Chapter 28: Finding Her

Namumugto ang mga mata ni Tiffany habang nasa biyahe papuntang kumbento. Buong gabi siyang umiyak nang makita ang balita. Alalang-alala siya kay Leandro nang malamang ipinakidnap ito ng kanilang vice governor. Makakahinga na sana siya nang maluwag nang makita ang larawan ng mga ito na kahalikan si Stacy Ferrer, isa sa mga reporters na nag-cover ng balita. Alam niyang isa ito sa mga ex ni Leandro. Isa kasi ito sa mga pinag-awayan nila dati. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito. “Parang ikaw.” Pero bakit naman ganoon si Leandro? Nangako na ito sa kanya pero umulit na naman. Totoo nga siguro ang kasabihang “Once a cheater, always a cheater.”

Okay naman sana sa kanya eh. Naisip niya pang baka ang babae ang humalik at nasaktuhan lang sa camera kaya tinawagan niya ito pero hindi nito sinasagot ang tawag. Maya-maya’y nag-text lang ito. “I’ll have to deal with some things” wala man lang punctuation mark sa dulo. Pagdating sa mga babae, napakahina talaga nito at mabilis siya o silang kalimutan. Siguro naging diversion na naman siya dahil lang bored ito. Patuloy siya sa tahimik na pag-iyak sa biyahe.

Nang makarating siya sa kumbento ay pinatuloy naman agad siya ng bantay dahil nakikilala siya nito. Dala rin niya ang ilang kahon ng mga pagkain, damit, laruan, gamot, at toiletries para i-donate. Tinanguan niya ang mga madreng nakakasalubong at dumiretso sa opisina ni Reverend Mother at nagsumbong.

“Oh darling,” napapangiting sabi nito. “You love him, right?”

“So much. So much that it hurts, Reverend Mother. I never stopped loving him,” humahagulgol na sabi niya.

“Did you talk to him properly?”

“Hindi na po kailangan,” aniya at ipinakita ang text message nito.

“I don’t know what to say, hija. Alam kong may hindi magandang nakaraan sa pagitan niyo kaya madali para sa ‘yo ang magduda. Pero dapat ko lang ding sabihin sa ‘yo na kapag nagmamahal ka, handa ka dapat masugatan at magtiwala. Love, trust, and respect are mutually exclusive, and they should work together. Trust in the Lord that things will fall into place.”

“Ayoko po munang isipin. Nakikiusap po ako Reverend Mother, please allow me to stay here for a while, if it’s not too much to ask.”

“But of course! You may use your room since it is still unoccupied. Please rest, hija, and tomorrow, things will fall into place,” nakangiting sabi nito at inihatid na siya sa kanyang kuwarto.

TAHIMIK na umiinom Leandro sa bar kasama ang mga kaibigan. Nasa Sanctuario siya kaharap ang mga bote sa bar. Mag-iisang linggo na siyang absent pero parang wala siyang pakialam. Alam niyang stressed na ang secretary, si Belle, base sa mga text at email nito na niya sinasagot. Naaawa na rin siya dito pero hindi niya alam kung ano ang unang dapat gawin.

Hindi niya maintindihan ang usapan ng mga kaibigan niya na pare-parehong katabing babae na marahil ay bisita ng mga miyembro doon. May nagtangkang lumapit din sa kanya sa bar pero natakot ito dahil tiningnan niya nang matalim.

Bumalik lang ang atensiyon niya nang may tumamang tansan ng beer sa noo niya. Pagtingin niya ay ang makulit na si Donatello ang may kagagawan. “How is my friend who looks like shit tonight?”

Binato niya rin ito ng tansan na agad nitong naiwasan. “Asshole,” naiiling niyang sabi na ikinatawa lang ng mga ito. Ilang araw na din siyang naroon dahil nagmumukmok siya. Hindi niya pa rin mahanap si Tiffany dahil walang makuhang traces ang kanyang hired private investigator. Hula niya ay hinaharang ng pamilya nito ang mga impormasyon kaya wala siyang makuha. Napatingin naman ulit din siya sa mga ito nang sabay na magsalita sina Alessandro at Donatello. “Hi Andoy,” sabi ng mga ito sa pinalambing na boses.

