Chapter 27: His Reflection

Isang sampal ang isinalubong kay Apollo nang makarating siya sa bahay nina Jopay. “Umalis ka dito, masamang nilalang,” galit na galit na sabi ni Liberty. Pinapakalma ito ng lalaking sa tingin niya ay kasintahan nito pero para itong tigre na nakawala sa matagal na pagkakakulong.

“No, I need to talk to Jopay.”

“Para saan pa? Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Anong palagay mo sa kanya ha, pervert? Alam mo iyan ang problema sa inyong mga lalaki eh. Kapag separada o kaya single mom, hindi niyo sineseryoso. Akala niyo puro sex lang ang kailangan. Jopay may be funny and childish, but she’s the most selfless and sensible person I know. Ngayon ko lang iyan nakitang umiyak! Hindi niya sinasabi kung ano ang nangyari pero nabanggit niya ang pangalan mo at ng kung sinumang malanding Imee na iyan!”

“Let me explain.”

“Anong explain ha? Kitang-kita ng dalawang mata ng pinsan ko ha! Akala mo diyan! Excited pa namang pumunta sa ‘yo si Jopay pagkauwi pa lang. Maaga pa lang bumangon na para magluto dahil panigurado ay nakasubsob ka na naman daw sa kung anu-anong dokumento pero iyon pala ay nakasubsob ka sa dibdib ng malanding babae mo!”

“It was a misunderstanding. Please, Liberty, I need to talk to your cousin. Where is she?”

“Wala dito, kung iyon ang gusto mong malaman!”

“I’ll be damned,” wala sa loob na napaupo siya sa baitang ng hagdan at nasabunutan ang sarili. Ayaw niyang umalis doon. Ang nanay ni Jopay ay inaasikaso siya at sinabing hayaan na muna ito dahil nag-iisip lang nang mabuti. Ang tatay naman nito ay galit na galit sa kanya. Nanatili siyang nakaupo sa upuan sa labas kahit tirik ang araw.

“Hey.”

“Hey,” ganting balik niya kay Nadia.

“What happened?”

“Please, Nadia, I want to know where she is. I’m gonna lose my mind if I don’t talk to her. Isang linggo na akong pabalik-balik dito.”

“Malaki ang kasalanan mo sa kanya, Apollo, sa totoo lang. Pero gusto kitang bigyan ng benefit of the doubt. Mahal mo ba talaga ang pinsan ko?”

“Sobra.”

“Kung ganoon bakit ka pa naghanap ng iba? Why did you use the idea of being a single mom desperately looking for a partner against her? She didn’t deserve the things you did to her.” Bahagyang nanginig ang boses nito. Agad na pinunasan nito ang mga luha at nagkuwento tungkol sa pinsan nito. Maya-maya ay kumalma ito at muling nagsalita. “Magkuwento ka na.”

“I got scared. I thought she was only using me for her own motives.” Mabilis niya isinalaysay ang narinig niyang usapan ni Jopay kasama sina Nadia at Liberty. “That morning she saw me sleeping naked with another woman, nothing really happened. Sigurado ako doon. I was drinking the whole night when Imee and her lawyer came to my house. It was a business meeting that was supposed to take place at the hotel. Nakalimutan kong pumunta. Nag-usap kami habang nag-iinuman pagkatapos ay umalis ang lawyer. Pinauwi ko na si Imee pero nag-insist siya na makipag-inuman saglit. Iyon lang. All I could remember was that my world was in circles. Wala na akong maalala maliban pa doon eh. Paggising ko nahilo at nagsuka. Buong araw akong hindi makabangon. Alam ko walang proof maliban dito,” aniya at inilabas ang cellphone para ipakita ang digital copy ng findings sa kanya. Dinala siya sa clinic ng Santuario nang maabutan siya roon ng mga kaibigan. “Sa mga salita at gawa ko lang siguro mapapatunayan pero mahal na mahal ko ang pinsan mo at hindi ko siya niloloko. Alam mo masakit marinig iyung mga sinabi niya sa inyo. Pakiramdam ko mukha akong tanga. Pero mahal na mahal ko siya eh. Sabi ko, okay lang, kung ganoon, I’ll make sure na magiging pure ang intention niya sa akin kasi magtampo man ako nang magtampo, hindi ko siya kayang tiisin eh.”

