sa akin, kaya hindi ko rin matanggal ang tingin sa kanya.
"Thank you, Yunard. Ibababa ko na," sambit ko.
Umayos ako ng tayo nang matapos ang usapan namin. Nakatitig pa rin sa akin si Sir habang nakapamulsa.
Babalik na sana ako nang magsalita siya.
"Let's talk," sambit niya
Napapikit ako humarap sa kanya.
"Ano 'yun, Sir?" tanong ko.
"Isang tanong, isang sagot. Ano mo ang lalakeng iyon?" sabay sulyap sa phone ko.
"Isa siya sa special sa akin," sambit ko. Imigting ang panga niya.
"Ako? Ano mo ako?" tanong niya na nakapagpakunot sa noo ko.
"Boss ko," sambit ko. napapikit siya at hinila ang kamay ko. Binalik niya ako sa sinasandalan ko kanina.
"I'm also special, I'm your first kiss, remember?" pumungay ang mata nito at inilapit ang sarili sa akin.
Magsasalita sana ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hahalikan niya sana ako, pero ibinaling ko ang ulo sa gilid.
"May girlfriend ka, Sir. Huwag mo akong halikan kong may girlfriend ka."
Muling bumalik sa isip ko ang nadatnan sa opisina niya. Bakit niya ako hahalikan kung pwede naman niyang halikan ang girlfriend niya.