“Wala kayong karapatang tawagin ako niyan,” napipikon na sabi niya sa mga ito.

“Bakit naman si Tiffany, pwede naman?”

“Hindi kayo si Tiffany.” Lalo lang siyang napikon nang magtawanan ang dalawa. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Natataranta niyang tiningnan iyon para lang malungkot lalo nang makitang hindi iyon galing kay Tiffany. Si Belle ang nag-text at halatang inis na inis na ito sa kanya. Pagbaling niya ng tingin sa katabi ay nakita niyang nabasa rin ni Isaac ang text nito. Matalim ang tingin nito sa kanya. “Pumasok ka na nga muna sa opisina! Inaapi mo si Belle ko.”

“Belle mo?” Nagkatinginan pa sina Donatello, Lucas, at Alessandro bago sabay-sabay na nagtawanan. “Uyy concerned si congressman sa Belle niya.” Ang pinsan niya ang napagdiskitahan ng mga loko. Sumali pa rin si Lucas.

“Shut up! Ayoko lang ng labor abuses dahil iyan ang priority ko ngayon.”

“Si Belle ang priority mo kamo. Balik-balikan mo ba naman sa office ng pinsan mo at halik-halikan,” pang-aasar ni Alessandro na tiningnan lang nito nang matalim pagkatapos ay si Lucas.

“Wala akong alam diyan, ‘tol,” sabi nito at nagkibit-balikat pero hindi pa rin mapigilan ang tawa.

Ayaw nang pansinin ni Leandro ang pag-aasaran ng mga ito. Natahimik din naman at itinutok ang atensiyon sa kasa-kasamang babae ng mga ito. Napatingin siya kay Jaime na iba na ang kasamang babae. Tiningnan niya ito nang matalim dahil magagalit si Tiffany at baka madamay pa siya. “Jaime, I’m telling you.”

“I know, ” sabi na lang nito at tumayo na. May ibinulong pa ito sa babae na humagikgik pa.

Siya na lang ang naiwan sa puwesto katabi ang pinsang si Isaac na may sabit din na babae. Tinapik siya nito. “‘Tol, if you love Tiffany, you should know her whereabouts, especially when she’s angry or hurt. Mahahanap mo siya I assure you. Sabihan mo lang ako at tutulungan kita,” anito at tumayo na.

Natawa na lang din siya nang may ideyang pumasok sa kanya. How could he forget one of their most treasured places. Muli siyang natawa nang makitang siniil ng halik ng babae si Isaac at mukhang naasiwa ang pinsan niya kaya iniwan itong mag-isa. “My Baby, wait for me. I think I know where you are,” sabi niyang parang may sayad na kinakausap na lang ang sarili.

Nagmamadali na siyang lumabas ng bar at pasakay na sa kanyang kotse nang marinig ang boses ni Apollo na mukhang kararating lang. “Where are you going, Leandro?”

“I’ll find my Tiffany.”

“Hindi pwede.”

Marahas na napatingin pa siya rito. “Bakit?”

“She won’t talk to you.”

“Paano naman nasabi iyan?”

“Just a guess. Besides, you should not drive when you are drunk.”

“I don’t care,” aniya at binuksan ang kotse. Wala na siyang pakialam na pumunta sa gate ng Santuario pero hinarang siya ng mga guard palabas. “Let me out!”

“Sir, hindi po pwede. Utos po ni Mr. Villafuerte,” tukoy ng mga ito kay Apollo.

“Talaga? Hindi rin ba kayo natatakot sa akin? I’m one of the owners here. I can fire you now.”

“Hindi ikaw ang masusunod,” narinig niyang sabi ni Apollo na sumilip lang din mula sa bintana ng kotse nito. “Follow me. We will talk at the baseball field,” pinal na sabi nito at nagmaneho na pabalik.