“You, moron,” humahagulgol na sabi nito. “Maghintay ka diyan.” Pagbalik nito ay dala nito ang cellphone nito at may ipinakitang video. “Panoorin mo iyan!”

“God! She really loves me. She loves me, right?”

“Yes!”

“Please tell me where I can find her.”

“I’ll think about it. Mamaya mo malalaman kung saan,” anito at pumasok na ng bahay ng mga ito.

“Damn!” Bumalik na siya sa kotse niya nang maintindihang wala siyang mapapala doon kahit anong gawin niya. Kung bakit ba naman kasi naduwag siyang kausapin ang dalaga. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa katangahan. Natakot siya para sa sarili dahil sigurado siyang kapag kinausap niya ito ay maniniwala siya kahit anong sabihin nito. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at sinagot iyon. Nangungulit ang mga kaibigan niya dahil gender reveal daw ng anak nina Lucas at Pamela. Ayaw niya mang pumunta ay nangako na siya.

NAKUKULILI na ang tenga ni Apollo dahil sa kakulitan nina Donatello at Alessandro. Abala sila sa paglilinis ng kinatay na baboy na kakainin nila. “Tumigil na nga kayong dalawa sa kakulitan niyo para matapos na natin itong niluluto.”

“Okay po, Sir Mat-Mat,” sabay na sabi ng dalawang alaskador saka kumanta kahit wala sa tono. “Jopay, kumusta ka na? Si Mat-Mat kasi nalulungkot, miss na miss ka na.”

“Shut up!” Natawa na sila pareho ni Lucas. Everyone would bet, he wasfinally hooked on love. Nagiging masungit siya kapag ang cute na singkit na babaeng laging kasama niya ang topic. Halata namang in love na in love siya sa dalaga pero in denial pa rin siya.

“Bahala ka kapag naging mummy iyang alaga mo. Hindi mo na magagamit iyan,” pang-aasar naman ni Jaime.

“Hindi ako manyakis. Iginagalang ko-” Natigil sa pagsasalita si Apollo kaya lalong nagtawanan ang mga ito.

“Para saan pa ang pagpapakita mo sa amin ng abs kung wala lang,” sagot naman ni Leandro.

“Bahala na nga muna kayo,” sabi niya at iniwan ang mga ito.

“Apollo, anak,” sabi ni Tatay Tiyago na nasa tabi niya na pala.

“‘Tay, pasensiya na po. Marami lang po akong iniisip.”

“Alam ko. Anak kung may problema ka, sabihin mo lang. Sa inyong walo, ikaw na ang tumayong kuya ng mga iyan. Magaling na magaling kang magtago ng emosyon mo pero hindi sa pagkakataong ito. Babae ba?”

Tumahimik siya saglit bago tumango dito. “Opo,” aniya at wala sa loob na nagkuwento.

“Mukhang malaki nga ang kasalanan mo. Pero huwag kang mag-alala. Sigurado akong mahal na mahal ka niya kahit hindi ko pa nakikilala. Hindi magiging ganoon ang reaksiyon niya kung wala kang halaga sa kanya. Lahat ng bagay ay madadaan sa maayos na usapan at kung mahal ka niya ay nararapat lang na pakinggan ka niya. Pakinggan mo rin siya. Naranasan ko rin ang naranasan niyong walo, alam niyo iyan.”

“Opo, ‘Tay.”

“Siya na ba?”

“Opo.”

Napangiti na ito. “Kailan mo dadalhin dito?”

“Kapag okay na kami, ‘Tay, dadalhin ko na agad dito para hindi makawala,” nakangiting sabi niya.