“Damn it,” naiinis na sabi niya at nagmaneho na rin kasunod nito.

PAGDATING niya sa baseball field ay naroon na ito katabi si Isaac sa bleachers at parehong umiinom ng beer. Nilapitan niya ang mga ito at umupo sa tabi ng mga ito. “Where are the others? Ano ba ang pag-uusapan natin? Bukas na lang kung tungkol iyan dito.”

“Tungkol sa iyo ang pag-uusapan natin,” simpleng sabi ni Apollo.

“While the others are busy banging their chic,” naiiling na sabi ni Isaac.

“But I think I already know where she is. I need to talk to her,” naiinis na sabi niya sa mga ito dahil hindi siya makalabas ng club.

“But I’ve already told you she won’t talk to you. Kaunting effort naman ‘tol dahil may problema kayo at alam kong may idea ka na kung ano iyon,” sabi ni Apollo.

“Damn that Stacy!”

“Pwede bang tumahimik ka muna, sasapakin na kita eh,” naaasar na sabi ni Isaac. Nagbukas ito ng bote ng beer at inabot sa kanya. Umupo naman siya sa sahig para nakaharap siya sa mga ito. Ilang minuto pa munang tumahimik sila bago muli siyang nagsalita.

“So ano ang point nito?”

“Hindi naman sapat na sorry ka lang nang sorry kay Tiffany, ‘tol. It sucks that it has to come from me,” si Apollo na naasiwa. “Pero kailangan niya ng assurance. Pupusta ako na may malinaw na label kayo pero wala naman siyang malinaw na assurance. Admit it ‘tol, you sucked big time kaya madali sa kanya ang magduda.”

Tumahimik muna siya at narealize niyang may point ang kaibigan niya. “So, what do you suggest?”

“You know the answer! Pag-isipan mong mabuti lalo na at magiging governor ka, nakakahiya ka minsan. May point ang kantang More Than Words pero mahalagang marinig pa rin iyon.”

Malapad na siyang napangiti nang maintindihan ang gusto nitong sabihin. “I guess I haven’t told her yet. Thank you, mga ‘tol!”

“Saan ka na naman ba pupunta?” Asar na asar na napakamot sa batok si Isaac.

“Of course, to my Tiffany.”

“Matulog ka muna nang maayos. Maligo ka bukas at ayusin mo ang hitsura mo dahil baka mainis lang sa iyo. Masasayang lang din ang session natin.” Natawa na lang din siya sa sinabi ni Apollo. Nagkuwentuhan pa sila hanggang parang mga bata na silang nagtatawanan at inaalala ang mga kalokohan nila. Lumabas ang masayahing bahagi ni Apollo na bihira lang nitong ipakita. Maya-maya ay nakarinig na sila ng mga paswit at mga sigawan.

“Magtatampo na kami niyan eh,” si Donatello. “May session kayo pero hindi kami kasama.”

“Tarantado,” naiinis na balik ni Isaac. “Nag-text ako sa inyo. Nasaan na ang mga babae niyo?”

“Done, of course,” nakangising sabi ni Jaime. Nakipag-high five pa ito kay Alessandro na pumapangalawa sa kalokohan sa grupo.

“Ikaw, Jaime, magagalit talaga sa ‘yo ang girlfriend ko. Ang bait ni Dorothy para lokohin mo,” naiiling na sabi niya na ikinasimangot nito.

“Back off, ‘tol. Hindi kita pinapakialaman sa mga diskarte mo ha,” halatang napikon ito pero huminga nang malalim. “Me and Dorothy are not an item. Trust me. We’re just friends.”

“Uyy ang showbiz,” chorus ng iba na ikinatawa na rin niya.

“Bahala na muna kayo diyan. I really want to get some sleep tonight. Mag-enjoy kayo diyan and see you next week,” aniya at mabilis na naglakad papunta sa kotse niya.